You are on page 1of 26

BALAGTASAN:

“TALINO VS. YAMAN”


• Lakandiwa

ako po ang inyong punong lakandiwa


magpapakila ng dalawang manunula
isang nagsasabing yaman ang mas sasagana
at isang nagsasabing talion ang ang mas mahalaga.

Ano nga ba ang totoo mga binibini’t ginoo


anong mas mahalaga, yaman ba or talino?
Kaniling pagtatalunan ang paksang binanggit ko
Masigabong palakpakan sakanila’y ihandog nyo.
• Talino:

ako’y naniniwalang talion ang mas mahalaga


talino ang pamanang kahit kelan hindi mananakaw ng iba
ang yaman ay makakamit kung matalino kang talaga
ngunit hindi mo makukuha ang talion kahit marami kang pera

marami dyan naghihirap na mayaman


dahil saan? Sa kawalan ng ng karunungan
ginagawang lahat, bawat ma-ibigan
• Yaman:

tila yata hindi naiintindihan


ang may pera ang siyang lagin pinapanigan
lahat ng kanyang sabihin pinaniniwalaan
at pagdating sa kaibigan ay hindi sya nawawalan.

Pag marami kang pera or ikaw ay mayaman


maraming ring sarap ang iyong matitikman
mabiling lahat, bawat magustuhan
bahay, kotse at ibang pang karangyaan.
• Talino

ang lahat ng iyong sinabi puro material lamang


ang kaibigang iyong binanggit nais sayo’y perla lang
ang iyong pinagmalaki puro karangyaan
pinalinawmo lang sa lahat na ang utak mo’y walang laman
• Yaman:

bakit ba ang tao, nais maging matalino?


Hindi ba dahil nais makahanap ng maganadang trabaho?
Nais nilang makaahon sa buhat at yumaman, hindi ba totoo?
Kaya mas mahalaga ang yaman, dahil ito ang nais ng lahat ng tao.
• Lakandiwa:

Muli pong nagbabalik inyong lakandiwa


upang itigil sandali ang kanilang pagsasalita
nais ko kayong tanungin mga binibini’t ginoo
saang panig na ba kayo? Sa yaman o talino ?

Sa kanilang salita’y tunay akong namamangha


Ngunit ang pagdedesisyon ay hindi ko pa magawa
alam kong nais niyo ng marinig silang dalawa
kaya ang pagtutunggalian ating ituloy na.
• Talino:

hindi lahat ng tao, nais na yumaman


mayroon parin naming nais gusto ang buhay na katamtaman
ngunit ang pagiging matalino, lahat ng tao guto yan
kaya nagpatayo ng skwelahan ang mga mayayaman

hindi ka kayang patalinuhin ng yaman, tandaan mo


ngunit wag mong kalimutan na kaya kang payamanin ng talino
ang kayamanan ay nawawala sa kahit anong aspeto
ngunit ang talino’y mananatili hanggang mamatay ang isang tao
• Yaman:

hindi ka kayang buhayin ang talino


kapag nagkakasakit ka saan ka kukuha ng pampagamot?
Magnanakaw ka gamit utak mo?
O makikipag debate ka sa doctor?

Sa panahon ngayon hindi pwedeng matalino kalang


pero pwede kapag mayaman ka, dahil hindi ka pwedeng i-lang’
pagmayaman ka, hari ka, at ang matatalino alagad mo lang
kayaman ang mas mahalaga, tanggapin man o hindi ng taong matalino lang.
• Talino:

hindi rin pwedeng i-lang ang mga matatalino


kapag nagkakasakit di bila kailangan ng doctor
matalino ang doctor, matalino rin sila
kaya nilang gamuin ang sarili ng walang hirap
• Yaman:

ang ganyang pagkakataon, gagana lang sa magagaan na sitwasyon


pano pag ang sakit ay Malala? Sino ang gagawa ng operasyon?
Pera at kayamanan mas mahalaga sa mundong ito
magpkapraktikal tayo, wag kang hipokrito!
• Lakandiwa:

Sandali muna akong sa labanan papagitna


ang sagutan ng dalawa’y nagiging mainit na
magpalamig muna ng ulo ang payo ko sa inyng dalawa
ako munang lakandiwa ang magsasalita.

Sa paghaharap na ito’y tunay akong nabibigla


aking nauunawa ang panig ng dalawa
sa paghihidwaang ito ako’y nangangamba
pagka’t ang pagtahol ng mananalo sa isip ko ay wala pa

Ang aking hiling sa dalawang manunula


sana ang hinahon nyo ay wag mawala

• Muli tumindig at kayo’y pumagitna


hidwaang natigil ipagpatuloy niyo na
• Talino:

Mas mahalaga ang pagiging matalino


sa dayuhang manankop nakalaya ang mga Pilipino
dahil sa utak ng isang pantas at matalino
Si Gat Jose Rizal na nagmulat ng mga mata tao
• Yaman:

Mas mahalaga ang pagiging mayaman


kahit ubod ng galing at nuno ng katalinuhan
yagit ka pa rin sa paningin ng sanlibutan
pagka’t ang tagingting ng salapi ay musika sa sambayanan
• Talino

Mas mahalaga ang katalinuhan at marami ang nakakaalam


daig ng matalinong tao ang mayamang walang alam
mayamang puro kamangmangan madaling maloko ng iba
ngunit dimo kayang lokohin matalinong may pinag-aralan.
• Yaman:

Kapag ang kayamanan sumobra marami ang namamangha


pampatatag ng lipunan, masagana ang bansa
ngunit kapag ang katalinuhan ang siyang sumobra
Yumayabang ang tao, nababaliw pa yung iba
• Talino

• Mas mahalaga ang talino pagka’t itoy hindi nabibili


ito’y hindi matutumbasan ng anumang salapi!
• Yaman:

Pera ang nagpapatakbo sa mundo ito


walang kwenta kung ituring ang walang perang tao!
• Talino:

Ang pagkakaroon ng halagang isang tao


hindi nasusukat sa perang hawak nito!
• Yaman:

Ang pagkain, damit, at iba pa


hindi mabibili ng talion at puro salita!
• Talino:

Ang mayamang mangmang walang kwenta sa lipunan!


• Yaman:

Mas walang halaga ang pulubing matalino sa bansa!


• Lakandiwa:

Akin napong pahihintuin ang dalawang manghihidwa


ako ng lakandiwa ang muling magsasalita
ang aking hiling sa dalawang manunula
kayo’y magkamay na at hatol ko’y heto na

Mahirap mang magpasya, ay aking gagawin


ano man ang resulta’y parehas kayong magaling
walang nagpatalo hanggang sa huli
kayong dalawa;y binabati kong muli
• Sa panig ng talino, kanyang ipinaunawa
kahit mahirap ka, ngunit sa talino ay sasagana
daig mo ang mayaman na maraming pera
pagka’t ang talion’y syang pamanang hindi mananakaw ng iba

Habang sa panig Yaman, kanyang ipinabatid


na ang pera’y mas mahalaga at mas dapat itangkilik
pagka’t matalinong walang pera, wala ring silbi
sa lipunan ay mas kailangan ang kayamanang naipambibili
• lakandiwa:

Kung talino’y magamit sa tamang paraan


tiyak na mapapakinabangan ito ng lipunan
ngunit kailangan din ng perang pampuhunan
upang ang ating bansa’y di maghirap ng tuluyan.

Ang yaman at talion pag pinagsama’y perpekto


kaya ang aking hatol ngayon pakinggan niyo
pagka’t matalinong mayaman ang siayng hanap ko
idinineklara kong parehas silang panalo!

Bigyan sila ng isang palakpakangmasigabo!

You might also like