You are on page 1of 7

PRENO, PAPEL DE BARAHA, PALENGKE, TROPA

Uy! Yung class history natin, pasend na! Send by: Dan Iris: Hoy natin! ate Sarah! Nagrerequest yung batch 38! Yung class history daw

Sarah: Abay nakakatuwa nga naman yang mga yan, after 4 years hindi parin nakakalimot! Iris: haha! Kaya nga! Ano? Sisimulan na! Sarah: game! (typing)

Send to:

all seniors!

PRENO!!! Happy times may come and go, but the memories will last forever Hoy Pengeng polbo! Ubos na! Bulaan, kita ko! Nadun sa bag! Konti lang ha! Wag mong damihan! baka maubos! Ahh!! Dami ng sinabi? Di pa nga nakukuha!

Yeah! Goodbye elementary life and big wave hello High school! Ika nga kay Irish Verzo, first day of high school life is such a wonderful thing to remember (SIGH) Nakakaexcite subalit nakakakaba. Hoo!!! Bagong mukha, bagong karanasan, bagong pakikibaka sinong makakapagsabi na sinadyang pagtagpuin ng kapalaran ang mga pilyong estudyanteng ito upang buuin ang batch 38? Unang yapak pa lamang sa campus, maraming nangangapa kanya kanyang hanap ng room at minsan pa ngay hindi room ang hinahanap kundi mga cute boys and girls. Yung totoo! Ginawang Hunt Age?! (Aminin !) Unang araw ng pasukan, sa court naganap ang unang tagpuan, diba mga 1 st year TCT, ES, FGM at limot kona! Haha! Sa una, tweet! tweet! tweet! wari bay huni na lamang ibon ang bumabasag sa katahimikan ng bawat isa paypay ditto, paypay doon. Pagpag ditto, pagpag doon. Yan na ang nagsilbi naming Gawain makaraos lamang sa tindi ng singaw ng araw at kapal ng gabok ng aming kinalalagyan! Walang pansinan ni walang imikan. Medyo crowded kaya halos maamoy na ang kili-kili ng katabi haha! (yung iba positive!).. at pag konting ulan nga lang pala kasiyahan na natin dahil walang klase!! Still remember ang kautitaan nating taglay? Signal #2 nat lahat ay magtatanong pa sa kaklaae pasok ka? ikaw ba papasok? ay ikw? papasok ako pag papasok ka din a rin ako papasok (oh dib a? ahah!) Sino ba namang makakalimot sa aming strick but lovable adviser na si Maam Tagon, (Remember: Do not bounce! With matching dilat pa ng eyes yan ha!) Haha! Natatandaan nyo pa ba ang unang beses nating mag tounge twister? Eh ang panginginig ng nguso ni Aira habang nirerecite ang lord make me an instrument? (walang kaumayang dasal until now!) Kung hindi matandaan, baka naman maalala ang eksenang Katrina Paulina dahil pauli uli si Katsu! Ahahah sa simpleng tawanan nagsimula ang lahat. Natutong makisama at makisalamuha noong una mababanaag sa aming mga mata ang pagiging isang anghel ng di magtagal, toot! Toot! Haha! Nabuo ang sagradong DOSE , ang PRATT 22 na unang sororiting nabuo sa aming klase na bagamat maingay hinding hindi ka ma-o-OP sa istoryahan, ang mga poging boys ng PARECOOLS na binubuo ng ibat ibang sekyon, ang pagsikat ng helmet ni Shania at ang pagbabatuhan ng papel, higit sa lahat ang pagusbong ng sistemang LBC padala tuwing quiz at periodical! Kumusta naman kaya yung batang nahuling nangopya ng sagot sa NAT at ng tanungin, ibang apelyido ang sinabi? Ahaha.

Alam nyo ba yung feeling na halos mahimatay ka na sa bangko mo dahil sa madugong asignatura ni maam baracael?! Bigla ko tuloy naalala ang im scared me ni Mary Joy at ibat ibang version ng pagganap natin sa English. (lalo na si Zhara at Lennon) eh ang My Philippines, My Philippines ni Clarence. Haha! Ewan ko na lang kong makatawa ka pa sa recitation ng Filipino ni Maam luces, at take note! Ang President ng SSG na si Drexler Pasco ang pinakaunang estudyanteng pinatayo ng 1 oras dahil hindi nakasagot! P.S ikinasal ka Mylene! (tatambangan kita Mylene eh ahaha) kumusta na kaya ang pakikipagsuntukan ni maam morales malabanan lamang ang Global Warming hahah (ako lang natawa!) lagi namang may tuko sa time ni maam eh(gusto din matuto hehe!) additional! Ang pag wa-walk out ni maam dahil sa nakakalokong ngisi ng aming beautiful muse na si Leilani na ang simpatikong escort ay si Johanne! ito pa! ang walang kasawaang pakain naming ng uod na kendi at ang pagiging artist natin sa pagguhit ng tweety bird sa time ng math! Hahah! (peace po tayo maam!) P.S! Scored root! Ahahah Namimiss ko tuloy tuwing uwian yung masaya nating bonding sa Jeep lalo na yung sabay sabay tayong nauwi at iniintay si manong Black at Kabayo (agawan ang ibat ibang section sa dalwang jeep nayun), yung tipong pinagsisiksikan natin yung ating buong klase sa isang jeep! Ahahh! Yung iba nadaan pa sa bintana (meg, kita kita nun! Ahaha) Yung tipong nananadya na ng preno para makamoment kay crush(nakarelate? Gawain yan mga ati!) atin lang lang mundo noon, wala tayong pakealam kahit masira ang poise o tingnan ng iba. Natandaan nyo rin bang sinubok tayo ng tadhana at masiraan ng jeep? Hindi tayo nag iwanan at kahit nagkanda angkas angkas na nagtiis tayo magkasabay sabay lang. Biruin mo nga naman ang pagkakataon, noon mukha tayong mga yagit? (mukha parin naman hanggang nayon) may time pa nga na may naligaw sa SM noong araw ng Fun Run at pinapage pa namin yan! Iatago na lang natin sa pangalang Mariel Milo. Yung mga takbong takbo kaya hinabol ng aso (kaya nga Fun Run: takbo! KJ yung aso). At higit sa lahat yung mga napabalik dahil nag shortcut. (hay naku! Isa ako dun!) Mga bata pa talaga tayo noon, naglalaro ng sipa, chinese garter, jackstone at hollen. Mapababae o mapalalaki. At yung walang kabuhay buhay na joke na ate may nalaglag oh! uto uto namang natingin ang iba! Sumasagi parin ba sa isip nyo ang mga kataga ni sir Umali? ok class question number one o ano ang heograpiya. Haha! Walang humpay na balitaan Ang husay manggaya ni Dan kay Sir haha! (SMILE) uy yung sulfur cycle nga pala ni maam Sabio (puro mga sleepyheads sa time ng Science haha) at ang matinding pagpupuyat para sa science fair ng ibat ibang section. Naiiyak na nga tayo nun di ba! Pero ika nga kay Biber! Never say never! Hay! Time runs fast noon PAPIE love lang, umuso ang mga love teams, tulad ng Cheli-ace, Josephel, at marami pang iba! Noon dinadaan lang sa sulatan sabay toink bato! Ahahah noon T-shit at short ang palaging costume ngunit ngayon! Abay walang kamatayang garbage bag! Haha, ang daming noon na iba na sa ngayon. Noon tulog lang ng tulog sa mga subject.. ngunit ngayon, wow! Tulog parin napakaswerte ng batch na ito, tayo ang unang buminyag sa building ng N-type at nakita si Raffy Nantes. Wag nyung itanggi na inaaadjust ng mga nasa N-type building ang orasan para lumabas agad ang titser! Haha ( ganito pala ang feeling ng may namimiss).. Its not the goodbye that hurts, but the flashbacks that follows

PAPEL de BARAHA Time you enjoy wasting was not wasted Sabi nila LAHAT NG TAO MAY PAPEL SA MUNDO .Bat sa quiz wala!!! Wew! Were now sophomores! Parang kahapon lamang (emo)Hindi man lang mga nag mature hAha! uy kalbo na si richard! Aba naman pumayat na si!!! Yan ang ibat ibang reaksyon ng muling magkita kita!! Wow naman! New adviser namin ang ang matipunong si Sir She bangs! (Sorry sir Perez ahaha! Idol kitang kumanta nun eh!) be specific ika nga! Dugo ang ilong at tenga lagi ditto pagpapa-spelling eh ! ahaha! Hagilap lagi ng papel na animoy may kandidatura na hingi abot: hingi abot! Haha! May mga bago narin kaming mga kaklase! Waley! Havey! Mga salitang umuso ng taong ito ui may lumulutang oh! mga panloko sa maiitim, God bless you, god be with you, walang kamatayang pag go-goodbye na hanggang ngayon ay dala dala pag usbong ng creditan ng grupong TANKIDUKA, ang palaganap ng mga adik sa pocketbooks, na kung hindi stallion ay precious hearts! (tanungin mo kung nagreview ang sagot ay hindi!)

Tanda nyo pa ba ang pagpapadala ni maam dupa ng bato at lupa na galling din sa garden nya? Haha! Ang makapigil hiningang pagpapasagot ni maam adel tuwing may assignment with matching explanation pa! kumusta nam an ang As Ease ni Richard? (pauso kasi itong si maam adel, inamad na tuloy mag compute ahah!) eh ang mirror ni Maurine? maurine pagnda ng paganda! hahaha! At ito pa ang pagbitbit ni nieva hanggang sa upuan ng chalk dahil sa sobrang kaba! Buhay pa kaya ngayon ang marriage contract ni karla vizconde at hu-bro webb na likha ni papa P? eh ang unang napublish na dyaryo ni Leandog? Ang di pagbagyo ng biglaang audition ni mafhel ng malayo pa ang umaga? Ang sabay sabay nating pag awit habang nagigitara si Em akoy sa iyo at ikay akin lamang at higit sa lahat ang salpukan ng dalawang dragona: avatoot vs. raquelyn sa tapat ni maam vestil the hayun hayun maiden na kinagiliwan ni farrah! Ditto nga din pala sumikat ang malalaking paliparan (malalapad ang noo) at ang most awaited issue ng Tong it Raid sa pangunguna ng beat game master na si Beverly na in one day relationship kay Joshua. Ihabol pa natin ang binggohan! Maraming beses na itong muntikang maguidance sampo ng kasamahan nito sa tongitan at binggohan ngunit napagbigyan dahil sa pangakong dina mauulit pa (ngunit di ka muli na naming naganap ng third year). Nakakatawa na sa quiz walang papel, pero nung nagprovide ng baraha, meron! Tinawag itong Papel de Baraha! Kumusta naman ang puso nyo ng unang encounter kay maam lucila? Hahaha ang pagganap ng Florante at Laura, at mga nkakatawang istorya ng buhay niya? Minsan akala natin puro tawa ang buhay, ngunit nalaman nating hindi ng magpaalam ang mabubuti at mahuhusay nating guro: maam tandas at sir Voltaire.. mahal na mahal po naming kayo at mananatili po kayo maging ang aral ninyo sa aming puso. Hindi naman dyan basta natatapos ang lahat may mga guro na pumalit at pinunan ang kanilang pagkawala tulad ni maam jean (buking na buking ditto na Sipilyo ang apelyido ni Jean) at maam abracia. Lumipas na ang panahon, pero tayo parin ito, biruin mong kalaking tao ni Jeric umiyak dahil sa panloloko nina Darwin ng shshsshh! Bawal sabihin, nakakalokang pagsikat ng wonder girls ng MOP , mga malisyosa at marami pang iba! Nakakatuwang isipin ang dami ng nangyari siguro sa iba wala lang ito, artihan kung baga, pero sa amin bahagi na ito ng aming pagkatao: sabay na nalulungkot, ngumingiti, nagagalit at namomoblema lalo na sa papel pero mas uber ang sa sagot!! Hay! Sarap maging high school nakakatakot man simulan, nakakalungkot namang wakasan PALENGKE! We are the juniors, The Mighty pretty juniors, To beat you and kick you, And show you what youve got!! Hay buhay nga naman! Ang bilis lumipas ng panahon, isipin mo. Third year na kami ngayon! One year na lang pero nag-mature ba kami? Sus! Para namang hindi hehe at kung bakit ko nasabi yun? This is the happenings that will prove our immaturities and how weve grown up as a group and as a person. Yes! Tulad ng inaasahan , with the help of our dearest MAPEH teacher, Mrs. Sheryl Manalo, we won as a champion in the first ever cheer dance competition in Talipan NHS in our intamurals 2011. Ang mga 3 rd year ay talagang nagdiwang noon. Sa taong ito, inirampa rin ni Renellah Gordula at Christian Ilagan ang kanilang kagandahan at kagwapuhan noong isinagawa ang selebrasyon ng buwan ng wika. At ito pa malilimutan ba naming ang baliw-baliwan effect nina Roy Rodillas, Jean Losloso, Lester Arellano at Luigi Contreras noong English Got Talent. Juniors pa rin ang magwagi sa Math Jingle Competition noon. Hindi rin malilimutan ang cooking competiton at MAPEH convocation kung saan tinanghal na club prince si Jhester Luce at club Princess si Beverly Espinosa. At alam nyo bang sa taon ring ito unti-unting sumikat ang Mix Stye Movers (MSM) at magpapahuli ba ang Ginisa Mix Movers sa pamumuno ni Clarence Roy Palacio at maging ang PAVAM na ang leader ay si Dan Louis Atengco? Going strong pa rin ang mga samahan/ tropa tulad ng parecools, pratting maingay mhalizyozas , sachemeju tekz , mare-mare, higaan, taning at marami pang iba many to mention ika nga. E sa kiri at kilig factor naman ? eto pa rin ang mga heartthrobs na sina Ilagan, Luce , Factor, Mendoza(sabi ni Dan) at many more pa. Andyan rin ang mga sweethearts tulad nina Trisha, Renellah, ella at many more pa. uso rin noon ang mga gays na lalo pang nagbibigay flavor sa mga happenings. Oo ngA pala, noong taong iyon, may nagbalik, may nawala at may dumagdag pero nanatili pa ring lagging gulo ang buhok ni Arabelle Roperez na nagging dahilan kung bakit sya lagging pagalitan ni Maam Tiay. Ang mga loko-loko ay nagiging behave tuwing time ng English pero nagiging wapak ang tawanan once

na magkwento na si Sir Pionilla. Absenteeism is not allowed naman when it comes to Maam Malaluan. Kilalarin si Mrs. Maquera dahil sa mga true to life stories nya na talagang matutuwa ka. Andyan rin si Mrs. Italia na hindi malilimutan sa kanyang tagline na mga anak. At syempre, malilmutan ba namin si Maam Albaran na nagpasakit ng ulo naming sa Chemistry. Our third year was historical and why? Andyan kasi ang pagpasok ng bagong principal , with matching computer subject at computer teachers pa, namely Sir. Xymon at Sir Fred, ang monthly convocations at launching ng school of characters ay sumikat din. You and I could be like Sonny and Cher, honey and bear You and I could be like Aladdin and Jasmin, lets make it happen . Jamich fever,! Uso rin yan noon with matshing choreography pa nga from U-Tube. Andyan rin ang mga walang humpay na banat at jokes na maging sa SSG election ay trending Topic. Expert nga pala dyan sina Jean at Drexler (mga takot sa palaka), isama mo pa ang kakulitan nina Shania at Carel. Pero, may mas hahavey pa bas a ginawang tula noon ni Leandro? Hay! Grabe ang saya kumusta naman ang mamatay-matay na halak-hak ni Marilou Espilita. Nariyan rin ang mga baliw na babae because of boys (alam nyo na kung sino kayohaha) at ang mga boys in basted mode na kung minsan ay may pag-iyak effect pa. Trending rin ang paghihiwalayan at pagbabalikan ng mga lovers at ang pagpuntang Canada ni Chelcy Laude. Nauso rin ang mga love teams noon na Makita lang na magkatabi sa upuan o magkatapat sa hanay kapag flag ceremony, siguradong bibigyan na ng malisya at wag ka nauuuna pang kiligin ang mga kabarkada at kaiskwela pero sabi nga nila, its part of growing up. Make some noise sabi nga ni Besilla, aka Bieber kasabay ng pambubulabos sa mga natutulog noong astrocamp haha.. panggulat factor pang nalalaman ng i-flash ang mga nakaw na picture sa unahan, kanyakanyang makakatawang eksena tuloy ang nasaksihan. Ghost hunting rin ang trip ng iba na kung minsan pati kasama ay mapapagkamalang multo biruin mo! Naku naman hindi na napansin ang mga telescope dahil kung ano-ano ng pinagkakaabalahan. PARTY!!PARTY!!! rin ang ending ng magdamagang puyatan(naks naman). Aba teka! Yung JS naming, makakalimutan ba? Naubos ng lahat yung dessert na tinapay , saka lang nalaman na may papel palang nakadikit sa ilalim yan tuloy! Pati papel ay ubos (Sino kaya ang nabiktima nun? Ang girls, halos hindi na mapakali lalo na yung mga naisayaw ng kanilang mga crush at ang boys? Naku! Daig pa ang tumama sa loto dahil nahawakan ang kamay ng kanilang sinisinta. Biruin mo, may nagdala pa ng baraha at naglaro ng nakasugalmak sa sahig habang suot ang kanyang cocktail dress kasino lang? haha eh how about the falling rain at ang masakit na paa dahil sa mataas na takong. Im sure na bawat isa alam yun one event na di naming makakalimutan. Kahit naranasan ang mga party party, knock-knock, banat at jokes sa school hindi rin mawawala ang mga walang humpay na practice na kung minsan, nauuwi sa gora ay kung minsan ay biglaang picnic at inuman. Ayan!... kanya-kanya tuloy pagdadahilan sa magulang ( hahahaexpert na po kami dyan!). Mawawala ba ang sunod-sunod na Gawain kaya nga nauso ang salitang haggard eh. Pero, kahit hindi na makapag-lunch, nakukuha pa ring mag-joke kaya hindi matapos-tapos. Uso rin ang panggagawa ng assignment kapag last minute na, before flag ceremony kinabukasan , sound trip habang nagtuturo ang teacher at kung minsan pagsusulat ng notes na para sa ibang subject kawawa tuloy sila Maam at Sir(sorry po..). Eto pa magpapahuli ba naman ang kopyahan?.. e parang uso na to panahon pa man ni Lapu-Lapu ( Note: Hindi po namin pinagmamalaki ito, nakaklungkot man pero nasanay po kami sa bayanihan .. saorry po talaga). Kopya doon, kopya dine, ma pa-assignment man, quiz o exam, yan tuloy lagging mapagalitan. Halos lahat din ata ng guro ay nagalit dahil sa kaingayan naming. Nahawahan na lahat ng virus na to kaya kapag walang teacher, naglipana ang palengke sa TNHS at kapag biglang tumahimik. Ang tagline may dumaang angheeel.!. marami ring umiyak na teacher dahil sa aming mga 3 rd year noonyulad nina Maam Gloria Porta, Maam Sheryl at Maam Albaran kaya naman, nagkakandagulo kami sa pagso-sorry. Nauso ang open forum na kahit ilang beses ulitin, at ilang bese bumaha ng luha, parang isang Linggo lang ang epekto, tapos balik na ulit sa kinagisnan Hay naku, ang mga pasaway! Kami na nga ang nagdiklara ng holiday noong disperas ng piyesta sa Bayan ng Pagbilao at na-parents needed halos lahat (kumusta naman ang GM ni Maam Albaran..haha), Cutting class kapag tinatamad at gagawin ang lahat pati pagtalon sa bakod para lang makatakas (bad!). Ditto rin ang continuation ng naunsyaming pagsusugal noong second year hay naku.. napagalitan nat lahat, hindi pa rin nangadala. Someday, this will all make sense. (anonymous)

Tatlong beses kaming muntik- muntikang magkahiwa-hiwalay kung alam nyo lang kung paano bumaha ng luha noon dahil sa kahahagulhol pero recognition nat lahat, hindi pa ri nagkakahiwa- hiwalay (yung totoo, hinihintay? hahah..). ang bait pa rin talaga ni Lord kahit sapin saping kasalanan na ang ginawa naming (thanks Lord). Ikinagulat at ikinalungkot naman ng lahat ang pagpanaw ng tatay ni Drexler Pasco, ang first honor ng juniors noon. Kulitan, asaran, tawanan at sakitan na kung minsan ay nauuwi sa pikunan. Ika nga ng isang kanta, if life gives you 100 reasons to cry, give it 1000 reasons to smile Thumbs Up sabi nga ni Maam Sheryl

TROPA! (This is the last.) Hoy! Anong section mo? Hindi ko pa nga alam, ikaw ba? (sad face) One day, well wave hello, and wish we nEver had to say goodbye (Anonymous) First day pa lang may isa nang karima-rimarim na balita ang bumulaga sa lahat pano ba yan...maghihiwa-hiwalay na kami, tila binagsakan ng mundo at naalalana lang ang tatlong taong pinagsamahan(emo lang?). kung alam nyo lang kung anong naramdaman naming noonmasakit isipin na yung mga matagal mo nang makasama ay mahihiwalay na sayo ngayon (lungkot di ba?). Moving on is simple, its what we leave behind, thats hard. (Anonymous) We tried to move on New adjustment, new friends , new classmates new FUN!! Naghakot na naman ang batch naming ng maraming panalo noong naganap na intrams(nagyabang hehe) at.. si Regine Yasis, buong husay ring inirampa ang kagandahan. Nagkakaisa ang mga magkakaklase ng bawat room sa paglilinis ng kanilangsilid para mabingwit ang pinakakaasam na cleanest classroom halos nga mapudpod ang mga bunot at kung minsan ay nagkaka-ubusan ng floor wax sa canteen. Eh yung binansagan ni Maam Go na pambansang floor mop na pagmamay-ari ng IV_MGO at parating hinihiram ng section VG, CGR, RTP at MVL, isama pa yung ibang year.. kung trip ng mga 4th year na taga-baba ang mag-mop, trip naman ng mga taga-taas ang pagwa-wax ng corridor sa pamumuno ng TML. Kapagf uuulan, uso rin ang pagsasabit sa bintana ng mga medyas na basa(baho!). Kung competition rin lang ang pag-uusapan naku! Sawang sawa kami dyan kaya puro panggigisa ng magulang ang naaabutan sa bahay dahil ginagabi sa praktisan (bawal po talaga yun pero makulit kamihehe) ang tangi lang naman naming ninanais aay ang mabigyan an gaming mga guro ng magandang palabas(We love you po). Saksi dyan ang bukal court at iba pang venue ng practisan dyan sa tabi-tabi at kapag madilim na ang uwi hatidan na! (pinoprotektahan po naming ang isat-isa) pero, bago p[a mangyari yan, naihatid na ng mga boys ang kani-kanilang sinisinta tulad ni jeric urciana na palaging ihatid si Bb. Rata idagdag pa ang lagging sweet na sina Ella at Wendel at mawawala ba ang pambansang love team ng TNHS na sina Iris Jean Adigan a t Drexler Pasco?(nakakapanghinayang tuloy sina Leandro at Shyleen). Paggapang sa Stage noong sabayang pagbigkas dahil wala ng step[ sa exit tanda nyo pa ba?... e yung yung English got talent na todo emote kaming lahat? Idagdag pa yung Crhistmas Cantata ni Maam Tagon (winner dyan ang TML) at malilimutan ba naming ang quadratic dance at ang havey na havey na performance ng MVL tandang tanda ko pa, effort nun sa pagpapatahi ang isang grupo ng MGO ( hakot prices ang trip), pati yung buntot at CD ng VG, straw na props ng LP at ang mga astig na LAM na mana kay Sir Merle hehe.. at biruin mo! Pati pagkain ng MGO boys kina Nhiel Jhon, nakaparabola pa ( Adik lang?). kumusta naman ang Math Jinggle at ang CGR beat? E halos, magdugo ang kamay ma-memorize lang. Boom! Clap! Boom di clap di clap.. BOOM! BOOM! CLAP! -BEAT no. 1 (IV_CGR)

Noong buwan ng wika, ipinagmalaki nina Kenneth Lucila at Zhara Mae Adarna ang kagwapuhan at kagandahan ng 4th year (hehe tuwa yan!) Tinanghal rin na champion si Shiela Mae Bermedes sa UN celebration suot ang kanyang Violet na costume. Opa Gang Nam Style Teachers day surprise celebration was really powerful andyan sina Reynald Sogony at Joshua Ponciano na hataw na hataw sa Gang Nam at nanghihigit pa ng teachers para sumayaw sa stage. Pasekreto pa yung inorganisa ng SSG at kumusta naman si Ma;am Go na nagtampo pero nabawian naman dahil kinantahan ng IV-MGO? Hahaha It is hard to convince a high school student that he will encounter a lot of problems more difficult than those of algebra and geometry. (Edward Watson Howe) Korak yang quotes na yan! Kaya nauso ngayong 4th year ang tagline na share, share, share ng nestea haha at sino ba naman ang hindi makakaalaala sa mga havey na jokes ni Maam Gul;ifardo at ang kanyang mga tagline na nag-jojoke ka? at may anuhan?. Andyan rin ang mga effective na payo ni Sir. Pornobi about love and everything. E yung pagsusulat ng CGR sa dahon ng saging dahil nagalit si Maam Del Mundo? Na-surprise rin si Maam Remo dahil sa message ng kanyang anak na si Rossela noong Birthday nya. Havey rin ang pagsambunot ni Maam Adel kay Marlon Buena habang tinatanong bakit ka nag-mamake up? (Kumusta naman yung memorata shoes ng VG na made of zesto box?). Ang mahabang pila sa pa-xeroxan para sa Filipino ni Maam Luces, ang pagkalungkot ni Maam Parale kapag mababa ang grade natin at ang pagmumukang on the spot ng performance sa MAPEH kahit ang tagal ng pinagpraktisanhaha Kami ay magkakaibigan, Na mahaba ang pinagsamahan, Pinagtagpo ng kapalaran, Upang bumuo ng magandang samahan. -By Tropang Krimstix (IV-RTP) Ibat-ibang tropa ang nabuo tulad ng company B, palot, 4matixs, family GG, funny face at marami pang iba. Ang iba naman ay going stronger pa rin tulad ng sparcoolz, parecools, at pratting maingay. At kahit kung minsan ay may sari-sariling mundo sa huli, wala pa ring patutunguhan kundi pagtutulungan. Isang halimbawa dyan ang operation linis ng RCY na pinamumunuan ni Rolden Garcia with the help of Maam Luces, (ang pagbubungkal ng kanal ay isang mabahong Gawain ano nga mga Volunteers... haha) na parating may pandesal at biskwit (yumyum!) maging ang mag- mukhang kalabaw dahil sa tree palnting (lumusong ba naman sa palayan habang nakarubber shoes shoeshehe) eto pa at eto pa kumusta naman ang mga nadapa nung RCY fun Run! At nung YES-O fun Run, nanalo ang seniors sa most number of participants (kumusta naman yung mga nakitulog at hindi nagpalit ng damit? Side A sode B!) hahah Huy mga SSg! Sawa kami sa out of the school activity kasama ang knights of Columbus, tree plating at kainan sa house ni sir Pionilla (ano nga kuya Raymond a.k.a kuya Munding) panunuluyan sabay sleep over kina Sir Merle (at home ka ano Harlen?) nakapangarolling pa sa Merle Family hahaha at malilimutan ba ang mga duties ng SSG at mga CAT sat wing may program at event sa school? (pati nga sa Sacred Heart nakiimpis ng upuan, makapagpapicture lang kay A.J Dee hahaha) lahat yanay sa pamumuno ng SSG President, Drexler Pasco with the help of Sir Merle at CAT Leader Edrian Quindoza with Sir George (buhat ditto, buhat doon walis ditto, walis doon yan an gaming motto hahaha) Again! Happy times may come and go, but the memories will last forever. -Anonymous IV-MGo, tanda nyo pa ba nung Christmas party? Nung binigyan natin ng regalo si maam go! (halo pa nga yun eh hahhaah) perobago natin ibigay, tinulak muna natin si maam sa gabundok na basura na gawa ng giniba nating Christmas Tree, malilimutan ban g IV-TML ang kanilang dambuhalang Christmas Tree nba made of C2 bottles white crepe paper sa pintuan ng IV-MVL (nice dib a?) at ang flash mob ng mga taga taas ng ESF noong Christmas Party.

Hoy! Eto ang siguradong hindi niyo malilimutan achichi, tagline kapag walley ang jokes with matching choreography pa yan! Sigurado rin na natatandaan niyo ang katang Namimiss Kita na pina-uso ni Katrina a.k.a. Katsu! At eto pa ang chachacha na pinauso ni Ryza sa Eat Bulaga (todo ang boys sa pagsasayaw nya!) at yung pauso rin nating bati sa teacher na ang ganda ganda mo o kaya ang pogi pogi mo sabay hirit ng rubadabango hahaha (LOL) tapos biglang walang heartbeat ang tira ni katsu.

P.S. Christine Diala at mariel milo, patangkad kayo ha at yung mga pango at malalapad ang noo dyan.. haha.. karala.. wag ka ng magsayaw sa klase ng la Cumbia! Habang nagkaklase si maam del mundo ha yan tuloy napagalitan tayo! Hehe(WE LOVE YOU MAAM) tsaka yung remote! Wag nyo ng ilalabas sa baul ha(sige kayo!) Rolden wag masyadong ka-hyoper dami mo tuloy bestfriendhahaha Patrick sagutin mo na kasi sir ea hahaha jowk! Sogoni behave ka jamille lusanta at Melvin kayo din ha (may mapagtripan lang?) Cherry Joy yung miss Turismo mo? (trip lang hahah) Parecoolz, salamat sa jamming ha Marlon yung mani mong tinda, ubos nab a pati si Puto at Minukmok Girlat Boy may future kayo bilang entrepreneur! Live your life with arms wide open, Today is where you youre book begins, The rest is still unwritten -anonymous May kung ano talagang majic ang high school life life dahil san ka man makarating sa iyong patuloy na paglalakbay sa kinabukasan, ang mga ala ala ay hinding hindi malilimutan SALAMAT TALIPAN!! Theres a big world out there! Bigger than prom Bigger than high school And it wont matter if you were The promqueen or the Quarter back Of the football team or the biggest nerd. Find out who you are and try not to be afraid. -anonymous

Yes! Tapos na din magtype ng Class History!!! GM.38 .*sometext missing*

Send by:

Iris and Sarah together with Dan

You might also like