You are on page 1of 1

“Ang Kahalagahan Ng Paglilibang Sa Estudyante“

Minsan ba ay naranasan mo rin na mapagod at maubusan ng lakas sa patuloy-tuloy na


pag-aaral? Tulad dati noong wala pang pandemya, pagkatapos ng klase ay magsasama-sama
ang mga tropa at magkaklase para maghanap ng libangan at kasiyahan. Kung dati ay
magkikitakita kayo kapag walang klase at gagala upang matakasan ang nakakapagod na
reyalidad, ngayon naman ay idinadaan na lamang ito sa pago-online games para mas
mapakisamahan pa ang iyong mga kaibigan at mga kaklase. Dahil sa pandemya kung saan hindi
pa ligtas na lumabas ay sa pag o-online games at iba pang social media na kagamitan ang
nagiging paraan upang magusap at maglibang pagkatapos ng klase. Para sa mga estudyante,
gaano nga ba kahalaga ang paglilibang?
May natutuklasan tayo sa ating mga sarili dahil sa paglilibang, kapatid. Katulad ng sa
musika o laro kung saan ay nalalaman natin na magaling pala tayo sa ibang mga bagay. At dahil
magaling tayo ay masyado tayong nae-engganyo sa libangang iyon. Minsan pa ay nagiging
trabaho natin sa hinaharap ang umano’y inaakala nating libangan lang. Nagkakaroon rin tayo ng
oras para sa ating mga kaibigan. Maaari ring, makatagpo ka ng bagong mga kaibigan dahil sa
libangan mo. Tulad ng kamag-aral mo na nakakausap mo dahil sa isang laro na pareho nyong
nagustuhan at dun nagsimula ang inyong samahan. Dagdag pa rito, isa rin itong paraan upang
magpahinga sa klase ngayong panahon ng pandemya. Tulad ng pangungunsume mo sa pag
aaral at sa laro mo nalang ibinabawi ang pagod mo upang ikaw ay di maistress at mapagod.
Mahalaga ang magpahinga dahil kung patuloy-tuloy ka lang mag aaral at gagawa ay
maii-stress ka lang din at mapapagod hanggang sa umabot ka sa punto na nagagalit at
napipikon na sa ibang bagay at tao. Importante ang libangan para sa isang estudyante, ngunit
huwag lamang sobrahan na nakakalimutan mo nang mag-aral. Dapat ay ibalanse ang
paglilibang, pagpa-pahinga at pag-aaral upang hindi ka mawalan ng gana at lakas sa pag pursigi
ng iyong pangarap at pag alaga sa sarili mo, kapatid. Alalahanin mo na hindi ka nag iisa at may
mga kasama kang mga kaklase at mga kaibigan kung saan puwede kang magpahinga kapag
pagod ka na. Kaya kapatid, huwag ka matakot mag pahinga dahil kasama yan sa pag sisikap at
pagiging matagumpay sa pag-aaral at sa buhay.

You might also like