You are on page 1of 26

WHY AM I HERE FOR?

Sir Dondon Agudilla

All Rights Reserved


D’Driver@2023
ALAM BA NINYO? Nang sabihan akong
magbigay ng talks sa inyo, alam n’yo bang
hindi ako nagdalawang isip… Na sumagot ng
OO…? Hindi, kasi alam ko matatalino kayo at
mas marami kayong alam. Hindi ninyo na nga
kailangang mag-aral, di ba? Kaya sa klase
madalas kayong absent. Madalas kayong late.
At malamang marami kayong alam na
kalokohan, kesa sa akin.
PERO BAKIT? Bakit narito ako sa inyong
harapan. Kasi mas pinili kong sagutin ng OO.
Sorry, nag-alinlangan pa ako. Pero dahil narito
ikaw at narito ako, nagdasal ako, sabi ko,
LORD, tulungan mo po akong hindi
makalimutan ng mga batang ito ang araw na
ito. Tulungan mo po akong tulungan din silang
magtagumpay sa buhay.
Aba ay, sumagot si Lord. Maglaro kayo. At
nang tanungin ko Siya, sabi niya ay
magbasketball daw tayo. Aba, Lord, sabi ko, sa
dami dami naman ng laro, basketball pa. Alam
Ninyo naming kapos ang aking height. Malabo
na ang aking mata. At higit sa lahat, mahina na
ang aking tuhod at madali na akong mapagod.
Ganunpaman, sinabi ko, sige, Lord, kayo po
ang aking kakampi.
Ano, tara simulan na natin…

ANG BASKETBALL NG
BUHAY.
Tulad ng basketball. Life is a choice. Pipiliin mo
ang manalo, kaysa matalo ka nila. Pero, bakit
sa pagpili nagmamadali ka. Kaya anong
nangyari?
Mas pinili mong maging malungkot, kaysa
maging masaya.
Mas pinili mong bumagsak,
kaysa magtagumpay ka.
Mas pinili mong gumawa ng masama, kaysa
magpakabuti ka.
Mas pinili mong maging hangal,
kaysa maging matalino ka.
Mas pinili mo ang sarili,
kaysa magmahal ka ng iba.
LIFE IS A CHOICE. MAGING MAINGAT KA
NA SANA.
LIFE IS A CHOICE. PERO MAYROON
KANG HINDI PINILI. SINO? At ito ang totoo.
HINDI MO PINILI ang mga magulang mo.
KASI, SILA AY REGALO. Anumang klaseng
magulang meron ka. Regalo sila ng DIYOS sa
IYO. Kung sa palagay mo ay hindi sila naging
mabuti sa iyo, REGALO pa din sila. Regalong
magpapatatag sa iyong pagkatao. Regalong
dapat mong pahalagahan KASI, may ambag
sila sa buhay mo.
Tandaan mo. IKAW DIN SA KANILA AY
REGALO. Hindi ka nila pinili. Pero ikaw ang
ibinigay ng DIYOS sa kanila. Ikaw ang
regalong ayaw nilang masayang. Ayaw nilang
matapon. Kaya nagsisikap silang ikaw ay
maiahon. Nagsisikap silang gabayan ka. Pag-
aralin ka. Bigyan ka ng magandang
kinabukasan. Kasi, mahal na mahal ka nila. At
ayaw nilang mawala sa iyo nang hindi ka pa
masaya.
Ang buhay talaga. Parang basketball yan.
Hindi ka tira ng tira, kung ayaw mong
tawaging buwaya. Humahanap ka ng
timing para maka shoot ka. Hindi na
mahalaga kung malayo o malapit ka sa
ring, ang mahalaga ‘yong tira mo, kaya
mong pa syotin. At ang sarili mo ay
hinding-hindi mo bibiguin.
At sa paglalaro, di ba mayroon kang ka-
team. Malibang one on one ang laban
natin. Pero, di mo ba napapansin, pag one
on one, madali kang hingalin. Madali kang
mapagod kahit half court lang ang laruan
natin. Kasi, mahirap talaga ang nag-iisa.
Kaya binibigyan ka ni Lord nang
makakasama. Pero bakit kahit siya,
tinatalikuran mo pa.
Mahirap sa buhay ang nag-iisa, lalo na pag
dumarating ang pagsubok. Pag binabagabag
ka na nang problema. Kung sa basketball
nga kailangan mong maipasa ang bola,
kapag susuungin ka na ng isa, paano pa kaya
kung dalawa, ang magtangka sa hawak mong
bola. Ipapasa mo agad sa kakampi, di ba?
kaysa ma-travelling ka. Kaysa maagaw pa
nang iba.
Hindi ka padalos-dalos. Hindi ka pabigla-
bigla. Sisiguraduhin mong tamang tao ang
papasahan mo nang bola. Iyong may
pagkakataon kayong maka shoot. May
pagkakataon kayong manalo. Iyong hindi na
papayagang maulit ang pagkatalo. Pero,
hindi mo sya pababayaan. Gagawa ka ng
paraan. Bibigyan mo s’ya ng screen. Upang
mai shoot ang bola ng buhay.
Ganyan din sana tayo sa ating kasangga at
kaibigan. Ganyan din sana tayo lalo at higit
sa ating mga magulang. Hindi natin sila
hahayaang umiyak. Hindi natin sila
hahayaang mapagod. Hindi natin sila
hahayaang mamroblema. Kasi, mahal natin
sila. At gagawa tayo nang paraan
matulungan lamang sila.
Sa larong basketball. Ayaw mo nang
kakamping mahina. Ayaw mo nang laro na
ay nilalaro pa, di ba? Pero, tingnan mo ang
basketball nang iyong buhay. Bakit tila yata
iyong pinaglalaruan. Ano ba ang iyong
layunin? Ano ba ang iyong pakay? Sa iyo
bang ginagawa, hangad mo ba ay tagumpay.
O, mas gusto mo ang matalo at ayaw mong
magtagumpay.
Bakit hindi mo pahalagahan mga tulong na
ibinibigay. Nang iyong guro, kaibigan, lalo’t
higit nang magulang. Bakit hindi ka
makapaghintay. Ang pawis at hirap na sa iyo’y
inilalaan. Maibigay lamang ang iyong
kagustuhan. Mabilhan ka nang hinihingi mong
selpon o kaya ay nang laruan. Nang hinihingi
mong mamahaling sapatos, kasi ayaw mo nang
ukay. At higit sa lahat, malamnan lang ang
sikmura mong kumakalam.
Tulad sa basketball. Hindi kailangang
magmadali. Kailangang mag time out.
Kailangang magpahinga. Kailangang mag-ipon
ng lakas. Upang sa muling pagtuntong sa court
ng buhay. Nakahanda kang harapin ang
panibagong hamon. Handa ka nang manalo.
Handa ka nang magtagumpay. Hinding hindi
mo hahayaang tawagin kang duwag at talunan.
NGAYON na ang panahon. WALA NANG
BUKAS.
What will you choose? It matters.
Thank
You!

You might also like