You are on page 1of 3

Hindi Droga ang Sagot

Sa hinagap ko’y di inasam


Sa pangarap ko’y ni hindi dumalaw
Ang pagnanasang matikman
Ang drogang anila’y kasuklam-suklam

Subalit isang gabi


Nung ang puso ko’y balot ng lumbay
Dahil sa pag-ibig kong biglang lumisan
Ako ay nilapitan ng isang kaibigan.

Aniya’y aking tikman


At damahin ang linamnman
Ng putting pulbos na nakabalot
Na sa kanya’y paraiso ang dulot.

Nagpapatumpik tumpik
At balot ng takot ang dibdib
Ang pulbura’y marahan kong hinithit
Taglay ang nasang makalimot nang saglit

Kamalayan ko’y pumaimbulog


Sa alapaap ito’y umindayog
Diwa ko’y nasa tugatog
Sakit ng puso ko’y durog.

Sa paraisong ito’y walang sakit,


Walang gutom at hinanakit
Nakalimutan ko ang pait
Ng lumisan kong pag-ibig

Subalit hindi pala magtatagal


Sa paraiso pala ako’y lilisan
Upang muling maramdaman
Ang sakit nang maiwan

Kaya’t ako’y naghanap


Ng putting pulbos na nakabalot
Kapalit nya’y mataas na halaga
Kung san ko kukunin, bahala na.
Buwan at taon ang lumipas
Katawan ko’y unti-unti nang bumabagsak
Mga kaibigan ko’y nagsisilisan
Ngunit pag-iisa’y di ko ramdam

Isang gabing kay tamlay


Habang kay tahimik ng kabahayan
Dibdib ko’y biglang kumabog
Ulo ko’y animo’y sasabog

Ang oras bang iyo’y akin nang katapusan?


Droga ba ang dahilan
Ng sakit na nararamdaman?
Ito na ba ang aking kamatayan?

Ako’y tumawag sa Diyos at sa aking Inay


Tulong nila’t pang-unawa ang tangi kong asam
Alam kong ako’y mali, ako ay nagsisisi
Dugtungan lang ang buhay ko, gagamitin sa mabuti.

Rehabilitasyon ay tinapos ko
Ang droga ay aking iniwan,
Pamilya ko’y aking binalikan,
Nagsimula ako ng bagong buhay

Ang paglisan ay natatanggap


Panandaliang ginhawa ay lumilipas
Kalusugan, pamilya at Diyos ang tanging sandigan
Upang maayos na buhay ay ating makamtan.

Kaya’t ating isigaw ang ating panawagan


Droga ay iwasan para sa kinabukasan
Ngayon ang panahon upang ating ipabatid
Drogang salot sa buhay, kamatayan ang hatid.

You might also like