You are on page 1of 3

LAkANDIWA: Magandang araw, ang pagbati sa inyo

Mga kaibigan at mga katoto

Halikayo at Samahan ako

Sabay nating alamin kung ano ang totoo

Ano nga ba ang mahalaga?

SIPAG BA O TALINO?

LAKANDIWA: Si ginoong _____ ang unang sasalang

Kanyang Sipag ipaglalaban

Kaya halina’t siya’y ating pakinggan

Ating salubungin ng masigabong palakpakan

SIPAG: Maraming salamat ginoong Lakandiwa

Gayundin sa inyo mga kababata

Sipag ang mahalaga, hindi maitatatwa

Ipaglalaban ko ito kahit mautal ang dila

LAKANDIWA: Ginoong Talino, ikaw naman ang sumunod

Kumbinsihin mo ating manunuod

TALINO nga ba ang magtataguyod

At maglalagay sa atin sa tagudtod

TALINO:Maraming salamat Sa pagkakataong binigay mo

Upang mapglaban ko kahalagahan ng talino

Ngayong araw mapagtatanto Ninyo

Walang silbi ang sipag kung wala kang talino

Sipag: Mawalang galang na sa iyo Talino kuno

Sa iyong binanggit ay para kang nasiraan ng ulo


Aanhin mo ang talino mo kung wlang kasipagan ang katawan mo

Utak lang ang may laman pero kumakalam ang tiyan

Talino: Ngunit kaibigan, saan ka dadalhin

Ang talino mo ba'y sapat, kahit anong gawain?

Ano ang silbi ng sipag mo kung di alam ang gagawin

Kasi nga talino ay di mo binigyang pansin

Talino: TALINO: Subalit, kaibigan, ang talino'y di dapat mawalan

HaNGGANG SA PAGTANDA ITO AY TANGAN

Sa isip at sa gawain, nagiging magaan

Sa daloy ng buhay di ka malalamanagn

TALINO: kaibigan, ako'y iyong pakinggan

Ang talino'y ilaw, sa dilim ng kaharian

MAgsisilbing gabay sa sa kinabukasan

Susi sa matiwasay at maayos na buhay

TALINO: Sa daigdig ng katalinuhan, ningning ng kaalaman,

Talino'y ilaw, sa dilim ng kaharian.

Sa puso ng isip, nagsisilbing tanglaw,

Gabay sa paglakbay, sa landas ng buhay.

TALINO:. Kagandahan ng talino, di matitinag,

Sa pag-iisip na masigla, lihim ay nabubukas.

Bawat tanong, sagot ay nabubuksan,


Sa talino'y lalim, kaalaman ay bumubuhos.

TALINO: Ang talino'y parang bulaklak na nakatanim,

Sa kaharian ng kaalaman, kagandahan ay sinasalamin

Sa pagsusuri ng puso, ng diwa at landasin

Talino'y nagbubukas, ng mga pintuan ng lihim.

You might also like