Online Na Laro o Pisikal Na Laro

You might also like

You are on page 1of 4

Online na laro o Pisikal na laro

Lakandiwa:
Ako ang gaganap na lakandiwa sa balagtasang ito,
Buong galang na bumabati at nagpupugay sa inyo,
Paksang pinag-uusapan, mahalagang maintindihan.
Inyong mga opinyon buong pusong pakikingan.

Sa ating paksa ngayon, ang mga kabataan ay ang sentro.


Ito mga larong kinagigiliwan ng mga kabataan,
Online na laro nga ba o ang pisikal na laro ang nais nila,
Mga opinyon nila ay ating intindihin at papakinggan.

Ang inyong lakandiwa ngayo'y ipapakilala na sila,


Dalawang mambibigkas na mahuhusay at mga kilala,
Ating silang salubungin ng palakpakan at hiyawan ,
Ang balagtasan ay umpisahan na’t pakinggan natin sila.

Eleanor:
Pisikal na laro ang ating nararapat na laruin ,
ito ang kinagigiliwan at nais noon ng kabataan,
makipaglaro sa mga kaibigan at labas ng bahay,
Sa bawat kilos ng ating katawan lakas ay nabibigay.

Gabriel :
Online games ang larong kinagigiliwan sa kasalukuyan,
Marahil hindi nga ginagamit ang pisikal na katawan,
Ngunit sa larong online ginagamit naman ang kaisipan,
Nahahasa’t nasusubok ang imahinasyon at isipan.

Eleanor :
Hindi lamang lakas ang ginagamit sa pisikal na laro,
ginagamit din ang kaisipan para sa estratehiya,
Isip ng bata ay lalakas at mukha nila ay sasaya,
Ika’y tunay sasaya kahit anong klaseng laro pa ito.

Gabriel :
Ginagamit din natin ang pag-iisip sa pisikal na laro,
Ngunit mas nahahasa ang isipan sa online na laro,
Ang pisikal na laro ay may hindi magandang maidudulot,
Lalo na’t ito ay mapanganib at baka saya ay maudlot.

Eleanor :
Ang online games ay mayroon ding hindi magandang epekto,
Pinupuyat at pinapagod ang katawan at mali ito,
Masisira ang linaw ng mata’t pangkalusugang kaisipan,
Maraming hindi magandang epekto ito sa mga kabataan.

Gabriel :
Larong Pisikal ay delekado’t mapanganib sa karamihan,
Lalo na ang larong luksong baka na ating kinasisiyahan,
Sa larong ito ay baka ika’y mabalian at masugatan,
Ospital ang aabutin ng bata kung sakaling mangyari iyan.

Eleanor :
Mas nararapat ang larong pisikal para sa kabataan,
Ito’y may magandang resulta sa ating isipan at katawan,
Ikaw ay sasaya at lalakas ang tibay ng iyong kalamnan,
Kaya naman larong pisikal ang aking pinapanigan.

Gabriel :
Karamihan sa kabataan online games ang kinagigiliwan,
Marami nang bata at matanda gadgets ang hinahawakan,
Malalaro mo din ito kung saan saang parte ng bayan,
Kaya ang online na laro naman ang aking pinapanigan.

Lakandiwa :
Bawat opinyo’y pinahayag ng malinaw at maayos,
Kahit alam nating lahat na silang dalawa’y nini-nerbyos,
Ito’y atin nang tapusin, buong pusong nagpapasalamat,
Bawat panig ay ating napakinggan kaya muli, salamat.

Ating palakpakan ang mga mambibigkas ngayon,


ito ay sina Eleanor Torres at Gabriel Tolentino
Sa lahat ng kanilang nabanggit ako ay sang-ayon,
Muli, kami ay buong pusong nagpapasalamat sa inyo.

MARAMING SALAMAT!

….
Tauhan:
Lakandiwa - Ang ginagawa ng lakandiwa sa balagtasan ay pinapakilala ang mga kalahok ng
mag kabilang panig, at ito ay magiging tagapamagitan kapag matindi na ang labanan. Ang
lakandiwa ay ang mag dedesisyon kung sino ang nanalo o natalo sa balagtasan. At siya ang
magsisimula at magtatapos ng balagtasan.

Mambabalagtas 1 - Si Eleanor Torres ay ibinabalagtas ang pisikal na laro, dahil ito ay


naniniwala na ang pisikal na laro ay pinapagana at pinapalakas ang ating mga katawan.

Mambabalagtas 2 - Si Gabriel Tolentino ay ibinabalagtas ang online games, dahil naniniwala ito
na pinapagana ang mga utak natin, at nasusubukan ang imahinasyon ng mga bata.

Paksa :
Ano nga ba ang mas-angkop na laruin ng mga kabataan ngayon ? Online na laro o Pisikal na
laro? — Bakit nga ba pinag awayan ito? Marami mga kabataan ang nagugustuhan ang online
games dahil sa mga katangian nito at dahil dito ay nawawalan sila ng interesadong mag laro sa
labas. Marami naman ang gusto sa larong pisikal sapagkat ito ay nakatutulong na palakasin at
paganahin ang ating katawan.

Pinagkaugalian :
Tugma - Sa bawat taludtod na aming ginawa ay magkatugma ang huling pantig sa format na
AAAA, AABB, ABAB, at ABBA.

Sukat - Sa bawat taludtod ay mayroon itong sukat na 18 na pantig.

Mensahe :
Ano mas gusto ng kabataan ngayon? Online o laro pisikal na laro? Hindi natin masasabi kung
ano ang nararapat na laruin ng mga kabataan dahil ito ay may pagkakaiba at parehong may
magandang katangian

- MEMBERS -
Sebial, Cris Zaira Mae
Garcia, Cassandra
Balanay, Janeisha
Apelizan, Caster Troy
Sta. Maria, Jazzlyn Claire
Bolivar, Warren
Nepomuceno, James
Berlon, Aldrin

You might also like