You are on page 1of 1

SINO BA?

(tungkol sa isang tao)


Dianne Lim

Noong una ko siyang nasilayan,


di ko mawari ang kanyang katangian.
Paano ba naman,
kung sa unang pagtatagpo ay nakatalikod pa ang kanyang mukha?

Hindi ko alam ang kanyang histura,


Ni unang tingin ay di pa nagawa.
Sa unang araw pa lamang ng aming pagkikita,
Napagtanto ko na sa minsang pagkilos, ang kanyang pagkamatahimik at masuriin.

Kung iyong mapapansin siya ay may pagkapatpat,


Ngunit huwag malilinlang dahil may tinatago siyang lakas.
Tulad ng maraming kabataan ngayon,
Malimit siya sa social media, mahilig din sa pagkain…kung iyong mapapnsin.

Ang kanyang pagbigkas


Ani mo’y banyaga ang nagsasalita
At may pagkatamad din
kanyang di kinakaila.

Ang kanyang talino


Di rin mapagkakaila,
Hindi naman sa namamangha,
akin lamang napupuna.

Nagsisikap siyang makisalamuha


kahit noong una ay minsan lang marinig.
Sa kanyang mga sagot,
Maraming nakukuhang hugot.

Kababago pa lamang,
Malakas na ang dating.
Siya nama’y mapagpakumbaba,
at di inaamin.

Siya si Vince, ang aming kaklase…

You might also like