You are on page 1of 3

DESPERADANG EFFORT PARA SA PANGARAP

“Apo, bago ka sumabak sa patimpalak, hala’t ilagay mo tong pisong barya sa sapatos mo, pampaswerte
yan. Siguradong mananalo ka!”
“Hmmmmmffff!”
Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin, anting-ating at kung anek-anek pang mga pampaswerte?
Aba! Tunghayan nyo ang kwento ko.
“On your mark, ready, get set, go! Bang!”
“Your time is 2 minutes and 03 seconds.. Good job! Mas mabilis ka ngayon kumpara kahapon. Halatang
nakakatulong ang mga ensayo natin araw-araw. Sige, magpahinga kana. Magkita nalang tayo bukas sa
paligsahan.” pagmamalaking sabi ng aking Coach
“Maraming salamat po, Coach Tsara.” naghahabol ng hiningang sagot ko.
Hayy! Pagoda na naman akes. Nakakastress talagang maging atleta. Kaloka!
Ooops! Bago ang lahat, ako nga pala si Mariah Duterte Sofia Nicolette Maxine Faith Laila
Suzanne R. De Lima, in short “Not-not”. Di naman sa nagmamalaki ako, pero ang mukhang ito lang
naman ang pinakamaganda, pinakamatalino, pinakaseksi, pinakamabait at higit sa lahat babaeng
punong-puno ng talento at abilidad lalong-lalo na pagdating sa pagtakbo. Ewan ko, sabihin na nating
akward ang pagiging atleta sa fes ko. Anong magagawa ko eh, pinaglihi ako ng nanay ko sa isang kahon
ng red horse. Kaya yun, mabilis akong tumakbo.
Isang araw, habang nagpapaliwanag si Mrs. Poklay ng kanyang aralin; di ko maiwasang
tumingin at matulala sa kawalan sa kakaisip ng paligsahan na aking sasalihan.
“Tandaan nyo klase na ang algebra ay parang pag-ibig. Minsan kailangan na nating ihinto ang
paghahanap kay X. Because di na yun babalik at wag niyo nang itatanong kung Y. (Sandaling hinto)
Hey! Not2x nakikinig ka ba? I said Not2x are you listening? (Kring!!!!) Okay, that’s all for today. Class
Dismiss.”
Pagkaring agad ng bell ay dali-dali na kaming lumabas. Sa hallway ng paaralan…
“Huy, bes? (Hipo sa noo at leeg) Masama bang pakiramdam mo, ha? (Hinto) Not-not!! Ano ba, manhid
lang te????” pag-aalala ni Janelle.
“(Magugulat) Pasensya bes. Wala to, wag nyo na akong pansinin. Kinakabahan lang ako sa paligsahan.”
sagot ko kay Janelle.
“(Hawak sa mukha ni Not-not) Kung sino ka mang masamang ispiritong sumasapi sa katawan ng aming
besty lumabas ka!!! (Tawa) Di yan ang Not-not na kilala namin. Ano ba? Gising besty, magaling ka at
alam naming lahat yun. Don’t me nga besty.” eksaheradang pagbibiro ni Christian.
“Natatakot lang kasi ako mga bes na mapahiya. Gusto kong lang maging proud ang pamilya ko.”
madramang sagot ko sa kanila.
“Don’t ya worry, Squad Goals tayo te. Meron akong naisip na siguradong makakatulong sa pagkapanalo
mo.” pagmamalaki ni Christian.
“Wag mong sabihing bibigyan mo siya ng apat na brilyante ng mga Sanggre? Hay naku! Bes, wag kang
magpapaniwala dyan.” reklamo ni Janelle.
“Eto ohh, parang ano! Promise, makakatulong to.”
Desperada na kung desperada pero gagawin ko lahat para lang manalo. Sumang-ayon ako sa
ideya ng aking bestfriend. Hihingi kami ng tulong sa mangkukulam na kilala niya. May tiwala naman
ako sa bestfriend ko.
Pagkatapos na pagkatapos ng aming klase ay nagtungo agad kami sa bahay ng mangkukulam. Sa
aming paglalakad, napagtanto kong nagiging kakaiba at delikado na ang daan. Unti-unti na ring
nilalamon ng kadiliman ang paligid. Nang walang ano-ano’y may naririnig na kaming kakaiba.
(Nakakatakot na tunog ng paligid at hayop.)
“Bes, narinig mo yun? (tingin sa paligid at magpapani) Wag na tayong tumuloy. Please!”
“Bes, natatakot na rin ako ehh. Bumalik na tayo, baka kasi trip lang to.”
“Tiwala naman bes, malapit na tayo. Konting tiis na lang. Para naman to sa ikapapanalo mo.”
Akay-akay namin ang bawat isa habang naglalakad. Sa sobrang takot at kaba, daig pa namin ang
mga mag-syota sa close. Sa di kalayuan, natatanaw ko na ang bahay na sinasabi ng besty ko. Malaki
naman siya. Subalit, punong-puno ng malalaking punong-kahoy ang paligid nito.
“Toktoktoktok, tao po? Tao po?” malakas na tawag ni Christian.
“Itik-itik-itik….. Espirikitum.. Wakado..Estopado.. Kembular.. Chubachenes..Kemilatik…Chu…”
“Tao po? May tao po ba dito?” malakas na pagsigaw ni Janelle.
“Pasok, bukas yan! Shonga lang! Malamang may tao ehh bahay to.”
“Pasensya naman po, Aling….”
“Aling Pokashel! Ano ang ipinarito niyo dito at sinagabal nyo ako sa aking orasyon?”
“Ale, magpapatulong lang po sana kami na magpagawa ng pampaswerte para ho sa kaibigan namin?”
“Pamswerte? Diyan ako magaling! Hihihi!”
“Talaga po. Magbabayad po ako kahit magkano basta masigurado ko lang po na magwawagi ako.”
“Ohh sya! Pahingi ako ng isang bagay na kahit ano basta kulay puti. At higit sa lahat wag kalimutan ang
hinihingi kong kapalit sa lahat ng mga pumupunta rito.”
“Ano po yon?”
“Isang wifi router na merong 10 mbps, para naman di ako huli sa pag-update ng mga social media
accounts ko at mga bagong magical spell. Hihihihi!”
“(Bulungan) Loka-loka naman pala tong mangkukulam na to. Wag po kayong mag-alala dala na po
namin.”
“Give me that! Hihihi. (Chant) Itik-itik-itik….. Espirikitum…..”
“Gotcha! Okay na to! Aalis na po kami.. Babye!! Maraming salamat po.”
“Hoy!!!!! Ibalik nyo ang………….”
Di na ako nakapaghintay. Kinuha ko agad ang pampaswerte at kumaripas na tumakbo kasama
ang mga besty ko. Pagdating ng bahay, mag-aalasyete ng gabi. Pagpasok ko sumalubong sa akin ang lola
at kapatid kong nagzuzumba.
(Sasayaw ang kapatid na abnormal at lola)
“I have a pen, I have an apple. Ahhh! Apple pen (2x)”
“Ohh, apo tana at sumali ka sa aming zumba ng kapatid mo.. Bilis.”
“Aaaaaaatetetetetete, sasasasali ka aaaaaamin..maganda to aaaate…. Nakakakseksi…”
“Pagod po ako galing sa ensayo, lola. Sige ho, aakyat na po ako sa kwarto at magpapahinga bukas na
kasi yung paligsahan.”
“Ayy, oo nga pala nu. Halika muna dito at may ipapayo ang iyong lola.”
Ang lola talaga kahit kelan primitive at makaluma pa din. Sabi niya maglagay daw ako ng piso sa
sapatos at magtusok ng karayom sa manggas ng damit. No choice. Malay naman natin makatulong.
Kinaumagahan, ang araw na pinakahihintay ko; ang araw ng aking paligsahan. Kinondisyon ko
ang aking sarili, nagsuot ng komportableng damit at sapatos. Ang pinakaimportante sa lahat ay ang bilin
ni Lola at ang pampaswerteng ipinagawa ko sa Aleng loka-loka.
“Not-not, matagal tayong naghanda para sa araw na ito. Magtiwala lang, focus at isipin mo ang mga
taong nagpapalakas ng loob mo. Siguradong mananalo ka.”
Nakalinya na ako kasama ang aking mga kalaban. Unting-unti na akong bumaba at yumuko.
“On your mark, ….”
Itinaas ko na ng bahagya ang aking katawan.
“Ready..”
Handan na akong tumakbo.
“Get set…..”
Hinahawakan ko ng maiigi ang pamswerte at nagdasal ng pabulong sa isip.
“Go! Bang!”
“Kaya mo yan apo. Apo ko yan!!”
“Go ate…..(3x)”
Mabilis akong tumakbo kumpara sa aking mga kalaban.
Pero, nung nasa kalagitnaan na ako ng aking pagtakbo ay bigla nanakit ang aking paa. Napunta ang
baryang inilagay ko sa daliri ng aking paa.
Pero dedma lang. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo ng bigla-bigla ay … Chuk! Aray! Natusok
ako ng karayom na nasa sa manggas ng aking damit. Nakita kong unti-unti nang tumutulo ang dugo.
Nandilim na ang aking paningin.
Bong!!!!
“Not2x, gising! okay ka lang ba ha?”
“Ano pong nangyari Coach?”
Nahimatay ako. Dahilan ng hindi na ako nakapagpatuloy sa paligsahan. Ang malas nga naman
wagas makasampal. As in 20 times talaga.
Lumipad na ng parang bula ang mga pangarap kong manalo. Natalo ako sa paligsahan kahit
alam ko namang malaki talaga ang pag-asang masusungkit ko ang tropeyo. Shonga ehh, naniwala pa
kasi ako sa mga pamswerte ng mangkukulam na yon at ng aking lola. Yun tuloy, palpak lang.
Kaya kayo, wag nyo kong tularan. Ang pagkapanalo sa paligsahan ay wala sa mga pampaswerte.
Ito’y nasa sipag, disiplina sa pag-eensayo, tiwala sa sarili, inspirasyon at higit sa lahat pananampalataya
sa Poong Maykapal

You might also like