You are on page 1of 5

BAGO MAGBASA

 Previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng


mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
 Mahalaga ang pagsusuri sa panlabas na katangian ng teksto
upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa
kung anong uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba
ito ayon sa itinakdang layunin sa pagbasa.
 Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung
tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang
pagsisiyasat.
HABANG NAGBABASA
 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa – binabago bago ang bilis ng
pagbabasa ayon sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa
pagbasa
 Biswalisasyon ng binabasa – gamit ang impormasyon mula sa
teksto at imbak na kaalaman bumubuo ang mambabasa ng
imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa.
 Pagbuo ng koneksiyon – pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan
ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang
komprehensyon.
 Paghihinuha – pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto st
imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at
kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
HABANG NAGBABASA
 Pagsubaybay sa komprehensyon – pagtukoy sa mga posibleng
kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang
upang masolusyunan ito.
 Muling Pagbasa – Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng
teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
 Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto – paggamit ng iba’t-
ibang estratehiya upang alamin ang kahuluga ng mga di-
pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
HABANG NAGBABASA
 Elaborasyon – ang pagpapalawak at pagdaragdag ng
bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa
teksto.
 Organisasyon – pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng
iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa
teksto
 Pagbuo ng biswal na imahen – paglikha ng mga
imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang
nagbabasa.
Pagkatapos magbASA
Pagtatasa sa
komprehensiyon
Pagbubuod
Pagbuo ng sintesis
Ebalwasyon

You might also like