You are on page 1of 3

Story Board

May isang atleta na sikat dahil sa kanyang angking kagalingan ginagamit nya ang kanyang
talento upang mapagaling ang kanyang ina sa tulong narin ng kanyang tiya.
Isang araw kinailangan nya ng umalis upang lumaban, doon ay nakilala niya si Crisostomo,
ang lalaking bumihag sa kanyang puso, nagkakilala sila at nang lalaban na si Crisostomo ay
nagkatitigan sila, sa oras ding iyon ay nakaramdam ng kakaiba si Crisostomo sa kanya,
nagsimula na nga ang ibang laro at natapos ang araw na masaya ang lahat. Ilang buwang
nakalipas sila ay nageensayo na sa padating na laban at doon sila nagkatagpo muli at
lumalim ang kanilang pagsasama hangga’t inaya ligawan si Clara at pumayag naman si
Maria Clara na maging kasintahan, nabanggit ni Maria Clara ang sitwasyon ng kanyang ina
at sinabi ni Crisostomo na may maitutulong sya, na agad naman nyang pinagsisihan,
(Crisostomo ay isang conservative na lalaki) ang maiibigay nya kasing tulong ay pagiging
endorser ng clothing line na medyo naipapakita ang kanyang balat, datapwat a sumangayon
naman si Clara, pagkatpos makita ni Crisostomo ang kanyang kasuotan ay bigla itong
nagalit, at nagpaliwanag si Maria Clara at nagkatampuhan na sila, sa pagkakataong iyon
sinuyo sya ni Crisostomo, at sa huli ay pumayag din sya sa kagustuhan ni Clara, natapos ang
araw at kinabukasan ay championship na, ang kanyang ina ay patuloy paring lumalaban
subalit sa kahulihang tira ni Clara ay nakita nyang umiiyak ang kanyang tiya at alam nya na
ang ibigsabihin nun, na pumanaw na ang kanyang ina at ang tanging nasa isip nya na lang sa
mga oras na iyon ay ipinalo ito para sa kanyang ina.
Sa pagtatapos ng storya naging national player si Maria Clara dahil inspirasyon ang kanyang
ina na sumusubaybay sa kanya ngayon at alam nyang masaya ang kanyang ina sa kaniyang
narating, at nagpapasalamat din sya kay Ibarra dahil palagi syang nandyan para sa kanya

SCRIPT
LOVELY - nay una na ko, pagaling ka ha, oh tiya isabel ikaw na bahala kay nanay
RHIANNE - makakaasa ka
LOVELY - the best ka talag tita, bye nay
ANGELA - magiingat ka anak (sabay halik sa ulo - lovely)
Background - ako nga pala si Maria Clara, Clara for short, at isa akong atleta, yung kanina
naman ay ang aking ina at tiya isabel, matanda na ko kaso wala akong nobyo, wala eh
ganun talaga, papunta na ko ngayon sa pinageensayohan namin, nanalo kami at
susuportahan namin ang ibang players, mabigat ang laban sa susunod, sana manalo, para
kay nanay at para sa Diyos
LOVELY- - ang tagal namn ng tatlo akala ko ba dito
(takip sa mata)
ALEAH - hulaan mo
LOVELY - mataba ba toh?
SEY - grabe ka (tawa silang apat)
BEA - hoy tara muna dun nood tayo
SEY - oo nga tara daming pogi oh
ALEAH - uy tignan mo may gwapo oh
LOVELY: sino yan?
SEY: di mo kilala yon? Sikat yan no, siya si crisostomo ibarra
LOVELY: in fairness, gwapo din naman, tara alis na tayo
(camera blackout)
(nadapa si lovely)
JOSEPH: uy okay ka lang?
LOVELY: hala sorry
JOSEPH - hindi okay lang ako naman nakabangga sayo eh (tinulungan nya si Clara tumayo
(slow mo)
JOSEPH: ah, ako nga pala si Crisostomo Ibarra
LOVELY: ako si Maria Clara
JOSEPH: ang..
KREY: bro tara na mag uumpisa na laro natin
JOSEPH: mauna na ako, clara
(volleyball boys)
Matt - tigers lumapit kayo
All volleyball boys - yes coach
(Volley position)
Matt - pag titira kayo hindi dapat ganyan kundi ganito (shows how) iangle nyo yung kamay
nyo ng maayos, alalahanin nyo kapag nareach na ng bola yung maximum height beware
kase bibilis ang pagbasak nito dahil sa gravity, tapos sukatin nyo ang estimated target ng
trajectory na dadaanan nito
SEAN - sige po coach, guys formation na
JOSEPH, TROY, KREY - yes captain
(start na ng laban)
(nagkatitigan si maria clara at crisostomo, cheer)
CYRUS -ang yabang nyo ah!!
NHERY - wag ka mag-alala babawian natin yan (pabulong)
(in the game joseph gets hit)
SEAN - uyy crisostomo okay ka lng?
JOSEPH - okay lng d naman sinasadya
TROY - anong hindi sinasadya kanina pa sila eh nakakailan na sila
KREY - coah coach, parang pinagiinitan po nila si crisostomo
MATT - gusto nyo bang kausapin natin yan
SEAN - sige po coach
MATT - coach pwede po ba kayong makausap
QUEENIE - sige po coach, ano po ba yun?
MATT - para kasing napapansin namin na yung player mo ay pinag iinitan yung player ko
QUEENIE: sige po coach, tawagin ko po sila para maayos natin, team lapit kayo dito
PATRICK: bakit coach?
MATT: may sama ng loob ba kayo sa mga players ko?
JUN: nayayabangan po kasi kami sa kanila
MATT: pwede ba nating maayos to? Kasi kung ipagpapatuloy pa natin to baka may
masaktan
CYRUS: pasensya na po, nadala lang ako ng damdamin ko
MATT: sige iho, basta sports lang to ah, enjoy the game
CYRUS: salamat po at pasensya
PATRICK,NHERY AND JUN: salamat po
(whistle blow, last serve, won)
(shake hands and smile smile)
(BADMINTON)
LOVELY: alis na tayo, may laban pa ng badminton
SEY: Oo nga, balita ko maglalaro si Johanna, magaling yun eh
ALEAH: o sige sige, gusto ko rin yan!
(badminton)
MATT: andito na pala kayo crisostomo, lakasan niyo pagcheer ah
JOSEPH: sige coach, kami bahala
MATT: oh maria tsaka angelica, lapit na kayo dito, mag uumpisa na tayo
TROY: oh ready na ba kayo?
HEART AND JOHANNA: oo naman
MATT: oh ganito gagawin niyo, alam naman natin ang greatest angle to
serve far ay 45 degree ngayon iangle nyo ang pagpalo nyo pero add more weight para pag
kahampas nyo mas malakas, consistent at direct ang trajectory ng pagpalo niyo.
HEART: sige coach thank you sa paalala
MATT: yang paa niyo ha bantayan niyo lalo ka na johanna
JOHANNA: yes coach ayoko na rin naman magkaroon ng sprain, sakit kaya
COACH: galingan niyo!
(cheer, whistle, start of the game)
KREY: last one heart kaya mo yan!
TROY: GO HEART JOHANNA KAYA NIYO YAN
(smash, then winner)
HEART AND JOHANNA: congrats po sa inyo
CORBELLE AND MANDI: congrats rin
(apir apir kila coach at sa boys)
LOVELY: johanna ang galing mo!
ALEAH: uy uwi na tayo, anong oras na rin.
(BLINK OF THE CAM)
LOVELY: Nay andito na ako, mano po
ANGELA: pagpalain ka ng Diyos, naging masaya ba ang araw mo?
LOVELY: oo naman nay, oh tita andito ka pala, mano po
RHIANNE: oh alam ko na tatanong mo, kumain ba si nanay?, oo kumain siya

You might also like