You are on page 1of 128

Lagim #Wattys2015

by DyslexicParanoia

Language: Filipino

CROSS GENRE
Dark Adult Romance • Spiritual Horror
Mystery • Suspense • Thriller

A Stand-Alone Novel
Copyright ⓒ DyslexicParanoia

Nakita mo na ba ang nagbabalatkayong Demonyo? Ang mukha ni Satanas, sa kanyang


tunay at hindi tunay na anyo? Mag-ingat kung sino ang iyong hinahangaan,
pinakikinggan, pinagkakatiwalaan at sinasamba. Dahil ang Prinsipe ng Kadiliman ay
humaharap sa kanyang pinakamaganda at kaaya-ayang mukha... Siya'y nananahan din sa
pinaka-banal na mga lugar.

***

SPECIAL CREDITS:

Wattpad Version

Book cover Graphic Designer: IcyliciousDhon


Book cover Illustrator: None
Book cover Editor: DPEditor Mac
Content Editor: DPEditor Mac
Assisting Editor: DPEditor Ross
Proofreader: PP Booba

=================

Lagim

Copyright ⓒ DyslexicParanoia

All rights reserved

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
=================

PROLOGO

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved.

PROLOGO

May mas sasakit pa ba sa mga dasal na walang tumatalima, at pagsisising wala nang
kabuluhan?

May mas nakaririmarim pa ba, sa paninimdim sa dilim, sa sigaw at palahaw na wala


nang makaririnig?

May mas nakapanghihilakbot pa ba, sa larawan ng paghihirap. Sa mga iyak at daing na


hindi na mapaparam kailanman?

Tumawag ang Diyos. Nayanig ang langit. Humiyaw ang mga mensaherong, tila mga
batingaw na umaalingawngaw sa dapit-hapon.

Humarang ang mga biyaya. Lumandas ang mga pagkakataon. Bukas man ang mga mata'y
'tila mga bulag namang nangangapa sa dilim.

Ito ang bagong karimlan...

Mga ilaw na walang liwanag.

Mga salitang walang kahulugan.

Mga boses na walang tinig.

Mga kagandahang walang buti.

Mga buhay na walang lalim.

Diyata't ang mundo nga'y pinaghaharian na ng mga aninong siya nating nababanaag sa
bawat pagtalikod sa liwanag.

O di kaya nama'y, ng mga kaaya-ayang bagay, na pinag-aalayan ng buhay, na unti-unti


namang pumapatay...

Ng isipan.
Ng katawan.

Ng kaluluwa.

=================

KABANATA 1

Copyright ⓒ DyslexicParanoia

All rights reserved

KABANATA 1

Pasukan na naman. Bakit nga ba, tila ako lamang ang hindi nasasabik pumasok sa
eskwelahan? Ah! kasi, oo nga pala. Ito'y dahil makikita ko na naman 'Sila'.

'Sila', sino nga ba 'Sila'? Malay ko ba kung sino 'Sila'. Basta't ang alam ko, tila
ako lamang ang nakakakita sa kanila.

Ako lamang.

Ako lamang talaga.

Ilang beses ko nang sinubukan kung nakikita rin 'Sila' ng iba.

Pero hindi.

Hindi talaga.

Hindi talaga sila nakikita ng iba.

"Victoria," Pagtawag sa akin ng isang pamilyar na tinig.

"Rico?" Ang nobyo ko, pero sikreto lamang ito.

Propesor kasi siya rito sa Unibersidad na aking pinapasukan, kung saan ang uri ng
aming relasyo'y hindi pinahihintulutan.

"Ano na naman ba ang tinitingnan mo?" Nilingon niya ang sulok kung saan nakatutok
ang aking mga mata.

Sa sulok kung saan 'Sila'y' tahimik na nakatayong paharap sa pader; hindi


gumagalaw.

"H-ha? W-wala." Pasulyap-sulyap ako sa dalawang multong bata.

Oo, mga bata ang nakikita ko ngayon. Mga batang maaaring edad apat hanggang lima.
Para silang kambal. Parehong-pareho kasi ang tabas ng kanilang mukha.

"Wala?" Sumulyap ulit ito sa sulok, "Eh bakit nakatingin ka ro'n at namumutla ka?"

Imbes na sumagot ay tumayo na lamang ako at sinugod siya ng halik.

"Na-miss kita, Victoria." Aniya, sa gitna ng aming nagtutunggaling mga labi.

"Na-miss din kita." Sagot ko, bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Paanong hindi ako pipikit? Gayung may nasisilip din ako sa gilid ng aking kanang
mata. Isa itong maputing mukha ng isang multong babae. Nakalapit ang kanyang mukha
sa amin, na para bang tinititigan niyang mabuti, ang detalye ng aming paghahalikan.

Oo. Nakakakita ako ng mga multo. Mga multong nasa paligid; mga kaluluwang
nakikihalubilo sa mga tao.

"Vicroria, I want you now!" Habang hinahagod ng kanyang mga labi, ang aking
magkabilang leeg.

"Huwag dito, Rico." Malambing na bulong ko. "Mag-motel naman tayo."

"H-hindi ko na kaya, Victoria. Dito na lang sige na..."

Hindi na ako nakatutol, lalo na nang binuhat na niya ako nang pasaklang sa kanyang
harapan, bago niya ako inilapag sa ibabaw ng teacher's table.

"Shit, Victoria!" Umpit na daig niya. Nagmamadaling tinatanggal ang kanyang


sinturon. "Bakit ba ngayon ka lang muling nakipagkita sa 'kin?" Binubuksan naman
niya ngayon ang butones ng kanyang pantalon. "Ano ba ang ginawa mo no'ng sembreak?"
Inilalabas na niya ngayon ang galit na galit niyang 'kanya'.

"N-nagbakasyon..." Sa pagsasak niya sa akin ng kanyang 'sibat'.

'Yun lang ang sinabi ko, pero nagsinungaling ako. Ang totoo, hindi naman ako
magbakasyon. Umiiwas lamang talaga ako sa kanya sa abot ng aking makakaya.

"Saan?"

Sa bahay.

"Sa Laguna."

"Grabe ka Victoria... ang sarap mo talaga!" Hindi siya magkamayaw sa panggigigil sa


akin.

Masarap? Mas masarap ba ako 'ika niya? Mas masarap kaya ako sa kanyang asawa?

"Will you shut up and just fuck me?!" Paangil na bulalas ko.

"Wow, ang bangis... I like that!"

Isa akong masamang babae. Isang masama at malibog na babaeng ginagamit ang aking
katawan upang makuha ang lahat ng aking mga kagustuhan.

"Sige pa Rico... diinan mo!" Mariing bulong ko malapit sa tenga niya.

Kailangan ko si Rico.

Kailangan ko siya, hindi lamang para maitaas niya ang aking mga marka, kundi para
na rin sa iba't-iba pang pabor na kailangan ko sa kanya.

Katulad na lamang ng pagnanakaw ng mga test papers at key answers. Para naman
maipasa ko rin ang mga eksamen ko sa iba ko pang mga propesor. Nauutusan ko rin
siyang palitan ang aking mga scores, sa pamamagitan ng pangingialam sa record books
ng kanyang mga ka-faculty members.

Madalas na siya rin ang gumagawa ng homeworks at projects ko. Pati na rin ang
paniniguro na malinis ang credentials ko. Lahat 'yun ay kapalit ng pagpapasasa niya
sa katawan ko.

Nag-umpisa na siyang humiyaw habang tila papalapit na siya sa kanyang sukdulan. At


bago pa man ako makakurap, ay dumating na rin naman siya kaagad sa kanyang
hangganan.

"Really?" Nakairap na sambit ko sa kanya. Nabitin kasi ako. Bitin na bitin.

"Sorry Victoria. Nanggigigil kasi ako. Ilang linggo na rin kasi nating hindi nagawa
ito." Hinuhugot na niya ang kanyang kakapirasong 'kanya'.

"Whatever." Inirapan ko siya habang bumababa ako sa kinauupuan kong lamesa;


sinundan 'yun ng aking pagyuko upang kunin ang aking panty na nalaglag sa sahig.

Sa aking pagdampot ay napasulyap ako sa aking kanang gilid. Doo'y nakita ko ang
isang lalaking matipuno; nakangisi ito sa akin. Naka-upo ito sa pinakagitnang
armchair sa silid-aralang 'yun. Naka de quatro. Hinihimas ang kanyang baba, habang
nakatuon ang kanyang kanang siko sa armrest.

Umiwas ako ng tingin. Tumunghay, tumayo at hindi na ito pinansin.

"Huwag ka nang magalit." Pagkarinyo ni Rico, "Kung gusto mo, ulitin na lang natin."

"Huwag na!" Naiiritang singhal ko, "Basta kapag may homework ako, ikaw ang gagawa,
ha?"

"O-oo. O-oo sige."

Hindi ko matiis na hindi muling mapasulyap sa lalaking nakangisi. Obviously. Ako


lang na naman ulit ang nakakakita sa kanya. Ang hindi ko lang malama'y kung sino at
ano siya; at kung bakit niya ako sinusundan saan man ako magpunta?

Hindi kasi ito katulad ng iba pang mga multong nakikita ko sa loob ng campus. Dahil
'di tulad ng mga ordinaryong multo sa school, nakikita ko rin ito, maski sa bahay
nami't iba't-ibang lugar na para bang... sadyang sinusundan niya ako.

Hindi naman siya lumalapit. Hindi rin umiimik. Basta't ganoon lamang siya.
Nakangising nanonood, kapag ako'y nakikipagtalik.

Oo. Nagpapakita lamang siya sa 'kin kapag ako'y nakikipagtalik:

Sa lahat ng mga nagiging kulasisi ng nanay ko.

Sa Kuya ko. Oo sa Kuya ko, sa mismong kapatid ko.

Sa eskwela.

Sa nobyong propesor ko, pati na rin sa iba't-ibang estudyanteng--mapalalaki man o


mapababae, na ginagamit ko, para makuha ko ang mga gusto ko.

Isama na rin natin ang may asawang Pastor, sa Christian fellowship na dinadaluhan
ko.
Pati na rin ang iba pang mga malilibog na tambay at kalalakihang nagbabasketball sa
may kanto.

Sa lahat sa kanila.

Sa 'pakikipagniig' ko sa lahat ng mga taong ginagamitan ko ng kagandahan at


alindog... ay nagpapakita ang napakaguwapo at matipunong lalaking 'yon.

***

"O, bakit sambakol na naman ang mukha mo?" Tanong ng bestfriend kong si Marco.
Kinatagpo ko siya sa cafeteria, pagkatapos kong makipagmilagro.

"Don't ask. Bad trip ako." Sabay itsa sa akin bag sa lamesa, bago ako
nakapangalumbabang naupo.

"Bakit na naman?"

Imbis na sumagot kaagad ay ngumuso muna ako.

"Marco." Habang pinagmamasdan ko, ang pagsubo at detalye ng pagnguya niya sa


kanyang sandwich.

"Bakit?" Habang ngumunguya siya.

"Jugjugan tayo."

Naibuga muna niya ng kinakain niya, bago umuubong ininom ang kanyang soda-in-can.

"What the fuck is wrong with you this time?" Aniya. Halatang buwisit na buwisit sa
akin.

"Nabitin ako. Nilabasan kasi kaagad si Rico eh." Nakapangalumbabang nakanguso pa


rin ako.

"Ano?!" Nakakunot-noo siya. "Nakipagkita ka na naman sa kanya?!"

Hindi ako nagsalita. Nakatitig lamang ako sa napakaguwapo niyang mukha. Isa siyang
mestisuhing chinito, matangkad, malakas ang dating, kahit medyo payat.

"May asawa't anak 'yun ah!" Nagbabaga ang mga titig niya sa akin.
"Eh ano naman," Sagot ko, "Wala naman akong intensyong agawin siya sa pamilya niya
ah. At saka, kailangan ko lang naman siya para makapasa ako, bukod sa, para na rin
may panahon akong makapaglakwatsa. Siya na raw kasi ang gagawa ng homeworks at
projects ko bata-t--"

"You're sick." Anya; salubong ang kanyang magkabilang kilay.

"Sick na kung sick. Eh sa ganito na 'ko eh."

"Hindi ka ganyan! Hindi ka ganyan dati! Ano bang nangyayari sa 'yo?!"

"Ang nangyayari sa akin? I'm just having fun and enjoying life to its fullest. Ikaw
ba? Enjoy ka ba sa iyong celibate existence? I'm sure not, 'cause you are missing a
lot of things. So ano? Yayariin mo ba ako, o hindi?"

"No!" Bulyaw niya, "You sick fuck!" Bulalas niya, bago ito tuluyang nag-walkout.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 2

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved.

KABANATA 2

"Teka nga sandali!" Hiyaw ko, habang hinahabol ko si Marco.

Hindi niya ako pinapansin.. Nagdirediretso lamang ito sa paglalakad; nagmamadali.


Halatang binibilisan at nilalakihan ang kanyang mga hakbang, upang hindi ko siya
abutin.

Pero determanado ako. Kaya naman tumakbo na ako hanggang sa maabutan ko siya't
mahagip sa kanyang braso.

"Marco, sandali nga!"

"Bitiwan mo nga 'ko!" Hiyaw niya sa mukha ko; pabiglang binawi rin niya ang kanyang
braso.

"Huwag ka nang magalit, para binibiro lang naman kita eh!"


"Binibiro? Pwes! Hindi maganda 'yang biro mo!" Singhal niyang muli; may halong
pandidilat pa ng kanyang mga mata, "Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo, ha?! Hindi
ka naman dating ganyan ah!"

"Ibaba mo nga ang boses mo, please?" Sabi ko, habang lumilinga-linga sa paligid.
Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao.

"Ibang klase ka rin 'no," Ibinaba na naman niya ng kaunti ang kanyang tono,
"Nahihiya kang mapagtinginan ng mga tao, pero hindi ka nahihiya sa mga pinaggagawa
mo?! Ano ba talaga ang problema mong babae ka?! Nag desi-otso ka lang, nagkaganyan
ka na!"

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya; pansamantala akong napatulala. Lalo na't may
nakikita na naman akong hindi kaaya-ayang nakatayo sa may bandang likuran niya.

Isa 'tong lalaking putlang-putla ang mukha. Wala naman itong ginagawa. Nakatayo
lamang ito sa bandang likuran ni Marco. Halos nakadikit na ang mukha nito sa batok
ng bestfriend ko. Nakatunganga lamang naman ito ro'n na tila may sinisipat sa
likuran ng kuwelyo ni Marco.

Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Kinilabutan ako para kay Marco. Magsa-siyam na
buwan na rin akong ganito. Magsa-siyam na buwan simula nang ako'y maging desi otso.

"Hoy!"

"H-ha?"

"Anong ha? Hindi mo ba narinig ang tanong ko?"

"Hindi ko rin alam, Marco." Halos pabulong na sagot ko; hinihilot-hilot ko ang
aking sentido, "Hindi ko rin alam ang nangyayari sa 'kin."

"Anong hindi mo alam?" Iritableng tanong niya, "Pwede ba 'yun? Isa ka sa pinaka-
level headed na taong nakilalala ko, kaya't napaka-imposible naman na hindi mo alam
ang pinaggagawa mo. Ano na? Ano ba talaga?"

"Bakit," Medyo humihikbing tanong niya, "Kung sasabihin ko ba sa 'yo, maniniwala ka


ba?"

Natigilan siya. Medyo lumalim at bumilis na rin ang kanyang paghinga.

"Try me." Seryosong sagot niya.


Pagkasabi ko noon, ay hinila ko na siya sa mas pribadong lugar. Sa isang bakanteng
classroom.

"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito?" Halatang naiinip na siya, sa paraan ng


pagtatanong niya sa akin.

Ang totoo. Hindi ko alam kung papaano ko uumpisahang ilahad sa kanya ang mga
nangyayari sa akin. Lalo pa at bukod sa hindi ko rin talaga sigurado, ay medyo
natatakot ako na hindi nya ako paniniwalaan.

"I think I am..."

"You're what?"

"I am..."

"What?!" Medyo mataas na ang tono niya.

"Possessed."

Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

"What do you mean?"

Hindi pa man din niya nakukumpleto ang kanyang tanong na iyon, ay tila may kung
anong di nakikitang elemento, o enerhiya ang sumaklob sa aking katawan.

"Shit!" Sabi ko, habang parang kiti-kiting hindi mapakali ako sa aking kinauupuan.

"Shit, what?!" Medyo natatarantang utas ni Marco.

"I don't know... I don't know!" Para na akong kinukuyente ng kung ano, bagama't
pinaglalabanan ko naman ito.

"What do you mean you don't know?"

"Hindi ko alam ang nangyayari sa akin Marco." Naiiyak na ako, "Basta't ang alam ko,
nagising na lang ako sa mismong ikalabing-walong taong kaarawan ko, na ganito na
ako."

"What do you mean ganito?"


"Ganito! H-hindi ko na kontrolado ang katawan ko! Ahhh!" Ramdam ko ang pagguhit ng
hindi ko matukoy na enerhiyang nanonoot sa aking mga ugat; dahilan kung bakit
napakapit ako nang mahigpit, sa pasimano aking kinauupuang armchair.

Ilang segundo rin ang lumipas, bago tuluyang humupa, ang tila kuryenteng nanoot sa
aking pagkatao. Sa ilang segundong 'yon, ay nakatulala lamang sa akin si Marco.
Nakanganga. Dilat na dilat ang mga mata.

"What was that all about?" Pagbasag niya sa aming katahimikan.

"Hindi ko sigurado, Marco." Nanlalatang sagot ko, "Ang alam ko lang, nagkaganito na
ako simula nang ako'y mag-desi-otso. Nakakakita ako ng mga nilalang na hindi
nakikita ng ibang tao. Kaalinsabay ito ng, parang tila may sumasakop sa aking
pagkatao, na siya namang nagtutulak sa akin na gamitin ang katawan ko, para
makipagtalik kung kani-kanino. Mapababae man o lalaki."

Hindi makapagsalita si Marco. Nakakunot ang noo.

"Tulungan mo 'ko." Pagtutuloy ko, "Paniwalaan mo naman sana 'ko. Hindi ko rin gusto
ang nangyayaring ito. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi na ng katawan ko. Nandidiri ako,
lalo na kapag naiisip kong pati ang kapatid ko'y tinukso at pinatos ko."

Lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Halatang hindi makapaniwala sa mga naririnig
niya.

"You did what?!" Mataas ang kanyang boses.

"'Yun pa lang ang naririnig mo, nagugulat ka na?" Naiiyak na sambit ko, "Paano pa
kaya kung malalaman mo pa ang iba."

"Iba? Anong iba?"

"Humingi ako ng tulong sa Pastor namin. Umaasang matutulungan niya akong mapaalis
ang kung ano man itong elemento na susmasakop sa aking pagkatao. Pero mas lalo
lamang lumala ang problema ko, dahil pati ang Pastor na 'yon ay pinatos ko."

"What the--"

"Hindi lang 'yan. Marami pang iba. Araw-araw iba-iba. At ngayon nga"y parang may
nagdidikta sa akin, na ikaw naman ang aking yayai--"

"Stop right there..."

Nag-umpisa na akong umiyak.


"You're fucked up!"

"I know."

"Kumunsulta ka na ba... kahit kanino?"

"Hindi pa. Sa iyo ko pa lang nasasabi ang tungkol ang mga pinagdadaanan kong 'to."
Humahagulhol na ako, "Tulungan mo ako, Marco." Hinawakan ko ang kanyang braso,
"Pakiramdam ko'y unti-unti na akong winawasan ng kung ano man itong sumasakop sa
katawan ko."

"Kailangan mo muna magpatingin sa isang eksperto."

"Anong klaseng eksperto."

"May kilala akong Psychiatrist."

"Hindi ako baliw, Marco!"

"Oo, naniniwala naman ako, sa 'yo." Anya, "Pero kung sinasapian ka nga, tulad ng
iniisip mo. Kailangan muna nating i-eliminate ang Psychological factor, bago tayo
bumaling sa... s-sa iba pang eksperto."

"Ibang eksperto? Anong klaseng eksperto?"

"Ibang eksperto, katulad ng mga espiritista, a-albularyo o di kaya nama'y i-isang


exorcist."

"Sasamahan mo ba ako?"

"Oo, sasamahan kita. Huwag kang mag-alala. S-sa ngayon, kailangan mo munang
kontrolin ang sarili mo. Alam mo naman palang winawasak ka. Kaya dapat lang na mas
paglabanan mo ito. Kakausapin ko na ang Psychiatrist na kakilala ko. Para ma-check
ka na niya sa lalong madaling panahon."

"Lalaki ba ito, o babae."

"Babae."

Nakahinga ako ng maluwag.


[Itutuloy]

=================

KABANATA 3

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 3

"Lumayas ka na rito!" Bulyaw sa akin ng aking ina pagkarating na pagkarating ko pa


lamang sa aming bahay. "Haliparot kang walanghiya ka!" Ibinato niya ng mga damit ko
sa mukha ko.

Sa 'dating' ako, umiiyak na siguro ko. Kaya nga medyo nagugulat din ako sa 'bagong'
ako, dahil tila balewala na lang ito.

Nginisian ko siya, "Alin ba ang ikinagagalit niyo?" Kalmadong sagot ko. "'Yung
tungkol kay kuya? O 'yung sa bagong mong kulasisi?"

"A-ano ang tungkol sa anak ko?!" Namumutla siya.

Anak niya? Bakit? Si kuya lang ba ang anak niya? Aha! Mukhang 'yung tungkol sa
bagong kulasisi niya ang tinutukoy niya.

Oh well, kaninang umaga lang kasi 'yun. Malay ko ba na napakadali lamang palang
tuksuhin ng manyak na 'yun. Akalain mong, tumuwad lang ako ng kaunti para pulutin
ang sapatos ko, ay sinunggaban na kaagad ako?

"Bakit hindi siya ang tanungin niyo?" Sinusulyap-sulyapan ko ang namumutlang kuya
ko, sa likuran niya.

"Alvin!" Hiyaw niya, bago niya nilingon ang kuya ko na nakatayo sa bandang likuran
niya, "Ano ang pinagsasasabi ng demonyitang 'to?" Dinuro-duro pa ako nito.

"Tinukso po niya ako Mama!" Mangiyak-ngiyak na sagot ng pesteng Mama's boy, "Siya
ang pumupunta sa kuwarto ko gabi-gabi, para gapangin ako!"

Parang tinamaan ng kidlat si Mama, sa sobrang pagkagulat at pamumutla.

"Ganun lang ba, kuya?" Nanunuyang sabi ko. "Bakit hindi mo sinasabi sa kanya, 'yung
parteng, gusto mo rin naman? Na hinihintay mo talag--"
"Demonyita ka talagang babae ka!" Papasugod na hiyaw sa akin ni Mama. Sinabunutan
kaagad ako nito. "Manang-mana ka talaga sa halimaw mong ama, at sa ina mong puta!"

Katahimikan.

Maging siya'y bigla na lamang natahimik. Binitawan din niya, ang aking buhok.

"Ano ang ibig niyong sabihin?!" Pagbasag ko sa katahimikan. Napapasulyap ako sa


matandang kumadronang nakaupo sa tarangkahan ng kanyang bahay--na katapat naman ng
aming bahay. "H-hindi ba kayo ang tunay kong ina?"

Hindi umimik si Mama. Lumayo ito sa akin at saka tumabi kay kuya Alvin.

"Lumayas ka na rito." Kalmado't mababa ang tono ng kanyang boses; nakatingin ito sa
lupa. "At huwag ka nang magpapakita pa kahit kailan." Akmang tatalikod na siya.

"Mama!" Hiyaw ko, "Kung hindi ikaw ang ina ko! Sino ang ina ko?"

"Pakialam ko ba kung sinong ina mo?" Nananatili naman siyang kalmado. "Basta't
lumayas ka na rito. Ayoko nang makikita pa ang pagmumukha mo!" Bago niya hinatak si
kuya papasok sa loob ng bahay at isinarang pabalibag ang pinto.

Nanlulumong dinadampot ko isa-isa, ang nagkalat kong maruruming mga damit; sa


putikan kasi inihagis ni inay ang mga ito.

"Kilala ko ang tunay mong ina." Wika ng matandang kumadrona sa aming tapat. "Ako
ang nagpaanak sa kanya, noong isinilang ka." Halos pabulong ang pagkakasabi niya.

Lumapit ako sa kanya, at umupo sa kabilang dulo ng mahabang bangkong kinauupuan


niya.

"Kilala niyo po?" Tanong ko agad. "S-sino po? Sino po ang tunay kong ina? Nasaan na
po siya?"

Imbes na sumagot, ay tumayo ito't hinawakan ang aking braso. "Halika." Aniya, bago
niyo ako hinatak papasok sa kanyang maliit na bahay. Naghalwat siya ng mga photo
albums--na isa-isa naman niyang binuklat sa tabi ko.

"Ito ang 'yong inang si Allena." Itinuturo nito ang larawan ng isang magandang...
madre. "At ito naman ang 'yong amang si Eduardo."Itinuturo naman nito ang isang
guwapong... pari.

Nanlaki ang mga mata ko; pinipilit makaahon sa matinding pagkagulat.


"Isang pari ang tatay ko, at isang madre ang tunay kong ina?!" Napalakas ang
pagkakatanong ko sa kanya.

Tumango ito.

"Bakit gano'n?" Mangiyak-ngiyak na ako, "P-papaanong nangyari 'yun?" Nanginginig na


rin ako.

"Hindi sinasadyang nagkagustuhan ang mga magulang mo," Marahang sabi niya, "Habang
ginagampanan nila ang mga napinili nilang bokasyon. Hindi pinahihintulutan ng
simbahang katolika ang pag-iibigan nilang 'yon, kaya't napilitan silang ilihim ang
kanilang relasyon... m-maging ang 'yong kapanganakan."

"Pero paano po ako napunta kay Mama?"

"Nakatatandang pinsan ni Nena," Nena, ang pangalan ng kinilala kong ina, "Si
Allena." Ang tinutukoy ng matandang kumadronang tunay ko raw na ina. "Sa kanya ka
palihim na naihabilin ng iyong ina, bago siya muling bumalik sa kumbento."

Hindi ako makapagsalita.

"Eh ang ama ko po?" Tanong ko, "Nana Nora." Ang pangalan ng matandang kumadrona,
"Nasaan na po siya?"

"Sa huling pagkakaalam ko," Anya, "Ang iyong ama, ay nakatalaga na ngayon sa Roma.
Kung saan siya'y naninilbihan pa rin bilang isang... pari."

"May nalalaman man lang ba siya tungkol sa akin?"

Tiningnan muna niya ako ng makahulugan.

"Oo. Alam niya ang tungkol sa 'yo."

"At pinabayaan na rin lang niya ako?"

Hinawakan ng matanda ang aking mga kamay at...

"Kung wala kang matutuluyan." Anya, "May pagdadalhan ako sa iyo. Sigurado ako,
matutuwa sila kapag nakita ka na nila."

"Sinong sila?"

"Sila." Nakapangingilabot ang kanyang ngiti. "Silang mga nagbabantay sa 'yo, kahit
saan ka magpunta," Kinabahan ako, "Silang mga tulad ko na sinisigurong nasa maayos
ka," Mas lalong tumindi ang lakas ng pagtibok ng puso ko, "Akala mo ba magtatiyaga
akong manirahan sa maliit na bahay na 'to kung 'di dahil sa 'yo?"

"A-anong ibig ninyong sabihin?"

"Malalaman mo rin?" Lalo akong kinabahan nang tila unti-unting namumula ang kanyang
mga mata. "Kapag nakilala mo na sila, magiging malinaw din sa 'yo ang lahat."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 4

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 4

Wala na yatang mas nakakikilabot pa sa mga katagang iyon. Sinusundan daw nila ako?

Nila? Marami sila? Sino sila? At bakit naman nila ako binabantayan?

"P-Po?" Kinakabahan ako at alam kong nahalata ito ng matanda, "S-Salamat na lang
po. M-may matutuluyan naman po ako eh."

Nagsinungaling ako.

"Saan naman?"

"S-sa kaibigan ko po?"

"Sinong kaibigan?" Biglang tumalim ang mga titig niya sa akin, "'Yung lalaking anak
ng mayamang negosyante?"

Lalo akong kinabahan. Paano nila nalaman ang tungkol kay Marco?

"H-Hindi po..."Dali-dali kong isinilid sa aking bag ang mapuputik kong mga damit.
"S-Sige po. A-alis na po ako!" Tumayo na ako bago walang isang kurap na humagunot
palabas ng pintuan at saka walang lingunang tumakbo papalayo.

Dumidilim na ang kalangitan; mukhang uulan na naman. Nakabubuwisit na ganito pa ang


nagbabadyang mangyari kung kailan wala na akong masisilungan. Saan nga ba ako
pupunta?

Hindi ko alam.

Ayoko namang pumunta kina Marco. Nahihiya kasi ako sa mga magulang niya. Alam ko
naman kasing hindi nila ako gusto, kahit maging kaibigan man lamang ng anak nila.
Siya na lang ang kaibigang maituturing kong totoo, wala akong balak na idamay siya
sa di niya kasalanang resulta ng mga kabulastugan ko.

Bahala na. Bahala na kung saan ako mapadpad. Bahala na kung saan ako dalhin ng
aking mga paa sa paglalakad.

Umabot pa naman ako ng kalahating milya bago ko naramdaman ang pag-ambon. Ang pag-
ambon na hindi kalauna'y naging ulan; isang malakas na ulang nagdulot ng mga sanaw
at mababaw na baha sa daan.

Tumakbo ako. Bagama't hindi ko alam kung saan ako tutungo'y sumigi-sige lamang ako
sa pagtakbo. Wala akong nasasaisip ngayon kundi ang makahanap ng masisilungan ko.
At kailangan kong gawin ito, sa lalong madaling panahon.

Hindi ko man sigurado kung saan ako eksaktong napasilong, ang mahalaga'y tuyo ako
ro'n. Tumingin ako sa relo. Ala sais na pala ng hapon, ngunit ang susunod ko namang
problema'y kung saan naman ako paroroon?

Saan ako magpapalipas ng gabi? Wala naman akong ibang kamag-anak, kundi ang
kinilala kong ina. Napapaisip tuloy ako, kung tama bang tinanggihan ko ang alok sa
akin ni Nana Nora kanina?

"Hija," Isang tinig ng babae na nagmumula sa aking bandang likuran. "Bakit hindi ka
muna pumasok sa loob?" Isa itong madreng naka-belong itim--naka-itim din itong
abitong halos sumayad na sa lupa.

Nilingon ko ang aking kinasisilungan. Isa pala itong maliit na sinaunang simbahan o
kapilya. Yari ang kabuoan nito sa magaspang na bato, na kahit saang anggulo mo
sipati'y puros kulay abo.

"Pwede po ba?"

"Bakit naman hindi?" Nakangiting sagot ng madre. "Tahanan ito ng Panginoon. Ang
lahat ay maaring pumasok sa loob." Binubuksan na ng Madre ang pintuan sa unahan ng
simbahan. "Tamang-tama nga ang dating mo. Mag-uumpisa na ang misa, kalahating oras
mula ngayon."

Napatingin ako sa kalsada. Mukha ngang may magagandap doong misa. Unti-unti na
kasing nagsisidagsaan ang mga tao, na pawang may kani-kanyang mga bitbit na payong.
"Magandang hapon po, Sister Aurora." Pagbati ng bawat parokyanong dumaraan. Pawang
mga nakatingin sa Madreng nagpa-anyaya sa akin

"Magandang hapon din naman." Sagot naman ng madre sa bawat bumabati sa kanya.

Halos mapuno na ang maliit na simbahan--o kapilya, na 'yun. Pero hindi pa rin ako
makagalaw sa aking kinatatayuan. Pinagmamasda't nililingon ko lamang ang bawat
dumaraan, bagama't ni isa sa kanila'y hindi ako pinapansin sa aking kinatatayuan.

"Hija." Muling pagbaling sa akin ng madreng nagngangalan palang Aurora. "Pumasok ka


na at maupo." Nauna na itong naglakad sa loob ng simbahan.

Sinundan ko ito, bago ako naupo sa dulo ng pinakahuling bangko sa kanan. Agad kong
nilingon ang nasa aking kaliwa't napansing may kasama itong batang babae. Nakaupo
ito nang paharap sa kanya--sa mismong luhuran sa tapat niya.

"Gusto mo bang sumuksik dito?" Tanong ko sa bata. Tiningnan lamang ako nito. Hindi
ito nagsalita. "Halika rito oh!" Umuusog na ako nang pakanan, upang magkaroon ng
espasyo sa aking kaliwang tabi.

"Miss." Sambit ng babae sa aking kaliwa. Mukhang itong edad quwarenta paitaas "Sino
ang kausap mo?"

Tumingin ako sa kanya, bago ako muling tumingin sa bata.

"Siya." Pagturo ko sa bata, sa may harapan niya. "Anak mo ba siya?"

"Sinong siya?" Tanong ng babae. Sinisipat ang direksyong itinuro ko.

Natigilan ako. Muli kong tiningnan ang bata, na ngayo'y ginulantang na ako ng
nakakikilabot nitong pagngisi. Nakatutok ang paningin nito sa akin, habang ang
palibot ng kanyang mga mata'y tila yata lalong umiitim sa aking paningin.

Naging maputla na rin ang balat nito. Tila nagdurugo na rin ang bitak-bitak na labi
nito. Kinabahan ako. Lalo pa't mukhang ako lamang na naman ang nakakakita sa batang
'yon.

Ano ba ang nangyayari? Dati-rati'y sa eskwelahan lang ako nakakakita. Mukhang kahit
dito sa loob ng simbaha'y nagpapakita na rin sila.

'Sila'. Sino nga ba 'Sila'? Diyata't habang tumatagal, ay mas dumadalas ang
kanilang pagpapakita.

Ipinikit ko ang aking mata. Pero lalo lamang ako nanlamig sa mga naramdaman ko.
Naramdaman ko kasing kumalong ang bata sa akin. Ramdam ko rin na tila may iba pang
mga katulad niya ang nakasilip sa aking magkabilang leeg.

Lalong tumindi ang tunog ng pagtibok ng aking puso. Pilit na nagdarasal at umaasang
wala akong makikitang nakapanghihilakbot kung imulat ko man ang aking mga mata.

"Tantanan niyo ako!" Hiyaw ko sa isipan ko, bago ko pabiglang iminulat ang aking
mga mata.

Gamuntik na akong takasan ng ularat nang ang aking mga kinatatakuta'y akin nang
nakumpirma.

Pitong mga kakilakilabot na mga mukha--ng dalawang batang babae, tatlong batang
lalaki, isang madre at isang pari, ang halos mga nakadikit na sa aking nagkabilang
leeg, magkabilang pisngi, tuktok ng ulo, pati na sa aking mukha.

Lahat sila'y pawang nakangisi sa akin, sa kakilakilabot na paraan.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 5

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 5

"Hija..." Isang tinig ang umaalingaw-ngaw sa aking pandinig, "Hija!" Nagliwanag na


rin sa wakas ang aking pag-iisip, "Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Bumulaga sa akin
ang mukha ni Sister Aurora.

Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ng taong naabot ng aking paningi'y mga
nakatingin at nakalingong lahat sa akin.

"A-ano po bang nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Ayon dito kay Nedy," Itinuro ang babaeng nasa aking kaliwa, "Bigla ka lamang daw
nagkikisay sa kinauupuan mo bago ka nawalan ng malay."

Noon ko na namalayang nakalupagi na pala ako sa sahig.

"Eto po ang tubig, Sister." Sabi ng batang sakristan; iniaabot nito ang isang baso
ng tubig kay Sister Aurora.

Kinuha naman 'yon ni Sister Aurora, bago nito ito iniabot sa akin. Uminom lamang
ako ng kaunti, bago ko isinauli ang baso sa kanya.

Naramdaman kong may dalawang lalaking umakay sa akin upang maibalik ako sa
pagkakaupo ko sa bangko. Naiilang pa rin ako, dahil sa hindi ko mabilang na mga
taong nakatingin pa rin sa kinaroroonan ko.

"Ano bang nangyayari rito?" Tinig iyon ng isang lalaking nagmumula sa likuran ng
mga nakikiusyosong parokyano.

Nahawi ang dinadaanan nito; isa pala itong matandang pari. Iika-ikang lumapit ito
sa akin--inaakay ito ng dalawang sakristang kapwa nakatingin din sa akin.

Natulala ako, ngunit hindi sa matanda, kundi sa isang mas nakababatang lalaking
naka puting abito ng pari sa likuran ng nito. Nakatitig ito sa akin. Nakatingin sa
paraang walang kasing talim.

"Father Gaudencio," Bungad ni Sister Aurora sa nakatatandang Pari. Papasugod din


upang alalayan ito. "Ito po kasing si..." Timingin sa akin ang madre, na tila
hinuhudyatan akong sambitin ko sa kanila ang aking pangalan.

"Victoria po." Mahinang sagot ko.

"Victoria," Pagtutuloy ni Sister Aurora, "Ay bigla na lamang pong nawalan ng


malay."

"Ganun ba?" Sabi ng Paring tinawag nilang Father Gaudencio, "Ano ba ang
nararamdaman mo, hija? Nahihilo ka ba?"

"Medyo po." Mahinang sagot ko.

"Kaya mo pa bang dumalo sa Misa?" Tanong ni Sister Aurora

Hindi ako nagsalita. Napapasulyap ako nakababatang paring masama pa rin ang tingin
sa akin.

"Taga saan ka ba, ha, hija?" Tanong ulit ni Father Gaudencio.

Taga saan nga ba ako? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nag-aalinlangan naman
akong sabihin sa kanilang lahat na wala talaga akong matutuluyan.

"Para ipahahatid na lang kita, sa bahay ninyo." Dugtong ng matandang pari.


Imbes na sagutin siya'y yumuko na lamang ako. Napapahiya na rin kasi ako dahil sa
sabay-sabay na pagtitig sa akin ng mga tao.

"H-huwag na po." Kinakabahan akl. "G-gusto ko pong dumalo s-sa m-misa."

Bigla na naman akong nataranta. May natatanaw kasi kong isang matangkad na imahe
ng isang lalaking naka-itim na abito ng pari. Nakatayo ito sa mismong harap ng
pulpito, na nasa kanang bahagi naman ng altar. Nakangisi ito sa akin. Kapansin-
pansin, na kamukhang-kamukha niya ang lalaking parating sumusunod sa akin--'yung
lalaking parating nanonood sa pakikipagtalik ko sa iba't-ibang lalaki.

"Sigurado ka ba?" Tanong sa akin ng matandang pari.

Bago pa ako nakasagot ay tila lumilindol. Muli akong napatingin sa may Pulpito,
ngunit wala na ang lalaking nakita ko ro'n kanina. Bagkus, ay nakita kong muli ang
pitong kakilakilabot na nilalang--o multo, na nakahalubilo sa mga tao. Nakangisi pa
rin silang lahat sa akin, kaya't muling napapikit ako.

"Lubayan niyo ako!" Sigaw ko.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Dinig kong tanong ni Sister Aurora sa gitna ng
pagbubulungan ng mga tao.

"Tulungan niyo po ako!" Hiyaw ko sa madre--nakapikit pa rin ako. "Parang awa niyo
na po." Pilit ko siyang kinakapa.

Naramdaman kong hinila niya ako at inalalayan papunta sa kung saan. Nakapikit pa
rin ako habang naglalakad kami. Unti-unti nang tumatahimik ang paligid, kaya't
batid kong dinala niya ako sa mas pribadong lugar.

"Ano ba talagang problema mo, hija." Tanong niya, matapos niya akong paupuin.

Unti-unti ko nang binuksan ang aking mga mata. Tumingin sa kanya't sa paligid.
Nakita kong nasa silid din ang matandang pari--maging ang nakababatang paring
nakasimangot pa rin sa akin.

"Hindi ko rin po alam." Sagot ko, "At kung sabihin ko man sa inyo, baka hindi naman
po kayo maniwala."

"Subukan mo kami, hija." Sabi ni Father Gaudencio.

Nag-aalinlangan man'y ikinuwento ko sa kanila ang mga nararanasan ko. Ang pagbabago
ko simula ng aking ikalabing-walong kaarawan. Pati na rin ang sari-sari kong
nakikita sa aking kapaligiran.
"Unang tingin ko pa lamang sa 'yo." Sabi ng nakababatang Pari, "Alam ko na."
Nakatingin pa rin ito sa akin nang matalim. "Nasa mga mata mo."

Tiningnan tuloy nina Father Gaudencio--at Sister Aurora, ang aking mga mata sa
malapitan.

"Nasa mga mata mo... ang mga mata ng Diyablo!" Pagtutuloy ng mas nakababatang Pari.

Kinabahan ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Sinasabi ba niya na sinasaniban nga
ako ng demonyo?

"Malakas po ang pakiramdam ko na may sumasanib nga po sa katawan ko." Mangiyak-


ngiyak na utas ko. "Makukumpirma niyo po ba kung sinasaniban nga ako ng Diyablo?"

Umiling-uling ang nakababatang pari.

"Kilala kita." Anya. Seryoso ang kanyang mukha. "Kilala ko rin ang mga magulang
mo."Lumapit siya sa kinaroroonan ko, "Kaya alam kong..." Minudukot siyang kung ano
sa kanyang likuran. "Ikaw mismo." Habang nagiging malinaw kung ano ang dinudukot
niya. Isa itong boteya... ng tubig. May markang krus ang botelyang 'yun. "Ikaw
mismo ang walang buhay na batang inialay nila sa Diyablo!" At saka niya iwinisik sa
akin ang banal na tubig.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 6

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 6

Humiyaw ni Sister Aurora nang natilamsikan siya ng banal na tubig. Agad na nagnak-
nak ang mga nawisikang bahagi ng kanyang balat. Tila unti-unti namang kumalat ang
mga naknak na 'yon sa kanyang buong katawan.

Ang baho. Kaamoy niya ang nabubulok na bangkay habang siya'y mistulang naagnas.

Tumingin ako sa nakababatang pari. Seryoso ang mukha nitong tila hindi naman
nagugulat sa kanyang mga nakikita. Kapansin-pansing nakatuon na ngayon ang kanyang
paningin, sa gawi ni Father Gaudencio
Mukhang nawisikan din ang matandang pari ng banal na tubig. Na siya namang nanging
dahilan, kung bakit tila nagbago ito ng anyo. Kakilakilabot na ang kanyang
hitsurang mukha nang demonyong nakangisi sa nakababatang pari.

Nagkulay mamula-mula ang kanyang balat na may batik-batik na itim. Mas lalong
nangulubot ang kanyang balat, at nawala na rin ang lahat ng kanyang buhok. Ang mga
mata niya'y puros nang itim; ang kanyang mga ngipin nama'y napalitan ng mantsadong
manilaw-nilaw na mga pangil.

Ang kanyang pisngi ay humumpak. Ang kanyang hubad na katawa'y tila lalong
nangayayat. Ang kanyang mga galamay--sa paa't kamay, ay nangangsihabang tinubuan
naman ng maiitim na mga kuko.

Napabalikwas ako. Tumayo sa aking kinauupuan at saka naghanap ng isang sulok na


masisiksikan ko. Pagkasiksik na pagkasiksik ko'y tiningnan ko ang aking mga brasong
nawisikan ng banal na tubig. Wala namang nangyari sa balat ko. Nabasa lamang talaga
ito.

"Isa kang hangal Nathaniel, isa kang pakialamero." Nakapangingilabot na wika ng


demonyo, na una kong nang nakilalang si Father Gaudencio.

Nakapagtatakang nginisian lamang siya ng mas nakababatang pari, na tinawag nitong


Nathaniel, at pagkatapos noo'y tila may dinukot itong pilak na gulok, at walang
pasabing tinagpas ang ulo ng demonyo.

Nagsitalsikan sa buong paligid ang maitim na dugo nito, na siya ring nagmantsa sa
maputing kasuotan ni Nathaniel.

Dinig na dinig ko ang tunog ng pag-angil ng animo'y aninong sumingaw sa napugutang


katawan ng Demonyo. Mukhang 'yun ang maitim na kaluluwa ng nilalang na 'yon,
"Pagbabayaraan mo sa panginoon, ang pangingialam mo, Nathaniel. Pagbabayaran mo!"
Kakilakilabot na daing ng anino, bago ito tumalilis, at tuluyan ng naglaho.

"Ikaw!" Hiyaw sa akin ni Nathaniel, habang pinupunit niya ang namantsahan abito.
Nakasandong puti at nakamaong na punit-punit pala siya sa ilalim. Ang mga braso
niya ay tadtad ng mga tato, na nagbigay sa akin ng ideya, na maaring hindi naman
pala ito tunay pari. "Sumama ka sa 'kin!" Dali-daling lumapit ito sa akin bago nito
hinatak ang aking kaliwang braso.

"S-saan mo ako dadalhin?" Tanong ko, habang halos kaladkarin na niya ako papalabas
sa silid na iyon.

"Wala nang maraming tanong, Victoria." Nakasimangot siya. Bitbit pa rin ang
malaking gulok na ipinangtagpas niya sa ulo Demonyo kanina. "Kailangang madala kita
kung saan hindi ka nila matutunton."

"N-nila? S-sinong nila?" Ninenerbyos na ko habang papalabas na kami sa mismong


pintuan.

"Sila." Anya, na halos kasabay ng pagbukas niya ng pinto.

Gamuntik na akong takasan ng katinuan, nang bumungad na sa amin ang hindi mabilang
na taong sa pakiwari ko'y yaong mga parokyano ng kapilyang iyon. Nakatingin silang
lahat sa amin, sa matatalim at kakilakilabot na paraan. Mapuputla na ang kanilang
mga balat at maiitim na rin ang kanilang mga mata. Katulad na katulad na rin nila,
ang nakatatakot na hitsura ng pitong nilalang na nagpakita sa akin kanina.

"Diyos ko." Bulong ko. Hindi na ako makahinga sa tindi ng pagtibok ng aking puso.

"Dito ka sa kaliwa ko," Pabulong na utos sa akin ni Nathaniel; sumunod naman ako.
"Kumapit ka sa 'kin." Kumapit naman ako sa--noon ko lang napansin na, maskulado
niyang kaliwang braso. "Huwag kang bibitaw sa akin kahit na anong mangyari."
Tumango ako. Kahit hindi ko naman sigurado kung ano talaga ang kanyang pinaplano.

Sabay-sabay na nagsi-angilan ang mga taong animo'y mga buhay na na bangkay na


nakapalibot sa amin. Nakatutok ang nakakikilabot na tingin ng mga ito sa amin. Sa
kanilang ikinikilos, ay batid kong wala talaga silang balak na kami'y patakasin.

Unang sumugod sa amin ang tatlo, na sa isang wasiwas lamang naman ng gulok ni
Nathaniel ay naputulang lahat ng ulo.

Tila huminto naman ang aking paghinga. Gulat na gulat, na nagpapakatianod lamang sa
kung saang direksyon, naglalakad, tumatakbo at gumagalaw si Nathaniel.

Halos sabay-sabay kaming sinugod ng mga nilalang na 'yon, habang tila hinahawi ng
gulok ni Nathaniel, ang kahit sinong humaharang sa aming dinadaanan.

Hindi ko na mabilang kung ilan sa kanila ang nagtangkang hatakin ako. Ito'y habang
lakad-takbo kaming sumusugod papalabas ng simbahan. Nang dahil doo'y si Nathaniel
na lamang mismo ang humawak sa akin. Ipinulupot niya ang kanyang malakas na
kaliwang braso sa palibot ng aking baywang.

Hindi ko na matantya kung gaano ang itinagal ng aming kalbaryo bago kami tuluyang
nakalabas. Daig ko pa ang lobong lutang, na hindi batid kung saan ako mapapadpad.

Madilim na sa labas. Puro sanaw na ang kalsada na siyang naging bakas ng malakas na
pag-ulan kanina. Kaya naman ramdam na ramdam ko ang talsik ng tubig sanaw sa aking
mga binti habang tumatako kami ni Nathaniel papalayo. Kung saan kami pupunta? Hindi
ko alam. Basta't ang alam ko'y hinahabol pa rin kami ng mga nilalang na 'yon.

"Sakay!" Utos niya sa akin, matapos niyang buksan ang unahan ng isang makabagong
itim na kotse. Nalaman ko naman kaagad na sa kaniya nga ang kotseng 'yon dahil sa
dinukot niyang remote key mula sa kanyang bulsa. "Sakay sabi eh!" Halatang nairita
siya, nang dahil marahil sa pansamantala kong pagkatulala. Sumunod naman ako.
"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko, habang pinapaandar na niya ang makina ng sasakan.

Hindi siya nagsalita, bagkus, ay seryosong tiningnan lamang ang mga nilalang na
papasugod sa amin sa bandang harapan. Walang tatlong bilang, tinungtungan na niya
ng todong-todo ang accellerator, at saka walang pag-aalinlangang binangga ang kahit
sinong humarang sa aming dinaraanan.

Hindi ko na mabilang kung ilan ang sumalapak sa mismong ungos ng kotse, maging ang
mga natatamaan sa mga gilid. Nakatulalang pinagmamasdan ko na lamang ang mga itim
na dugong nagmamantsa sa palibot na windshield.

"A-ano ba sila? B-bakit nila tayo hinahabol?" Habang pinasisiritan niya ng


windshield washer, ang ilang namantsahang bahagi ng windshield sa bandang unahan ng
kotse.

"Hindi tayo ang hinahabol nila," Aniya, hindi ito nakatingin sa akin. "Ikaw lang."

"B-bakit?!" Natataranta na ako, "Ano bang kailangan nila sa 'kin?! Ano ba sila?"

Sinulyapan niya ako bago niya muling itinutok ang kanyang mga mata sa harapan ng
kotse.

"Ang katawan mo." Nagbuntong-hininga siya. "Kailangan nila ang katawang tao mo."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 7

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 7

"A-anong ibig mong sabihin?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanya, "Ano bang alam
mo tungkol sa 'kin? Pakiusap, sabihin mo sa 'kin? Ano 'yung tinutukoy mo kaninang
ako 'yung batang ipinanganak na walang buhay na inialay sa Diyablo?"

Hindi siya sumagot kaagad. Halatang nag-aalinlangang magsalita.

"Matagal na kitang sinusundan, Victoria." Aniya, "Ako ang pumalit, sa nasira kong
ama."
Napakunot-noo ako. Paano'y, hindi pa man din niya nasasagot ang mga katanungan ko'y
may nadagdag na namang mga katunungan sa aking isipan.

"Sino ang 'yong, ama?" Nakasimangot ako, "At bakit ninyo ako sinusundan? Pwede
bang, sagutin mo munang lahat ang aking mga katanungan? Litong-lito na kasi ako eh.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Pakiusap." Umiyak na ako.

"Ang aking ama ang matalik na kaibigan ng 'yong tunay na ama." Pag-uumpisa niya,
"Siya ang naging punong tagapagbantay mo, simula nang ipinanganak ka ng 'yong tunay
na ina. Isa ang aking ama sa naging saksing ipinanganak kang walang buhay."

"Walang buhay?! Paanong nabubuhay ako ngayon, kung totoong ipinanganak nga akong
walang buhay?!"

"Tulad ng sinabi ko, inialay ka nila sa Diyablo, kapalit ng panatang, aariin ng isa
sa mga kampon niya ang 'yong katawan sa pagtungtong mo sa 'yong ikalabing-walong
taong kaarawan."

"Sinong sila? Sinong nag-alay sa akin sa Diyablo?"

"'Yung mangkukulam na kumadronang nagpaanak sa 'yong ina."

Si Nana Nora?

"At ang kanyang mga kasamahan sa kultong sumasamba kay Satanas." Pagtutuloy niya,
"Silang mga inutusan ng Diyablo na paglapitin ang 'yong mga magulang, hanggang sa
humantong sila sa relasyong, ipinagbabawal ng simbahan."

"Para saan? Para ano?"

"Para sa mga nag-alay sa 'yo, ang katuparan ng kani-kanilang kahilingan kay


Satanas. At para kay Satanas nama'y ang pagkakataon na ariin niya, o di kaya nama'y
ng isa o ilan sa kanyang mga kampon, ang katawang tao ng mga walang kaluluwang
nagmumula sa langit. Mga katawang taong katulad ng sa iyo"

"Gusto mo bang paniwalaan ko 'yan?" Panunuya ko, "Paanong may katawang tao ako, na
wala namang kaluluwa?"

"Ang lahat ng mga ipinanganganak sa mundong may basbas ng langit, ay may kaluluwang
nanggagaling mula sa langit." Dirediretsong utas niya, "Samantalang ang mga walang
basbas ay..."

"Ay?"
"Namamatay, dahil sa kawalan ng kaluluwang nagbibigay buhay. Tulad mo, noong
ipinanganak ka."

"Dahil ba ito sa isang pari at madre ang mga magulang ko?"

"Hindi. Ang nilabag ng 'yong mga magulang, ay ang batas ng simbahan, hindi ng
Diyos."

"Kung hindi'y ano?"

"Kung hindi dahil--"

"Dahil ano?"

"Dahil sumasamba rin sa Diyablo ang 'yong tunay na ama." Napipi ako. Natulala sa
kanyang mga tinuran. "Isang batas na nilabag niya, laban sa mismong Diyos."

"A-akala ko ba? Isang pari ang aking ama... t-tulad mo. Isang pari ka rin, 'di ba?"

Nabuwisit ako nang tumawa siya. Isang pagtawang nakakainis.

"Ano sa tingin mo?" Nakabungisngis siya. Nakapagtatakang kumindat pa ito.

"Pari ka ba talaga o hindi?" Napapatingin ako sa mga tato niyang, mayroon pang
larawan ng mga bungo.

"Ganun ba kagaling ang acting ko?"

Muli niya akong kinindatan. Ang kanyang pagkindat na medyo nakaiilang. Dahil ang
totoo'y napaka-guwapo niya. Matipuno ang katawan; matangkad at mestisuhin.

"So nagpanggap ka lang?" Nakasimangot ako.

Hindi siya sumagot. Bagkus, ay tinungtungan niya ang gasolina, upang mas lalong
bumilis ang pagtakbo ng kanyang sasakyan.

"Shit!" Bulalas ko. Tilang gagong humahalakhak naman siya, nang makita niyang
natatakot na 'ko sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho. "Nagpapakamatay ka ba?!"

"Huwag kang mag-alala." Anya, "Sanay ako." At 'yun namang bigla niyang isiniray ng
kaunti ang sasakyan, na mas lalong nagpalala sa aking nerbyos.
Naiinis ako nang lalo pa siyang humalakhak. Lalo na nang ilang beses na muntik-
muntikan na kaming mabangga ng ilang kasalubong na trak sa kabilang kalsada.

"Shit!" Bulalas kong muli, habang halos umangat na ang aking pwet sa aking
kinauupuan. "Siraulo ka ba?!"

"Medyo." Humalakhak siya na parang nakalaloko. "Dahil kung hindi, bakit naman ako
magtatiyagang bantayan ang isang babaeng katulad mo?!"

"At ano naman ang ibig sabihin mo ro'n?" Inaasahan ko nang iinsultuhin niya ako.
Dahil kung totoong binabantayan nga niya ako, sigurado akong alam din niya ang mga
kabalbalan ko. "Ano ba ang isang babaeng katulad ko sa tingin mo?" Nanlumo na ako
sa 'king huling pangungusap; umiiwas na rin ako ng tingin sa kanya.

"Isang babaeng mahirap talian." Ngumisi ito sa akin. "Isang ma--"

"Maruming babae?" Alam ko namang marumi ako. Pero hindi ko maintindihan kung bakit
naiiyak ako sa katotohanang ito.

"Ma--hirap hindian."

Nakagugulat na muli niya akong kinindatan, bago niya kinagat ang ibaba ng kanyang
labi.

Sino ba ang lalaking 'to na kanina lamang ay akala ko'y kung sinong banal? Banal-
banalan na ngayon nama'y umaastang lalaking salaula? Naiilang ako sa pagsulyap-
sulyap niya sa aking dibdib at sa may bandang ibaba ng aking puson. Hindi ko tuloy
malaman kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kokote ng lalaking ito.

Isang banal nga ba 'to o manyakis? Ah ewan!

"Bumalik tayo sa pinag-uusapan natin." Pag-iwas ko sa pakiwari ko'y, usapang hindi


maganda ang patutunguhan. "Paanong sumasamba sa Diyablo ang tunay kong ama? Hindi
ba't Pari pa rin siya, magpahanggang sa ngayon?"

Nasulyapan kong nagbuntong-hininga ito. Na tila bang hirap na hirap siyang


hagilapin ang mga susunod niyang sasabihin

"Mahabang istorya." Sabi niya. Biglang naginv seryoso nang muli ang ekspresiyon
kanyang mukha. "Saka ko na lang ikukuwento sa 'yo, ang mga sinabi mismo sa akin ng
aking Ama. May kailangan din kasi akong ipakita sa 'yo na hindi ko dala-dala."

Malayo ang aming nilakbay. Hindi ko alam kung saan, pero natatantiya kong, humigit
kumulang tatlong oras din ang aming itinakbo sa daan..
Ilang beses na akong napaidlip, at nagigising na nasa kalye pa rin kami. Tumitingin
din ako sa paligid, na nababalot pa rin ng kadiliman sa kalaliman ng gabi.

"Ay Senyorito!" Pagbati sa amin ng isang matandang babae, sa isang napakalaking


mansyong pinuntahan namin; nasa gitna ng isang Hacienda ang mansiyong 'yon. "Hindi
po namin inaasahan ang pagdating ninyo ngayon. Pasensya na po."

"Ang Mama?" Ma-awtoridad na tanong nito.

"Natutulog na po."

"Sige. Pakihatid mo na si Victoria sa kalapit kuwarto ko. Pakikuhanan niyo na lang


siya ng mga damit ni Mama, para makapagpalit siya."

No'n ko na naalalang wala nga pala akong damit kundi ang suot-suot ko. Maging ang
aking hand bag, ay naiwan ko rin sa kapilya.

"Opo Senyorito." Sagot ng matandang babae kay Nathaniel, "Halika na, hija." Sa
pagbaling nito sa akin.

Sumulyap ako kay Nathaniel. Buong kapreskuhang nakangisi lamang naman ito sa akin,
habang ako nama'y naglalakad papalayo. Napangiwi ako sa kanya; kaagad akong
nataranta nang muli niya akong kinindatan.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 8

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 8

"Saan ka na naman ba nanggaling?!" 'Yun ang nadatnan kong panenermon ng Mama ni


Nathaniel. Naro'n sila sa kanilang napakagrandiyosong salas, "Wala kang ipinag-iba
sa 'yong ama, parati ka na lamang wala! Mahigit isang taon kang nawala, hindi ka
man lamang tumatawag! Tapos uuwi ka rito, para ano? Magpapalipas lamang ng gabi
para umalis muli? Kailan ba maghihimalang, dumito ka muna kahit mga ilang araw?!
Nakakalimutan mo na bang mayroon ka pang ina, na nahihintay at nag-aalala sa iyo?
Mabuti pa siguro, mag-asawa ka na para maumpisahan mo nang pamahalaan itong
Hacienda blah... blah... blah..."Nagsasalita pa ang kanyang Mama, nang sinulyapan
ako ni Nathaniel.
Dahan-dahan akong bumababa sa hagdanan. Dahil doo'y napahinto sa pagsasalita ang
kanyang Mama at saka ito lumingon sa aking direksyon. Napayuko ako sa hiya nang
hindi oras. Lalo na nang naroon na ako sa pinakahuling baitang.

"S-sino siya?" Mahinang tanong ng Mama niya, kay Nathaniel.

"Sino sa tingin niyo?" Nakangising tanong niya sa kanyang ina.

Hindi nagsalita ang kanyang ina. Bagkus, ay sinulyapan ako nito, at saka ngumiti.
"Nobya mo?"

Imbes na sumagot ay tatawa-tawang sinulyapan lamang ako ni Nathaniel, at saka buong


kapreskuhang iniunat ang kanyang magkabilang braso sa sandalan ng sofang kanyang
kinauupuan.

"Hija..." Pagbaling sa akin ng kanyang Mama, "Nobya ka ba ng Ana--"

"Hindi ko siya Nobya." Nakangising pagsingit ni Nathaniel.

"Kung gayo'y ano? Kaibigan?"

"Hindi rin."

"Asawa?"

Tumawa siya na parang nakakaloko.

"In her dreams."

Ang yabang niya. Hindi ko na tuloy napigilang simangutan ito bago ko inirapan.

"Eh ano mo ba talaga siya? Kung hindi mo siya nobya, eh ano? Kaibigan? Asawa?"

"Napulot ko lang diyan sa tabi-tabi." Sagot nito. "Homeless."

Totoo namang homeless ako't napulot lamang niya sa tabi-tabi. Pero ewan ko ba kung
anong meron sa paraan ng pagkakasabi niya na ikinainis ko.

Ah! Marahil ay 'yung paraan ng pagngisi niya. At 'yung talim ng kanyang mga tingin
sa akin kahit tila nangmamata. Matatalim na mga sulyap na tahimik na nangungutya.
Mga matang tumitingin sa akin na tila ipinararating niyang mas mababa pa ako sa
lupa.
Gustuhin ko mang makipagmataasan sa kanya, upang maiangat man lamang ang dignidad
ko kahit kaunti'y nanahimik na lamang ako't nanatiling nakayuko. Kung totoong
sinusundan nga niya ako. Pihado, alam din niya ang lahat ng nakahihiyang
aktibidades ko. Mga nakahihiyang gawi na mas masahol pa sa isang babaeng bayaran.

"Ako ba'y pinagloloko mo?!" Singhal ng kanyang Mama kay Nathaniel, "Tingnan mo nga
ang hitsura ng babaeng 'to. Napakaganda ng balat. Paano mo ako mapaniniwalang
homeless 'to?"

Tumawa nang malakas si Nathaniel, bago nito ako unti-unting tinitigan ng masama.

Sa unang pagkikita pa lamang namin sa simbahan, ibang klase na talaga siyang


makatingin. Alam niyo 'yung mga tinging... mapagmataas? 'Yung mga tinging nang-
aapak? 'Yung mga tingin na tila galit na galit siya sa akin.

"Totoo po." Sumingit na ako. Pinilit ko na lang na maging mas mapagkumbaba sa abot
ng aking makakaya. "Tinulungan lamang po talaga ako ng inyong anak. Pinalayas po
kasi ako ng aking..." Gamuntik ko nang sabihing 'ina', "Tiyahin."

"Tiyahin?" Reaksiyon ng mama ni Nathaniel. Natanaw kong unti-unti na ring kumukupas


ang pagngisi ni Nathaniel, "Bakit? Nasaan na ang mga magulang mo?"

"Hindi ko po alam. Hindi ko na po sila nakilala. Pasensya na po kayo kung naririto


po ako't ginagamit ko pa po 'tong damit niyo." Iniladlad ko nang bahagya ang palda
ng suot kong bestida. "Hindi ko naman po kasi alam na dito ako dadalahin ng anak
niyo. Aalis naman po ako kaagad. May kailangan lamang po akong tawagang kaibigan."

Tuluyan nang sumimangot si Nathaniel.

"Kailangan mo ba ng telepono?" Tanong ng kanyang Mama.

"Opo sana." Sagot ko, "Kung ayos lang po sa inyo."

"Oo naman." Sagot niya, "Pero hindi naman kita pinapaalis ah."

Hindi ako sumagot; naghihintay na ituro niya sa akin, kung saan ko matatagpuan ang
telepono.

"Kung balak mong mang-abala sa mga kaibigan mo." Pagpaparinig ni Nathaniel,


bagama't hindi naman siya nakatingin sa akin, "Kalimutan mo na, ako na lamang mismo
ang maghahatid sa 'yo kung saan mo gustong pumunta."

"Aalis ka na naman?" Tanong ng Mama niya sa kanya.


"'Yang babaeng 'yan ang kausapin niyo!" Nakaiwas pa rin siya ng tingin. Nakasandal
ito nang patihaya sa sofa; nakatingala. "Plano ko talagang tumigil muna rito ng
isang linggo. Pero kung magpapahatid siya, sa kung sino mang kaibigan niya na hindi
naman siguradong kukupkupin siya. Wala akong magagawa. Kailangan kong umalis din
para maihatid siya."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 9

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 9

Nakunsensya ako. Alangan naman na ako pa ang maging dahilan, kung bakit hindi siya
titigil sa kanilang Hacienda. Naging masama man akong babae, may kunsensya pa rin
naman ako. Hindi ko pa rin kayang maging sagabal sa kaligayahan ng ibang tao.

Napaisip tuloy ako. Kung wala akong kaluluwa, katulad ng sinabi sa akin ni
Nathaniel, bakit mayroon pa rin akong kunsensya? Hindi ba't kung wala kang
kaluluwa'y wala ka ring kunsensya?

"Nasaan ba si Nathaniel?" Tanong ng mama niya sa kanilang mga tauhan sa bukid.

Napakabait ng Mama ni Nathaniel. Wala akong maalala na may naging mabait sa akin na
tulad niya. Sadyang isinama niya ako sa palibot ng kanilang Hacienda't malugod na
ipinakikilala sa bawat taong nakakasalubong namin sa nasasakupan nila.

Ang laki ng kanilang Hacienda. At napakarami ang pinagmumulan ng kanilang


kabuhayan. Mayroon silang tubuhan, palayan, taniman ng iba't-ibang namumungang
punong-kahoy at halaman--meron ding lugar sa paghahayupan at palaisdaan. Sa sigla
ng kanilang lugar, batid kong, simple ngunit masagana naman ang kanilang pamumuhay.

"Ah, baka ho naro'n sa kubo." Tatawa-tawang wika ng isa sa mga magsasaka, "Kasama
ho niya ang kanyang kababatang si Loretta, kaya marahil ay alam niyo na." Sabay-
sabay na nagtawanan ang mga tao, na para bang alam na alam na nilang lahat ang
tinutukoy ng kanilang kasamahan.

"Lintek na! Hindi ba't may asawa 'yon?" Galit na galit na utas ng Mama ni
Nathaniel.

"Hiwalay na raw po." Sagot ng isa sa grupo. Naghahagikhikan naman ang iba. "Nahuli
rin daw pong may kalaguyo kaya't dalaga na po ulit si Loretta ngayon." Kakamot-
kamot ito kaya't lalo siyang pinagtawanan.
"Halika nga Gregorio." Sinenyasan nito ang isa sa mga binatilyong tauhan, "Samahan
niyo ako ro'n sa kubo."

"P-po? Ako po?" Tugon ng binatilyong tinawag na Gregorio. Kakamot-kamot din ito.

"Oo, ikaw!" Galit ba galit ang Mama ni Nathaniel. "Bakit? May iba pa bang Gregorio
dito?"

"Gregory daw po ang itawag natin sa kanya, Senyora." Natatawang sambit ng isa sa
matatandang babae. Tumawa naman ng pagkalakas-lakas ang mga kasamahan niya.
Nakadadala ang pagtawa nila, kaya't napatawa na rin tuloy ako. "Hindi po 'yan
tumutugon sa Gregorio."

"O siya, Gregory na kung Gregory. Samahan mo ako do'n sa kubo."

"Pero Senyora." Kakamot-kamot na sagot nito, "Bilin po kasi ni Senyorito na huwag


siyang aabalahin."

"Wala akong pakialam kung ano ang ipinagbawal niya, basta't samahan mo ako!"

Hindi na ito nagreklamo pa. Halata mang labag iyon sa kanyang kalooba'y sinamahan
na nga niya ang kanyang Senyora; nakabuntot naman ako.

Ang daming pasikot-sikot. May dinaanan kaming talahiba't pagkatapos ay tumawid pa


kami sa mababaw na bagahi ng ilog, kung saan'y may malalaking bato na maaari naming
tungtungan. Hindi ko na mabilang ang mga punong-kahoy. Hindi ko na rin maipaliwanag
ang sarap ng simoy ng preskong hangin dumadampi sa aking balat, at nanonoot sa
aking pagkatao. Malinis. Amoy bukid. Hindi katulad ng sa Maynila.

Natatanaw na namin ang tinuran nilang kubong kinaroroonan ni Nathaniel, nang


biglang may isang grupo ng mga kababaihan, ang basta na lamang humarang sa aming
dinaraanan.

"Senyora! Senyora!" Habang lumalapit sa amin ang isa. " Mabuti po't naparito po
kayo. Papunta na po sana kami sa inyong Mansyon ngayon."

"Bakit? Anong problema?"

"May ipakikita po kami sa inyo." Wika ng isa pang babae sa grupo. "Do'n po sa likod
bahay ni Aling Choleng." Itinuturo nito ang isang kubo, hindi kalayuan sa
pupuntahan sana naming kubo.

Nagdadalawang isip man ang Mama ni Nathaniel, ay mas tinugon niya ang kahilingan ng
mga kababaihan. Nagtungo kami sa tinutukoy nilang likod bahay. Habang ako naman ay
napapasulyap sa kubong di kalayuan, kung saa'y naroroon daw diumano si Nathaniel.

Ewan ko kung ano ang pumasok sa aking isipan, ngunit tila gusto ko ring masilip
kung ano ang ginagawa ni Nathaniel sa kubong 'yon. Malakas ang pakiramdam kong
nagmimilagro sila roon, kaya't mas lalo akong nasabik, sa hindi maipaliwanag na
dahilan.

Marahil... gusto ko lamang makita ang ilang bahagi ng pagkatao ni Nathaniel. Para
makahanap ng dahilan, kung bakit niya ako sinusundan at binabantayan. Ayaw kasi
niyang sabihin sa akin, na para bang, isa itong malalim na sikreto, na siya at ang
kanyang ama lamang ang nakaaalam.

"Diyos ko." Bulalas ng Mama ni Nataniel, sa nakita namin sa aming pinuntahan.

Natulala rin ako sa hindi mabilang na patay hayup sa likod bahay ng isa sa may-ari
ng mga kubo ro'n. Isa-isa niyang nilapitan ang bawat patay na hayup, habang ako
nama'y nakasunod lamang sa kanya.

Nagkalat ang mga dugo, mula sa samo't saring mga hayup; may mga manok, itik, pusa,
aso, mga ibon, maging mga baboy, isang baka at isang kabayo. Lahat ay tila may mga
kagat ng dalawang pangil. Wakwak din ang mga tiyan, naglabasan din ang mga bituka.

"Senyora Elena." 'Yun pala ang pangalan ng Mama ni Nathaniel. "Ang totoo po'y medyo
matagal nang nangyayari 'to. Pero noon po'y paisa-isa lamang. Hindi po katulad
ngayon, na ganito na karami."

Hindi sumagot si Senyora Elena, bagkus, ay nakatikom ang bibig na pinagmasdan


lamang nito ang karimarimarin na nangyari sa mga hayup.

"Victoria." Bulong nito sa akin. "Ayos lamang ba sa 'yo na iwanan muna kita rito.
Huwag kang aalis hangga't hindi kami dumarating," Itinuro nito ang isang grupo ng
mga kababaihan, na mukhang siya niyang makakasama kung saan man siya papunta. "May
pupuntahan lamang ako sandali." Hinila niya ako papalapit sa isang matandang babae.
"Si Nana Sefa na muna ang bahala sa 'yo rito." Tumingin ako sa matanda, tumango
lamang naman ito sa akin. "Nana, Sefa." Pagbaling niya sa matanda, "Kayo na po muna
ang bahala kay Victoria. Babalikan ko na lamang po siya sa inyo mamaya."

Mukhang hindi talaga palasalita ang matanda, dahil tumango rin lamang ito kay
Senyora Elena.

"Gusto mo ba ng kahit anong maiinom?" Tanong nito sa akin sa wakas. "Mayroon akong
kape at tsaa."

"Ah. Wag na po. Salamat na lang po." Sagot ko.

"Taga saan ka ba, Hija?"


"Taga-Maynila po."

"Ah."

'Yun lang ang sinabi niya bago muling sumilip sa bintana upang panoorin ang mga
taong nagtitipon sa mga hayup; naririto kami ngayon sa loob ng kanyang kubo.

"Ah... Nana Sefa." Marahang pagtawag ko sa kanya, makaraan ang mahigit sa


kalahating oras na hindi niya ako kinakausap. Lumingon naman siya. "Ayos lang po ba
na mag-ikot-ikot muna ako sa labas. B-babalik din po ako kaagad."

"Naiinip ka ba?"

Sobra.

"M-medyo po. H-hindi naman po ako lalayo. Diyan lamang po ako sa labas."

"Pasensya ka na kung hindi ako palakuwento." Anya. "Lalo pa't hindi ko alam kung
ano ang sasabihin ko sa 'yo. Ibinilin ka sa akin ni Senyora, kaya't kung maari'y
huwag kang masyadong lalayo. Malaki itong Hacienda. Kahit ang mga taga rito'y
naliligaw pa rin paminsan-minsan."

"Opo. Pangako po." Tumango ito; Lumabas na ako kaagad.

Ang totoo. Gusto ko lamang talagang pumunta ro'n sa kabilang kubo, kung saan
naroroon daw si Nathaniel at Loretta. Gusto kong malaaman, kung ano ang ginagawa
nila.

Kinakabahan ako. Palingon-lingon sa pinagmulan ko. Gusto ko rin kasing makasigurong


alam ko ang daan pabalik sa pinanggalingan ko.

Tantya kong nasa kalahating milya ang layo ng kubong iyon. 'Yun lamang ang kubo
ro'n, na walang malapit na kapitbahay.

"Ang tagal mong nawala ah. Saan ka ba nanggaling?" Tinig iyon ng isang babae sa
loob ng kubo.

Mas lumapit pa ako't pasimpleng humanap ng kahit anong siwang na masisilipan ko.

Naroon nga si Nathaniel. Nakasalampak ito sa isang upuan na yari sa kawayan. Wala
itong pang-itaas. Sira-sirang maong na pantalon pa rin ang suot niyang pang-ibaba.

Naroon din ang babaeng pinangalanan nilang si Loretta. Napakaganda nito. Mukhang
kaidaran ko. Mahaba ang buhok. Morena ang balat. Nakasuot ito ng daster na
nakalislis ang maikling manggas mula sa kanyang mga balikat.

"Ano bang pakialam mo kung saan ako nanggaling?" Masungit na sagot sa kanya ni
Nathaniel. Nakasimangot ito. Nasa hitsura rin nito, ang tila may malalim na
iniisip.

"Hanggang ngayon ba nama'y galit ka pa rin sa pagpapakasal ko kay Berto?" Sagot ni


Loretta. "Hiwalay na kami, Nathaniel. Puwede na tayong muli." Lumuhod ito sa harap
ni Nathaniel at saka nito hinaplos ang magkabilang hita ng lalaki. "Sabik na sabik
na ako sa 'yo, alam mo ba 'yun? Ikaw ba? Hindi ka ba nasasabik sa 'kin at sa mga
ginagawa natin dati sa mismong kubong ito?"

"Huwag kang mapangarapin Loretta." Nakasimangot na sagot sa kanya ni Nathaniel.


"Alam mong hindi ako isang sentimental na tao. Eh ano naman kung hiwalay na kayo ni
Berto? Kung makapagsalita ka, daig mo pa ang naging isa man lang sa mga nobya ko."

"Bakit hindi ba't tayo naman talaga dati? Dito... dito mismo sa kubong ito."

"Bakit?" Nakangising tanong ni Nathaniel, "Porke ba ikinakama kita, nobya na kita?"

Grabe rin ang angas ng lalaking 'to. Kung mag-aasta, parang hindi anak ng isang
kagalang-galang na Haciendera.

"Ano?" Si Nathaniel ulit, sa natahimik na babae. "Tatrabahuhin mo ba ako, o


kakaladkarin kita palabas?!"

"Oo na! Sandali lang." Si Loretta, binibuksan na nito ang butones ng pantalon ni
Nathaniel.

Nag-umpisa nang umungol si Nathaniel, habang halos ingudngod na niya ang kanyang
harapan, sa nakaluhod na babae.

"Isubo mo lahat ano ba?!" Masungit nitong bulyaw sa babae.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo, na hindi ko sabi kaya!" Pagprotesta ng babae.


"M-masyado kang malak--ummmhhh" Inginudngod muli ni Nathaniel ang sarili niya sa
babae. Pinigilan nito ang ulo nito, habang tumitingala at ipinipikit nito ang
kanyang mga mata.

"Ahhh... shit ka!" Daing ni Nathaniel, habang pilit na inginungodngod pa rin ang
ulo ni Loretta. "Shit ka talaga Victoriaaa! Tangina ka! Ahhhh!"

Victoria? Tinawag niyang Victoria si Loretta?


Dumadaing si Loretta. Pilit kumakawala. Tinatapik-tapik na nito ang mga hita ni
Nathaniel. Tapik na naging tampal sa kanyang mga braso. Tampal na naging suntok.

"Awwrrrrkkh!" Halatang desperado na si Loretta. Pinakawalan na naman ito ni


Nathaniel. Agad namang sumuka ng babae sa isang gilid.

Sa pagbalikwas na iyon ni Loretta para sumuka'y nasulyapan ko rin ang


ipinagmamalaking sundalo ni Nathaniel. May kalakihan nga ito, na pati tuloy ako
mismo'y napanganga at naaburido.

"Kung aartehan mo lang ako ng ganyan. Lumayas ka na lang. Hindi kita kailangan."
Masungit na singhal niya sa nagsusuka pa ring babae. Itinatago na niya ang kanyang
sundalo, bago niya isinara ang zipper at butones ng kanyang pantalon.

"Sino ba si Victoria?" Nang mahimasmasan na si Loretta. "Bakit ba parating pangalan


niya ang tinatawag mo sa tuwing nagtatalik tayo. Sino ba siya? Nobya mo ba siya?"

Parati? Ibig sabihin na noo'y hindi lamang ito ngayon nangyari?

"Wala ka na r'on." Masungit na balik nito? "Umalis ka na nga! Wala naman pala akong
mapapala sa iyo."

"Bakit ba kasi dito sa itaas ko ang gusto mo? Pwede naman doon sa ibaba!"
Pagmamaktol ng babae.

Nasilip kong napaisip si Nathaniel.

"Siya." Sabi niya sa wakas, matapos ang ilang saglit na pananahimik. "Hubad!" Utos
nito sa babae. Naghubad naman ang babae. "Tuwad!" Habang itinuturo nito ang papag,
kung saan niya gustong umakyat at tumuwad si Loretta.

"Oh! Nathaniel! Ang galing mo. Ang sarap." Daing ni Loretta dahil sa paulit-ulit na
pag-atake ni Nathaniel sa kanyang likuran.

Humiyaw si Nataniel. Nakatingala. Nakanganga. Tumitirik-tirik pa ang mga mata.


"Victoriaaa!"

Hayun na naman. Tinawag na naman niya ang aking pangalan. Hindi na naman ito
pinansin ni Loretta, na para bang, nagbibingi-bingihan na lamang ito.

Ibang klase pala itong si Nathaniel. Brutal. Halos mayanig na kasi ang buong
katawan ni Loretta sa tindi ng bawat pag-atake niya. Maingay siya. Sigaw ng sigaw.
Daig pa niya ang umaalulong na asong ulol at ligaw.

Hindi ko rin mabilang kung ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko. Paulit-ulit
kasi ito, hanggang sa makarating siya sa pagsirit ng katas ng kanyang pagkatao.

"Ibang klase rin ang tama mo sa Victoria na 'yan ah." Natatawang utas ni Loretta,
matapos nilang marating ang kanilang makamundong pakay. "Kung sino man 'yan, mabuti
pa siya. Siya ang laman ng iyong pantasya simula pa sa ating pagtatalo-bata."
Nagsusuot na ulit ito ng daster, "Kung hindi lang talaga sa 'yo lang ako
nakukuntento sa kama, hindi ako magtatiyagang magpagamit sa 'yo, walanghiya ka!"

Hindi nagsalita si Nathaniel. Bagkus ay dali-daling nagbihis ito--kasama na ang


kanyang pang-itaas, bago ito muling sumalampak nang patihaya sa upuang yari sa
kawayang inupuan niya kanina.

"Maganda ba siya?" Tanong ni Loretta.

Hindi nagsalita si Nathaniel. Bagkus ay tumango lang sa pagsang-ayon. Seryoso pa


rin ang kanyang itsura.

"Eh bakit hindi siya ang ikama mo para hindi na ako umaasa sa 'yo." Nakapagtatakang
nakangiti na si Loretta. Indikasyon na parang naggagamitan lamang talaga sila.

"Hindi pwede." Nagsalita ito sa wakas.

"Bakit naman hindi? May asawa na?"

Tila walang ganang umiling si Nathaniel. Nakatingin sa kawalan.

"May nobyo?"

Umiling muli si Nathaniel.

"Lesbiyana?"

Napatawa ng bahagya si Nathaniel, ngunit pagkaraka'y umiling din ito.

"Eh ano ba talaga? Bakit hindi puwede?"

"Hindi mo rin naman maiintindihan kahit sabihin ko sa 'yo."

"Gusto ko pa rin malaman, kahit hindi ko man maintindihan."

Matagal na hindi nagsalita si Nathaniel. Kumunot ang noo na wari'y nagdadalawang-


isip kung sasabihin ba niya o hindi.
"Wala siyang sariling kaluluwa." Mahinang sambit ni Nathaniel.

Nanlaki ang mga mata ni Loretta. "Halang ang kaluluwa?"

"Ang kaluluwa sa katawan niya ngayon upang mabuhay," Dirediretsong sabi ni


Nathaniel, na para bang hindi nito naririnig ang mga kumento ni Loretta. "Ay
ipinahiram lamang sa kanya, una ng aking kapatid na si Anna, ngayon nama'y ng aking
Papa."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 10

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 10

Ano raw? Paanong nangyari 'yun? Hindi ko maintindihan. Gustuhin ko mang i-analisa
pa ang mga sinabi ni Nathaniel, ay mas minabuti ko na lamang na umalis na.
Natatanaw ko na kasi sa anggulo ng kinaroroonan kong paparating na sina Senyora
Elena't ang kanyang mga kasamahan Natatanaw ko rin na may mga kasama na silang mga
kalalakihan.

Halos madapa ako sa pagmamadaling makabalik sa bahay nina Nana Sefa. Nagkasabit-
sabit pa sa mga sanga ang aking damit. Nasugatan din ang aking mga braso't binti ng
mga samo't saring damo't halamang nakahihiwa.

"Mabuti't nakabalik ka na." Salubong sa akin ni Nana Sefa. Nakaabang siya sa akin
sa tarangkahan ng kanyang kubo. "Saan ka ba nanggaling?"

"Diyan lang po, sa tabi-tabi."

Isa-isa niyang sinisipat ang mga gasgas ko, pati na rin ang punit-punit na manggas
at laylayan ng bestidang ipinahiram sa akin ni Senyora Elena; kinakabahan tuloy
ako.

"Mukhang lumipat na rito sa atin ang mga salot." Sabi ng matandang lalaking isa sa
mga kalalakihang kasama ni Senyora Elena kanina. "Ganito rin ang nangyari sa ating
mga karatig pook."

"Anong ibig ninyong sabihin?" Tanong ni Senyora Elena, "Sinong mga salot ang
tinutukoy niyo?"
"Hindi sino," Sagot ng matandang lalaki--na sa aking oberbasyon base sa kanyang
kasuota'y, isang opisyales ng bayan. "Kundi ano!"

"Mga hayup?" Pagsabat ng isa sa mga kababaihan.

"O baka naman mga Aswang." Hirit naman ng isa.

"Walang nakakaalam, kung ano ba talaga 'yon." Sagot ng matandang opisyal, "Pero
ayon sa mga ibang nakasaksi, ito raw ay tila isang impakto na may anim na ulo na
tulad nang sa ahas. Bagama't ang katawan daw nito'y parang sa tao'y mayroon daw
itong dalawang buntot sa magkabilang tagiliran. Ang balat daw nito'y tulad ng sa
ahas, at ang tangkad daw nito'y mahigit sampung talampakan pataas."

Sa pagsasalarawan pa lamang niya, kinilabutan na ako. Totoo kaya 'yun o gawa-gawa


lamang? Probinsya kasi ito. Masyadong mapaniwalain sa kung ano-anong kuwento ang
mga tao.

"Mga hayup lamang po ba ang binibiktima ng impaktong 'to?" Tanong ng isa sa mga
babae.

"Ayon sa sabi-sabi, mga hayup nga raw ang kadalasang binibiktima nito. Pero mayroon
din kasing mga balibalita, na marami na rin daw ang nangangawalang mga sanggol,
bata, dalagita at mga dalaga."

Umalingawngaw ang bulungan ng mga tao.

"Hindi ba't may kasabihan na..." Biglang pagsabat ni Nathaniel mula sa aking
bandang likuran; nagsilingunan naman sa kanya ang mga tao, mapuwera sa akin, "Ang
mga tao raw na mapaniwalain sa sabi-sabi'y mga walang bait sa sarili?"

Walang kasing angas ang pagkakasabi niya ng mga katagang 'yon.

"Pero Nathaniel 'yon ang sab--" Pagpupumilit sana ng matandang opisyales.

"'Yun ang sabi nang mga tagakabilang ibayo na mahilig gumawa ng kwento!" Sagot ni
Nathaniel. Naramdaman kong lumakad at huminto ito sa aking kanang tabihan.

"Eh kung gawa-gawa lamang 'yon?" Sagot ng matandang opisyales sa kanya, "Paano mo
maipaliliwanag ang pagkamatay ng mga hayup na 'to? Pati na rin ang pagkawala ng mga
sanggol, bata, mga dalagita at dalaga sa kabilang ibayo?"

Sandaling katahimikan ang sumunod doon. Napalingon ako kay Nathaniel. Maangas na
nakahalukipkip ito. May tinititigan itong isang lalaki na mukhang isa sa kasamahan
ng opisyales. Nakayuko ito na tula naaaburido. Pasulyap-sulyap kay Nathaniel.
Halatang hindi mapakali't pinagpapawisan.

"Naniniwala ka ba sa Demonyo, Konsehal?" Pagbasag ni Nathaniel sa katahimikan.


Nakatingin na siya ngayon sa matandang opisyal.

"Oo. Kung may DIYOS, may Demonyo." Sagot nito, "Sinasabi mo bang ang Demonyo ang
may kagagawan nito?"

Sinulyapan muna ako ni Nathaniel. "Hindi ang Demonyo mismo." Tinitigan niyang muli
ang lalaking naaaburido. "Kundi ang mga sumasamba rito."

* * *

"Pati ba naman ikaw ay nagpapaniwala sa ganyan?" Tanong ni Senyora Elena sa kanyang


anak. Naglalakad na kaming tatlo pabalik sa mansyon, "Anak ka nga ng tatay mo!"
Tila nabubugnot ito.

"Bakit?" Nakangising sagot ni Nathaniel sa kanyang ina, "Mas naniniwala ba kayo sa


mga kwento-kwento tungkol sa halimaw na may anim na ulo ng ahas, kaysa sa mga tao
mismong nagsasakripisyo ng mga hayup at tao sa Demonyo?"

"Huwag mo akong umpisahan sa mga pinaniniwalaan ninyong mag-ama, Nathaniel."


Mangiyak-ngiyak na utas ni Senyora Elena. Pumapasok na kami sa loon mansyon.

"Bakit 'Ma?" Huminto kami sa salas. Nakapagtatakang tuluyan nang umiyak si Aling
Elena. "Hanggang kailan kayo magbubulag-bulagan tungkol sa tunay na nangyari kay
Anna?!"

Anna? Ang Anna kayang ito ang tinukoy niya kaninang... kapatid niya?

"Tumigil ka na Nathaniel." Tinakpan ni Senyora Elena ng mga palad niya ang kanyang
magkabilang tenga.

"Totoo sila Mama!" Hiyaw ni Nathaniel, malapit sa tenga ng kanyang Mama, "Silang
mga kampon ng kadiliman na sumasamamba sa hari ng kadiliman! Nagkalat sila sa
mundo, upang maghasik ng LAGIM at kasamaan sa iba't-ibang paraan. Binubulag nila
ang mga tao gamit ang kahit anong mga kaakit-akit na bagay. Para maiuwi nila ang
kanilang mga kaluluwa para sa kanilang panginoon!" Pinipilit nitong tanggalin ang
mga kamay ni Senyora Elena sa kanyang magkabilang tenga. Nabigo siya. "Bukod doo'y
nangunguha rin sila at pumapatay ng kahit anong mga puro at mabubuting bagay at
tao, upang magsilbing sakripisyo nila sa kinikilala nilang diyos!" Lalong
humagulhol si Senyora Elena. "At kasama na sa mabubuting taong isinakripisyo nila
si Anna, Mama! Bakit ba ayaw mong maniwala?!"

Tumakbo na si Senyora Elena papalayo. Paakyat sa matarik nilang hagdanan, patungo


sa kanyang silid.
[Itutuloy]

=================

KABANATA 11

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 11

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" Bulyaw ni Nathaniel sa akin.

Nahuli kasi niya akong nakatitig sa kanya, habang tinatanaw niya ang pag-alis ng
kanyang Mama.

Napahiya ako, kaya't yumuko na lamang ako. Bukod sa, hindi ko talaga matagalan ang
talim ng kanyang mga titig ng pagkamuhi sa akin.

"Kasalanan mong lahat 'to." Nanginginig na panunumbat niya sa akin. "Kung hindi
dahil sa 'yo, hindi magkakaganito ang pamilya ko! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi
masisira ang buhay na nakagisnan ko!" Nararamdaman ko ang pagpipigil sa pagtangis.
"Kung bakit ba naman, patay ka na nga, kailangan ka pang buhayin ng mga demonyong
'yon!"

Napatingin na ako sa kanya.

"Bakit ako?" Maiiyak na ako. Pinipigilan ko lang. "Anong kasalanan ko ro'n?"

"'Yun na nga ang masaklap dun eh. Wala kang kasalanan d'on." Dinuro niya ako.
Napayuko tuloy akong muli. "Maraming buhay ang nasisira nang dahil sa 'yo! Nawala
rin ang masayang pamilyang nakagisnan ko nang dahil din 'yo. Pero hindi ko alam
kung paano kita sisingilin sa lahat ng pagkakautang mo! At alam mo ba ang masaklap
pa roon?" Nasulyapan kong tumulo na ang luha niya, "Ang masaklap pa roo'y
kailangang bantayan pa kita! Putang ina!" Napaiktad ako sa pabigla niyang
pagmumura. Tuluyan na akong napaiyak. "Ilang buhay pa kaya ang mamalasin nang dahil
sa 'yo?!"

"Bakit hindi mo na lang ako patayin kung ganun?" Hindi ko na mapigilan ang paghikbi
ko. "Malas pala ako eh. Salot at hindi dapat mabuhay sa mundo. Kung binuhay ako ng
masasamang tao, hindi ba't mas makabubuting kitlin mo na lamang buhay ko para
matapos na ang paghihirap mo?!" Maya't-maya ang pagpunas ko sa mga luha ko.

Napasulyap ako sa kanya. Napansin kong unti-unti namang humuhupa ang galit sa
kanyang mukha. Hindi na siya nakatitig sa akin, bagkus, ay nakatingin siya sa
kawalan na tila pinakikinggan ang lahat ng aking mga sinasabi.
"Ayos lang naman 'yun sa akin, kung iyon ang mas ikabubuti ng lahat." Dugtong ko.
"Wala na naman akong pamilyang mauuwian eh. Kung meron man, wala na rin naman
silang pakialam sa 'kin. Hindi ko na rin naman gusto ang nangyayari sa buhay ko.
Sirang-sira na rin naman ako para kakitaan pa ng pag-asa." Tumatahan na rin naman
ako. Mas nagiging kalmado. "Ayoko na rin namang mabuhay. Dahil ako mismo. Nandidiri
at namumuhi na ako sa sarili ko! Mas gusto ko na rin talaga ang mawala na lang. Ang
hindi na huminga. Ang hindi na magising pa isang umaga."

Natahimik siya. Hindi gumagalaw.

Dali-dali akong lumabas sa kanilang mansyon. Halos madapa na ako sa mabilis na


pagtakbo sa kung saan man ako dalahin ng aking mga paa.

Ilang beses ako lumingon. Mukhang hindi naman niya ako hinahabol. Mas maganda.
Hindi ko talaga nais na ako'y pigilan pa niya.

Ang laki ng kanilang Hacienda. Kaya't hindi na ako nagtataka na kahit halos maubos
na ang aking hininga samantalang hindi pa naman ako umaabot sa ika siyam na bahagi
ng kanilang lupain. Napahinto na lamang ako nang makakita ako ng isang bangin.

Isa itong matarik na banging may malalaki at matatalim na bato sa ilalim. Tamang-
tama 'yon, sinabi ko sa sarili ko. Milagro na lang talaga siguro kung mabubuhay pa
ako kung tatalon ako ro'n.

Unti-unti ako lumakad patungo sa pinakgilid ng bangin. Nanginginig ma'y buong


tapang kong kinumbinsi ang aking sarili na ito talaga ang gusto ko. Kung ang mga
demonyo lamang naman pala ang makikinabang sa isinalbang buhay ko, maiintindihan
naman siguro ng langit kahit ako na mismo ang magsuko nito.

Hindi ako mabuting tao. Pero ayokong may mapahamak pa nang dahil sa akin. Isang
pagkakamali ang nabuhay ako sa mundo, kaya't mas mabuti pang wala nang iba pang
madamay sa sumpang kaakibat ng pagkatao ko. Patawarin sana ako ng Diyos, pero kung
hindi ma'y mauunawaan ko.

Wala akong karapatang humiling.

Wala akong karapatang umasa sa kanyang awa.

Kahit sabihin pa na, may gatiting akong pananampalataya.

Halos tumiklop ang tuhod ko sa pagtingin ko sa ibaba ng bangin. Sobrang tarik.


Nakakatakot. Pero desidido na akong gawin ito. Buo na ang loob kong tumalon kaya't
ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Ihahakbang ko na ang aking kanang paa nang maramdaman kong may humablot sa aking
baywang. Naramdamn kong isinampay ako nito nang patuwad sa kanyang kanang balikat,
habang mabilis na itinatakbo niya ako papalayo sa bangin.

Iminulat ko ang aking mga mata, ngunit ang likod, puwitan at likuran ng kanyang mga
paa lamang ang aking nakikita. Sa kabila noon'y alam ko pa rin naman kung sino ang
may bitbit sa 'kin... si Nathaniel.

"Bakit mo pa ako iniligtas?!" Umiiyak ako habang ibinababa niya ako sa gilid ng
isang matandang puno. "Pinabayaan mo na lang sana ako!" Hagulhol ko. "Parang awa mo
na Nathaniel," Na sinundan ng bahagyang pagsalya niya ng likuran ko sa matandang
puno. "Ayoko na talag-- ummh!" At saka niya ako hinalikan sa labi ng mariin.

Nagulat ako. Kaya't dilat na dilat ang mga mata kong pinagmasdan ang kanyang
nakapikit na mga mata. Dinadama ko ang tila gutom niyang bibig--na walang
patumangga namang sinakop ang kabuuan ng sa akin.

"Patawarin mo ako Victoria." Nanginginig na bulong niya. Tinataniman na niya ngayon


ng kanyang mga halik ang aking kanang panga. "Hindi ko sinasadya." Bago niya muling
sinakop ang aking mga labi.

Matagal, mariin at maiinit ang kanyang mga yakap at halik. Ginantihan ko naman ang
mga ito nang walang pasubali.

"Mas makabubuti kung mawawala na ako, Nathaniel." Nakapikit kong bulong; dinadama
ang hagod ng kanyang mga halik sa aking magkabilang leeg. " Para hindi mo na ako
kailangang bantayan. Para maayos mo na ang buhay mo." Napakagat ako dahil pinisil
niya ang aking magkabilang burol sa labas ng bestida ko. "N-Nathaniel, pakiusap."
Bahagya ko siyang itinulak, pero hindi siya natinag. Mas lalo lamang na tila gutom
na sawang nilingkis niya ang aking kabuuan. "Alang-alang na lang sa natitira mo
pang mahal sa buhay."

Naramdaman kong hinagod na niya ng kanang kamay niya ang gitna ng aking mga hita,
ngunit bigla na lamang siyang bumitaw, isinuntok ang inihipong kamay sa matandang
punong kinasasandalan ko bago ito tumalikod at nagmura.

"Bumalik na tayo sa bahay." Humihingal na sambit niya habang nakatalikod pa rin sa


akin.

"Pero Nathaniel. Desidido na ako." Nanginginig na sagot ko. "Kailangang mawala na


ako, alang-alang na rin sa kinabukasan mo."

Natagalan bago niya muling nakapagsalita.

"Kung gagawin mo ang gusto mo. Lalo mo lang sisirain ang kinabukasan ko." Aniya.
Nakatingin ng patagilid sa akin.

"Bakit?" Tanong ko, "Bakit mo naman nasabi 'yun?"


"Dahil--" Matama siyang nakatitig sa akin.

"Dahil?"

"Dahil ikaw--"

"Dahil ako ang ano?"

"Dahil ikaw ang kinabukasan ko." At saka niya ako muling sinugod at pinupog ng
kanyang mga halik.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 12

Copyright ⓒ DyslexicParanoia All rights reserved

KABANATA 12

Hind ko alam kung bakit ganun na lamang ang panggigigil niya sa akin. Lahat na yata
ng parte ng katawan kong nadadapuan ng kanyang mga kamay ay nilalamutak niya't
pinagpipipisil. Wala naman siyang hinto sa paghalik sa palibot ng aking mukha na
tila ba natatakot siya na ako'y makakawala.

"N-Nathaniel." Bulong ko. Napapakagat at napapapikit na lamang sa kanyang


panggigigil. "H-hindi ba lalong hindi makakabuti kung gagalawin mo ako?" Naalala ko
kasi ang sinabi niya kay Loretta, bagama't wala naman akong balak na sabihin sa
kanya ang mga narinig ko.

"Maiintindihan naman siguro ni Papa." Bulong niya. Ipinupuwesto na niya ang kanyang
sarili sa gitna ng aking mga hita. Nakahiga na ako ngayon sa gitna ng dalawang
malalaking ugat ng matandang puno. "Alam niyang gustong-gusto kita." Habang
binubuksan niya ang harapan niya. "At ikababaliw ko kung hindi ka mapapasaakin."
Mas lalo niyang ibinuka ang aking mga hita.

"P-pero paan-- Uhhh!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang walang pasabing
pinanghimasukan na niya ako. Panghihimasok na sa una'y mabagal, na unti-unti
bumibilis at dumidiin. Bilis at diin na may halong matinding panggigigil.

Maraming lalaki na ang dumapo at tumambay sa aking murang katawan, pero ni isa sa
mga ito'y walang nakapantay sa tindi ng kanyang pag-akin. Pag-angking tila wala
nang bukas. Pag-angking masarap bagama't marahas.

"Victoriaaa!" Paulit-ulit na hiyaw niyang may halong paghalakhak. Paghalakhak na


tila wala nang lalaking mas liligaya pa sa kanya. "Ipangako mo sa aking na akin ka
na lang Victoria." Bulong niya. Tuloy-tuloy pa rin naman ang panggigigil niya. "Na
ako na lang ang pwedeng tumugon sa 'yong mga pangangailangan." Na sinundan niyang
muli ng kanyang paghiyaw sa labis na panggigigil. "Ipangako mo!" Habang nakatutok
ang kanyang mukha sa aking mukha.

Hindi ko sigurado ang aking isasagot. Hindi ko rin kasi alam kung alam niyang hindi
ko naman parating kotrolado ang aking katawan. Pero para sa kanyang ikasisiya'y
sinabi kong...

"P-pangako." Habang dinadama ang wala na yatang mas sasarap pang pagkalabit niya sa
aking kaibuturan.

Kinaringgan ko siya ng makailang beses na pagmumura. Dala marahil 'yon sa tindi ng


kaligayahang kanyang nadarama. Nakikita ko naman sa ekspresyon ng kanyang mukha na
gustong-gusto niya ang nangyayari sa amin. Lalong-lalo na kapag tumatawa siya na
tila nababaliw.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa aming kapaligiran habang nagpipiyesta siya sa


aking ibabaw. Tulad ng dati, nakita ko na naman 'yung lalaking nagpapakita sa 'kin
sa tuwing ako'y nakikipagtalik. Ngunit hindi tulad ng mga nakakaraan, iba na ang
ekspresyon ng kanyang mukha. Kung dati'y nakangisi, ngayo'y nakasimangot na.

Napakunot-noo ako. Nagtataka na sa dinami-dami ng nakatalik ko'y ngayon lang ito


nagkaganito. Matatalim ang kanyang mga titig, na tila hindi niya nagugustuhan ang
ginagawa namin ni Nathaniel. Dahil doo'y nginisian ko siya--bilang nang-uuyam kong
ganti sa kanya.

"Victoriaaa!" Parang nababaliw na hiyaw ni Nathaniel; hudyat ng nalalapit na


pagpulandit ng kanyang pagnanasa. "Mahal na mahal kitaaa!" Tila nauulol na palahaw
niyang halos kasabay ng kanyang pagsigalpot.

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan ang mga huling katagang namutawi sa kanyang bibig.

Mahal niya ako? Paanong nangyari 'yun? Paano niya mamahalin ang isang tulad kong
labis din niyang kinapopootan?

Naramdaman ko ang nanlulupaypay na katawan ni Nathaniel--na mas lalong bumigat na


sa aking ibabaw. Dinig na dinig ko ang nanginginig niyang paghinga, dahil sa
pagkakabaon niya ng kanyang mukha sa aking kanang panga. At bagama't parehas pa
naman kaming may saplot, ay nararamdaman ko sa aking bandang dibdib, ang malakas na
pagtibok ng kanyang puso, maging ang malalalalim niyang paghinga at pangangatog.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya, nang medyo humupa na ang kanyang pagkahingal;
nakatutok na ngayon ang kanyang mukha, sa aking mukha.
Tumango lang ako't ngumiti ng bahagya.

"Pasensya ka na sa panggigigil ko Victoria." Napakatamis ng mga ngiti niya,


"Nasaktan ba kita?"

Umiling ako.

"Sigurado ka?" Habang hinahawi niya ang buhok sa king noo. "Hindi mo ba
nagustuhan?" Hinalikan niya ang aking noo.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa napakaguwapo niyang mukha.

"Hindi ka ba nag-enjoy?" Nakakunot na ang kanyang noo. Marahil ay dahil sa hindi ko


pagsagot sa kanyang naunang katanungan.

"Hindi naman sa gan'on." Sinusubukan kong bumangon, umangat naman siya sa


pagkakadagan sa akin.

"So hindi ka nga nag-enjoy?" Sambakol ang mukha niya. Umuupo na sa tabi ko, at
sinasarahan ang zippers ng pantalon niya. "Mas magaling ba silang lahat kaysa sa
'kin?" Kasabay ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

"Ano ka ba?" Sabi ko. "Nagustuhan ko. Gustong-gusto ko." Nginitian ko siya.
Nagliwanag naman ang kanyang mukha. "Nag-aalala lang ako na baka mas makasama ito.
Na dahil sa ginawa natin, mas madamay ka pang lalo sa kamalasang dala-dala ko."

Hindi siya nagsalita. Bagkus, ay tila nag-isip siya nang malalim. Alam ko,
nararamdaman ko na may kapalit na hindi maganda ang nangyaring ito sa aming dalawa.
Isang bagay na hindi ko alam kung ano. Isang bagay na malakas ang kutob kong alam
niya.

"Walang bagay na hindi ko kakayanin para sa 'yo, Victoria." Mahina niyang sambit sa
gitna ng kanyang pag-iisip.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bagama't gusto ko talagang
malaman, kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

* * *

"Ang Mama?" Ma-awtoridad na tanong ni Nathaniel sa katulong na pinagbuksan kami ng


pinto.

"Hindi pa po lumalabas ng kuwarto niya simula pa kanina." Sagot nito.


Tumingin si Nathaniel sa kanyang relo. Alas quatro na ng hapon.

"Siya," Pagbaling muli nito sa katulong, "Just make sure na nadadalahan niyo siya
ng pagkain do'n."

"Eh Senyorito, sinubukan na po namin kanina lang, pero hindi raw po siya nagugutom.
Ayaw din po niyang paabala. Siya na lamang daw po ang kusang lalabas kung magugutom
man siya."

Napasulyap si Nathaniel sa akin, na mula pa kanina'y hindi pa rin binibitiwan ang


aking kamay.

"Sige." Sagot ni Nathaniel sa katulong, bago nito ito sinenyasang umalis. "Halika
na." Pagbaling naman nito sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

"Tsss. Ang Killjoy mo naman." Hinihila niya ako papunta sa kung saang lugar sa loob
ng kanilang mansyon.

Hinatak na niya ako ngayon sa loob ng isang malaking silid sa pinakadulo ng unang
palapag. Kung saa'y pagkasarang-pagkasara pa lamang ng pinto'y kaagad na niya akong
ginitgit sa pader bago muling pinaghahalikan.

"Simula ngayon." Aniya. Hinahalikan niya ang aking baba. "Dito ka na matutulog
kasama ko." Humahagikhik siya.

Iginala ko ang aking mga mata. Mukha ngang kanya rin ang silid na iyon. Ngunit
bukod ito sa silid niya sa ikalawang palapag.

"Baka magalit ang Mama mo." Sagot ko. "Mukha pa naman siyang konserbatibo."

"Magagalit nga 'yun." Tatawa-tawang utas niya. Tuloy-tuloy lang naman ang paghalik
niya. "Pero alam ko naman kung papaano ko tatanggalin ang galit niya kung saka-
sakali."

"P-papaano?"

"Simple lang." Binubuhat na niya ako. "Sasabihin ko lang sa kanya na--" At


humahalakhak na iniitsa niya ako sa malambot niyang kama. "Pakakasalan kita,"
Dumagan na siya sa akin, "Bubuo na ng pamilya kasama mo," BPinaghiwalay niya ang
aking mga hita, "Para dito na manirahan sa Hacienda, kasama siya."
"G-gagawin mo 'yun?" Pinanonood ko siyang tinatanggal ang kanyang pang-itaas.

"'Yun naman talaga--" Bigla niyang hinablot at hinaklit ang mga nakabutones na
bahagi sa unahan ng aking suot na bestida. "Ang plano ko." Bago niya isang kamay na
hinaklit din ang suot kong bra. "Sa simula pa lang."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 13

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 13

"Bakit mo 'ko binabantayan?" Tanong ko, matapos ang makaubos lakas naming
pagtatalik.

Grabe siya. Hindi na halos ako makapagsalita sa sobrang galing niya sa kama.

"Hindi ko alam kung alam mong matalik na magkaibigan ang Papa mo at ang Papa ko."
Nakapikit siya habang nagsasalita. Halatang nanlalambot sa ginawa namin kanina.
"Dati silang magkasama sa isang kulto, kung sa'n tumiwalag ang aking Papa nang
maglaon."

"Kulto?" Tiningnan ko ang napakaguwapo niyang mukha. Nakapikit pa rin siya. "Anong
klaseng kulto?"

"Kulto ng mga sumasamba sa Demonyo."

"Sumasamba sa Demonyo ang Papa ko at Papa mo?!"

"Ang totoo. Ang Papa mo lang." Sagot nito, bahagyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Sumanib ang Papa ko, sa pag-asang, maililigtas niya ang Papa mo. Pero nabigo siya.
Imbes na mailigtas siya'y siya pa itong tila unti-unting nalulubog sa pagsali niya
ro'n. Naging mitsa rin 'yon ng pagkakapahamak ng kapatid kong si Anna."

Nagulat ako nang hinalikan niya ang noo ko, bago niya tinitigan ang mukha ko.

"Anong nangyari kay Anna?"


"Mahabang istorya." Nagbubuntong-hininga siya. Halatang nahihirapang alalahanin ang
nangyari sa kanyang kapatid. "Bata pa 'ko no'n. Bata pa rin siya. No'ng gabing
ipinanganak ka. Naro'n kami ni Papa, kaya't alam kong pagkaiyak mo lang ng kaunti'y
binawian ka na ng hininga. Lingid sa kaalaman namin ni Papa. Dinukot pala nila si
Anna. Walang awang pinatay nila ito sa harap ng altar ni Satanas. At sa pamamagitan
ng rituwal ng mga mangkukulam, ay inilipat nila sa 'yo ang kanyang kaluluwa. Halos
takasan kami ng bait ni Papa, nang malaman namin 'yun. Simula no'n. Sinusundan ka
na niya, kahit saan ka magpunta."

"Ibig mong sabihin? Kay Anna ang kaluluwang nasa katawan ko ngayon?!"

"Hanggang sa ika'y nag desi otso. Oo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakalaya rin ang kaluluwa ng kapatid ko, dahil nasa rituwal na mananalitli lamang
siya sa katawan mo, hanggang sa humantong ka sa edad na desi otso."

"Kung gano'n? Paanong nabubuhay pa rin ako?"

"Ang Papa." Muli siyang nagbuntong-hininga. Halatang nahihirapan sa kanyang


sasabihin, "Isa ang papa sa mga kaluluwang naglalabas-masok sa katawan mo ngayon.
Sinubukan niyang gawin ang rituwal ng mga mangkukulam upang mapalaya si Anna sa
katawan mo bago ka pa tumungtong sa tamang edad. Ngunit dahil wala siyang inialay
na taong may kaluluwa, hindi naging maganda ang resulta no'n. Dahil imbes na
kaluluwa ni Anna ang umalis sa katawan mo'y ang kaluluwa ni Papa ang humiwalay sa
katawan niya't hindi na ito nakabalik pa. Simula noo'y nagpapagala-gala na ang
kaluluwa niya. At dahil gumamit siya ng itim na mahika, na siya mismong ikinamatay
ng katawang-tao niya'y hindi rin siya makapasok sa lagusan patungo sa kabilang
buhay."

"Labas-masok? Hindi permanente? Pero paanong nangyari 'yun? Hindi ko maintindihan


Nathaniel."

"Alam mo ba kung bakit sinusundan ka rin ng mga espiritu? Ng mga demonyo at ng mga
taong namatay na?"

"Hindi."

"'Yun ay dahil nag-uunahan silang makasanib kahit ilang saglit man lang sa katawang
tao mo. Ano nga raw kasi ang silbi ng isang kaluluwang walang katawan hindi ba?"

Kinilabutan ako sa mga sinabi niya, bagama't hindi ko pa rin lubos na maunawaan
ito.

"Sumasanib lang sa iyo ang Papa, kapag may lumalabas na iba, dahil hindi maaaring
magtagal ang mga kaluluwang hindi sa 'yo sa 'yong katawan, nang hihigit pa sa
tatlong araw kung wala itong rituwal. Kusa silang ibinubuga ng 'yong katawan.
Nakabantay ang Papa para punuan ang bawat ligtang, upang manatili kang buhay."

"Pero bakit? Bakit kailangan niyang gawin 'yun? Bakit hindi niyo na lang hayaan na
mamatay na lang ako, para tapos na?"

Hindi siya sumagot.

"Nathaniel?!" Niyugyog ko siya."Bakit?!"

"Tatlong dahilan." Seryosong sagot niya sa wakas; nakatitig ito sa kesame. "Una,
kailangan ka ni Papa, upang mahanap niya ang paraan, kung papaano siya makakatawid
sa lagusan ng kabilang-buhay. Pangalawa," Tiningnan niya ako ng matama, "Kailangan
ko munang makahanap ng paraan, kung pa'no ka magkakaroon ng 'yong sariling
kaluluwa, na hindi gumagamit ng karunungang ipinagbabawal ng Diyos."

"Sabi mo tatlong dahilan? Dalawa lang 'yun ah. Ano ang ikatlo?"

"Ikatlo."

Tinitigan niya ako ng mas matalim.

"Ano ang ikatlo?"

"Ang ikatlo, mahal kita Victoria. Hindi ko hahayaan na basta ka na lamang mamatay
nang hindi man lang ako gumagawa ng paraan kung paano kita natutulungan. Ang
problema ko lamang ay..."

"Ay?"

"Kapag sinasaniban ka ng masasamang espiritu na pakawala ng Diyablo, na ginagamit


ang katawan mo, upang sirain ito't ang mga taong nakapaligid sa iyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka nag-iisa sa mundo, Victoria." Anya, "Maraming mga katulad mo sa buong


mundo, na sadyang ginagamit ng Diyablo, upang magawa niya ang lahat kanyang
kagustuhan nang hindi man lamang namamalayan ng mga tao. Ginagamit niya ang mga
katawan ninyo, upang magsilbing katawang-tao ng kanyang mga kampon. Ang kanyang
mga kampon na inaatasan niyang maghasik ng LAGIM sa ibabaw ng mundo nang walang
nakapapansin. Naroon na ang mga popular at maipluwensyang indibiduwal na iniidolo,
upang magamit niya ito sa ikapapariwara ng napakaraming taong taga-sunod nito.
Naro'n na rin 'yung mga nakatoka sa mga simbahan na nagpapanggap na mabubuti, upang
makapagturo sa mga tao ng maling kaalaman tungkol sa Diyos, na katulad ng 'yong
Papa. Marami siyang ginagamit. Kanya-kanyang toka. Na ang isa sa mga layuni'y
mapasama at mapalayo sa tunay na pananampalataya sa Diyos ang mga tao. Upang ang
lahat, ay mapunta sa impyernong nakadestino na para sa kaniya. At bilang ganti na
rin niya sa Diyos na nagtakwil sa kanya."

"Para sa'n pa ang ilaban mo ang buhay ko, kung mapupunta rin pala ako sa impyerno
dahil sa patong-patong na kasalanan ko?"

"Ito ang tatandaan mo Victoria. Inabsuwelto na tayo ng Diyos sa mga kasalanan


natin, kaya't hindi ang mga kasalanan ang makapagpapabulid sa atin sa apoy ng
impiyerno."

"Pero 'yun ang nakagisnan kong paniniwa--"

"Tinubos na ng Diyos ang mga kasalanan natin Victoria, kaya't uulitin ko na hindi
'yun ang magdadala sa atin sa apoy ng impiyerno!"

"Kung hindi ang mga kasalana'y ano?"

"Ang kawalan ng pananampalataya sa tunay Diyos! 'Yun ang tunay na makapagdadala sa


atin sa dagatdagatang apoy. Sapagka't sa mga kasalana nati'y may kapatawaran,
ngunit sa kawalan ng pananampalataya'y wala."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 14

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 14

"Senyorito! Senyorito!" Bungad sa amin kanilang mayordoma kinaumagahan. Papalabas


kami ni Nathaniel sa aming silid.

"O bakit?"

"Ang Senyora po!"

"Bakit, anong nangyari kay Mama?"

"H-hindi ko po alam kung papaano ko po ipaliliwanag. Kung gusto niyo po, kayo na
lamang po mismo ang tumingin sa ka kanya." Mukhang takot na takot ito.
"Nasaan siya?"

Pagkasabi noon ni Nathaniel, ay nakarinig kami ng kakila-kilabot na tinig mula sa


itaas ng mansyon. Tila nagmumula 'yon sa silid ng kanyang Mama.

Patakbosiyang pumaro'n. Sumunod naman ako, kasama ng iba pang takot na takot na mga
katulong.

"Diyos ko!" Sabay-sabay na hiyawan ng mga katulong sa likuran ko. Ako nama'y hindi
makapagsalita, bagkus, ay napanganga lamang sa aking mga nakita.

Nasaksihan naming nakasiksik sa isang sulok ng kesame ang kanyang Mama. May kung
anong manilaw-nilaw na laway ang lumalabas sa kanyang bibig. Tila nangulubot ang
kanyang mukha, humahalakhak at nagsasalita sa lenguaheng hindi namin maunawaan.

"Mama!" Sigaw ni Nathaniel.

"Sino ang 'yong Mama?!" Sabi ng kakila-kilabot na tinig na tila sumanib sa katawan
ng kanyang Mama. "Ito ba?!"

Ginanot nito ang buhok ng Mama ni Nataniel. Ito'y hanggang sa ang duguang anit na
lamang nito ang natira.

Nagsigawan ang mga katulong. May ibang nagtaklob lamang ng kanilang mga mata. May
ibang umalis na. May ibang nagsusuka't may iba namang umiiyak.

"Nathaniel..." Natatakot na yumakap ako sa kanyang dibdib. "Anong nangyayari?"

"Anak tulungan mo 'ko..." Daing ni Senyora Elena--sa kanyang sariling tinig. "Ang
sakit-sakit..." Maaring ang tinutukoy niya'y ang kanyang anit.

"Manahimik ka!" Sabi naman ng tinig ng nakasanib sa kanyang katawan.

"Huwag! Huwag!" Boses 'yun ni Senyora Elena.

"Manahimik ka sabi!" Boses muli 'yun ng sumasanib.

"Tulungan niyo akoooo..." Boses muli 'yon ni Senyora Elena.

"Ayaw mong manihamik?" Boses muli ng sumasanib. "Heto ang lunas ko sa 'yo, babae!"
Pagkasabi niya noo'y dinukot niya ang dila nito, hanggang sa ito'y kanyang mabunot.

Sumigaw na 'ko sa labis na pagkasindak. "Diyos ko po!" Hindi na ako makatingin.


Iwinawagayway pa kasi nito ang nabunot niyang dila ni Senyora Elena.

Muli akong humiyaw sa dibdib ni Nataniel nang walang pasabing ibinato na nito ang
nabunot na dilang 'yon sa harapan ko.

"Victoria! Victoria!" Naramdaman ko ang mahihinang tampal. "Victoria, gising!"


Iminulat ko ang aking mga mata.

Nakita ko kaagad si Nathaniel. Wala itong suot pang-itaas; naka-boxer shorts lamang
ito.

Panaginip lang? Sabi ko sa isipan ko. Humihingal ako habang bumabangon na ako
nang paupo sa kamang kinahihigaan ko. Pawis na pawis ako't tanging kumot lamang ang
nagtataklob sa kahubdan ko.

"Ayos ka lang ba?" Mukhang nag-aalala si Nathaniel "Anong nangyari?"

"Isang bangungot." Sagot ko.

* * *

Napakasama ng aking pakiramdam matapos kong magising sa panaginip na 'yon.


Bagama't gumanda-ganda na naman ang pakiramdam ko, nang makaligo ako at makapag-
ayos. Nauna nang lumabas sa akin si Nathaniel mula sa aming silid, sinabihan na
lamang niya akong sundan siya sa dining room upang makapag-agahan.

"O hija," Pagbati sa akin ni Senyora Elena. Nakaupo na ito sa sentro ng hapag-
kainan. "Halika na't samahan mo kaming mag-agahan." Itinuro muna niya sa akin ang
puwesto sa tapat ni Nathaniel, bago nito sinenyasan ang isang katulong na salinan
ako ng mainit na kape.

"Salamat po." Habang umuupo'y sumulyap ako kay Nathaniel, na seryosong nakatingin
sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba pinagloloko lang ako ng anak kong 'to tungkol sa inyong
dalawa eh." Nakabungisngis na sabi sa akin ni Senyora Elena. "Homeless? Pa'no naman
kasi magiging homeless ang isang kasingganda mo?" Napapasulyap ako kay Nathaniel.
Nakangisi na 'to habang isinusubo na ang kanyang agahan."So pa'no? Kailan niyo
planong magpakasal?"

"Po?!" Gulat na gulat ako. Napapasulyap pa rin sa tatawa-tawang Nathaniel.


"Hindi ko alam na ikaw pala ang anak ni Eduardo?" Nakangiting dugtong ni Senyora
Elena. "Kaya pala medyo magkahawig kayo. Alam mo ba na matalik na magkaibigan ang
aking nasirang asawa at ang 'yong Papa?"

Hindi ako makapagsalita. Walang magawa kundi ang sumulyap kay Nathaniel.

"Sinabi ko na sa inyo 'Ma." Pagsingit ni Nathaniel sa wakas. "Hindi na niya


nakagisnan si Tito Eduardo."

"Nasaan na ba si Eduardo ngayon?"

Inaasahan ko na sasabihin ni Nathaniel na isa na itong paring nagseserbisyo sa


Roma. Kaya't nagulat ako nang...

"Nasa ibang lugar. Kasama ang kanyang bagong pamilya." Sumusulyap-sulyap ito sa
akin nang makahulugan.

Napaisip tuloy ako. Wala bang alam si Senyora Elena tungkol sa tunay kong mga
magulang?

"Ano?!" Nandidilat na tanong ni Senyora Elena. "Pero pa'no 'tong si Victoria at ang
kan--"

"May ibang pamilya na rin po ang ina ni Victoria kaya't parang nag-iisa na lamang
din siya sa mundo." Nakangising pagsingit ni Nathaniel--na hindi ko maintindihan,
kung bakit nagsisinungaling sa kanyang Mama.

"Inabandona ka ba nila? Ilang taon ka na ba hija?"

"Desi otso po." Sagot ko.

"Pwede na." Tatawa-tawang pagsingit ni Nathaniel.

"Pero teka, hindi ba masyadong malaki ang agwat ng edad niyo?"

"I-ilang taon na po ba si Nathaniel?"

"Magpapakasal na kayo ng anak ko pero hindi mo pa alam kung ilang taon na siya?"
Gulat na gulat si Donya Elena.

Ops. Napangibit ako kay Nathaniel.


"Labs naman." Nakabungisngis na pagsalba sa 'kin ni Nathaniel. "Bakit ba parati
mong nakakalimutan na bente otso anyos na 'ko?" Bago ito bumaling sa kanyang Mama,
"Nakalimutan lang niya, 'Ma!"

"Ah opo." Pagsang-ayon ko sa palusot ni Nathaniel. "Tama po. Madalas ko pong


makalimutan. Makakalimutin po kasi ako."

"Oh, eh ayos lang ba sa 'yo na sampung taon ang agwat ng inyong edad?" Nakatingin
si Senyora Elena sa akin.

"Wala pong kaso 'yun sa akin. Ewan ko lang po sa kanya kung ayos lang sa kanya."

Sinimangutan ako ni Nathaniel na tila gusto niya akong kutusan. Nginitian ko lamang
naman siya na may halong panunukso.

"Oh, eh ano ba ang plano niyo? Kailan niyo planong magpakasal?"

"Sa lalong madaling panahon, 'Ma." Nakangising sagot ni Nathaniel sa kanyang Mama.
"Sa lalong madaling panahon." Kinindatan ako nito.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 15

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 15

Hindi kami naikasal sa simbahan. Bagkus, ay sa harap lamang ng Mayor ng kanilang


bayan. Nagkaro'n kasi ng problema ang pamilya ni Nathaniel sa matandang pari ng
kanilang parokya. Gayo'n din sa ilang Pastor sa kanilang lugar. Kahit nga yaong mga
ibang grupo na kunwari'y mga perpekto't banal, ay umiiwas din sa kanila. Malakas
ang kutob kong dahil ito sa kilala ang kanyang ro'n bilang dating Satanista.

"Bakit pati ikaw nadamay sa kasalanan ng 'yong Papa. Batas ba ng Diyos na kapag
kasalanan ng ama, kasalanan din ng anak? (1)"

"Hindi." Habang nagbibihis siya ng pantulog.

"Ng simbahan?" Habang inaayos ko na ang aming higaan.


"Hindi rin." Gumagapang siya sa puwesto niya sa kanan ng kama.

"Eh anong problema?"

"Ang totoong problema? Mabait ang DIYOS, pero maraming hipokrito sa kaniyang mga
tagasunod. Kunwari'y mga banal, malinis at maka-Diyos. Pero kung makapangmata at
makapanghusga sa kanilang kapwa'y tila perpektong hindi nagkakasala."

May diin ang pagkakasabi niya.

"Marami sa kanila. Pangangaralan ka pa. Na para bang hindi sila nakikita ng DIYOS,
na hindi rin naman isinasabuhay ang mga pinagsasabi nila. May iba? Memoryado pa ang
mga nakasulat sa Bibliya, pero puro naman pag-uumpisa ng argumento't gulo ang mga
habol nila. Mga hipokrito! Mabait ang DIYOS pero maraming hipokrito at
nagmamarunong! 'Yun ang problemang sinasamantala ng Diyablo, kaya't lalong
nagkakagulo-gulo ang mundo. Pare-pareho lamang naman tayong mga makasalanan. Pero
kung makapagsalita ang mga mapagpanggap, akala mo'y sila lamang ang may karapatan."

"Mabuti ka pa, marami kang alam tungkol sa Diyos. Ako kasi'y mukhang pangalan
lamang niya ang alam ko."

Hinawakan niya ang aking mukha bago niya ako nginitian.

"Kaunting nalalaman lamang naman, mula sa pinasukan kong seminariyo."

"Pumasok ka talaga sa seminaryo?!"

"Oo, pero sandali lang."

"Bakit naman?"

"Akala ko kasi no'n, 'yun lamang ang paraan para mailigtas ko ang kaluluwa ni Papa
dahil sa kultong kanyang sinalihan. Mali pala 'yun. Ang DIYOS lamang pala talaga
ang makapagliligtas sa kanya, hindi tao, hindi ako. Nalaman ko rin kasi sa banal na
kasulatan na ang kasalanan ng Ama'y hindi naipapasa sa anak, kaya't hindi pwedeng
pagbayaran ng anak ang kasalanan ng ama, gayun din ang ama, sa kasalanan ng anak
(1)."

"Kaya naman pala ang galing mo magpusturang Pari no'ng una kitang nakita." Tatawa-
tawa kong sambit. "Kahit na masyado kang guwapo para maging isang pari."

"Siyanga?" Bumungisngis siya, kasabay ng pagliwanag ng kanyang napakaguwapong


mukha. "Binobola mo yata ako eh."
"Bakit naman kita bobolahin, eh nakuha na kita?" Humahagikhik ako.

Bumungisngis siya. "Ah gan'on?" Inumpisahan na niya akong kilitiin. Pangingiliting


hindi niya tinigilan hangga't hindi ako nagmamakaawa.

"Mahal na mahal kita, Victoria." Bulong niya sa akin, matapos naming kumalma sa
paghaharutan.

"Mahal din kita, Nathaniel." Bulong ko pabalik. "Kahit na, hindi ko alam kung ano
ang nagustuhan mo sa 'kin. Isa akong maruming babaeng isinumpa pa ng langit simula
pa sa aking kapanganakan. Kaya't hindi ko lubos-maisip kung bakit ako ang pinili
mong kapalaran."

Bago niya ako saguti'y hinalikan niya ang aking noo, pisngi't mga labi.

"Hindi kailangan ng dahilan sa pagmamahal, Victoria." Marahan at malambing niyang


sagot. "Kusa itong nararamdaman ng puso kahit walang malinaw na paliwanag."

_________________________

Footnote:

(1) Ezek 18:20 The one who sins is the one who will die. The child will not share
the guilt of the parent, nor will the parent share the guilt of the child. The
righteousness of the righteous will be credited to them, and the wickedness of the
wicked will be charged against them. [NIV] Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay:
ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng
kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng
masama ay sasa kaniya. [TAB]

[Itutuloy]

=================

KABANATA 16

Copyright ⓒ DyslexicParanoia

All rights reserved

KABANATA 16

"Nasaan ka kamo?!" Gulat na gulat na tanong sa akin ni Marco matapos kong


makatiyempo na tawagan siya sa telepono.

"Narito ako sa Hacienda Villaverde."

"Ha?! Anong gingawa mo diyan? At 'yung isa pang sinasabi mo? Ano nga ulit 'yung
sinabi mo?"

Hay naku naman! Mahigit isang buwan lamang naman kaming hindi nagkita, pero parang
nabingi na yata ang lalaking 'to.

"Ang sabi ko, nag-asawa na 'ko."

"Ano?!"

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, nag-asawa na 'ko."

"P-papaano, sino, kailan?"

"Anong papaano? Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong mo kung papaano.
Basta, nagpakasal kami sa minisipyo. Ang napangasawa ko'y si Nathaniel Villaverde.
Kung kailan, noong kabilang linggo lang."

"Nathaniel? Sino 'yun? At saan mo naman nakilala 'yun? Bakit ang bilis naman?"

"Mahabang kuwento, Marco."

"Pambihira ka naman, Victoria. Eh bakit ngayon ka lang tumawag? Pinag-alala mo


naman ako. Nakalimutan mo na ba 'yung usapan natin? Hindi ba't dapat magpapatingin
tayo sa Psychiatrist na kakilala ko? Ano na? Itutuloy pa ba natin 'yun? Babalik ka
pa ba rito sa Maynila?"

"Pasensya na. Maging ako ma'y nagugulat sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko
lately. Hindi ko alam kung kailan ako makababalik diyan sa Maynila. Wala na naman
akong mauuwian diyan eh."

"So pa'no? Ayaw mo na bang magpatingin?"

"Gusto. Pero hindi na muna siguro sa ngayon. Marami pa kas--"

Napahinto ako sa pasasalita nang mapansin kong naroroon pala si Nathaniel sa may
gilid ko.

"Hello?" Sabi ni Marco sa kabilang linya. "Victoria, are you still there?"
"H-ha? O-oo." Sagot ko kay Marco. Ninenerbiyos sa kung papa'nong makatingin sa 'kin
si Nathaniel. "N-nandito na ang asawa ko, t-tatawagan na lang kita uli--" Biglang
inagaw na ni Nathaniel ang telepono.

"Sino 'to?!" Pagalit na sambit nito matapos niyang kuhanin mula sa akin ang
telepono. "Marco? Sinong Marco. Sino ka?!" Magkasalubong ang mga kilay nito.
"Puwede bang huwag na huwag mo na kaming aabalahin? Bye!" Basta na lamang nitong
ibinagsak ang telepono.

"N-Nathaniel. S-si Marco 'yun. Matalik kong kaibigan."

"Matalik na kaibigan?" Nakangisi ito. "May matalik bang kaibigan ba na inaaya ang
kanyang matalik na kaibigan na makipagtalik sa kanya?"

Naku, mukhang naroro'n nga siya no'ng araw na niyaya ko si Marco.

"Nathaniel hindi nama--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, dahil binuhat na
niya ako, bago dali-daling dinala patungo sa aming kuwarto.

"Akin ka lang, naiintindihan mo?" Mariing sabi ni Nathaniel matapos niya akong
ihagis sa kama. "Ayokong nakikipag-usap ka sa kahit sinong lalaking pinagnasaan mo
dati, ngayon, at sa hinaharap." Tinatanggal na niya isa-isa ang kanyang saplot.
"Akin ka!" Hinaklit naman nya ang harapan ng suot-suot kong bestida. Hindi ko na
mabilang kung pang-ilang damit ko--na bigay naman ng kanyang Mama, ang nasisira na
niya. "Akin lang." Sinira rin niya ang suot kong panty--pati na rin ang aking bra.

Walang humpay na pagdaing ang tanging namutawi sa aking bibig. Lalong-lalo na nang
inumpisahan na niya sibasibin ang aking bulaklak. Napakahigpit ng pagkakapigil
niya sa aking mga balakang na tila ayaw niyang ako'y makakawala.

"Grabe ka Natha--" Nagulat ako nang bigla na lamang siyang huminto, pumuwesto sa
gitna ng aking mga hita't tila galit na galit--o gigil na gigil akong
pinanghimasukan.

Mariin. Marahan. Malalim, na unti-unting bumibilis, habang ang kanyang matatalim na


mga mata'y nakatitig sa aking mga mata.

Umalingawngaw sa silid na 'yon ang kanyang paulit-ulit pag-ungol at pagdaing.


Pagdaing na sumasabay naman sa ritmo ng pag-indayog ng kanyang katawan.

Damang-dama ko ang kanyang katikasan sa aking kaibuturan.

Ang aking kaibuturang tila naglalaway na bukal sa bawat lagaslas ng pagnanasa.


Pagnanasang pumapaimbulog habang ang naghuhugpong naming mga lama'y tila mga uhaw
na naghihintay na lamang ng magkasabay na pagpulandit ng aming kaligayahan.

Wala na nga yatang mas hihigit pa pinaghalo naming mga hiyaw at halinghing.

Mga palahaw na sinabayan ng langitngit ng katre't tagaktak ng aming mga pawis, na


pawang mga naging saksi sa nag-uumapoy naming pagnanasa.

Akala ko'y 'yon na ang madadala sa aming sukdulan. Mas lalo pa palang titindi ang
mainit naming engkuwentro, sa paggamit niya kanyang lakas at tikas, upang ako'y
idapa, ituwad at buong lambing--na may diing sinungkit mula sa aking likuran.

"Nathaniel!" Daing ko. Sa bawat pagsulong niyang tumatagos sa aking buong pagkatao.

Marami na akong lalaking nakasiping. Pero wala na yatang mas hihigit pa sa kanyang
kakayanang dalhin ang aking kamalayan sa alapaap.

"Victoria..." Hiyaw niya. Mas lalo niyang idinidiin ang kanyang armas na buong
linamnam naman niyang pinapadausdos sa yungib kong bukaskas

Lalakeng-lalake ang kanyang tinig.

Ang kanyang tinig na tila isang mariing musika na humihilot sa aking pandinig.

Pulit-ulit ang aking pag-ungot; kapalit ng mga salitang hindi ko mabanggit, at ng


mga pangungusap na hindi ko masambit.

"Nababaliw ako sa 'yo Victoria." Bulong niya, habang ako'y marahan niyang
itinatagilid. "Sabihin mong akin ka lang." Habang ipinapatong niya ang aking
nakatagilid na binti, sa kanyang matigas na dibdib. "Sabihin mo..." Sa muli niyang
pagtusok sa lagusan ng mainit kong kuwebang tila umuusok sa tindi ng aking
pananabik.

"Sa 'yo lang ako Nathaniel. S-sa 'yo lang ako." Napapikit ako.

Mas lumakas pa ang kanyang paghiyaw; bilang hudyat sa paglapit niya sa kanyang
tugatog.

Parating na rin sana ako kung hindi lamang ako tinraydor ng aking mga mata. Ang
aking mga matang bigla na lamang ginulat ng mga kakilakilabot na pangitain.

Tatlong ulo ng mga babae ang nakita kong tila nakapatong ang mga baba sa gilid ng
aming katre. Nakangisi ang mga ito sa kakilakilabot na paraan. Putlang-putla ang
kanilang mga balat, mamula-mula ang gilid ng kanilang mga mata, habang ang kanilang
mga mata mismo'y purong itim na.

Bitak-bitak na tila nanunuyo ang kanilang mga labi--na siya namang pumapalibot sa
nabubulok nilang mga ngipi't nangingitim na mga dila. Hindi ko na halos maramdaman
ang kanina'y walang kasing-sarap na pagsundot ni Nathaniel sa aking kalaliman.
Napalitan ito ng takot, kaba at labis-labis na pangamamba.

Humiyaw si Nathaniel sa pagdating niya sa kanyang rurok, habang ako nama'y


pumipikit, upang hindi ko na makita pa ang aking mga pangitain.

Nakapikit pa rin ako nang maramdaman kong bumagsak ang katawan ni Nathaniel sa
aking kanan. Na siya namang humarang sa mga kakilakilabot na ulo bahaging 'yon

Unti-unti ko nang iminulat ang aking mga mata. Umaasang nawala na ang mga
pangitaing gumimbal sa kamalayan ko kanina. Ngunit halos takasan naman ako ng
ulirat, nang makita kong maging si Nathaniel ay kamukha na rin ng mga ito.

Humiyaw ako sa takot; halos lumipad na papalayo sa aming kama.

Sumiksik ako sa isang sulok bago ko muling ipinikit ang aking mga mata.

"Victoria! Victoria!" Tinig ni Nathaniel; niyuyugyog ako nito. "Binabangungot ka na


naman ba?"

Bumangon ako't tiningnan ang aking sarili. Nasa ibabaw na ako ng kama; sinulyapan
ko naman ang sulok na sa buong akala ko'y siniksikan ko kanina.

"A-Anong nangyari?"

"Ako ang dapat magtanong niyan, Victoria."

"B-bakit?"

"Bakit naman tinulugan mo 'ko sa gitna ng ating pagtatalik?"

"T-tinulugan?"

Wala akong naalalang nakatulog ako?

"Oo, tinulugan. Tinulugan mo 'ko!" Nakasimangot siya. Humihiga sa aking kanan.

"H-hindi ko alam na nakatulog ako, Nathaniel."


"Ewan ko sa 'yo." Tumagilid ito patalikod sa akin. Halatang nagtatampo ito sa akin.

Abot-abot pa rin ang aking paghinga. Tila tambol din ang tibok ng aking puso.

Panaginip nga lang ba 'yun?

Pero bakit parang totoong-totoo?

Bakit parang hindi ko talaga matandaang nakatulog pala 'ko?

Ano kayang nangyayari sa akin?

Bakit mas dumadalas na yata ang aking mga bangungot at pangitain?

Gusto ko sanang paniwalaan na lang si Nathaniel, na binangungot nga lang ako. Kung
hindi lamang nagpakitang muli ang tatlong ulo--na ngayo'y nakatuon naman ang mga
baba, sa may gilid ng paanan ko.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 17

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved.

KABANATA 17

Palala nang palala ang aking mga pangitain. Dumating na nga sa punto na halos hindi
na ako makalabas sa aming silid. Tila naging tambayan na kasi ito ng iba't ibang
mga nilalang, o kaluluwa, o kung ano man silang paulit-ulit akong ginagambala.

Halos hindi na rin ako makausap nang matino ni Nathaniel. Panoo'y parati na lamang
nagbabago ang kanyang hitsura sa aking paningin. Nangyayari ito tuwing napapatitig
ako sa kanya nang hihigit pa sa kalahating minuto.

Para na tuloy akong baliw na takot sa lahat at ilag sa lahat. Lalo pa't tila mga
demonyo na rin ang tingin ko sa kanilang lahat.

Walang ipinagkaiba, pumikit man ako o dumilat. Nakikita ko pa rin ang kanilang mga
mukha, madilim man o maliwanag.
Mga mukhang nakatatakot.

Ang kanilang pag-aligid na punong-puno ng hilakbot.

Pakiramdam ko'y kaunti na lamang at tatakasan na ako ng bait. Lalo pa't hindi na
halos ako nakakatulog. Hindi kasi nila ako nilulubayan, magsumiksik man ako sa
isang sulok.

"S-saan mo ako dadalhin?" Halos walang lakas kong tanong kay Nathaniel.

Naramdaman ko kasing binuhat niya ako upang dalhin kung saan. Hindi siya
nagsasalita, ang naririnig ko lamang ay ang malalim niyang paghinga.

Naramdaman kong isinakay niya 'ko nang pahiga sa likuran ng kanyang kotse, kung
saan ako nanatiling nakahigang mahigit pa sa isang oras naming paglalakbay.

Makaraan ang isa't kalahating oras, tumigil na rin ang sasakyan. Naramadaman kong
bumababa siya rito bago niya binuksan ang pinto ng kotse--sa aking bandang paanan.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko na rin ang pagbuhat niya sa akin, at bagama't
naririnig ko pa rin ang ilan sa mga bagay-bagay sa aking kapaligira'y, naging
napakalabo't umiikot ang aking paningin sa aking kapaligiran. Dala na marahil 'yon
sa labis na pagkagutom; halos isang linggo na rin kasi akong hindi nakakain nang
maayos. Hirap na hirap kasi akong lumunok pagkain. Maging ang tubig ay nahihirapan
din akong lagukin.

***

"Bakit ngayon mo lamang siya dinala rito Nathaniel?" Dinig kong tinig ng isang
matandang babae. Inihihiga na ako ni Nathaniel sa isang malambot na katre.

Hindi ko kinaringgan ng sagot si Nathaniel.

"Nababaliw ka na ba?" Wikang muli ng matandang babae sa kanya, "Alam mong ito ang
kakahinatnan niya, pero inuna mo pa ang 'yong sariling kagustuhan? Ano 'tong
nabalitaan ko na pinakasalan mo pa ang babaeng ito?"

"Mahal ko po siya Nana Biring." Nanginginig ang boses niya, "Hindi ko po kayang--"

"Isa kang hangal, Nathaniel! Alam mong binuhay lamang siya ng mga kampon ng
kadiliman, sampu ng hindi na mabilang na iba pa, upang maging katawang-tao ng mga
demonyo sa takdang panahon, ngunit ano ang 'yong ginawa? Hindi mo lamang kinupkop,
inasawa mo pa?! Hindi ba't napagkasunduan na ng samahan na kailangan silang lipulin
upang hindi na magkaro'n pa ng pakinabang sa mga masasamang espiritu?!"
"Nana Biring." Nagmamakaawang tinig ni Nathaniel. "Nasabi po sa akin ni Papa na may
paraan pa para magkaroon si Victoria ng sarili niyang kaluluwang may basbas ng
langit. Malapit na sana niyang mahanap ang kasagutan, kung papaano niya magagawa
'yun. Pero sa kasawiang palad ay--"

"Sa kasawiang palad ay pumanaw siya!" Pabulyaw na wika ni Nana Biring kay
Nathaniel. "Hindi ba't malinaw na mensahe 'yon ng langit? Malinaw na hindi
pinahihintulutan ng Diyos ang kung ano mang kaparaanang nahanap ng 'yong Papa!"

"Nana Biring, parang awa niyo na tulungan niyo akong iligtas si Victoria. Mahal na
mahal ko po siya. Sabihin niyo sa akin kung ano ang dapat kong gawin?"

"Alam mong walang makatutulong sa kanya, kundi ang awa ng Diyos, Nathaniel. Wala
nang ibang paraan. 'Yun lang."

"Parang sinabi niyo na rin sa akin na wala nang pag-asa."

"Sa reaksyon mo." Natatawang sambit sa kanya ni Nana Biring, "Para mo na ring
sinabi na hindi ka naniniwala na may awa nga ang Diyos."

Hindi nakasagot si Nathaniel. Kung sumagot man siya nang maglao'y hindi ko na
narinig 'yon. Tuluyan na kasing nagdilim ang aking paningin.

* * *

Nagising akong nakasubsob sa aking tabihan si Nathaniel. Natutulog. Mukhang naroon


pa rin kami sa barung-barong ng matandang tinawag ni Nathaniel na si Nana Biring.

Ang una kong ginawa'y ang haplusin ang likuran ng buhok ni Nataniel. Na mukhang
siya namang naging dahilan kung bakit unti-unti siyang nagising.

"V-Victoria?" Aniya. Hawak-hawak nito ang aking kanang kamay at hinahalikan 'yon.
"Ano na ang pakiramdam mo?"

Bumangon muna ako nang paupo sa papag upang sumandal sa pader na nasa aking
ulunan--na nilagyan naman muna ni Nathaniel ng unan, bago ko 'yon sinandalan.

"Nanghihina pa rin ako." Sagot ko, nang makasandal na ako. "Pero wala na ang sakit
ng ulo ko."

"Mabuti naman." Nakangiting siya habang hinahaplos ang aking mukha.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.


"Humahanap ng paraan para gumaling ka na."

"Nathaniel. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang ayaw nila akong lubayan?"

"Ligtas ka rito. Hindi ka nila masusundan dito."

"Paano mo naman nasabi 'yun?"

"May basbas itong munting tahanan ni Nana Biring. Maliit na dampa man ito'y walang
nakakapasok ditong masasamang isipiritu."

"Hindi mo pa sinasagot 'yung isang katanungan ko. Bakit palala na yata nang palala
ang pagpapakita nila sa akin?"

"Dahil malapit na ang panahon."

"Malapit na ang panahon ng alin?"

"Malapit na ang panahon para pangmatagalang sakupin na ng kahit sino sa kanila ang
'yong katawang-tao, magpahanggang ito'y pumanaw na. Mangyayari 'yon sa pinakahuling
kabilugan ng buwan, bago lumipas ang 'yong ikalabing-walong taong pananatili sa
mundo."

"H-ha? Pero..."

"Unti-unti nang hindi tinatanggap ng iyong katawan ang kaluluwa ng Papa," Dugtong
niya, "Nang dahil doo'y kung sino-sino't kung ano-ano na ang pumapasok sa 'yo na
hindi na halos kinakaya ng katawan mo. Nag-aagawan sila. Pare-parehong nangangarap
na mapasakanila ang 'yong katawang-tao."

"Nathaniel." Nanginginig na daing ko. "Patayin mo na lang kaya ako. Ayokong


mapasademonyo ang katawan ko. Ayokong gamitin nila ang katawan ko para magkasala't
mapariwara ang mga taong dadaan sa buhay ko."

"Huwag kang magsalita nang ganyan, Victoria. Alam mong hindi ko hahayaang mangyari
ang mapahamak ka. Humahanap na ako ng paraan. Magtiwala ka. Mahahanap ko rin ang
paraan upang mabigyan ka ng Diyos ng sarili mong kaluluwa."

[Itutuloy]

=================
KABANATA 18

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved.

KABANATA 18

"Hayaan mo na siya Nathaniel." Matigas na sabi ni Nana Biring. "Kung mahal mo


talaga siya alam mong mas makabubuti sa kanya't para sa lahat ang pabayaan na
lamang siyang... mamatay."

"Napakadali lamang para sa inyo ang sabihin 'yan dahil hindi niyo kilala sa
Victoria! Wala kayong pakialam sa kanya kaya wala kayong nakikita kundi ang
kawalang pag-asa sa kanyang sitwasyon!"

Akala siguro nila'y natutulog ako't hindi naririnig ang kanilang pag-uusap sa
paanan ng papag na hinihigaan ko.

"Bakit? Anong pag-asa pa ba ang nakikita mo sa kanya?" Sagot ni Nana Biring,


"Masdan mo siya. Hindi ba't siya rin ang naghihirap sa pagpupumilit mong mailigtas
siya? Anumang oras ay kukuhanin na siya ng mga kampon ng kadilimang bumuhay sa
kanya. Anumang oras ay hindi na rin siya ang babaeng nakilala mo. Mas gugustihin mo
bang gamitin ng Diyablo ang kanyang katawan para sa paghahasik ng kanyang kasamaa't
paghihiganti sa Diyos, kaysa ang hayaan na lamang siyang mamahinga sa ilalim ng
lupa."

Narinig kong umiiyak na sinuntok ni Nathaniel ang dingding. Kubo lamang ang bahay
ni Nana Biring, kaya't tila nayanig ang buong bahay sa kanyang ginawa.

"Alam mong tama ako, 'di ba?" Pagtutuloy ni Nana Biring. "Alam mong tama ako pero
hindi mo matanggap dahil tuluyan ka nang nahibang sa sobrang pagmamahal mo sa
babaeng it--"

"Victoria." Mariing sagot sa kanya ni Nathaniel. "Victoria ang pangalan niya't


hindi siya basta isang babae lang dahil mahal ko siya." Humahagulhol na ito, "Kung
hindi niyo pala kami matutulungan. Ano pa ba ang ginagawa namin dito?"

Naramdaman kong hinawakan ni Nathaniel ang aking mga paa. Pagkatapos noo'y
naramdaman kong naglakad siya sa gilid ng aking kama, bago niya ako binuhat.

Daig ko pa ang lantang gulay. May malay ngunit nanlulupaypay. Hindi ko pa rin
malaman kung bakit ako nanghihina, gayung napapakain naman ako ng maayos doo't
naalagaan.

Dinala niya ako at inihiga sa likuran ng kanyang sasakyan. Bagama't pinipigilan


siya ni Nana Biring, ay nagdirediretso lamang siya sa papasok sa sasakya't saka
siya inumpisahan ang pagmamaneho upang maglakbay papunta sa kung saan.
"Huwag kang mag-alala, mahal ko." Dinig kong sambit niya habang nagmamaneho. "Hindi
ako titigil hangga't hindi ako nakahahanap ng solusyon para sa 'yo." Umiiyak siya.
Sumusinghot. "Mahal na mahal kita Victoria... huwag kang bibigay, ha? Huwag mo
akong iiwan."

Nanghihina ma'y naramdaman kong tumulo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
Hindi ko kasi akalaing ganoon niya ako kamahal. Sa totoo lang, kahit na pinakasalan
na niya ako, hindi ko pa rin maiwasang isiping gusto lamang talaga niya ako dahil
sa aking katawan; at dahil ako ang nakakatugon sa kanyang makamundong pagnanasa. Sa
ganoon kasi nag-umpisa ang aming relasyon.

Dalawang oras ang lumipas, ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Bahagyang
iminulat ko ang aking mga mata't naaninag kong naroon pala kami sa isang
gasolinahan. Narinig kong binuksan ni Nathaniel ang kanyang pintuan bago ito bumaba
sa sasakyan.

Marahil ay kinse minutos din ang lumipas, bago niya muling binuksan ang pinto at
saka sumakay.

"Mahal." Aniya. Nakaririnig din ako ng tunog ng plastic bag. "Bumili ako ng ilang
makakain natin dito. Hihinto lang muna tayo sa isang maliit na hotel dito ha?
Papagabi na kasi eh."

"Salamat..." Nanghihinang sagot ko.

Naaninag ko siyang nakalingon sa akin. Nakangiti. Ngiting tinraydor naman ng


kanyang malulungkot na mga mata.

Walang kalahating oras, ay nakarating din kami sa hotel. Nanlalata ma'y pinilit
kong bumaba sa sasakya't maglakad nang mag-isa. Sumiray-siray ako, pero naroon
naman kaagad si Nathaniel upang alalayan ako. Ibang-iba na talaga siya sa Nathaniel
na unang nakilala ko. Kung noo'y hindi siya nag-aatubiling iparamdam sa akin kung
gaano niya ako kinamumuhian. Ngayo'y halos ibigay na niya ang lahat sa kanya,
mailigtas lamang ako't maalagaan.

"N-Nathaniel..." Habang iniuupo na niya ako sa gilid ng kama. "Bakit mo ba ginagawa


para sa akin ito?" Tinanggalan muna niya ako ng tsinelas, bago niya iniangat ang
aking mga binti upang ihiga ako sa kama. "Nahihirapan ka na. Pati ang buhay mo'y
ninanakaw ko na."

Hindi siya sumagot. Bagkus, ay inayos na lamang ang kanyang mga pinamili mula sa
plastic bag, at saka niya inihanda ang aming hapunan.

Hay naku, ang lalaking ito! Napakaguwapo, matipuno't mayaman pa. Bakit ba ako pa
ang nagustuhan niya? Isang maruming babae, na literal na walang kaluluwa. Walang
silbi, puro pa problema. Hinahabol na ng kadiliman, salat pa sa pag-asa.

Kung inaalala niya ang bilin ng kanyang ama, wala na naman ito 'di ba? Ano pa ba
ang magagawa nito kung hindi na sundin ni Nathaniel ang tagubilin niya? Ang totoo,
mas dapat nga na kamuhian niya ako't pabayaan na lang. Tutal ako naman talaga ang
dahilan ng lahat-lahat ng kanyang kamalasan sa buhay.

"Eto Mahal," Hawak niya ang ham and cheese sandwich na ginawa niya't isang bote ng
softdrink. "Kumain ka muna para lumakas ka." Kinuha ko naman 'yon, para makuha niya
ang kanya.

"Hindi mo ba ako nadinig, Nathaniel?" Habang nakatalikod siya. "Pabayaan mo na lang


kaya ako. Bakit ba pinakakain mo pa ako? Ako ang sanhi ng mga problema mo..."

"Kumain ka na lang, Victoria."

"Ako ang dahilan ng mga problema mo ngayon. Marami namang babae diyan na hindi
hamak na mas higit sa ak--"

"Kumain ka na, Mahal." Parang wala siyang naririnig. Sumalampak lamang siya ng upo
sa sofa habang kinakain ang sandwich niya.

"Nathaniel, hindi mo ba ako naririnig?"

Halatang iniiwasan niyang tingnan ako. Tuloy-tuloy lang ang kanyang pagkai't pag-
inom.

"Nathaniel!" Sigaw ko na. Umiiyak. Ipinatong ko na lang ang aking pagkain, sa gilid
na lamesa.

Hindi pa rin niya ako pinapansin, hanggang sa maubos na niya ang kanyang pagkain.

"Nathaniel ano ba?!" Habang hinihugasan niya ang kanyang kamay sa lababo."

"Binilhan din pala kita ng toothbrush,"AnIya. "May tootpaste din tayo dito at
mouthwash." Nag-umpisa na siyang magsipilyo.

Sa sobrang inis ko'y pinilit kong tumayo. Ginamit ko ang natitira ko pang lakas,
upang tumakbo sa puntuan ng aming silid. Pinipihit ko na ang doorknob, nang
maramdaman ko siyang yumakap mula aking likuran.

"Mahal na mahal kita, Victoria." Bulong niya, hinahalikan niya ang aking leeg.
"Lumaban ka naman para sa 'kin oh." Nanginginig niyang bulong. "Aanhin ko ba ang
napakaraming babae sa mundo kung hindi naman ikaw ang kasama ko." Tumangis na siya
ng tuluyan. Naramdam ko na rin ang pagtulo ng kanyang mga luha sa aking balikat.
"Kung sumusuko ka na, mas mabuti pang patayin mo muna ako. Dahil hindi ko kaya..."
Tumitindi lalo ang pag-iyak niya. "Hindi ko na kayang mabuhay pa, kung iiwanan mo
ako."
[Itutuloy]

=================

KABANATA 19

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 19

"Nathaniel naman eh." Umiiyak akong napasubsob sa kanyang dibdib. "Bakit ka ba


ganyan?" Ungot ko bago ko iniangat ang aking mukha upang ibaon sa kanyang kanang
leeg.

Wala na yatang mas babango pa sa amoy ng kanyang balat. Ang natural na amoy ng
isang lalaki... ng isang napakaguwapo at napakakisig na lalaking labis-labis na
nagmamahal sa akin.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito na lang ang pagtingin niya sa akin.
Hindi ko rin maunawaan kung paano naging ganito na lamang kalalim ng kanyang
pagkahumaling. Gayung hindi naman ako perpekto. Mas mababa pa nga yata ako sa isang
ordinaryo.

Hindi ko man malaman kung ano ba talaga ang tunay niyang pinaghuhugutan. Hindi ko
man maarok ang di matinag na ugat ng kanyang nararamadaman. Alam kong kailangan
kong bumawi sa kanya kahit hindi ko pa kayang tumbasan ang pagmamahal na inaalay
niya.

Mahal ko ang lalaking ito. Ang lalaking ito na siya ring Asawa ko. Sana nga lamang
ay dumating pa ang panahon ng aking tuluyang paggaling. Para naman sa lahat ng
pagkukulang ko sa kanya'y makabawi pa ako.

"Victoria..." Bulong niya, habang pinupupog ko na ng halik ang palibot ng kanyang


leeg, "Hindi mo kailangang gawin 'yan mahal ko. Nanghihina ka pa..." Bagama't napa-
ungol siya nang ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng bandang unahan ng kanyang
pantalon. "M-magpahinga ka na lang mu--"

"Gusto ko Nathaniel." Habang natatarantang tinanggal ko na ang kanyang sinturon,


"Gusto kitang maramadaman sa loob ko."

"Ha?"

"Please?"
"P-pero Victoria."

Hinang-hina ma'y hinila ko siya at saka ko siya itinulak sa kama. Napa-upo muna
siya sa gilid ng kama, bago ako sumaklang sa kanyang kandungan.

"Please, mahal..." Pinupupog ko siyang muli ng mga halik.

"Kung mapilit ka hayaan mong ako ang umh---." Siniil ko ng halik sa kanyang walang
kasing-sarap na mga labi. Mga halik kong ginantihan naman niya na siyang halos
ikawala ng aking katinuan.

Daig ko pa ang iniuugoy sa duyan sa sarap ng pagdampi ng kanyang mga halik sa king
bibig, ang binibitbit sa langit habang nadadarang sa init ng kanyang mga haplos at
yakap.

Nararamdaman ko na ang kanyang katikasang kumikiskis sa aking kapatagan, bago niya


akong buong pag-iingat na inihiga, upang mabuksan naman niya ang natitirang harang
sa kanyang naghuhumindig na harapan.

"Nathaniel..." Pikit-matang daing ko, habang unti-unti nang ginagambala ng kanyang


galit na galit na kalamnan ang sikretong yungib ng aking kagubatan. Nagpaulit-ulit
ang aking pag-ungol at pag-daing, habang bumibilis ang kanyang pag-indayog sa gitna
ng aking mga hita.

Pabulong ang pag-ungol niya habang nakabaon ang kanyang mukha sa may gilid ng aking
tenga. "Mahal ko..." Habang mas lalo niyang ibinubuka ang aking mga hita.
"Nakababaliw ka..."

Wala na yatang mas nakaaaliw pa para sa akin, bukod sa ang pagmasadan ang nag-
iisang lalaking tunay na nagmamahal sa aking hindi magkamayaw sa sobrang tindi ng
kaligayahang kanyang nadarama.

Nakatingala siya, kagat-labing nakapikit ang mga mata. Halata ko naman sa walang
humpay niyang paghiyaw na labis-labis siyang naliligayahan.

"Ang sarap, mahal ko...." Daing ko, pigil-pigil ko ang kanyang puwitan--sa ilalim
ng kanyang pantalong suot-suot pa rin naman niya.

"Talaga?" Nakangiting tanong niya, bago niya ako tinaniman ng sandimakmak na mga
halik sa palibot ng aking mukha. "Eh heto?"

Mas lalo niyang tinindiha't binilisan ang pagsalpok ng kanyang harapan sa aking
gitna. Sapat na upang mag-umpisa nang lumangitngit ang kinalalagyan naming katre.

Humiyaw ako sa tindi ng hindi maipaliwanag sensasyon. Hindi na tuloy ako


makapagsalita't napakapit na lamang sa magkabilang dulo ng aking unan.

Tumatawa siya habang pinagmamasdan ang ekpresiyon ng aking mukhang nasisiyahan sa


ginagawa niya. "Masarap ba, huh?" Buong kapilyuhan niyang bulong sa akin. Hindi ako
sumagot. Alam na naman siguro niya ang kasagutan.

Walang ng kiyemeng humihiyaw ko sa mas pinatitindi niyang pagmimilagro sa aking


kuweba. Tumatawa siya nang malakas; tila binibiro pa niya ako habang mas lalo
niyang itinotodo ang kanyang buong lakas.

"Huwag kang hihinto! Huwag kang hihinto!" Tila nababaliw na hiyaw ko. Pilit
sinisipat ang walang kasing-sarap na pagbabanggaan ng aming mga kasarian.

Nagulat ako nang kinuha niya ang aking kanang binti, upang ipinatong ang aking
kanang paa sa kanyang baba, bago niya isinubo ang mga daliri ng aking paa. Halos
mahimatay ako sa kanyang ginawa. Ibang klase ang nanonoot na kuryenteng nagmumula
sa kanyang mainit-init na bibig. Pababa sa aking binti, na papunta naman sa aking
yungib na tila nalalaway naman sa aming mga kasariang hindi mapaghiwalay.

"Mahal na mahal kita, Victoria..." Hiyaw niya, matapos kong kusang hinila ang aking
paa mula sa kanya.

"Mahal na mahal din kita, Nathaniel."

"Kung mahal mo talaga ako. Hindi mo hahayaan na magkahiwalay tayo. Huwag kang
susuko!" Napatingala siya, tila naninigas. Mukhang mararating na niya ang kanyang
rurok. "Samahan mong akong ipaglaban ang ating kinabukasan, Victoria. Huwag mo
akong iwanan!" Nag-abot-abot ang kanyang paghinga hanggang sa tuluyan nang
sumambulat sa aking kaibuturan ang mainit-init na sabaw ng kanyang pagnanasa.

Siya naman ang tinawanan ko, habang humihiga siya sa aking kanan. Mukha kasi siyang
basang sisiw. Pawis na pawis. Hingal na hingal.

"Ano na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin matapos niyang tumagilid paharap sa
akin.

"Sa totoo lang." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Parang nanumbalik ang aking
lakas." Bumangon ako, bumaba sa kama't saka nagsasayaw at naglulundag. Nakabestida
pa rin naman ako, kaya't iniladlad ko ang palda ko't sumayaw na tila trumpong
nagpapaikot-ikot.

Inihilig ni Nathaniel ang kanyang kaliwang siko, upang maiangat niya ang itaas na
bahagi ng kanyang matipunong katawan.

Nakatutuwang tumatawa siya habang pinanonood niya ang aking pagsasayaw.


Napakaliwanag ng kanyang mukha na hindi ko inakalang makikita ko pa ngayon araw na
ito.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan nang biglang bumukas ang pintuan ng
tinutuluyan naming hotel. Iniluwa nito ang labing tatlong taong may mga maskara.
Mga nakasuot sila ng mahahabang pulang balabal na sumasayad hanggang lupa.
Natatakluban din ng hood ang kanilang ulo. May mga tatak ng baliktad na krus ang
kanilang mga dibdib at likuran.

Walang isang kurap na pinagkaguluhan ako ng ilan sa kanila. Anim ang humatak sa
akin bago nila ako binitbit papalayo kay Nathaniel.

Si Nathaniel na sa huli kong sulyap ay walang malay nang nakahandusay sa kama.


Duguan ang bandang noo nito na wari'y pinukpok ito ng isa sa pitong nakapalibot sa
kanya.

Umiiyak ako. Nagpupumiglas. Nagsisigaw. Ngunit ang lahat nang iyo'y nabalewala
lamang dahil sa anim na taong pinagtulong-tulungan akong bitbitin papalabas sa
nirentahang silid na 'yon.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 20

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 20

Matapos nila akong bitbitin at ipasok sa isang mahabang sasakyan--na sa pakiwari


ko'y tila isang karo ng patay, ay tinakluban nila ang aking ulo ng isang katsang
supot na kulay itim.

Wala na akong makita simula noon.

Halos maubusan na ako ng hininga nang maglaon dahil sa kakapusan sa hangin. Ngunit
sa kabila ng hindi kumportableng sitwasyo'y pilit kong talasan ang aking pandinig
at pandama, upang makasagap man lamang kahit kaunti ng kung ano mang nangyayari sa
aking paligid.

Pakiramdam ko'y marami kaming nagsisiksikan sa loob. Malakas ang pandama kong hindi
lamang ako ang kanilang dinukot. May naririnig kasi akong mga ungot, singhot at
hikbi. Nararamdaman ko ring may mga nakagapos na nakadagan sa aking mga binti.

Wala akong nadidinig na nagsasalita. Kaya naman nangingibabaw ang tila recorded na
kanta sa salitang lating may timbreng nakapangingilabot na ponebre. Sa background
ay ang pinaghalo-halong tunog ng tila mga tinig ng mga taong dumadaing sa labis-
labis na paghihinagpis. Mayroong humihiyaw, mayroon din namang mga humahalkhak, na
halos kasabay ng tunog ng mga tanikala't mga hagupit ng hindi lamang iisang latigo.

Ang tugtog na iyo'y sinundan ng tinig ng mga tao na tila may binibigkas na dasal na
pinaghalong tagalog at latin. Sa una, akala ko'y dasal ito na katulad ng dinadasal
ng mga tao sa simbahan. Hanggang sa unti-unti nang nagiging malinaw sa akin, na
yaon pala'y mga dasal sa rituwal ng mga sumasamba kay Satanas.

Nangingilabot man ako sa aking nauuliniga'y pinilit kong maging kalmado. Kuwari'y
walang naririnig; kunwari'y walang nalalaman.

Mahigit isa't kalahating oras din ang itinagal ng biyahe nang huminto na sa wakas
ang sasakyan. Pagkatapos noo'y naramdaman kong isa-isa na kaming ibinababa ng hindi
namin nakikitang mga tao.

Sa alingaw-ngaw pa lamang ng aming mga yabag ay halata ko nang nasa isang lugar
kami na malalim, o marahil ay nasa ilalim ng lupa. Nasiguro ko naman na tama nga
ang hinala ko, nang tinanggalan na nila kami ng balot sa ulo---matapos nila kaming
ipinagtulakan papasok sa loob ng isang piitan.

Madilim, mabaho at mamasa-masa ang piitang 'yon. Tanging ilaw lamang ng dalawang
kandila ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa buong kapaligiran. Bukod sa
umaalingawngaw na pagtulo ng tubig, ay wala na akong naririnig bukod sa mga impit
na iyak mula sa mga babaeng preso na kasama ko ro'n.

Ikinalat ko ang aking paningin sa loob ng selda. Anim. Anim kaming naroro'n. Sa
tapat ng aming kinalalagaka'y mayroon ding mga nakakulong. Ngunit dahil na rin sa
dilim ng kapaligira'y hindi ko naman masyadong maaninag ang mga tao ro'n.

"Anong gagawin nila sa atin?" Iyak ng isang babae--na malamang sa hindi'y kaedaran
ko. Nakaupo siya nang pahiris sa aking kanan, habang pilit kumakawala sa mga gapos
niya--sa kamay at paa. Gapos na mayroon din ako't ang iba pa. "Papatayin ba nila
tayo?"

Walang sumagot sa kanyang katanungan. Halatang nagpapakiramdaman ang lahat ng aming


mga kasama.

"Kung berhen kayo't maka-Diyos." Biglang salita ng nasa aking kaliwa. Hindi ko man
gaano maaninag ang kanyang mukha'y napatingin ako sa kanyang direksyon. "Dudungisan
nila ang iniyong dangal. Kukunin nila ang inyong puri. Pahihirapan nila kayo
hangga't hindi ninyo isinusuko ang inyong pananampalataya sa Diyos. At kapag nakuha
na nila kayo, uutusan nila kayong gumawa ng masama sa mga tao sa ibabaw ng lupa.
Kasamaang ituturo nila sa inyo, upang muli pang nakapanlinlang ng maraming tao."

"Hindi na naman ako birhen at wala akong... relihiyon." Sagot ko sa kanya, "Ano
naman kaya ang plano nila sa 'kin?"
"Kung dinukot ka nila't ito'y hindi dahil sa ikaw ay birhe't relihiyosa," Sagot
niya kaagad, "Malamang ay isa ka sa mga tinitipon nilang mga taong walang kaluluwa,
upang magamit ng mga demonyo ang inyong mga katawan, upang makapaglakad sila't
makapaghasik ng lagim sa ibabaw lupa nang hindi nahahalata ng mga normal na tao..."

Nagsasalita pa siya, nang medyo pinilit kong aninagin ang kanyang mukha. Hindi ko
talaga ito makita. Ang nakikita ko lamang ay ang ibabang bahagi ng kanyang katawan,
na tinatamaan ng kakaunting ilaw mula sa isa sa mga kandila.

"Ikaw? Bakit ka nila dinukot?" Tanong kong muli sa kanya; pilit ko pa ring
sinisipat ang kanyang mukha. "Bakit ang dami mong alam?"

Bago siya nakasagot ay...

"Miss." Sabi ng nasa aking kanan.

Napatingin ako dito't, "Ha?"

"Sinong kausap mo?" Tanong niya.

Dahil sa sinabi ng nasa aking kana'y muli akong lumingon sa aking kaliwa-- kung
saa'y wala na ang babaeng kausap ko kanina. Muli akong lumingon sa aking kanan--
para sa babaeng nakapansin na wala pala akong kinakausap.

"H-ha?" Kinakabahang reaksyon ko sa kanya. "W-wala, kinakausap ko lamang ang aking


sarili."

Nasa proseso pa ako ng pagpapakalma sa aking sarili--upang humupa muna ang animo'y
tambol na pagpintig aking puso'y, napasulyap muli ako sa aking kaliwa, upang halos
takasan lamang ng aking ulirat nang makita ko ang isang maputing mukha na halos
nakadikit na sa aking kaliwang panga at leeg.

Sa malapita'y kitang-kita ko ang nanunuyo niyang mga labi't nangingitim na palibot


ng mga mata. Bitak-bitak ang balat sa kanyang mukha, habang animo'y may maliliit na
uod ang nakahilera sa talukap ng kanyang mga mata--na nangagsisilabasan din mula sa
mga butas ng kanyang ilong.

"Pinatay nila ako."Malamig na bulong nito sa aking tenga. "Dahil sa dami ng


nalalaman ko tungkol sa kanilang kulto." Pagtutuloy nito sa aking kaliwang tenga.

Kinikilabutan ako. Hindi ako makatingin sa kanyang mukha kaya't pumikit na lamang
ako.

Nanonoot sa aking mga ugat ang lamig ng kanyang tinig. Lamig na nakapaparalisa sa
aking buong katawan, kaya't animo'y estatwa ako sa aking pagkakaupo
"Kilala ko ang iyong ama... Kilala ko si Eduardo." Pagtutuloy niya, "Dahil siya
mismo ang katawang tao ni Satanas na pumaslang sa aki't gumahasa sa iyong ina."

Gumahasa... sa aking ina? Ang ama ko, ginahasa ang aking ina? Diyata't taliwas yata
iyon sa kuwento sa akin ni Nana Nora.

Iminulat ko ang aking mga mata't lakas loob na nilingon ang multo--o kung ano man
siyang kakilakilabot na nilalang na bumubulong sa akin.

Wala na siya ro'n. Ang tanging bumulaga na lamang sa aki'y ang mga mata ng aking
mga kasamahan sa seldang mga nakatutok nang lahat ang mga paningin sa akin.
Mababanaag sa kanilang mga mukha ang pagtataka sa aking kakaibang ikinikilos.

Ano ba talaga ang totoo? Nalilito na ako no'n, mas lalo pa yatang gumugulo ang
aking isipan ngayon.

Kanino ko ba talaga makukuha ang tamang impormasyon tungkol sa aking mga magulang?

Sino ba ang tunay na makapagbibigay ng kaliwanagan sa akin tungkol sa tunay kong


pinagmulan?

Anong silbi ko sa kultong ito?

Ano ba ang nakadestinong gagawin ko sa mundong ito?

Kung ang ama ko nga ang tinutukoy ng multo na katawang tao ni Satanas?

Tama bang ipagpalagay kong ako nga'y anak ng... Diyablo?

[Itutuloy]

=================

KABANATA 21

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved.

KABANATA 21

Mahina, ngunit sabay-sabay na mga daing ang kalauna'y naririnig namin sa katapat na
selda. Sa timbre pa lamang ng kanilang mga tinig ay nasisigiro naming mga lalaki
ang mga naroroon.

Diyos ko tulungan mo kami!

Winika 'yon ng isang tinig ng lalaking mas nangingibabaw sa mga panaghoy.

"Marahil 'yun ang Pari." Sabi ng isa sa mga kasamahan kong babae. "Narinig ko sa
usapan ng mga guwardya na siya na raw ang susunod nilang dadasalan ng rituwal
mamaya."

"Para ano?" Tanong ng isa pa sa aking mga kasamahan. "Papatayin ba siya? Iaalay?"

"Sa aking pagkakaintindi," Sagot ng naunang nagsalita kanina. "Isa raw mabuting
Pari 'yon na tunay na naglilingkod sa Diyos. Pero dudungisan daw nila ito simula
mamaya upang maging isa sa mga instrumentong gagamitin ng kultong 'to upang mas
humina ang pananampalataya ng tao't mas kutyain ng mga walang pananalig ang
Panginoong Diyos."

"Papaano?" Pagsingit ko. "Anong gagawin nila sa kanya?"

"Hindi ko rin alam. Basta't ang narinig ko lang pababalikin daw 'to sa kabihasnan,
katulad ng napakarami nang mga Pari, Preacher, Pastor, Diyakuno at mga Ministro na
nauna sa kanya, upang magamit nila ang mga ito sa pagpapahayag ng mga maling turo't
kaalaman tungkol sa Diyos."

"Maling turo?" Sabat ng isa pa sa mga kasamahan ko. "Anong klaseng maling turo?"

"Lahat ng maling turo na wala naman sa banal na kasulatan."

Pagkasabi niya noo'y nakarinig na kami ng mga yabag. Yabag ito ng apat na
kalalakihang may taklob na itim na tela sa ulo. Pumunta sila sa aming selda upang
buksan ang kandado nito.

"Ikaw!" Malakas na tinig ng isa. Nakaturo ito sa aking direksyon, "Tumayo ka!"
Tumayo naman ako. "Sumama ka." Bago niya ako hinatak papalabas ng selda.

Hindi na nila tinakpan ang aking ulo. Dahilan kung bakit nakita ko nang lahat ng
mga dinaanan kong hindi ko nakita no'ng araw na dinala nila ako ro'n. Ang unang
araw na iyon, na sa tantya ko'y apat na araw na ang nakalilipas.

Napakahaba pala ng pasilyong iyo't napakaraming seldang kinalalagakan ng hindi ko


na mabilang na tao. Kinikilabutan ako sa kanilang mga daing, na sinabayan pa ng
labis-labis na pangambang nagingibabaw sa aking dibdib.

Saan kaya nila ako dadalhin?


Ano kaya ang gagawin nila sa akin?

Natatakot ako.

Gustuhin ko mang tularan ang mga nasa Seldang tumatawag sa Diyos, ay hindi ko
magawa?

Paano ko naman kasi tatawagan ang Diyos nila na hindi ko naman kilala?

Paano ko hihingan ng tulong ang sinasabi nilang Panginoon na siya ring Diyos na
pinagkaitan ako ng kaluluwa?

Ang sabi ni Nathaniel. Mabait daw ang Diyos? Pero kung talagang mabait siya? Bakit
kailangan kong pagdusahan ang mga bagay na wala naman akong kasalanan? Kung
talagang mabait siya, bakit nagdurusa pati ang mga taong nananampalataya sa kanya?

Mabait nga ba ang Diyos? Pero bakit ang daming naghihirap?

Mapagbigay nga ba ang Diyos? Pero bakit ang daming nagugutom at naghihikahos?

Maunawain nga ba ang Diyos? Pero bakit tila hindi niya nauunawaan ang hinaing ng
mga taong tumatawag sa kanya?

May Diyos nga ba? O kathang isip lamang ito ng mga taong pilit humahanap ng pag-asa
sa mapag-imbot na mundo?

May Diyos nga ba? O gawa-gawa lamang siya ng mga taong nais lamang itong gamitin
upang magkaroon ng kapangyarihan, impluwensya't marangyang estadong tinitingala ng
marami?

May Diyos nga ba? Kung may Diyos... nasaan siya?

"Narito na po ang inyong anak." Sabi ng lalaking may bitbit sa akin, matapos niya
akong maihatid sa isang marangyang silid. "Guro."

Nakatalikod ang matangkad na lalaking sinabihan niya, kaya't hindi ko nakikita ang
kanyang mukha. Nakasuot ito ng magarang itim na suit, na bahagyang natakluban ang
bandang batok. Mayroon kasi siyang mahabang itim at tuwid na buhok, na kanyang
tinipon ng isang pamusod sa bandang likod.

"Sige." Kalmadong sagot nito. Nakatalikod pa rin. "Makakaalis na kayo."


Pagkaalis na pagkaalis ng mga tao'y siya namang pag-uumpisa ng mahigit sa isang
minutong katahimikan. Katahimikang nakabibingi, dahil ni walang kahit ano sa silid
na 'yon ang naglilikha ng ni gatiting na ingay.

"Kamusta ka na, Victoria?" Habang humaharap na siya sa akin.

Imbes na sumagot ay napatulala lamang ako; isa-isang dumadalaw kasi sa aking


isipan, ang mga larawan ng aking mga alalaala, kung saan ko siya unang nakita.

Tama.

Mahaba lamang ang kanyang buhok ngayon, pero ang mukha niya'y siya ring mukhang
nakikita ko kung saan-saan.

Siya nga ang guwapong lalaki na parati kong nakikitang nakangisi habang ako'y
nakikipagtalik sa iba't-ibang mga lalaki. Siya rin ang naka-itim na abito ng pari
na nakita ko sa may altar ng simbahan noong unang araw na makilala ko si Nathaniel.
Siya rin ang lalaking nakasimangot nang una kaming nagtalik ni Nathaniel.

Siya nga! Hindi ako maaring magkamali. Siya nga ang lalaking iyon!

"Alam kong nakikilala mo ako." Nakangising sambit niya habang dahan-dahan niya
akong iniikutan. "Kamusta ka na, anak?"

"Anak?" Mahinang sambit ko. Bagama't alam ko na rin namang siya na nga ang
tinutukoy nilang tunay kong ama'y nagpanggap pa rin ako na tila walang nalalaman.

Bago pa siya nakapagsalita'y may biglang pumasok sa isa sa tatlong pintuan ng


silid. Nagulat ako nang makilala ko kung sino iyon.

Si Nana Nora.

Taliwas sa hitsura niya noo'y napakagarbo na ng hitsura niya ngayon. Daig pa niya
ang isang matandang reyna na nakaayos ang buhok at nakasuot ng mamahaling damit.

"Mama." Bati sa kanya ng lalaking nagpakilala sa akin na aking Ama--humahalik ito


sa kanyang pisngi.

Mama? Ina ng aking Ama si Nana Nora? Kung ganun, maari ko na bang isipin na ang
matandang nagpakilala sa akin noon na isang huklubang komadrona'y siya ko pa palang
lola? Napakunot-noo na lamang ako bago ko inalog ang aking ulo.

"Kamusta ka na... apo." Pagbati sa akin ni Nana Nora. Hahalik sana siya sa aking
noo, pero umiwas ako't umatras ng isang hakbang.
"Apo?!" Mangiyak-ngiyak na sinabi ko. "Paano niyo ako naging apo?!"

"Ikaw ang anak ng aki--" Anya habang lumalapit sa akin para. Hinawakan niya ako sa
braso, ngunit nagpumiglas ako.

"Sinungaling ka!" Sigaw ko. "Nagsinungaling ka tungkol sa aking mga magulang!"


Umaatras ako sa tuwing nagtatangka siyang umabante. "Ang sabi mo, nagkagustuhan ang
aking mga magulang sa kabila ng bawal nilang relasyon."

"N-nasabi ko lang iyon dahi--!"

"Dahil ano?!" Halos naatrasan ko na ang bawat sulok ng silid dahil sa patuloy
niyang pagtatangkang lumapit sa akin, "Dahil alam mong hindi lalo ako sasama sa 'yo
kapag nalaman ko ang katotohanang ginahasa lamang ng aking ama ang aking ina?!"

Sinuliyapan ko ang lalaking nagpakilala sa akin na aking Ama. Nakasimangot ito.


Matalim ang tingin sa akin.

"Ano?!" Hiyaw ko. Huminto na ako sa pag-atras, tumigil na rin kasi si Nana Nora sa
pag-abante. "Susunod niyo na bang aaminin sa akin na isa ang aking ina sa mga
purong babaeng naglilingkod sa Diyos na niyurakan niyo ang dangal upang
maipahiwatig niyo sa Panginoon ang inyong pagkamuhi't pagrerebelde sa kanya?"

"Sino ang tinatawag mong Panginoon?" Tanong ng aking Ama.

"Ang Diyos." Sagot ko.

"Walang Diyos."

"Meron." Sabi ko.

"Walang Diyos!" Si Nana Nora. Umaabante na naman, kaya't muli akong napapaatras.

"Meron!

"Walang Diyos!" Hiyaw ni Nana Nora. Humangos ito sa akin upang patikmin ng isang
malakas na sampal. Napasubsob ako sa pader. "'Yan ang napapala mo sa pagpapakasal
sa isang hunghang." Hinahatak niya ang aking kaliwang braso.

"Hindi kayo naniniwala sa Diyos pero naniniwala kayo sa Demonyo?" Tumawa ako nang
may halong pang-uuyam. "Hindi kayo naniniwalang may Diyos pero nag-aabala kayong
kontrahin ang mga nananampalataya sa kanya? Kung walang Diyos? Bakit pa kayo
nagpapagod? Hindi yata't kayo ang mga tunay na hunghang!"
Nagkatinginan ang mag-ina, bago nila ako magkasabay na tinitigan.

"Ano? Hindi kayo makasagot?!" Hiyaw ko. "Hindi kayo nakasagot dahil tama ako di ba?
Mayroong Diyos! At alam niyong mayroong Diyos. Pinaniniwala niyo lamang ang inyong
mga sarili na walang Diyos para magawa ninyo ang kahit anong inyong naisin!
Mayroong Diyos! At alam niyong mayroong Diyos. Pinaniniwala niyo lamang ang mga tao
na hindi kayo naniniwala para patuloy kayong nakapanlinlang ng mga tao ayon sa utos
sa inyo ng Diyablo!"

"Tama ngang ipinapatay na natin si Nathaniel, anak." Nakangising sambit ni nana


Nora sa aking ama; sa akin pa rin naman ito nakatingin. "Naging napakasamang
impluwensya ng anak ng 'yong matalik na kaibigan sa 'yong anak."

Ipinapatay nila si Nathaniel? Wala na si Nathaniel?

"Anong ginawa niyo sa asawa ko?!" Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak.

"Hayun." Sagot ng aking Ama. "Ipinadala ko na siya sa isang lugar kung saa'y
mapatutunayan na niya sa wakas, na walang Diyos. At kung meron ma'y walang pakialam
ito sa mga tao. Lalong-lalo na sa isang tulad niya't ng kanyang amang makasalanan."

"Magbabayad ka!" Papasugod na ako sa kanya, ngunit napigilan naman ako ni Nana
Nora.

"Wala akong utang kahit kanino." Kalmadong sagot niya. Nakataas pa ang isang kilay.

"Demonyo ka!" Hiyaw ko sa kanya.

"Salamat." Nakangising sagot niya.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 22

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 22

"Ano ba ang kailangan niyo sa 'kin?" Tanong ko sa mga taong nagdala sa akin sa
tinatawag nilang altar.
Hindi sila nagsalita. Iniupo lamang nila ako sa isa sa mga bangko roon, bago dali-
daling nangagsialis.

Tiningnan ko ang buong paligid. Dalawa na pala kaming naroroon. Nakaupo ang isa sa
kabilang sulok. Isa itong lalaki na nakakurbata't puting pang-itaas na may mahabang
manggas. Medyo marumi't gusot-gusot ang kanyang damit. Bangas-bangas ang kanyang
mukha't tila nalulugmok ang ulo nito kung saan mang direksyon ito mapakiling.

Habang nakatitig ako sa lalaking iyo'y may narinig akong paparating. 'Yaon muling
mga lalaking nagdala sa akin kankna. Bitbit nila ang isang babaeng nagpupumiglas;
at sa gitna ng kanyang pagpupumiglas, ay basta na lamang naman itong isinilampak sa
aking tabi.

Hindi ko namumukhaan ang babae. Mukhang galing ito sa ibang selda. Isang tingin ko
pa lamang sa kanya'y alam ko na kaagad na hindi nagkakalayo ang aming edad. Maganda
siya, maputi't maganda ang hubog ng katawan. Sa hitsura pa lamang niya'y mukhang
sadya siyang inayusan. May makapal na kolorete ang kanyang mukha. Nakaayos ang
kanyang buhok. Magara ang kanyang pulang damit, na may tamang tabas na sukat na
sukat sa kanyang balingkinitang pangangatawan.

Sandali kaming nagpakiramdaman. Kapwa sumusulyap sa isa't isa. Hanggang sa hindi ko


na natiis kaya't kinausap ko na siya...

"Alam mo ba kung bakit tayo naririto?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lamang ito. Sa kanyang ikinikilos, nahalata ko rin kaagad na mahiyain ito;
nagmumukha lang na hindi, dahil sa postura nito.

"S-saan ka nila kinuha?" Muli kong tanong.

"S-sa..."

"Saan?"

"S-sa bahay namin."

Tumango ako. "Ilang taon ka na?"

"E-eighteen."

"Magkasing-edad pala tayo."

"Eighteen ka rin?" Nanlaki ang mga mata niya.


"Oo."

Pagkasabi ko noo'y ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa kabuuan ng silid. Mukha itong


maliit na kapilya ng mga Katoliko. Mamula-mula ang mga pader nito na yari sa laryo
(1). Mayroon itong tig-aanim na bintanang makipot sa kaliwa, maging sa kana't sa
likurang pader. Bawat isa'y may stained-glass na may imahe ng mga demonyo. Bawat
isang imahe ng demonyo'y tila nakatungtong sa isang pedesta, at ang bawat pedestal
ay tila may nakaukit na pangalang nakasulat sa esoterikong alpabeto.

May malapad na bintanang may stained-glass din sa altar. Sa stained-glass na iyo'y


naroon naman ang wari'y simbolo ng pabaliktad na tala na nasa gitna ng dalawang
hugis pabilog. Ang mas maliit na bilog sa loob ay nakakulong sa mas malaking bilog
sa labas. Ang simbolo ring iyo'y kinapapalooban ng kumplekadong mga disenyo't
alpabetong hindi ko maintindihan.

Sa harapan ng bintana ng altar ay may isang matangkad na lamesita kung saan ay


naaninag ko ang mga sumusunod:

Isang malaki't makapal na itim na aklat na maihahalintulad sa biblia--nakasara


ito't nakapatong sa isang book rest na bahagyang nakatayo. May nakatatak na simbolo
sa pabalat nito na katulad ng nasa stained-glass ng altar.

Sa gilid ng aklat na iyo'y may dalawang itim na kandilang may sindi. Kapwa nakatayo
iyon sa ibabaw ng dalawang maliit na bungo.

Sa gitna ng mga kandila--sa mismong harapan ng aklat, ay may nakapatong na isang


punyal at isang ginintuang kupitang bakbak ng batong rubi at oniks sa palibot.

Sa harapan ng lamesitang iyo'y naroroon naman ang isang parihabang lamesa na yari
sa marmol na kulay abo. Sa ibabaw noo'y may nakalatag na sedang itim na may halong
ginto't pulang disenyo. Sa bawat sulok ng lamesa'y may nakasinding kandelerong itim
na triple ang laki kumpara sa mga kandilang nasa altar.

Matapos kong isa-isahin ang mga naroroon sa altar ay nilingon ko naman ang paligid
mula sa aming kinauupuang bangko. Naroon kami sa unang hilera--sa unang hanay, sa
harapan.

Paharap sa altar ay may mahahabang kahoy na bangko na nakahilerang tig-aanim sa


tatlong hanay. Kapansin-pansin naman sa bawat gilid ng mga bangko'y may nakaukit na
krus na pabaliktad. At dahil sa tatlo ang hanay ng mga bangko'y mayroon itong
dalawang pasilyong katapat na katapat naman ng dalawang malalaking pintuang yari sa
makapal na kahoy na hugis habilog ang ibabaw.

Matapos kong makita ang mga pinto'y mabilis na hinapyawan ko naman ng tingin ang
lahat ng pintuang natatanaw ko sa silid na iyon.
Apat.

Apat ang pintuan doon. Nabanggit ko na ang dalawa. Ang isang mas maliit na pintuang
parihaba'y nasa kanang gilid ng altar--kung nakaharap sa altar. Habang ang
pinakahuli sa apat, ay ang pinasukan namin kanina. Ito'y nasa mismong gilid ko sa
aking kaliwa--kung nakaharap sa altar.

Nasa gitna ako ng pagmamasid nang biglang humiyaw ang lalaking nauna na sa amin
do'n. Nagwawala ito, kaya't agad ko itong nilapitan.

"Ayos ka lang ba?"

Alam kong mali ang tanong ko, pero wala kasi akong mahagilap na tamang salita na
maari kong sabihin sa kanya.

"A-ayoko... a-ayoko!" Hiyaw niya, bagamat hindi makatayo dahil naka-kadena pala ang
magkabila niyang binti.

"S-sino ka?" Pilit ko siyang pinakakalma. "B-bakit ka nila kinuha?"

Hindi ito kaagad nakapagsalita dahil sa matinding hingal sa pagwawala.

"A--ako si... F-father Ramon."

"Pari po kayo?"

"O-oo."

"Ano ang tinutukoy niyo kanina na ayaw niyo?" Tanong ko. "Anong ipinagagawa nila sa
inyo?"

Humagulhol ito na tila bata, "Ang Panginoong Diyos lamang ang gusto kong
pagsilbihan... Hindi ko kaya! Hindi ko kaya ang iniuutos nila!"

"B-bakit? Ano po ba ang iniuutos nila sa inyo?"

"G-gusto nilang bumalik ako sa kabihasnan..."

"Palalayain ka nila?"

Umiyak ito.
"Hindi."

"Kung hindi'y ano?"

"Inuutusan nila ako na gawin ang isang bagay na ni si paniginip ay hindi ko


makakayang gawin."

"Ano ba ang iniuutos nila?"

"G-gusto nilang..."

"Ano po Father Ramon? Ano po ang gusto nila?"

"Gusto nilang..."

"Ano po?"

"Gusto nilang mangmolestya ako ng mga kabataang lalaki't sadyaing ipahiya ang
simbahan sa aking eskandalo." Muli itong humagulhol.

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Paano kung hindi niyo sila susundin? Papatayin daw ba nila kayo?"

"H-hindi."

"Eh ano?"

"Papatay daw sila ng labing tatlong Katoliko sa mismong harapan ko." Nanginginig
siya. "Hindi lang basta papatayin. Kundi..."

"Kundi?"

"Babalatan daw nila ang mga ito ng buhay at pahihirapan hanggang sa mamatay."

--------------------------------

Footnotes:

(1) Laryo: [English: Brick]


[Itutuloy]

=================

KABANATA 23

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 23

Kada sampong minuto'y may ipinapasok silang tao sa loob ng silid. Kaya naman
makaraan ang isa't kalahating oras ay halos mapuno na ang bawat hilera ng mga
bangko.

Marami-rami na rin akong nakilala. Mga taong kinuha nila mula sa iba't-ibang
lugar--sa iba't ibang uri ng pamumuhay. Ang bawat isa'y may sariling kuwento. Ang
bawat isa'y binigyan ng misyong magkalat ng Lagim sa ibabaw ng lupa, kapalit ng
kaligtasan ng maraming buhay, kabuhayan, aria-aria't kung ano man ang mahalaga para
sa bawat isa.

"Wala na tayong ginawa kundi ang pagtaluntalunan ang mga walang kakwenta-kwentang
bagay." Umiiyak na sambit ng isang Protestanteng Pastor kay Father Ramon. "Ang
punahin ang mali ng bawat isa upang mas lalo pang lumala ang ating
pagkakawatakwatak. Lingid sa ating kaalama'y nagpipyesta na pala sa ating alitan
ang ating mga kalaban. Ang mga tunay na kalaban nating gumagawa ng mga karumaldumal
na bagay laban sa ating Diyos."

"Ano ba iniuutos nila sa 'yo?" Tanong ng isang ministro sa huling nagsalita. "Mas
palalain ko raw ang pagkakawatak-watak ng simbahan. Pati na rin ang..."

"Ang ano?" Tanong ni Father Ramon

"Ang linlangin ko raw ang aking mga tagasunod. Ang mas pagsumikapan pa ang maging
popular at maging idolo ng mga Kristyano." Sagot ng Pastor, "Ang maging mas
karismatiko para mas marami ang sumunod at magtiwala sa akin. Ang lumabas sa
telebisyon. Ang magsulat ng mga aklat na mukha ko ang nasa pamagat. Upang nang sa
gayu'y matuon ang atensyon ng mga tao mula sa Diyos papunta sa 'kin. Sa huli, ang
gusto nila'y ako na ang sambahin ng mga tao. Ako na ang hahangaan nila't pupurihin.
Ito'y upang mas galitin ang Diyos na seloso, na ang pangala'y Seloso (1)"

"Paano po kapag hindi niyo ginawa?" Tanong ko.

"Papatay sila ng tatlumpong Protestante mula sa iba't ibang denominasyon.


Pahihirapa't ipapako raw nila ang mga ito isa-isa sa krus. Isasabit daw nila ang
mga ito nang pabaliktad sa aking harapan."
"Diyos ko!" Halos sabay-sabay na bulungan 'yon ng mga taong naroro'n.

"Kailangan nating makatakas dito." Wika ng isang lalaki sa aking likuran.

"Papa'no?" Tanong ng isang babae sa aking harapan, "Alam niyo bang nasa ilalim tayo
ng lupa?"

"Ha?" May magkakasabay na nagbigkas noon sa iba't-ibang direksyon. Na sinundan


naman ng sabay-sabay na pagbubulungan ng lahat ng mga naroro'n.

"Oo," Sagot ng nagsalita kanina. "Nasa ilalim tayo ng lupa. Nasa ilalim tayo ng
isang kapatagang walang mga tao."

"Pa'no mo naman nalaman?" Tanong ng isang lalaki sa aking gilid, "Mga nakapiring
naman tayong lahat nang dinala nila tayo rito, 'di ba?"

"Nasilip ko ito, nang aksidenteng inilipad ng hangin ang taklob sa ulo ko." Sagot
nito. "Sa isang bukaskas na Jeep kasi ako isinakay papunta rito."

Bago pa may makapagsalita nang panibago'y may ipinasok na namang muling bagong tao.
Isa itong lalaking matipunong walang saplot.

Natahimik kami. Nagpanggap na walang pakialam sa isa't-isa. Mukha namang walang


nakahalata sa pag-uusap-usap namin kanina.

"Tumayo ka ro'n!" Sigaw ng isang lalaking nakapulang cloak; may suot ang mga itong
maskara. Ang kinakausap niya'y 'yung lalaking walang saplot. Itinuturo nito ang
altar.

"Ayoko po." Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ng lalaki, ngunit hindi naman siya


pinakinggan ng mga ito. Bagkus, ay paulit-ulit na hinataw lamang ito ng panghaplit
sa kanyang puwitan.

"Bilis!" Hiyaw ng lalaking nakamaskara, bago niya muling hinaplit ang nakahubad na
lalaki.

Sa tindi ng mga haplit ay napapa-iktad ito habang sapo-sapo nito ang kanyang
katikasan sa kanyang harapan.

Pinatayo ng nakamaskarang lalaki ang nakahubad na lalaki sa isang dulo ng


parihabang lamesang nasa gitna. Ito'y habang sumisenyas ito sa kanyang kasamahang
ipasok na ang susunod na tao.
O... hayup.

Nagkatinginan kami ng aking katabi, nang may pinapasok silang isang tupang may
makapal na puting balahibo. Dinala nila ito sa may parihabang lamesa sa gitna bago
ipinatong sa ibabaw--patalikod sa nakahubad na lalaki.

"Ito!" Hiyaw ng isa sa mga maskarado. "Ito ang kordero ng Diyos! Ang nagkakalat
ng lahat ng kabuwisitan sa sanlibutan!" At saka sila sabay-sabay na
nagsipaghalakhakan.

Hindi pa humuhupa ang kanilang pagtatawanan nang biglang nagdilim ang paligid.
Tanging mga kandila na lamang sa unahan ng altar ang siyang nagsilbing liwanag.
Daig pa namin ang nasa teyatro o nasa sinehan. Nakapako lamang ang aming mga
atensyon sa mga nasa unahan.

"Umpisahan na ang pagdiriwang!" Hiyaw ng isa sa mga nakapulang cloak na may


maskara.

Binilang ko sila isa-isa. Labing-dalawa silang naroro'n.

Nag-umpisa na silang manalangin sa salitang latin, habang isa-isa nang pumupuwesto


ang mga ito sa palibot ng parihabang lamesa.

"Ano pang ginagawa mo?!" Hiyaw ng isa sa mga maskarado sa lalaking nakahubad.

"Ayoko po! Parang awa n'yo na po!" Pagmamakaawa nito. Nagwawala. Kaya't hinawakan
na ito ng dalawa sa mga maskaradong katabi nito.

"Gagawin mo ba?" Hinablot nito ang isang matandang babae sa kanyang gilid, bago ito
tinutukan ng punyal sa kanyang leeg. "O ngayon mismo'y papatayin ko ang iyong ina!"

"Inay!" Iyak ng lalaking nakahubad.

"Huwag anak." Namamaos na pakiusap ng kanyang ina. "Huwag mong hayaang babuyin nila
ang 'yong pagkatao." Umiiyak na rin ito.

"Tumahimik ka!" Hiyaw ng maskaradong may hawak sa kanya. Mas idiniin nito ang
hawak-hawak na punyal sa leeg ng matandang babae, kaya naman bahagya itong
nasugata't dumugo.

Nataranta ang nakahubad na lalaki nang nag-umpisa nang umagos ang dugo ng kanyang
ina sa bandang leeg nito.

"Gagawin ko na po!" Hagulhol ng nakahubad na lalaki, "Huwag niyo lamang pong


sasaktan ang Inay ko."

"Bilisan mo! Bago kami mainip!" Hiyaw ng isa sa labing-dalawang maskarado.

Pagkatapos noo'y kitang-kita namin kung paanong hinawakan ng umiyak na lalaking


nakahubad, ang magkabilang pigi ng tupa, at saka nito ito pinanghimasukan sa
maselang bahagi. Halos masuka ang lalaki sa kanyang ginagawa. Umiiyak...
nanginginig.

Napanganga ako sa gulat. Sinapo ako ang aking bibig upang ikubli ang aking
pagkasindak.

"Diyos ko." Bulong ng isang babaeng relihiyosa sa aking likuran. "Anong klaseng mga
demonyo kaya ang mga taong ito?"

"Ito ang kordero ng Diyos!" Nanunuyang hiyaw ng isa sa mga lalaking maskarado, "Ang
nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!"

Muli silang nagsipaghalakhakan. Nagagalak... nasisiyahan... sa makabaliktad sikmura


nilang palabas.

_______________________________

Footnote

(1) Seloso (The Jealous one), one of God's names. [Exodus 20:5, 34:14]

[Itutuloy]

=================

KABANATA 24

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 24

Masahol pa sa mga hayup. 'Yun ang tamang itawag sa mga taong 'yon. Mga tao ma'y
pwede na ring tawaging mga demonyo. Pinalad man siguro silang may mga kaluluwa,
pero mga halang naman ang mga ito.

Akala ko noo'y wala nang mas sasama pa sa mga pinaggagagawa ko. Pero mas malala pa
pala ang mga ito. Kung may mas masahol mang maaaring itawag sa mga baboy... 'yun na
nga ang puwedeng itawag sa kanila.

Akala ko'y do'n na nagtatapos ang kalbaryo ng lalaking nakahubad na 'yon. Umpisa pa
lamang pala 'yon. Dahil matapos nilang ipagawa sa kanya ang ni sa panaginip ay
hindi ko inakalang makikita ko'y may ipinagalaw pa sila sa kanyang mga babae't
lalake mula sa mga tagapanood. Halos himatayin na ang kanyang inang may nakatutok
pa ring patalim sa leeg nito.

Sa matama kong pakikinig sa kanilang mga sinasabi'y lumalabas na ang lalaking


nakahubad na iyon pala'y isang semenarista na ang nais lamang gawin sa buhay niya'y
ang maglingkod sa Diyos na kanyang kinikilala. Isang lalaki na may purong
pagkatao--na maihahalintulad sa isang birheng babae, na wala pang bahid dungis. Ni
hindi raw ito nagkanobya, o nagkaroon man lamang ng seksual na karanasan kahit
kanino. At iyon daw mismo ang dahilan kung bakit ito binababoy ng mga demonyong
ito.

Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak, nang matapos ang lahat ng ipinagawa sa kanya'y
papatayin din pala ng mga ito ang kanyang ina. Ang masakit nito'y ginawa nila ito
do'n pa mismo sa kanyang harapan. Ginilitan nila ang leeg ng matanda. Hindi pa sila
nakuntento. Dahil pinugot pa ng mga ito ang ulo nito. Tila baliw na nagwawala ang
lalaking nakahubad sa kanyang sinapit. At bakit naman hindi? Nilinlang siya ng mga
demonyo; ng mga demonyo sa katawang-tao.

"Nasaan ang inyong Diyos?!" Hiyaw ng isa sa labing-dalawang maskarado sa mga


tagapanood. "Nasaan ang ipinagmamalaki niyong tagapagligtas?!" Naglalakad ito nang
paroo't-parito sa unahan. "Ikaw?!" Bulyaw nito sa lalaking nakahubad--may kasama pa
itong suntok, sipa't tadyak--na sinegundahan naman ng iba pang kasamahan nito na
nakikisuntok at tadyak din. Napalugmok tuloy ito sa isang sulok; nawalan ng malay-
tao. Duguan. "Nasaan ang Diyos mooooo!" Pangungutya ng nagsasalita sa nakalugmok na
binata--halos nakadikit na ang maskarado nitong mukha, sa mukha ng wala nang malay
na binata.

Mga Impit na iyak at pabulong na mga dasal ang sumunod kong narinig mula sa mga
taong nasa aking likuran. Malinaw kong nauulinigan ang mga katagang "Diyos ko
tulungan niyo po kami." "Panginoon, iligtas mo po kami."

"Ikaw!" Hiyaw ng isa pang maskarado, May itinuturo siya sa bandang likuran. Sa
timbre pa lamang ng boses ng isang maskaradong iyo'y masasabi kong isa itong babae.
"Pumarito ka sa unahan!"

"Ayoko po." Hiyaw naman ng kung sino man ang itinuturo niya. Boses ito ng isang
dalagita. Hindi ko ito gaanong maaninag, kaya't nagkasya na lamang ako sa
pakikinig.

"Pumarito ka sabi eh!" Muling hiyaw ng tumawag sa kanya kanina.

"Ayoko po!" Humahagulhol na sagot muli ng nasa likuran.

"Hala!" Sabi ng babaeng maskarado sa kanyang mga kasamahan, "Kaladkarin niyo rito
ang babaeng 'yan!"

Matapos niyang sambitin ang mga katagang iyo'y nagkagulo na naman. Tatlong
maskarado ang sumugod sa bandang likuran upang kaladkarin ang dalagita sa harapan.
May mga nag-iiyakang muli sa mga tagapanood, habang ang iba nama'y nagbubulungan.

"Ikaw!" Panduduro ng babaeng maskarado sa dalagitang nanlulupaypay na hinahawakan


ng dalawa pang maskarado sa kanyang magkabilang gilid. "Ang lakas ng loob mong
magsalita sa kalye tungkol sa banal na kasulata't pananampalataya mo sa Diyos.
Tingnan natin kung hanggang saan ang pananampalatayang sinasabi mo. Hala!" Ang
huling salita'y para sa kanyang mga kasamahan. "Ihiga niyo na 'yan sa lamesa!"

"Huwag po!" Pag-iyak ng dalaga. Sa postura pa lamang niya na nakamahabang bestida'y


masasabi kong, marahil ay totoo nga ang tinuran ng maskaradong babae tungkol sa
kanya.

"Tumahimik ka!" Bulyaw sa kanya ng isa sa mga maskaradong humahawak sa kanya.


"Tawagin mo na ang Diyos mo kung gusto mo. Tingnan natin kung may tulong na
darating para sa 'yo!"

"Diyos ko pooo!" Palahaw ng dalagita, habang inihihiga na siya ng mga may hawak sa
kanya.

"Yaaahhnn!." Nangungutyang wika ng isa sa mga lalaking maskarado. "Tumawag ka pa!


Tawag pa... para mas maging malinaw na sa inyong lahat na pare-parehas lamang
kayong mga hunghang na naniniwala sa inyong Diyos na wala naman!"

Iyak ng iyak ang dalagita. Ako nama'y kinakabahan kung ano ang pinaplano ng mga
demonyong iyon sa kawawang babae. Gagahasain ba siya? Pipilahan? Dudungisan din
kaya siya kagaya ng lalaking nakahubad kanina? Ano na naman kayang kababuya't
kademonyohang ang gagawin ng mga ito?

"Hoy, ikaw!" Sigaw ng babaeng maskarado. Nakaturo siya sa isang lalaking nakilala
ko kanina bilang isang Ministro. "Pumarito ka."

Hindi ito gumalaw sa kinauupuan niya. Bagama't kitang-kita ang pangamba sa kanyang
mga mata.

"Pumarito ka sabi eh!" Muling sigaw ng babaeng maskarado.

Hindi pa rin ito gumalaw. Dahil doo'y sumenyas na ito sa kanyang mga kasamahan,
upang dakpin ito't kaladkarin sa unahan.

"Galawin mo ang babaeng 'to." Utos ng babaeng maskarado sa Ministro. Nakaturo ito
sa nakahigang dalaga.
"Ayoko." Kalmadong sagot ng ministro.

"Galawin mo sabi eh!"

"Pagbabayaran niyo sa Diyos ang lahat-lahat ng ito!" Matigas na wika ng Ministrong


'yon.

Imbes na sumagot, ay iniangat ng babaeng maskarado ang ibabang bahagi ng kanyang


maskara't walang patumanggang dinuraan nito ang mukha ng Ministro.

"Wala kaming kailangang pagbayaran kahit kanino." Kalmadong wika ng maskaradong


babae, habang inaayos na niyang muli ang kanyang maskara. "Gagalawin mo ang babaeng
'yan, o ipatitikim namin sa 'yo ang isang parusang hinding-hindi mo magugustuhan."

"Anong pagkakaiba?" Sagot ng ministro sa kanya, "Gawin man namin o hindi'y may
kalakip pa rin namang parusa't pagdurusa. Patayin niyo na lamang ako kung gusto
niyo, pero hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi katanggap-tanggap sa aking
Panginoon."

"Ah, gan'on?"

Hindi umimik ang Ministro.

"Sige." Utas ng maskaradong babae sa kanyang mga kasamahan, "Alisin niyo na ang
babaeng ito rito," Nakaturo siya sa dalagitang nakahiga, "At ipalit niyo ang
hunghang na ito." Nakaturo na ngayon ito sa Ministro.

Noon di'y kumilos na ang kanyang mga kasamahan. Ibinalik nila ang dalagita sa
kinauupuan nito sa likuran, bago nila puwersahang inihiga ang matapang na Ministro
sa pahabang lamesang marmol.

"Gusto kong isigaw mo na walang Diyos!" Utos sa kanya ng babaeng maskarado.


"Kapalit ng iyong tatlong daliri." Kalmado ito.

Hindi ko masyadong makita ang naging reaksyon ng ministro; hindi pa rin ito
nagsasalita.

"Magsasalita ka ba?" Naiiritang tanong sa kanya ng babaeng maskarado, "O dudukutin


ko ang isa sa iyong mga mata?"

Hindi pa rin nagsalita ang Ministro.

"Ah." Sabi ng babaeng maskarado, makaraan ang ilang minuto, "Matapang ka ha? Sige."
Kinuha nito ang punyal sa altar, bago nito walang pasabing tinusok ang kaliwang
mata ng Ministro. Dinukal pa nito ang matang 'yun hanggang sa madukit na niya ito.

Kakilakilabot na daing at iyak ang narinig namin mula sa Ministro, habang ako
nama'y halos hindi na makatingin sa mga nangyayari. Nananakit na ang aking kalamnan
sa labis-labis pangamba. Hindi lamang para sa akin, kundi para na rin sa lahat ng
aking mga kasama. Para kaming mga tau-tauhan ro'n na pinasusunod lamang sa kung
anong gusto nilang ipagawa. Ginagamit ang takot ng bawat isa, upang mapasunod nila
kami sa kanikang kagustuhan.

Napakatapang ng Ministrong 'yon. Dinukot pang muli ng babaeng maskarado ang


kabilang mata nito, pero hindi pa rin siya sumuko sa kanilang kagustuhan. Naubos na
ang kanyang mga daliri. Pinutol na ang lahat sa kanya--kasama na ang kanyang
maselang bahagi, ngunit hindi ito yumuko sa mga ito hanggang sa tuluyan na siyang
binawian ng buhay sa aming harapan.

"Wala nang tatanga pa sa bayaning ito!" Nagungutyang sambit ng babaeng maskarado.


"Naghirap at nagpakamatay lamang siya sa Diyos niyo, na wala namang pakialam sa
inyo. Mga hunghang kayong lahat!" Hiyaw nito sa mga nanonood. "Sumasamba kayo sa
Diyos na wala namang magawa para sa inyo!"

Pagkatapos noo'y may tatlo pang maka-Diyos ang isa-isa nilang pinahirapan hanggang
sa mamatay. Habang ako nama'y tila natutulala lamang at namamanhid sa lahat ng mga
kaganapang nangyayari mismo sa akin harapan. Ngunit kalakip noo'y ang pagbuo ng
isang bagay sa aking isipan...

Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kasama ng iba pang maka-Diyos na bihag ng
mga demonyong ito.

Bubuo ako ng plano.

Bahala na kung ano.

Bahala na kung pa'no.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 25

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 25

Labing-tatlo.
Gano'n karami ang walang awa nilang pinahirapan hanggang sa mamatay. Kinakalos na
ako ng lakas. Hindi pa ako nanghina nang ganito sa tanang buhay ko. Hindi man sa
akin nangyari ang mga paghihirap, ay damang-dama pa rin ng aking pangangatawan ang
lahat ng aking mga nasaksikan.

"Sana mamatay na lang ako." Iyak ng dalagitang nakapusturang nasa tabihan ko.
"Natatakot ako sa kung anong maari nilang gawin sa 'kin."

Tiningnan ko siya, bagama't hindi na ako sumagot sa kanya. Dahil maging ako ma'y
gusto na ring mamatay na lamang. Tutal, wala na rin naman si Nathaniel. Pinatay na
nila ang asawa ko. Pinaslang na nila ang mahal ko. Ang mahal ko na nagbigay
kahulugan sa buhay ko.

Hindi ko mapagilan ang aking pagluha, habang pilit ko inaalala ang bawat linya ng
kanyang mukha.

Ang hugis ng kanyang matangos na ilong.

Ang kislap ng kanyang kaaya-ayang pares ng mga mata.

Ang lambot at katambukan ng kanyang mapupulang labi.

Ang amoy ng kanyang balat.

Ang init ng kanyang mga yakap.

Ang liwanag ng kanyang mga ngiti.

At ang sarap ng kanyang pagmamahal.

Ngayon pa lang ay nasasabik na ako sa kanya. Ang isipin pa lamang na wala na siya'y
daig ko pa ang unti-unting namamatay. Nagtatalo tuloy ang aking isipan kung gusto
ko pang makawala rito, o ang hayaan na lamang na patayin na rin lamang ako ng mga
demonyong ito. Ano pa ba ang silbi na makawala ako, kung wala na rin naman akong
babalikan?

"In nomine magni dei nostri Satanas, introibo ad altare Domini Inferi..." Anunsyo
ng demonyong nagpakilalang aking tunay kong ama...si Eduardo, na siya namang
namumuno sa kanilang misa.

Matapos kasi ang kanilang seremonyas ng pagpatay sa labing-tatlong taong maka-


Diyos, ay ginanap naman nila ang tinatawag nilang Itim na Misa (1). Upang sumamba
at mag-alay sa kinikilala nilang diyos na si Satanas. Tumagal din ng mahigit sa
isa't kalahating oras ang seremonyas nilang iyon. Akala ko'y tapos na. Hindi pa rin
pala.

"Ipagbunyi natin ang tagumpay ng iba pa nating mga kasapi sa buong mundo."
Nakangising anunsyo ni Eduardo sa aming lahat. Habang ipinakikita niya gamit ang
isang projector, ang iba't-ibang litrato at videos, ng kanilang mga kapanalig mula
sa iba't-ibang bansa.

Napanganga ako. Hindi ko akalain na gano'n na pala kalaki ang kanilang samahan sa
buong mundo; na ang layunin pala'y gawin ang lahat ng mga bagay na hindi kaaya-aya
sa tunay na Diyos. Kung sino-sinong tao ang kanilang ginagamit upang ipagpalaganap
ang kasamaa't modernong idolatriya (2). Ang ilan sa kanila'y mga sikat at
kinikilala, hindi lamang sa kanilang kani-kanilang mga lipunan, kundi pati na rin
sa kanilang mga karatig bansa, magpahanggang sa kabilang ibayo ng mundo.

Mga tanyag na tao sa telebisyon, artista, manganganta, manunulat, pinuno ng mga


bansa't iba pang mga indibiduwal na kinikilala't tinitingala ng mga modernong tao.
Silang mga tinatawag nilang makabagong diyus-diyosan na nambibiktima ng kaluluwa ng
mga panatiko. Silang mga sadyang hinihikayat ang mga tao upang sila'y tingalain,
sunda't sambahin, upang ipakita lamang sa mga ito ang kanilang mga eskandalo't
kawalang kahihiyan sa kanilang mga kasalanan.

Silang mga tanyag na sadyang inilululong ang kanilang mga sarili sa masasamang
bisyo, upang ipakita sa kanilang mga tagahanga na ayos lamang ang manigarilyo,
uminom at humithit ng droga.

Silang mga sikat na taong nangangalunya, upang ipakita sa kanilang mga tagasunod na
ayos lamang ang makiapid, at pagnasaan ang iba't-ibang mga babae't lalake, bukod sa
kanilang mga kabiyak.

Silang mga tinitingala na walang pagpapahalaga sa kanilang mga magulang, upang


ipakita sa kanilang mga tagasunod na hindi na mahalaga ang partisipasyon ng mga
magulang sa buhay ng bawat isa. Kulang na lamang ay deretsahang ituro na, na ayos
lamang na sila'y huwag nang irespeto't tanggalan na lamang ng dignidad.

Silang mga nasa telebisyon. Na walang nang ginawa kundi ang ipakita sa mga tao,
kung paano sila mamuhay sa kababawan, luho sa material na mga bagay at kung ano-ano
pang kabulastuga't walang kakuwenta-kuwentang gawain, upang sayangin ang oras ng
bawat manonood, na dapat sana'y iniuukol na lamang sa Diyos, at sa paggawa ng mga
bagay na mabuti, may silbi't halaga.

Silang mga ini-idolo na pumapayag at nagagalak sa pagsamba sa kanila ng bawat


inosenteng kaluluwa. Silang mga makabagong diyus-diyosan na siyang nagsisilbing
pangunahing kinatawan ni Satanas at ng kanyang kalooban sa ibabaw ng lupa. Ito'y
habang kumikilos din siya nang pailalim sa tahanan ng Diyos, upang gamitin ang mga
bulaang propeta, mga guro't nagpapastol sa mga tupa ng Diyos, upang sirain ang
Simbahan mula sa loob, papalabas.

Nariyan na ang mga bulaang Pastor at sangka-Parian na nakahalubilo sa mga tunay na


alagad ng Diyos, na may layuning kaladkarin ang Simbahan ng Diyos sa samo't saring
eskandalo't kahihiyan.
Para nga naman madismaya ang mga taong sa kanila'y sumusunod.

Para nga naman mabawasan ang kanilang pagtitiwala sa mga alagad ng Diyos, pati na
rin ang mismong pananampalataya nila sa Diyos.

Kaalinsabay ng pagpapabagsak sa Simbaha'y siya rin namang pagtatatag ng mga alagad


ng Diyablo, ng mga kultong nagpapanggap na tunay simbahan, upang sila namang
sumambot at humablot sa mga tupang naliligaw at nadidismaya sa tunay sa Simbahan.
Mga simbahang animo'y perpekto't mas mahuhusay pa sa tunay na Simbahan. Mga grupo
ng tao na animo'y mas disiplinado't mas malilinis. Maaari ngang ang nalilinlang na
mga miyembro nito'y tunay na malilinis, ngunit ang mga namumuno sa mga ito'y walang
iba kundi ang mga bulaang propeta't mga pinunong gusto lamang silang kontroli't
alisan ng karaparang magakapagdesisyon para sa kanilang mga sarili--na natural
naman sa lahat ng mga uri ng kulto sa buong mundo.

Para nga naman kanya na rin ang mga kaluluwang ligaw na mapupunta roon.

Para nga naman maiisahan na naman niya ang mga tunay na alagad ng Diyos.

Kung alam lamang ng mga tao kung gaano katalino si Satanas. Siyang may
napakagandang mukha na hinding-hindi mo mapagkakamalang masama (3). Siyang
nagkukubli sa lahat ng magaganda't kaaya-ayang bagay sa pinaghaharian niyang mundo
(4).

Siyang nagpapanggap na kakampi mo sa lahat ng bagay. Siyang hindi bumbabatikos sa


kasamaa't masama mong pag-uugali.

Siyang nanahimik at pasikretong humahalakhak, habang pinapanood ang pagkapariwara't


pagkaligaw ng bawat isang tao.

Siyang pahihigain ka sa kumportableng kutson, upang magmukhang masama't kontra-


bida, ang mga tunay na mensahero ng Diyos, na siya namang humahaplit at nanakit sa
iyong kunsensya, masamang gawain, masasamang pag-uugali't mga maling paniniwala.

Kung alam lamang sana ng mga tao sa buong mundo kung ano ang kapalit ng kanilang
pagsamba sa mga makabagong diyus-diyosan, pagtalikod sa tunay simbaha't pagsanib sa
mga kulto ng Diyablo--na may iba't-ibang mukha.

Kung alam lamang sana nila kung gaano kamahal ang kanilang kaluluwa--na wala ako.

Kung alam lamang sana nila ang pagsimangot ng Diyos, at paghalakhak ni Satanas, sa
pagtatagumpay ng kasamaan upang makuha ng Diyablo ang kanilang mga kaluluwa papunta
sa impyerno (5) nang hindi man lamang nila namamalayan.

Tama si Nathaniel sa lahat ng mga sinabi niya sa akin noon. Ito na nga ang bagong
istratehiya ng Demonyo, upang makuha ang kaluluwa ng mga tao. Kumikilos siya ng
pailalim. Nagsasa-anyong mabuti't maganda, gamit ang mga taong instrumento niya, sa
pagpapalaganap ng kanyang lagim sa buong mundo, sa pamamagitan ng kanilang
magagandang mukha't imahe.

Nakalulungkot ang pangitain ng mga taong halos lumuluhod, yumuyuko't sumasamba na


sa kanilang mga iniidolo't tinitilian.

Kung alam lamang sana nila, ang kanilang panlilinlang.

Kung alam lamang sana nila kung sino ang kanilang tunay na napangingiti.

Kung alam lang sana nila kung ano ang kanilang kahihinatnan, sakali mang sumapit
ang kanilang katapusan sa kalagitnaan ng kanilang pagkakalulong sa kasamaan.

______________________________

Footnote:

(1) Black Mass: is a ritual characterized by the inversion of the Traditional Latin
Mass celebrated by the Roman Catholic Church, allegedly celebrated during the
Witches' Sabbath.

(2) Idolatry: Worship of idols. Human idols included. (Matthew 4:10, Worship God
alone, not idols. Exodus 20:4-5, God forbids the worship of idols. )

(3) Satan masquerades as an Angel of light (2 Corinthians 11:14)

(4) Satan: Ruler of this world (John 12:3)

(5) Idolaters goes to hell (Revelation 21:8)

[Itituloy]

=================

KABANATA 26

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 26
Natapos na rin sa wakas ang araw na 'yon. Ang araw na 'yon na nasundan ng marami
pa, hanggang sa tumigil na ako ng pagbibilang. Tila tumigil na rin ang pagdaloy ng
aking emosyon nang halos pinagmanhid na ako ng kanilang mga karumaldumal na krimen.

Ang buong ipinagtataka ko lamang ay kung bakit halos maubos na ang mga nakilala ko
noong una, pero hindi naman nila ako ginagalaw. Hindi nila ako pinapansin na para
bang naroroon lamang ako para panoorin ang bawat detalye ng kanilang kademonyohan.

Akala ko. Manhid na nga talaga ako. Dahil mas madalas na nakatulala na lamang ako
sa kanilang mga akibidad. Kaya naman hindi ko inasaha't inakala, na magugulat na
naman akong muli ngayon.

Sa muling pagdadala sa amin sa silid-sambahan nilang iyo'y may ipinasok naman sila
ngayon na isang babaeng buntis. Tiningnan kong mabuti ang babaeng iyon, na tila
liping na akay-akay ng dalawang maskarado. Inihiga nila ito sa parihabang lamesa.
Kinabahan ako kaagad. Nag-abot-abot ang aking paghinga sa pangambang papatayin nila
ang ang babaeng iyon at ang batang nasa sinapupunan nito.

Matapos nilang inihiga ang buntis na iyon'y pinalibutan na ito ng labing-dalawang


maskarado, habang ang ika-labing tatlo sa kanila--ang walang maskarang si Eduardo'y
nakatayo naman sa may paanan ng buntis na nasa ibabaw ng lamesa.

Lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib, nang hinila na ni Eduardo ang magkabilang
paa ng babaeng iyon. Hinigit niya ito hanggang sa pumantay ang puwitan nito sa
gilid ng lamesa.

Nakalawit ang mga paa nito sa gilid nang binitbit ni Eduwardo ang mga ito.
Isinampay niya ang mga ito sa kaniyang magkabilang braso, upang maibukaka niya ang
mga hita nito sa kanyang harapan.

Umungol si Eduardo sa unang diin niya ng kanyang harapan sa kaselanan ng buntis.


Hindi na dapat ako nagugulat. Dahil sa makailang beses ko na rin namang nakita ang
ilang mga babaeng berhen, na walang awa niyang ginahasa sa altar na iyon. Mga
birhen na hindi naman niya pinapatay. Bagkus, ay paulit-ulit lamang niyang
ginagahasa hanggang sa mabuntis niya ang lahat ng mga ito.

Ayon sa mga natitira pang nauna sa akin. Isa raw ang babaeng ito sa mga birhen na
iyon. Mga birhen na paulit-ulit niyang niyuyurakan ng puri't dangal, sadyang
binubuntis, upang ipanganak ang mga batang katulad ko.

Oo. Katulad ko. Ang mga katulad kong ipinanganak na walang kaluluwa.

Napaisip tuloy ako. Hindi kaya ganito rin ang ginawa niya sa aking ina? Hindi kaya
katulad din ng eksenang nangyayari sa ngayon, ang araw ng aking kapanganakan?

Humiyaw ni Eduardo sa pagdating niya sa kanyang rurok. Habang ang kanya namang mga
alagad ay nadarasal kay Satanas sa salitang latin.
Habang inaayos na ni Eduardo ang kanyang sarili'y may humihila naman sa babae sa
may ulunan nito, upang muling maituwid ng mga ito ang pagkakahiga nito.

Habang nangyayari iyo'y may apat namang sabay-sabay na sinindihan ang apat na
malalaking itim na kandila, na nakapuwesto sa bawat sulok ng lamesa. At sa pagsindi
naman ng apat ng kandilang 'yon, ay mayroon namang nakatoka na magpatay ng mga
ilaw.

Naging madilim ang paligid. Tanging ang mga kandilang kasisindi lamang, at yaong
labing-walong kandilang sadyang may sindi na bago pa man din kami ipinasok doon,
ang nagsisilbing liwanag ng silid na iyon.

Labing-walong kandila na inihanay sa tatlong grupo. Tatlong grupo na tig-aanim.


Tatlong tig-aanim na nagpapahiwatig ng numero ng halimaw (1). Ang numero ng halimaw
na numero ng isang tao. Isang taong hindi si Satanas, ngunit ginagawa naman ang
kalooban ni Satanas. Taong hindi ko alam kung sino, pero ang tawag ay ang
Antikristo (2). Taong hindi ko rin sigurado kung ito nga si Eduardo. Hindi ako
sigurado dahil sa isang bagay na sinabi sa akin ng isa sa mga Protestanteng Pastor
na pinakawalan na nila sa kabihasnan, upang gawin ang iniuutos nila kapalit ng
tatlumpung buhay.

Ayon sa kanya, ang tunay na Antikristo raw, ay walang hilig sa mga babae (3).
Mahilig ang Eduardong ito sa mga babae, kaya't kung totoong demonyo nga ang
esipiritung nagpapagalaw sa kanyang katawan'y siguradong hindi ito ang espiritu ng
Antikristong tinutukoy ng Pastor.

"Panginoon." Paninikluhod ng isa sa mga babaeng maskarado kay Eduardo. "Hindi pa po


panahon para siya'y manganak."

"Ibalik 'yan sa piitan kung gano'n." Utos ni Eduardo.

"Pero inaapoy po siya ng lagnat." Sabi ng isa sa mga maskaradong lalaki.

"Baka mamatay itong nasa sinapupunan pa niya ang bata!" Sabi naman ng isang boses
lalaki rin.

Sandaling tumingin si Eduardo sa nilapastangan niyang buntis. Ikinunot nito ang


kanyang noo, bago nito sinenyasan ang isa sa kanyang mga maskaradong alipores, na
iabot sa kanya ang punyal mula sa altar. Iniabot naman ito ng isa sa labing-dalawa.

Nag-abot-abot ang aking paghinga habang pinagmamasadan ako ang paglalakad ni


Eduardo mula sa kanyang pwesto, papunta sa gilid ng lamesa-- patalikod sa altar, na
papaharap naman sa aming mga nanunuod.

Ano kaya ang gagawin ng demonyong ito sa kawawang babaeng iyon?


Bakit kailangan niya ng punyal?

Ano ang gagawin niya sa punyal?

Hindi ko pa man din nao-organisa ang aking isipa'y ginulat na ako ng paghiyaw ng
buntis na iyon habang sapilitang binibiyak Eduardo ang kanyang tiyan.

"Mahabaging langit!" Bulong ng mga nasa aking likod. "Diyos ko!"

Nangisay ang babaeng iyon habang pilit inilalabas mula sa kanyang sinapupunan ang
kanyang sanggol. Ito'y habang idinidiin naman ng dalawa sa mga maskarado ang
kanyang mga braso sa magkabilang gilid ng lamesa.

Hindi ko kinaya ang aking mga nakikita. Lalo pa't naalala ko ang aking ina--kung
nasaan man siya. Napagmuni-munihan ko tuloy sa aking sarili... Paano kaya kung
katulad ng babaeng 'yon ang aking inang hindi naman niya kasalanan ang nagkasakit
siya habag siya'y nagbubuntis? Papatayin na rin lamang kaya siya ng mga demonyong
ito?

Hindi ko man kilala ang Diyos ay napatawag tuloy ako sa Diyos. Pero hindi ito dahil
sa bagay na nakita ko na ngayon. Kundi sa mga susunod na pangyayaring halos ikawala
ng aking ulirat.

Kitang-kita ko kung paanong hinugot ni Eduardo ang bata mula sa sinapupunan ng nag-
aagaw-buhay na babae. Iniangat niya ang umiiyak sanggol na iyon na may nakalawit
pang umbilical cord sa kanyang pusod.

Habang ginagawa naman niya iyo'y may isa sa mga maskarado ang kinuha ang ginintuang
kupita sa altar, upang maisahod naman nito iyon sa tapat ng bumbunan ng nakaangat
na sanggol.

"Panginoong Satanas!" Hiyaw ni Eduardo. Hinahawakan niya nang pabilktad ang bata sa
kanyang kaliwang kamay. "Ito ang aking anak na lalaki! Na buong puso kong iniaalay
sa iyo!"

Matapos niyang usalin iyo'y bigla naman nitong itinarak ang punyal sa dibdib dibdib
ng kawawang sanggol. Ang sanggol na umiyak lamang sandali ng mas matindi hanggang
sa unti-unti na itong tumahimik.

Napatawag ako sa Diyos ng paulit-ulit. Ipinikit ang aking mga mata ng mahigpit na
mahigpit. Ito'y habang umaalingaw-ngaw sa aking magkabilang tenga ang mga ungot at
pag-iyak ng aking mga katabi.

Kung si Eduardo nga ang aking ama. Kapatid ko ang sanggol na 'yon. Isang sanggol na
walang kamalay-malay. Isang inosenteng may sawi't maikling kapalaran. Ang masaklap
niyang kapalarang kapalaran ko rin. Ang kapalaran na maging anak ng isang demonyo
sa katawang tao.
Hindi ko na talaga kaya 'to.

Patayin na nila ako kung gusto nila.

Pero tatakas na ako rito ngayon din. Wala na akong pakialam, kahit pa ako'y kanila
na ring kitlin.

__________________________

Footnotes

(1) Numero ng Halimaw (666): Number of the Beast (Revelation 13:18), [Tagalog]
Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop;
sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at
animnapu't anim. [English] In this case wisdom is needed: Let the person who has
understanding calculate the total number of the beast, because it is a human total
number, and the sum of the number is 666.

(2) The Antichrist is a Christian concept based on interpretation of passages in


the New Testament, in which the term "antichrist" occurs 5 times in 1 John and 2
John, once in plural form, and 4 times in the singular.

(3) The real Antichrist has no desire for women: [Tagalog Bible] Wawaling bahala
niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o
pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat.
(Daniel 11:37, TAB) [English Bible] He won't regard the gods of his fathers, or the
desire of women, or regard any god; for he will magnify himself above all. (Daniel
11:37, WEB)

[Itutuloy]

=================

KABANATA 27

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 27

Desperado na ako. Kailangan ko na talagang makaalis doon kahit na patayin pa nila


ako. Tutal, ilang linggo ko na talagang inaaral ang pasikot-sikot sa impyernong
lugar na iyon. Hindi ko pa man alam ang lahat-lahat, lalo na sa hangganan ng
papalabas, ay bahala na lang siguro. Mas mabuti na siguro ang magbaka-sakali, kaysa
naman ang walang gawing kahit anong paraan.
Hindi ko man sigurado ang aking kahihinatna'y sigurado na ako na gusto ko na
talagang makaalis. Kung kamatayan man ang kapalit... mas maganda. Wala na rin
namang silbi na ako'y mabuhay pa kung habang buhay akong mananatili kasama nila.
Ang mas mahalaga sa akin ngayo'y ang hindi ko na matunghaya't maramdaman pa ang
kanilang kasamaan.

Tulad ng dati. Nakapila kami sa paglabas sa silid-sambahan. Binabantayan kami ng


labing-dalawang maskarado, hanggang sa makabalik na kami sa kani-kaniyang selda.

Ilang linggo na akong nagmamasid. Nagmamatyag sa lahat ng nakikita kong ikinikilos


ng mga nagbabantay sa amin. Alam kong bukod sa labing-dalawang nakamaskarang parati
naming nakikita'y marami pa silang kasamahang nakakubli rin ang mga mukha. Silang
mga tagapagsilbi... mga gwardiya sa lahat ng sulok, at mga tagasunod sa lahat ng
kanilang ipinag-uutos.

Pinag-aralan kong mabuti ang kanilang mga gawi. Ang tyempo ng kanilang mga galaw.
Ang oras ng pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Lahat-lahat ng kaya kong
malama'y inalam ko. Tinandaan ko. Pinagplanuhan ko.

Katanghalian na sa ibabaw ng lupa--sa aking tantya. Pero dahil magkabaliktad ang


mga aktibidad ng mga demonyong ito na nasa ilalim ng lupa'y ngayon sila
nagpapahinga. Maihahalintulad sila sa mga bampira. Tulog sa umaga. Gising sa gabi.
Ang mga kasamahan nilang namumuhay sa tamang oras sa ibabaw ng lupa, ay yaon lamang
pinakakawalan nila sa sibilisasyon, upang makihalubilo sa mga normal na tao, para
sa ikapagpapalaganap ng kasamaan mula sa pinakasimple hanggang pinakamalalang
paraan. Ang kanilang misyon:

Ang magsabog ng LAGIM nang walang nakakapansin; ang maging masamang impluwensiya sa
marami nang walang nakakahalata.

"Kailangan kong magbanyo." Mahinang sabi ko sa tutulog-tulog na guwradiya ng aming


piitan.

Isa itong mataba't matangkad na lalaking sa aking tantiya'y mga edad bente-singko
pataas. Nakatakip man ng bandana ang kanyang bibig, ay nakalitaw naman ang kanyang
mga mata.

Ito 'yung guwardiya na parati kong nahuhuling nakasilip sa akin. Tinitingnan ang
aking dibdib. Tinititigan ang aking puwitan, at kulang na lamang ay tumulo ang
kanyang laway habang sumisilay sa aking mga binti.

Sinadya ko talagang siya ang nakadestinong guwardya, para naman maisakatuparan ko


na ang aking plano.

Binuksan niya ang susian ng aming selda, pinalabas ako, bago niya ito muling
ikinandado. Sinundan niya ako papunta sa banyong medyo malayo-layo rin ang lukasyon
mula kung saan kami nakakulong.
Hindi ko man siya nakikita'y malakas naman ang aking pakiramdam na nakatingin na
naman siya sa aking puwitan. Nararamdaman ko ito dahil sa unti-unting pagbilis ng
kanyang paghinga. Ilang beses din siyang tumikhim upang itago ang kaniyang
pagkataranta.

Aha. Magagamit ko siya kung kunwari'y magpapagamit din ako sa kaniya. Tutal, hindi
na naman bago sa akin ang ipagamit ang aking katawan para makuha ko ang lahat ng
aking kagustuhan. Bakit hindi ko nga ba gamitin ito alang-alang sa tawag ng
pagkakatao't pangangailangan?

Tama... ito ang gagamitin ko. Ito ang pupuhunanin ko para masilo ang kahit sinong
demoniyong haharang sa aking mga plano.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng banyo, nang nilingon ko siya. Nagulat siya;
nanlalaki ang mga mata. Huling-huli ko kasi ito sa aktong nakatingin sa aking
puwitan. Mas pinili ko ang huwag magalit sa kanya; nginitian ko na lamang siya,
kinagat ang aking ibabang labi't saka sinabihang...

"Gusto kita." Sadyang inaakit ko ito. "Gusto mo ba akong tikman?"

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkataranta. Hindi ito't tila nanginginig
din ang kanyang katawan.

"Halika." Hinawakan ko ang kaniyang kamay, "Doon tayo sa loob." Hinila ko ito sa
loob ng banyo.

Pagkapasok namin sa loob, ikinandado ko kaagad ang pinto. At sa pagkasarang-


pagkasara ko ng pinto'y saka ko na isa-isang tinanggal ng aking saplot.

Nakangisi ako sa aking utak, habang pinagmamasdan ko ang kanyang pangangatal.


Nangangatal siya sa paraang tila noon lamang siya nakakita ng hubad na babae sa
kanyang harapan.

"Hindi ka ba maghuhubad?" Nang-aakit pa rin.

Imbes na sumagot, ay nagmadali siyang maghubad. Lahat ay kaniyang hinubad. Kasama


na ang kanyang takip sa mukha't ang kanyang pantalong pinagsusuksukan ng kaniyang
punyal at baril. Lumapit ako sa kaniyang kinatatayua't napansing lalong tumindi ang
kanyang panginginig. Panginginig na sinamantala ko naman, upang mas lituhin ang
kaniyang pag-iisip.

Lilituhin.

Lilinlangin.
Lilituhi't lilinlangin ko siya para hindi niya mahalata na nakamatiyag ako sa
kanyang mga sandata.

"Dito na lang tayo." Humiga ako sa sahig--sa bandang abot kamay ko lamang ang
kanyang punyal.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay dali-daling lumuhod, upang kubabawan ako sa gitna
ng aking mga hita.

Una niyang pinaghahalikan ang palibot ng aking leeg, na bumaba sa aking mga dibdib.
Iuunat ko na sana ang aking kanang braso, upang abutin ang punyal, nang bigla itong
tumingin sa aking mukha. Nagulat ako. Kinabahan din. Pero pinagtakpan ko naman ito
ng pagpapanggap na... nasasarapan ako.

Kunwari'y napapapikit ang aking mga mata sa kaniyang ginagawa. "Sige pa. Pababa
pa!" Umungol ako't pasimpleng inginungudngod ang kanyang mukha sa aking ibaba.

Nakakainis. Ayaw niyang lubusang sumubsob. Kaya naman lalo akong nadedesperado.

"Napakaganda mo!" Daig pa nito ang baboy sa pagsibasib ang aking puson.
"Napakaganda mo talaga. Hindi pa ako nakatikim ng kasingganda mo!" Umuungol siya...
na para sa aki'y nakakasuka.

Nabubuwisit ako na sumusulyap-sulyap pa rin ito sa aking mukha. Hindi ko tuloy


magawa ang aking plano. Kaya naman sa desperesyon ko'y bumangon na ako nang paupo,
mas ibinuka ang aking mga hita't saka ko siya pilit na isinubob sa aking kaselanan.

Nasusuka man ako sa ginagawa niya sa yungib ko'y tiniis ko na lamang ito, para
hindi niya makita ang paggapang ng aking kanang kamay sa kinaroroonan ng kanyang
punyal, na siya namang isinaksak ko nang diretso sa kanyang batok. Kaagad itong
binawian ng buhay.

Nagdali-dali ako sa pagkalas sa kaniyang bangkay upang Makapaligo . Tinindihan ang


pagkuskos sa aking katawan na may halong pandidiri. Hindi ko siya kayang buhatin o
hilahin man lang kaya't iniwan ko na lang siyang nakadapa roon. Ito'y matapos kong
magbihis at makuha ang isang bungkos na susi, pati na rin ang kanyang baril at
hinugasang punyal.

Tahimik akong naglakad sa madidilim na mga pasilyo. Mga pasilyong hindi ko talaga
alam kung saan patutungo. Abot-abot man ang kaba sa aking dibdib ay nilakasan ko na
lamang ang aking loob. Wala rin naman kasing mangyayari kung magpapakaduwag ako.

Sa aking paglalakad ay may narinig akong mga ungol. Mga ungol 'yon ng isang babae
na nagmumula sa isang silid na dadaanan ko pa lamang.

Dahan-dahan kong sinubukang lumampas doon. Wala naman talaga akong planong pansinin
pa kung ano ang ginagawa ng mga tao roon, kung hindi nga lamang ako nagulat sa mga
nakita ko sa siwang ng pintuan.

Hindi ako puwedng magkamali. Kilala ko ang lalaking katalik ng isang babaeng
maskarado. Wala itong saplot o takip sa mukha, kaya't sigurado akong siya na nga
'yun.

Nakatayo ito. Nakatagilid sa aking anggulo. Idinidiin nito ang kanyang sarili sa
katalik niyang nakaupo nang pabukaka sa isang lamesa.

Nakitangalang umuungol na rin ang lalaking aking nakilala. Napailing na lamang ako.
Medyo naiiyak. Hindi makapaniwala sa aking nakikita.

"Sige pa Marcooo, ang sarap." Hiyaw ng nakamaskarang babae--na siya mismong


nakapagkumpirma sa katauhan ng lalaking nakilala ko.

"Marco." Bulong ko, "Pati ba naman ikaw?" Naiiyak na talaga ako. Inaalala kung
gaano kabait ang kaibigan kong iyon. Hindi ko talaga lubos maisip kung paanong ang
isang katulad niya'y kasapi din pala nila.

"Ikaw rin naman..." Umuungol na wika ni Marco sa katalik.

Akala ko'y 'yun na ang nakakagulat sa lahat. Kaya naman halos sumabog ang utak ko
nang tinanggal na ng babaeng katalik ni Marco ang kanyang maskara.

"Sige pa, gusto ko pa..." Umuungol na sambit ng nakilala ring kong babaeng 'yon.

"I really like older women. Younger women are no match to you. You are
sensational--" wika ni Marco sa katalik niyang si, "Elenaaa."

My mother-in-law? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Marco? Mas gusto
niya pala ang mga babaeng di hamak na malaki ang tanda sa kanya? Ate sandli lang...
ang mama ni Nathaniel? Isa rin sa kanila? Papapa'nong nangyari 'yon?

Gusto ko nang magwala sa pinaghalo-halong gulat, inis, pagkabagot, pagkabugnot,


galit at iba pa. Lalo tuloy gumulo ang magulo ko nang pag-iisip.

Matagal bago ko bago napahinahon ang aking sarili. Kung hindi pa sila natapos sa
kanilang kalaswaa'y hindi ko pa yata maalala na kailangan ko nang tumakas. Ang
pagtakas na hindi ko pa rin malaman kung paano ko gagawin.

Tila walang katapusan ang mga pasilyo sa lugar na iyon. Pakiramdam ko'y naliligaw
ako sa loob ng isang madilim na maze na hindi ko alam kung paano ko malalagpasan.
Pakiramdam ko nga'y nagpapaiko't-ikot na lamang ako. Inuubos lamang ng lugar na
iyon ang aking lakas. Ang aking lakas na unti-unti na akong tinatakasan.
Mahigit isang oras na ako sa nakahihilong pagpapa-ikot-ikot ko, nang napag-isipan
kong magpahinga muna sa isang madilim na sulok--kung saa'y ibinuhos ko na ang aking
mga luha, para sa lahat-lahat ng pangyayari sa aking kasalukuya't nakaraan, pati na
rin ang aking walang kasiguraduhan hinaharap.

Anong gagawin ko? Hindi ko alam.

Saan ako pupunta? Hindi ko rin alam.

Ang plano ko talaga'y ang puntahan si Marco kung sakaling makabalik ako sa ibabaw
ng lupa, pero paano na pala ang plano kong 'yon ngayong alam ko na ang kaniyang
tunay na pagkatao?

Maskara.

Marami pala talaga ang nakamaskara sa ibabaw ng lupa. Mga taong akala mo'y kaibigan
mo, pero 'yon naman pala'y kasama sila sa mga magpapahirap sa iyo.

Maskara.

Marami pala talaga ang nakamaskara sa ibabaw ng lupa. Mga taong akala mo ay kakampi
mo, pero iyon naman pala'y kaisa sila sa mga taong magdadala sa 'yo sa impyerno.

Maskara.

Marami pala talaga ang nakamaskara sa ibabaw ng lupa. Mga taong akala mo'y
mabubuti, pero iyon naman pala'y mga kampon ng kadiliman. Mga kampon ni Satanas na
ibubulid ka sa walang hanggang kapahamakan.

Diyos ko!

Hindi ko alam kung sino ka bukod sa pangalan mo. Hindi ko alam kung naririyan ka ba
talaga't nakikinig. Pero kung totoo pong may awa ka sa mga walang malay, at sa mga
taong nabaon lamang sa kadilimang hindi nila pinili'y iligtas sana po ninyo ako.
Kung hindi ma'y ipihintulot niyo po sana na ako'y makapahinga na't hindi na
magising pa.

Diyos ko!

Hindi ko alam kung makikinig ka sa anak ng isang demonyo. Pero nagbabaka-sakali po


ako sa inyong walang hanggang pang-unawa, na hindi ko naman po kasalanan ang
ipanganak ako sa mundo. Hindi po ako ang namili sa aking mga magulang. Hindi naman
po ako ang nagdesisyon ng aking kapanganakan.
Diyos ko! Diyos na hindi ko kilala't nakilala. Umaasa po ako sa inyong awa.

Nakabibingi ang katahimikan sa pasilyo. Halos nakabubulag din ang kadiliman dahil
iilan lamang ang sulok na may sulong may nagniningas na apoy. Hindi ko tuloy
malaman ang aking gagawin lalo pa't nanghihina na ako, nagugutom at nauuhaw.

Siguro. Ito na ang sagot ng Diyos. Ang mamatay na lamang ako sa isang madilim at
nakakubling sulok. Kung sa bagay, mas maganda na nga ito, kumpara naman sa mamatay
ako sa sobrang pagpapahirap ng mga demonyo.

Tanggap ko na. Tama. Tanggap ko na.

Mas maganda ngang dito na lamang ako mamatay. Wala na rin naman akong mapupuntahan.
Wala na rin naman naghihintay at naghahanap sa akin kahit saan.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 28

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 28

"Victoria... Victoria..."

Isa iyong napakalamig na tinig na tila umaalingawngaw sa aking pandinig.

Pilit kong ibinuka ang aking mga mata, ngunit naging napakalabo na ng aking
paningin, na halos wala na akong nakitam

"Victoria... Victoria..."

Iyon na naman. Pinilit kong bumangon sa aking pagkakalugmok. Ngunit wala na akong
lakas. Napahiga rin lamang akong muli sa sulok kung saan ako nakasiksik.

Kung gaano na ako katagal doon? Isang araw, dalawang araw, o tatlong araw? Hindi ko
na alam. Ang alam ko lamang ay unti-unti na akong nanlulupaypay sa sobrang
pagkagutom at pagka-uhaw.

"Uminom ka Victoria." Muling sambit ng malamig na tinig--naramdaman ko ring may


kumalong sa aking ulo. "Uminom ka." Naramdaman ko ang pagdampi ng baso sa aking
bibig, at ang pagbuhos ng tubig sa loob ng aking bibig. "Kumain ka." Pagkasabi niya
noo'y naramdaman kong may nagsubo sa akin ng isang masarap na tinapay.

Habang pinapakai't pinapainom ako ng estrangherong may malamig na tinig, ay pilit


kong iminulat ang aking mga mata. Pilit sinisipat ang mukha ng kung sino man ang
tumutulong sa akin.

Hindi ko ito gaanong maaninag, ngunit may hugis siya ng isang matangkad na lalaking
may maliwanag na mukha. Sa sobrang liwanag nga ng kanyang mukha'y hindi ko na halos
maaninag ang kanyang hitsura.

"S-sino ka?" Nanghihinang tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung sino ako." Sagot nito, "Ang mahalaga'y manumbalik ang 'yong
lakas, upang mailigtas mo ang iba pang nasa piitan."

"P-papaano ko sila maililigtas?" Tanong ko, "Kung ang sarili ko nga'y hindi ko
kayang itakas?"

"Ituturo ko sa inyo ang daan palabas." Anya.

"Hindi ka ba kaisa sa kanila?"

"Hindi."

"Kung hindi'y paano ka nakapasok dito? At paanong nalalaman mo kung paano kami
makakatakas dito?"

Nagulat ako. Bigla na lang kasi siya naglaho. Luminga-linga ako. Mag-isa na lamang
pala akong muli. Gusto ko na sanang maniwala na guni-guni ko lamang ang kausap ko,
kung hindi ko lamang nakita ang isang baso ng tubig sa tabi ko't ang kalahating
piraso ng tinapay sa aking kamay.

"Magmadali kayo!" Nadinig kong hiyaw na umalingawngaw sa pasilyo. Kasabay noon ang
tunog ng yabag ng kanilang mga paa. "Hindi maaaring makawala ang babaeng 'yon. Wala
siyang pwedeng labasan dito!"

Malakas ang kutob kong ako ang babaeng tinutukoy nila. Nakita na siguro nila ang
bangkay ng guwardyang napatay ko sa banyo.

Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa dilim. Pinigil ang paghinga sa takot na
maging iyo'y kanilang marinig.

Sa kabutihang palad ay dinaanan lamang nila ang aking kinaroroonan. Malaking bagay
na namatay na pala ang ningas ng sulong nakasabit malapit sa aking kinaroroonan.
Ngayon na Victoria! Pumunta ka sa kanan.

Nakagugulat na mga pangungusap 'yon, na bigla na lamang dumapo sa aking isipan.


Hindi naman 'yon tinig, dahil wala naman akong naririnig. Sigurado rin naman akong
hindi 'yon nanggaling sa aking sariling isipan.

Ngayon na Victoria! Ngayon na!

Muling sambit ng 'Kaisipang' 'yon na bahagya kong ikinagitla. Bagama't nag-


aalinlangan pa rin ako'y sinunod ko na lamang ang mga walang tinig na salita.

Lumiko ka sa kaliwa, patungo sa nakakubling Selda.

Nakakubling Selda? Hindi ko man alam kung bakit ako iginigiya ro'n ng 'Kaisipa'y'
walang isang kurap ko rin namang sinunod ang direksyon nito.

Gamitin mo ang pinakamalaki sa mga susing hawak mo.

Anito, nang nasa tapat na ako ng nakakandadong selda. Agad ko rin namang sinunod
'yon.

Magmadali ka. Gisingin mo na ang iyong kabiyak.

Sino raw?

Natigilan ako sandali. Nag-aalinlangang inaninag kung sino ang naro'n sa


nakakubling selda. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa, hanggang sa
mapadako ako sa bungad ng selda, kung saa'y idinungaw ko muna ang aking ulo upang
sumilip dito.

Unti-unti ko nang naaaninag ang isang lalaking nakadapa. Butas-butas ang bandang
likuran ng pang-itaas nito. Puro latay din ang likurang bahagi ng kanyang
malalaking braso. Nakakubli ito sa dilim. Nakasubsob ang ulo nito pakaliwa, paharap
sa dingding.

Magmadali ka Victoria! Gisingin mo na siya!

Nakagugulat na pagpasok muli ng 'Kaisipan'. Tinapik-tapik ko ang likuran ng lalaki.


Gumalaw naman ito kaagad, na sinundan ng kanyang pagtaggilid paharap sa akin.

"Victoria?!" Nanlalaki ang mata ng lalaking ginising ko.


"N-Nathaniel?!" Gulat na gulat, ngunit naiiyak na sambit ko.

"Salamat sa Diyos at ligtas ka!" Inabot niya ako kaagad at niyakap nang mahigpit.
Ginantihan ko rin naman kaagad ang kaniyang mga yakap.

Halos hindi ko na siya makilala. Basag-basag ang kanyang mukha. Gulo-gulo ang
kanyang buhok. Puro dugo't luray-luray ang pang-itaas niyang suot-suot. Napakarumi
ng kanyang pantalon. Sa mga punit nga nito'y halatang kinaladkad ito o nagpasabit-
sabit kung saan-saan.

"Akala ko hindi na tayo magkikita." Humahagulhol na bukong ko, habang nakabaon ang
mukha ko sa kanyang puro galos na leeg, "Ang sabi kasi nila, pinatay ka na nila."

"Ako ma'y halos mawalan na rin ng pag-asa." Umiiyak na rin siya.

Magmadali kayo!

Muling paalala ng 'Kaisipan' sa akin. Kaya naman hinila ko na si Nathaniel


papalabas ng seldang. Tumakbo, tumigil, lumiko, dumiretso, nagtago't iba pa--na
ayon pa rin sa direksyon sa akin ng hindi nakikitang tagapagligtas.

Sugatan man si Nathaniel, ay malakas pa rin naman siya. Iika-ika ma'y maliksi pa
rin naman ang paglalakad at pagtakbo niya.

"Nathaniel," Sa gitna ng aming paglalakad-takbo. "Kailangan nating bumalik sa


piitan para pakawalan ang iba pang mga nakakulong doon." Batay pa rin iyon sa
tagubilin sa akin ng 'Kaisipan'. "Pero mapanganib. Heto." Iniabot ko sa kanya ang
baril na kinuha ko sa guwardyang napatay ko.

Tumango si Nathaniel bago nito kunuha ang baril.

"Pag-isipan muna natin ang gagawin natin Victoria." Sabi ni Nathaniel sa akin,
habang nakakubli kami't pasilip-silip sa mga piitang gusto naming puntahan.
"Maraming bantay ngayon. Mahihirapan tayong makalusot."

Nang dahil doo'y humanap muna kami ng pinakamalapit--ngunit pinakakubling silid,


upang doon muna magtigil at magtago.

"Nakita ko ang Mama mo Nathaniel. Isa siya sa kanila." Umiiyak na bulong ko sa


kanya, habang nakasiksik kami sa isang sulok.

"Alam ko."

"Alam mo?! Kailan pa?"


"Kailan lang." Nanlulumo ito, "Ilang araw matapos tayong ikasal."

"Ha? Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin."

"Hindi pa kasi ako masyadong sigurado noon." Sagot niya, "Kaya't ang unang naging
hakbang ko'y ilabas ka muna sa hacienda para mailayo kita sa kanya."

"P-pero anong--"

"Nahuli ko siyang dinadasalan ka ng orasyon habang ika'y natutulog." Pagputol niya


sa sasabihin ko sana, "Na siyang maaaring naging dahilan kung bakit palala ng
palala ang kalagayan mo noon. Ayoko namang malaman niya na alam ko na ang sikreto
niya, kaya't kunwari'y gusto ko lamang na maipagamot ka sa labas."

"Naguguluhan ako Nathaniel. Hindi ba't siya itong hindi naniniwala sa mga sinasabi
mo sa kanya tungkol sa tunay na nanyari sa 'yong kapatid?"

Hindi ito nakapagsalita kaagad. Makailang beses nagbuntong-hininga. Umiyak din ito
saglit na lumipas din naman kaagad.

"Naguguluhan din ako noong una." Pagsasalita niya rin sa wakas. "Pero nang tumagal
na, lalo na nang nakapag-isip-isip na ako habang ako'y nakakulong. Napagtagni-tagni
ko rin ang lahat-lahat ng pangyayari sa aming pamilya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Na si Mama, at hindi si Papa ang tunay na nagdala ng kamalasan sa aming Pamilya.
Na mas una pa pala siyang naging kasapi ng samahang ito. Na kasabwat pala niya ang
Papa mo na si Eduardo, sa pang-aakit niya kay Papa, upang ito ang maging asawa niya
mahigit dalawampu't siyam na taon na ang nakalilipas. Pinlano nila ito, upang
mapasakamay ng Mama't ng kanilang samahan ang buong Hacienda ni Papa. Wala akong
ebidensya, pero malakas ang kutob ko na siya rin ang may pakana't nanabutahe sa
rituwal ng Papa, kaya't hindi na nakabalik pa ang kaluluwa niya sa kanyang
katawan." Tinitigan niya akong mabuti sa aking mga mata, "Isang mangkukulam ang
aking Mama, Victoria. Siya rin ang may pakana ng mga kababalaghan sa aming
Hacienda. Ang mga patay na hayup na kinukuhanan niya ng dugo, bilang alay niya sa
Diyablo."

Natulala ako sandali. Pilit iniintindi ang kanyang mga sinabi, bagama't naguguluhan
pa rin ako sa maraming aspeto. Dahil hindi ko pa rin lubos-maisip, kung paano ko
idudugtong ang pagkakakilanlan nila ng matalik kong kaibigang si Marco.

"Nahuli ko silang nagtatalik ng kaibigan kong si Marco." Mahinang sumbong ko kay


Nathaniel. "Hindi ko alam kung paano sila nagkaki--"

"Ang totoo. Kilala ko talaga si Marco." Pagsingit niya na ikinagulat ko.


Ngunit naalala ko rin naman kaagad, na sadyang sinusundan na ako ni Nathaniel dati
pa. Kaya't hindi na dapat ako nagtataka kung kilala man niya ang kahit sinong aking
nakakasalamuha.

"Alam mong may relasyon sila ng iyong Mama."

"Hindi." Sagot niya. "Pero hindi na ako nagugulat kung mayroon nga."

"Pero paano mo nakilala si Marco?"

Matama niya akong tiningnan sa aking mga mata.

"Kapatid mo si Marco." 'Yun ang kagimbal-gimbal na rebelasyong hindi ko malaman


kung paano ko tatanggapin ngayon.

"Paanong--"

"Anak siya ni Eduardo sa asawa ng isang mayamang negosyante. Sinasadya talaga ni


Eduardo na puntiryahin ang mga asa-asawa ng mayayamang lalaki, upang makuha niya
ang kanilang kayamanan. Iyon ang paraan niya para patuloy niyang mapondohan ang
kanilang samahan."

"Sinasabi mo bang alam ito Marco sa simula't-simula pa?"

"Hindi ko alam, Victoria." Umiiling-iling na sagot niya, "Pero hindi na ako


nagtataka, kung maging ang pakikipagkaibigan niya sa iyo'y kasama sa kanilang mga
plano."

"Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang relasyon nila ng Mama mo, Nathaniel."
Mangiyak-ngiyak na ako.

"May mga bagay talaga na mahirap intindihin, lalo pa't limitado ang anggulong
nakikita natin. Hindi ko alam na may relasyon sila. Ngayon ko lang ito narinig,
pero hindi na ako nagtataka kung pagnasaan man ng Mama ang mga lalaking di hamak na
mas nakababata sa kanya."

"Bakit? May kilala ka bang mas bata sa kanya na pinagnanasaan niya?"

"Oo."

"Kilala mo?"
"Oo."

"Sino?"

"Ako."

Hindi ako nakapagsalita. Napanganga lamang sa aking nadinig.

"Kadugo mo siya hindi ba? Totoong nanay mo siya hindi ba?"

"Oo."

"Eh bakit gan'on?"

"Walang sinasanto ang mga kampon ng demonyo, Victoria. Kung ano ang mas bawal at
karumaldumal sa Diyos, 'yun ang mas gusto nilang gawin. Kasama na roon ang
pakikipagtalik sa mga kaanak (1) at mga hayup (2)."

"'Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ka nagtititigil sa inyong Hacienda?"

"Oo. Lalong-lalo na nang nawala na si Papa." Yumuko siya. Pansamantalang ikinubli


ang kaniyang mukha. "At ikaw?" Biglang pagbaling nito sa akin, "Sa tingin mo, ano
ang kailangan ni Eduardo 'yo?"

Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot.

"Gusto ka niyang angkinin, Victoria." Nakakagulantang na sabi niya, "Hindi bilang


isang anak, kung hindi bilang isang babae (1)."

____________________

Footnotes

(1) Biblical prohibition of Incest ( the crime of having sexual intercourse with a
parent, child, sibling, or grandchild.) Leviticus 20:11-14,

(2) Biblical prohibition of Bestiality (sexual intercourse between a person and an


animal.): Leviticus 20:15-16, 17-21

[Itutuloy]
=================

KABANATA 29

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 29

"Hoy!" Hiyaw ng mga tauhan ni Eduardo, habang binubuksan na namin ni Nathaniel ang
pinakahuling selda.

Narororoon sila sa kabilang dulo ng pasilyo. Papasugod na sa aming kinaroroonan.

"Bilisan niyo!" Hiyaw ni Nathaniel sa mga napakawalan namin, "Dito tayo!" Habang
itinuturo ang kabilang direkson. Lumalakdaw-lakdaw din siya sa mga nakahilatang
katawan ng apat na guwardiyang napilitan barilin ni Nathaniel dahil sa pagpigil ng
mga ito sa amin. "Victoria!" Pagbaling niya sa akin, "Ikaw na ang manguna sa
kanila, dito ako sa likod." Sinundan iyon ng pagpapaputok niya ng baril sa mga
sumusugod na tauhan ni Eduardo. Bumulagtang patay naman ang lahat ng kanyang
tinamaan.

Ako na nga ang nanguna sa mga taong pinakawalan namin sa mga piitan. Sumusunod lang
din naman ako sa direksyon ng 'Kaisipan'. Kaliwa, kanan, hinto, hintay sandali...
napaka-eksakto ng instruksiyon ng 'Kaisipang' iyon, na tila memoryado nito, hindi
lamang ang mga pasikot-sikot, kundi ang bawat galaw ng mga tao.

Nagdire-diretso lamang ang aming paglalakad-takbo, hanggang sa dumating kami sa


pinakahuling pinto. Iyon na nga yata ang pinakahuling yugto, para kami'y tuluyan
nang makawala. Isa iyong malaki't malawak na lumang warehouse, na may malaking
bakal na pintuan.

"Ano na raw ang gagawin natin, Victoria?" Bulong sa akin ni Nathaniel. Ang
tinutukoy niya ang ang 'Kaisipang' nagdidikta sa akin.

"Wala pa siyang sinasabi." Sagot ko.

"Ha?" Lumilinga-linga siya. Nadidinig na kasi namin ang mga yabag ng papalapit na
mga kalaban. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala pa siyang sinasabi ni Nathaniel." Mangiyak-ngiyak na ako.

"Sinong siya?" Tanong ng isa sa aming mga pinakawalan. Isa itong matandang lalaking
mukhang Pastor.

"H-hindi ko po sigurado." Sagot ko sa kanya, "Basta't ang alam ko lamang po'y may
tumulong sa aking isang lalaki na may maliwanag na mukha. Halos mamatay na po ako
sa gutom at uhaw nang binigyan po nito ako ng tinapay at tubig. Ang sabi niya,
kailangan ko raw magpalakas dahil kailangan ko pa kayong tulungang makatakas.
Tapos, bigla na lamang po siyang naglaho. Simula po no'n, nagpapadala na po siya ng
mga mensahe sa utak ko. Itinuturo niya kung saan ako aabante, aatras at liliko.
Siya ang nagsabing dalhin ko kayo rito."

"Ang Panginoon!" Naghihisteryang hiyaw ng isang matandang babae. "Nagpadala ng


tulong ang Panginoon!"

Sinundan 'yon ng mga bulung-bulungan. May iba pang nagsisiiyakan. Ang iba naman'y
tila tumatawang naiiyak sa sobrang galak.

"Mapalad kang napili niyang maging instrumento niya." Sabi sa akin ng ilan sa
kanila. "Magpasalamat tayo sa Panginoon!" Anunsyo niya sa lahat.

Nagpagpalakpakan sila't nanalangin. Napalingon naman ako kay Nathaniel at


tiningnan siya nang may pag-aalala. Hindi pa naman kasi kami lubusang nakakalaya,
kaya't hindi ko alam kung paano nila nakukuhang magbunyi na kaagad.

"Magaling! Magaling!" Pumapalakpak na pangungutya ni Eduardo, habang papalapit na


ito sa aming lahat; kasunod niya ang lahat ng kanyang mga alipores. "Anak nga
kita." Nakatingin ito sa akin.

Nagsitigilan sa pagbubunyi ang mga kasama namin ni Nathaniel; nag-uunahan na sila


ngayong nagsisitaguan sa aming likuran.

"Pero sinong Panginoon ang tinatawag ng mga hunghang na ito?" Habang pinapasadahan
niya ng tingin ang aking mga kasamahan

"Ang Panginoong Hesu--"

Sigaw iyon ng isa sa aking mga kasamahang babae, na binaril naman ni Eduardo sapul
sa noo. Lumagpak itong patay.

"Buhay ka pa ay sinusunog ka na sa--"

Muling nagpaputok si Eduardo. Sumapul ito sa noo ng matandang Pastor.

"Ililigtas kami ng Pangino--"

Isa iyong punyal naman ang ibinato ng isa sa mga maskarado sa huling naglakas-loob
na magsalita sa aming panig. Dumiretso iyon sa lalamunan ng huling nagsalita.
Napaluhod ito, umubo-ubo hanggang sa tuluyan na itong nangisay at namatay.

Ngayon na ako nakaramdam ng desperasyon. Umaasang makatanggap muli ng mensahe mula


sa 'Kaisipan'.

Ngunit...

Walang dumating na mensahe. Daig ko pa tuloy ngayon ang nakalutang sa hangin.

"Ano?" Nakangising anunsyo ni Eduardo. "Mayroon pa bang may nais magsalita sa


inyo?" Lumalakad na ito papunta sa pinakagitna.

Gusto ko sanang magsalita, kundi lamang ako pinigilan ni Nathaniel.

Humalakhak ng pagkalakas-lakas si Eduardo. Wari'y nagagalak ito sa aming


pagkatameme.

"'Yan ang hirap sa inyong mga sumasamba sa Diyos na 'yan." Nakangising kantyaw niya
sa natitira pa naming kasamahan. "Puro kayo salita, kulang naman kayo sa gawa. Ang
lalakas ng loob ninyong ipagsigawan ang pananampalataya niyo sa Diyos niyong 'yan
kapag walang nangyayari sa inyong masama. Pero takutin lamang pala kayo ng kaunti'y
nagsisitiklop na kayo?! Eh mga peke naman pala kayo eh, ha?! Pare-parehas lamang
kayong mga hipokrito!"

Humalakhak ito na sinegundahan naman ng kanyang mga kasamahan.

"Pweh!" Pagpapatuloy ni Eduardo, "Parepareho kayong mga husto lamang sa ngakngak!


Mga pakitang tao! Ang lalakas ng loob niyong sabihin sa madlang 'mahal ko ang
Panginoon' 'alipin ako ng Kristo' pero mabigo't magdusa lamang kayo ng kaunti'y
nagdadalawang-isip na kayo?! Mga hunghang, parepareho kayong mga hipokrito!"
Lumalapit na siya sa aming kampo, "Ano tanda?" Hinila niya ang kwelyo ng isang
matandang lalaki. "Matanong nga kita." Kinaladkad niya ito sa gitna, "Mamili ka,
Diyos mo, o diyos ko?" Itinututok ni Eduardo ang isang maliit na kutsilyo sa leeg
ng matanda.

Hindi kaagad nakapagsalita ang matanda. Napahalakhak tuloy muli si Eduardo na


sinegundan ding muli ng kaniyang mga alipores.

"Sasagot ka ba tanda? O pipilipitin ko ang iyong ang leeg!"

"D-Diyos ko!" Sagot ng matanda. "Diyos ko ang pinipili ko."

"Ah, gano'n ba?" Sinundan niya ito ng mabilis na paggilit sa leeg ng matanda.

Impit na iyakan ang aking narinig mula sa aking mga kasamahan. Habang ako nama'y
tila napipi sa labis na takot; nakatitig sa matandang naghihingalo sa sahig.

"Ikaw!" Nagturo siyang muli sa aking mga kasamahan. "Halika rito!"


Mas lumakas ang iyakan sa aming panig.

"Halika sabi eh!" Galit na galit na paglapit ni Eduardo sa aming grupo.


Sinabunutan niya ang sa isa sa mga babae't saka niya ito kinaladkad sa gitna.

Umiiyak na halos magkandarapa na ang babaeng iyon. Pilit tinatanggal ang


pagkakahawak ni Eduardo sa kanyang buhok.

"Diyos mo, o diyos ko! Mamili ka!" Bulyaw nito sa babae.

Hindi ito makapagsalita. Nag-iiyak lamang ito nang nag-iiyak.

"Sumagot ka, o hihilahin ko ang lahat ng buhok mo sa iyong anit!"

"D-diyos..."

"Ano!"

"D-diyos mo."

Natahimik ang lahat, na binasag naman ng paghalakhak ni Eduardo.

"Ano ang pangalan ng diyos ko?" Tanong nito sa babaeng hindi pa rin niya
binibitawan.

Hindi ito agad nakasagot.

"Ano sabi eh!" Bulyaw na ni Eduardo sa kanya.

"S-sa--"

"Bilisan mo o kakalbuhin kita!"

"Sata--"

"Napipikon na ak--"

"Satanas po." Umiiyak na ito.


Matapos iyo'y pinakawalan na ito ni Eduardo, bago niya literal na sinipa ito
papunta sa kanyang kampo.

Inisa-isa niya ang aming panig. Hanggang sa halos maubos na kami. Mula sa tatlumpo,
ay pipito ba lamang kaming natitira.

Nakalulungkot ma'y mas marami ang isinuko ang Diyos kapalit ng kanilang buhay.
Silang mga pinangunahan ng takot dahil sa nakahandusay na bangkay ng mga naging
tapat sa Diyos.

Panginoon. Panalangin ko sa aking isipan. Hindi ko po alam kung bakit dinala ninyo
kami rito, pero naninikluhod po ako sa inyong awa, para sa natitira ko pa pong
kasamahan.

Panginoon. Hindi ko po alam kung ano ang pinaplano ninyo, ngunit harinawa'y masunod
kung ano man ang inyong kagustuhan.

Panginoon. Kayong Diyos na hindi ko nakilala. Ako po'y nagpapasalamat, sa kabila ng


aking pagkabigo. Maraming salamat at nakilala kita, bago man lamang ako pumanaw.

Hindi ko na napansin ang pagtulo ng aking mga luha. Ang mga luhang nakita kong
pumatak sa maalikabok na sahig.

"Victoria!" Hiyaw ni Eduardo. "Mamili ka!"

Nagulat ako. Hawak-hawak na pala niya si Nathaniel--na ngayo'y may nakatutok nang
baril sa kanyang sentido. Nakuha na pala ng mga demonyo ang aking asawa sa
kalagitnaan ng aking pananalangin.

"Ang Diyos ng mga hunghang na iniligtas mo, o ang buhay ng asawa mo!"

Hindi ako nakasagot kaagad. Bagkus, ay umiyak lamang ako nang umiyak. Pilit na
nananalangi't umaasang ililigtas ako ng Diyos na nagdala sa amin doon.

Ngunit walang sagot na dumating. Para na ako ngayong pinagsakluban ng langit. Durog
na durog ma't halos sumabog na ang puso ko sa labis na pighati'y pikit-mata akong
nagdesisyong mamili.

"Ubusin mo man kaming lahat, o pilit mo mang kunin ang lahat-lahat sa akin. Pero
hindi ko pwedeng itanggi ang Diyos na nagpakita sa 'kin."

"Pinipili mo ang Diyos ng mga lampang itong hindi naman sila nailigtas?!" Galit na
galit na bulyaw ni Eduardo sa akin. "Mas pinipili mo ang Diyos ng mga ito?"
Itinuturo nito ang mga nakahandusay na bangkay. "Kapalit ng buhay ng mahal mong
Asawa?"
Hindi na ako sumagot.

"Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, anak." Mas malumanay na sabi niya sa akin,
"Ang Diyos nila, o ang buhay ng 'yong asawa?!"

Sumulyap ako kay Nathaniel. Humihingi ng patawad. Ngumiti lamang naman ito sa akin
bago ito tumango.

"Ang Diyos nila... na Diyos ko na rin."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 30

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 30

Pagkasambit na pagkasambit ko ng mga katagang iyo'y ginulantang na lamang kami ng


isang napakalakas na lindol. Isa iyong matinding pagyanig, na hindi ko pa
nararanasan sa aking tanang buhay. Sa lakas noo'y walang hindi tumilapon sa aming
lahat. May ibang napasubsob, may ibang napadapa, may iba rin namang napatihaya.

Hinanap ko kaagad ang kinaroronan ni Nathaniel. Kapwa silang nakalupagi ni Eduardo


sa sahig. Lumilinga-linga sa paligid. Salitan din nilang tinitingnan ang itaas at
ibaba. Habang ako nama'y tinititigan lamang siya sa aking pagkakadapa.

"Victoria!" Pagtawag niya, nang magtagpo na ang aming mga mata.

Nahihirapan mang magbalanse'y pinilit niyang tumayo upang makalapit sa aking


kinaroroonan. Ngunit bago pa man siya makatatlong hakbang ay nahila ni Eduardo ang
kanyang magkabilang paa. Agad siyang napadapa't sinundan ng kanilang matinding
pagbubuno't pagsusuntukan. Pagsusuntukang naaantala naman ng paminsan-minsan nilang
pagtimbuwang.

"Anong nangyayari?" Naiiyak na tanong ng isa sa limang natitira sa aking mga


kasamhan. Isa itong madre na wala nang belo. Maaring nalaglag na ito sa aming
pagtakbo.

"H-hindi ko po alam." Sagot ko.


Naglalaglagan na ang ilang adobe, mga kahoy, bakal at konkreto mula sa kesame.

"Diyos ko po! Nabibiyak ang lupa!" Hiyaw naman ng isa pa sa aking mga kasamahan.
Isa itong batang Pastor na lalaki.

Tiningnan ko ang lupang tinutukoy niya, at noon ko na napansin na naghihiwa-hiwalay


na nga ang lupa na tila mga pulo o isla

Nagsisigawan ang aking mga kasama habang sumisiksik sa aking likuran. Gano'n din
naman ang nakikita kong nangyayari sa kabilang panig.

"Nathaniel!" Hiyaw ko sa aking asawa nang mapansin kong nabibiyak na rin sa aming
pagitan.

Napatingin siya sa akin, na siya namang naging dahilan kung bakit nakapuslit ng
isang suntok si Eduardo sa kanilang mukha.

"Nathaniel, anak ko!" Hiyaw naman 'yon ng Mama ni Nathaniel sa kabilang panig.
Takot na takot itong nakatingin sa malaking biyak ng lupang malapit sa kanya.

Sandali kong iginala ang aking mga mata sa kanilang panig, hanggang sa tumama na
nga ang aking paningin kay Marco. Hindi ito nakatingin sa akin, bagkus, ay
kalmadong nakatitig lamang ito sa mas lumuluwang na paghihiwalay ng mga lupa.

"Nathaniel, bilisan mo!" Natatarantang hiyaw ko. Mas lumalaki na kasi ang agwat ng
mga biyak sa aming pag-itan. "Lumiban ka na rito!"

Akmang liliban nang muli si Nathaniel nang hinila na naman siya ni Eduardo. Muli
silang tumimbuwang at napatihaya. Agad naman nilang Itinuloy ang kanilang
pagbubuno't pagsusuntukan.

"Nathaniel!" Umiiyak na ako. Dumating na kasi sa puntong imposible na siyang


nakaliban. Masyado na kasing malaki ang agawat na sa tantya ko'y mga limampu
hanggang animnapu nang talampakan na.

Ilang tao sa kabilang panig ang patuloy na nagsisilaglagan. Kasama na roon ang Mama
ni Nathaniel na tinawag pa rin ang pangalan ng kanyang anak habang nalalaglag sa
malaking pag-itan ng biyak.

Tila tambol naman sa kaba ang aking dibdib habang pinagmamasdan ko rin ang aming
kinalalagyan. Anim kaming nagsisiksikan sa gitna ng lupang nabiyak na ang palibot.
Para tuloy kaming nasa isang maliit na pulong napalilibutan ng malalim na balon.
Gano'n din si Eduardo't Nathaniel sa bandang gitna, sampu ng mga nakahilatang
bangkay. Gayun din naman ang iba pa sa kabilang panig kung nasasaan ang mga
Satanista't ang mga dating kasamahan naming kumampi na sa kanila.
Halos sabay-sabay ang paghiyaw ng mga nalalaglag, at yaong nasa bingit bangin.
Nakapagtataka naman na sa kanilang panig lamang unti-unting natatapyas ang lupa,
sukat na kanilang ikalaglag.

Habang lumalaki naman ang agwat ng mga lupa'y mas nasisilip na namin kung ano ang
mayroon sa ibaba. Sa pinasukdol ng lupa sa ibaba, sa lalim na hindi ko matantya'y
walang iba kundi ang tila walang hanggang kadiliman. Hindi man namin maaninag kung
ano ang nakakubli ng karimlang iyo'y nakapanghihilakbot naman ang alingawngaw ng
mga nadidinig naming mga tinig mula roon.

Hindi man gano'n kalakasan ang mga tinig na iyo'y dinig na dinig amin ang tila
sabay-sabay na pag-iyak ng paghihinagpis at labis-labis na pagdurusa ng hindi
mabilang na mga tao. Wala silang malinaw na salitang nasasambit, ngunit halata
naman sa kanilang pagdaing ang walang kaparis na pagdadalamhati't paghihirap.

Muling nagsigawan ang ilan sa muling pagkatibag ng malaking tipak ng lupa sa


kabilang panig. Sinundan 'yon ng mas marami't malakas pang hiyawan habang
nalalaglag sila isa-isa.

Isa-isa, hanggang sa naubos na sila. Maging si Marco'y wala na sa huling


pinagkakitaan ko sa kanya kanina. Mas malamang sa hindi, na nakasama na rin siya sa
mga kasamahan niyang nauna nang nalaglag.

Nang dahil doo'y napatigil na sa pagbubuno sina Nathaniel at Eduardo. Lalo pa't sa
mas lalong paglawak ng mga biyak, ay mas lalong napapalayo na sila sa amin.

Kitang-kita sa mga mata ni Eduardo ang matinding takot. Lalo pa ngayong naging
malinaw na sa kanyang nag-iisa na lamang siya. Nagkatinginan kaming anim. Kasama na
ang nagtatakang ekpresyon ng aming mga mukha, sa kung papa'nong nangyari na naubos
sila, ngunit wala ni isang nabawas pa sa aming panig. Maging ang mga bangkay ng mga
naging tapat sa Diyos, ay naroon lamang at nakahandusay.

"Tawagin mo na ang diyos mo Eduardo." Nakangising pangungutya ni Nathaniel kay


Eduardo habang nakatalikod ang demonyo kong ama sa kanya. Nakasilip kasi ito sa
bangin kung saan nalaglag ang lahat ng kanyang nga kasamahan.

Galit na galit na lumingon ito kay Nathaniel. Susugod pa sana itong muli, ngunit
naunahan naman siya ni Nathaniel. Sinalubong siya ng aking asawa ng isang malakas
na pagsipa diretso sa kanyang dibdib-- na kaagad naman niyang ikinatalsik.
Pagtalsik na siyang tuluyan na niyang ikinalaglag sa bangin.

Yumayanig pa rin ang aming kapaligiran. Bagama't napapangiti na kami sa isa't-isa


habang muling naglalapit at nagdudugsong ang mga lupa.

"Victoria..." Mangiyak-ngiyak na pagyakap sa akin ni Nathaniel, matapos niyang


makatalon sa aming panig. "Mahal ko." Pinupog niya ako ng halik na humantog sa
pagdadait ng aming mga labi.
Sa gitna ng aming paghahalika'y siya namang pagkapal ng usok sa paligid. Usok na
nang maglao'y tumaklob naman sa aming buong kapaligiran.

Napatanga ako, nang bigla na lamang nag-iba ang hitsura ng lugar na aming
kinaroroonan. Nagtataka rin ako kung bakit sa isang iglap ay mag-isa na lamang ako
sa isang napakagandang Paraiso.

Napakaliwanag ng paligid, matingkad na berde ang mga damuha't dahon ng mga puno't
halaman. Matitingkad din ang mga pula, dilaw, asul at iba pang mga kulay na
makikita sa bawat bunga ng mga punongkahoy, halama't bulaklak. Ang kalangita'y may
iba't-ibang kulay na matatagpuan sa isang bahaghari. Habang ang malaking liwanag
namang maihahalintulad sa araw, ay may sinag na tila nakapagpapakalma sa aking
diwa.

Tanggapin mo ang espirito ng Diyos, na siyang gagabay sa 'yo sa habang-panahon.

Mensahe iyon mula sa 'Kaisipang', muling dumalaw sa aking isipan.

"Binibiyayaan niyo na po ba ako ng sariling kaluluwa?" Naiiyak na tanong ko sa


aking isipan.

"Ang lahat ng nabubuhay sa mundo'y mayroong kaluluwa (1)." Sambit ng isang


matangkad na lalaking papalapit sa akin. Kulay olandes ang kanyang kulot na buhok,
matangos ang kanyang ilong at kulay asul ang kanyang mga mata. "Ngunit hindi lahat
ay may Espiritu ng Diyos (2)."

"M-magkaiba pa po ba ang Kaluluwa't Espiritu? (3)"

"Oo." Anya. "Ang lahat ng may hininga ng Diyos (1) ay may Kaluluwa, ngunit hindi
lahat ng may hininga ay may Espiritu niya na tulad ng Espiritu ng karununga't ng
kaunawaan, ang Espiritu ng payo't ng katibayan, ang Espiritu ng kaalama't ng takot
sa Panginoon (2)."

"Kung gayo'y hindi po totoo na wala akong kaluluwa?"

Hindi ko na narinig ang kanyang kasagutan. Malamang ay dahil nasagot na niya ito sa
mga nauna na niyang sinabi sa akin. Bigla na naman siyang naglaho.

Sa dakong medyo malayo'y nakita ko naman ang mga namatay kong kasamahan. Silang mga
pinatay ni Eduardo at ng kanyang mga alagad. Maging yaong mga nasaksihan kong
pinahirapan nila hanggang sa mamatay sa buong panahon na ako'y nakabilanggo.
Nakangiting kumakaway ang mga ito sa akin, bago nagkani-kaniya ang mga ito sa
pagtakbo na tila mga batang paslit na nagtatawana't naghahagaran sa iba't-ibang
dako. Ang saya-saya nila. Sila kasama ng napakaraming iba pa.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko na lamang ang sariwang hangin na bumalot sa aking
katawan. Isang banal na hangin na animo'y nililinis ang aking buong pagkatao. Isang
malinis na hininga ng Diyos, na nagduyan sa aking kamayan, hanggang sa unti-unti
nang nanumbalik ang aking kapaligiran sa realidad ng mundo.

***

"Umh." Nakagugulat na paghalik ni Nathaniel, mula sa aking likuran. "Ang bango


naman ng mahal ko, bagong ligo." Inaamoy-amoy niya ang aking balikat, habang
pasimpleng iginagala ang kanyang mga kamay na para bang binabalak niyang tanggalin
an tuwalyang nakabalot sa aking katawan.

"Ano ka ba naman Nathaniel, nakakagulat ka naman!" Tatawa-tawang hinampas ko ang


kanyang malilikot na mga kamay.

Imbes na sumagot, ay itinuloy lamang niya ang paghagod ng halik sa aking batok,
balikat at leeg.

"Nathaniel ano ba?" Habang pinipilit makawala sa kanyang nakapanunuksong paghaplos


sa aking balat "Ang laki-laki na ng tiyan ko gusto mo na naman makaisa ha."
Tumatawa ako. Natawa rin naman siya.

"Sa wakas, nakasal din tayo sa simbahan." Aniya, habang tinataniman ng mga halik
ang aking kanang panga.

"Ang kaso, siguradong ang taba-taba ko sa mga litrato natin." Nakasimangot na


pagmamaktol ko.

"Ano ka ba?" Tatawa-tawang reaksyon niya, "Buntis ka, hindi ka mataba." Habang
kumakalas siya sa pagkakayakap niya sa aking likuran.

Hinawakan niya ako sa kaliwang kamay at saka hinatak papunta sa gilid ng aming
kama--kung saa'y umupo muna siya, bago niya ako ikinalong sa kaniyang kanang hita,
paharap sa kanya.

"Hindi ka ba napapangitan sa 'kin? Wala na akong korte o."

"Anong walang korte? May korte ka naman ah, pabilog nga lang." Humahalakhak na biro
niya.

Birong hindi ko masyadong nagustuhan, kaya't piningot ko siya sa tenga.

"Ano ka ba? Nagbibiro nga lang ako eh." Reaksyon niya sa pamimingot ko sa kanya.

"Hindi ko gusto ang biro mo. Kita mo na ngang nai-insecure na 'ko eh." Nakangusong
wika ko, "Kita mo ikaw, ang sexy-sexy mo pa rin, tapos ako, para akong nakalulon ng
pakwan. Tapos 'yung ilong ko parang lumaki. Tapos 'yung mga braso ko, parang
tumaba. Tapos 'yung mga hita ko, parang pwede nang kiluhin."

Tinawanan lamang niya ako. Pagtawang nakadadala, kaya't napatawa na rin ako.

"Mahal." Bulong ko habang nakayapos ako sa kanyang leeg.

"Ano 'yun?"

"Totoo kaya 'yung sinabi sa atin no'ng batang Pastor na nakasama natin sa
pagtakas?"

"Mas nauna siyang nakulong doon, kaya't posible."

"Pero posible ring hindi di ba?"

"Mas posible ang totoo." Sagot ni Nathaniel, "Bakit naman kasi siya
magsisinungaling?"

"Malay mo, kasabwat din siya, pero nagpapanggap lang."

"Bakit naman siya magsisinungaling sa mga gano'ng bagay?"

"Ewan ko ba. Napa-paranoid na siguro ako." Sagot ko. "Simula nang nangyari ang
lahat, parang nahihirapan na akong basta-basta na lamang magtiwala't maniwala sa
mga tao. Lalong-lalo na kapag animo'y mga banal at maka-Diyos ang mga ito."

"Kung totoo man ang sinasabi ng Pastor na 'yon, na hindi na si Eduardo't si Marco
na ang bagong pinuno ng kanilang samahan, ano ba ang ipinag-aalala mo? Parehas na
naman silang wala na, hindi ba?"

"'Yun na nga mismo ang ipinag-aalala ko, Nathaniel. Hindi ko naman nakitang
nalaglag si Marco, na katulad ng kay Eduardo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko siya nakitang nalaglag sa bangin."

"Ha? Paanong--"

"Bigla na lang siyang naglaho, Nathaniel. Inisip ko na lamang na baka nalaglag na


rin siya kasama ng mga kasamahan niya. Pero hindi ako sigurado eh. Hindi ko kasi
siya nakitang nalaglag."
"Sinasabi mo ba na baka buhay pa siya?"

"P-parang gano'n na nga." Sagot ko, "P-pero p-papaano nga kung buhay pa siya? Sa
tingin mo, uumpisahan kaya niyang muli ang nasimulan ng aming ama?"

Hindi na sumagot si Nathaniel. Bagkus, ay ikinunot na lamang niya ang kanyang noo
na tila nag-iisip ng malalim. Pag-iisip na may halong makailang beses na
pagbubuntong-hininga.

--------------------------------

Footnotes

(1) The Soul (Breath of life, Physical Life, Mortal Life). "All" living creatures
have souls. Biblical basis: Genesis 1:30, 2:7, Ecclesiastes 3:19-20, Job 12:10,
Acts 17:25

(2) 7 Spirits of God: [Isaiah 11:2 enumerated The seven spirits of God]:

-----1. Spirit of the LORD,

-----2. Spirit of wisdom (Karunungan),

-----3. Spirit of understanding (Kaunawaan),

-----4. Spirit of counsel (Payo),

-----5. Spirit of power (Kapangyarihan),

-----6. Spirit of knowledge (Kaalaman),

-----7. Spirit of the fear of the Lord (Takot sa Panginoon).

Also mentioned in: Revelation 1:4; 3:1; 3:1 4:5; and 5:6 All living creatures have
a Soul (Physical/Mortal/Breath of Life) but not all creatures have the Spirits of
God (Eternal Life).

(3) Soul and Spirit though often used interchangeably are separate and distinct
from each other. [Tagalog: Ang Kaluluwa at ang Espiritu, bagama't madalas na
napapagpalit ay magkabukod at magkaiba] Hebrews 4:12, 1 Thessalonians 5:23

[Itutuloy]
=================

EPILOGO

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

EPILOGO

Nakita kita kanina. Katulad din kahapo't kamakalawa. Sinusundan talaga kita kahit
saan ka magpunta. Humahanap lamang ako tiyempo para mahuli kitang nag-iisa.

Gusto kasi kitang makausap. Napabibilib mo kasi ako sa pagpapahayag mo ng


pananampalataya't pagmamahal mo sa Diyos. Nais ko sanang malaman ang
pinanggagalingan nito. Nais kong makilala kung sino ang Diyos mo.

Minsan na kitang nakitang naglalakad sa kalye. Sinundan kita sa pagsakay mo sa


Jeep. Umupo ako sa tapat mo, ngunit hindi mo naman ako pinansin. Masyado ka kasing
abala sa pagtingin sa cellphone mo. Medyo napapangiti ka pa nga sa mga nababasa mo.

Bumaba rin ako sa binabaan mo. Bumubuntot talaga ako sa iyo kahit saan ka magtungo.
Gusto ko kasing malaman ang pasikot-sikot ng pamumuhay mo. Gusto ko rin malaman
kung papaano mo ginagamit ang oras mo.

Ah. Napakasaya naman pala ng buhay mo. Maraming bagay ang nagagawa mo. Marami ring
bagay ang nakukuha mo ng walang kahirap-hirap. Maraming nagmamahal sa 'yo bukod sa
pamilya mo. Marami kang mga kaibiga't mga kakilala. Marami ka ring pinupuntahan na
kasama sila.

Kaya naman pala napakalaki ng pagpapasalamat mo sa Diyos mo. Napakarami naman pala
niyang biyaya para sa iyo.

Pero paano kaya kung...

Kuhanin ko itong isa-isa sa iyo?

Paano kung...

Agawin ko lahat sa 'yo ang mga biyaya ng Diyos mo? Maninindigan ka pa rin kaya sa
pananampalataya mo sa kanya?

Papaano naman kaya kung utusan kita?


"Gumawa ka ng masama. Kapalit ng buhay ng iyong pamilya't mga kaibigan?"

Isasakripisyo mo ba sila para lamang manatiling mabuti?

Napakasaya ko.

Abot kamay na kasi kita.

Sa pagsunod ko kasi sa iyo'y nalaman ko na rin kung saan ka nakatira.

Masisilip na ngayon kita sa iyong silid kahit anong oras ko gustuhin. Alam ko na
rin kung saan kita kukunin, kapag dumating na ang panahon na personal na kitang
tatanungin.

Diyos mo, o diyos ko? Kapalit ng limang daliri mo.

Diyos mo, o diyos ko? Kapalit ng buhay ng mga kaanak mo.

Diyos mo, o diyos ko? Kapalit ng pinakamamahal mo sa buhay.

Diyos mo, o diyos ko? Kapalit ng sarili mong buhay.

Natutuwa ako. Nalulugod na ikaw na ang susunod sa listahan ko. Sana ay mabasa mo
itong liham na iiwan ko sa may pintuan niyo. Para naman mapag-isipan mong mabuti
kung tungkol saan ba ang mga pinagsasabi ko.

Maaaring hindi mo pa alam, dahil alam ko naman na wala ka pa talagang muwang. Lalo
na sa mga katulad ko, na sadyang may misyon na subukin ang iyong pagkatao.

Huwag kang mag-aala. Huwag mo nang pasakitin ang ulo mo sa kaiisip kung sino ako.
Hindi ko naman ililihim sa iyo ang tunay na katauhan ko. Hindi ko rin naman
ipagkakait sa iyo ang makilala ako.

Ang totoo niyan, hindi na nga ako makapaghintay na magkakilala tayo ng personal.
Kaya naman bago ang lahat, ay gusto ko nang malaman mo ang pangalan ko. Ako si
Marco, ikaw? Anong pangalan mo?

[Katapusan]

=================

PASASALAMAT AT IMBITASYON
Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay sa makabuluha't kapanapanabik na nobelang
LAGIM. Para po isa iba pang karagdagang impormasyon tungkol sa nobelang ito'y
maaari niyo pong bisitahin ang Official Webpage ng LAGIM sa URL na:

http://dyslexicparanoia.com/lagim

Para naman po sa mga updates tungkol kay DyslexicParanoia't sa iba pa niyang mga
istorya, ay malugod po namin kayong iniimbitahang makigulo sa kanyang Official
Facebook page sa URL na:

http://facebook.com/dyslexicparanoia

You might also like