You are on page 1of 3

How the Self is Developed in Culture/Society/Social World.

Narrator 1: Simula pa man nang tayo ay isinilang sa mundo, mayroong iba't-ibang aspeto ang
tumutulong sa atin para tayo ay maging isang ganap na indibidwal.

Narrator 2: Isa na rito ang kultura at lipunan. Ang mga gawain, paniniwala, sabi-sabi- lahat ay
nakapaloob dito. Ngunit paano? sa pagtangkilik ng karamdaman? hinuhubog ba tayong umalam
ng tama at mali?

Paano nga ba tayo nahuhubog ng mga aspetong ito?

ACT. 1 Juliana's example.

( Scenario 1 - Culture: Person 1 ay nakahiga, using phone. Person 2/kapatid will encourage P1
to get outside their house, try to interact with people- which is playing larong pambata.)

P2: Name, tara? Lalabas ako. Nagpaalam na ako kay Mama.


P1: Ayaw ko po. Enjoy na lang kayo. (eyes still on phone)
P2: Name naman. (hihingang malalim) Hindi mo ba naririnig mga tawanan sa labas? Ang saya
kaya.
P1: (titingin sa mga naglalaro sa labas, titingin ulit sa phone, at titingnan ang kapatid) Mas
masaya ang online games, Ate/Kuya.
P2: Talaga? Mas masaya bang lumalabo ang mata mo?
(titigil si P1 sa pag-gamit ng phone at tititig ulit sa mga taong naglalaro)

Narrator 1: Ang kultura ay tumutulong sa pagpapahalaga at pag-unawa sa ating sarili, bilang


mga indibidwal at bilang miyembro ng lipunan. Nahuhubog nito ang kinalakihan nating
kaalaman na ating pinapahalagaan pa rin sa ngayon.

(Scenario 2 - Society: Nasa labas na si P1 kasama si P2. The other people- P3 and P4 ay
magugulat. Babatiin si P1 nang magalak at aayain sumali.)

P3: Ayan na si P2! At si P1..?


P4: (ngingiti at makikipag-high five kay P2 at P1) Buti sumama ka, P1. Masaya 'to. Sasali ka
ha?

Narrator 2: Nahuhubog naman ang isang tao ng lipunan sa pamamagitan ng impluwensya ng


mga taong nakapaligid sa kanya. Sa lipunan, ikaw ay maaaring mahubog sa magandang
paraan, at maari ring sa hindi- na ating tatalakayin sa mga susunod. Ang lipunan ay nagsisilbi
kung paano naiimpluwensyahan ang ating malalaman at mararamdaman.

(Scenario 3 - Social World: Matapos ang laro nila, kakamustahin ni P2 si P1. Itatanong kung ito
ba ay nag-enjoy. Kanila namang sinigurado na hindi na kailangang mahihiya ni P1 na
makipag-usap.)
P2: Nag-enjoy ka? Sabi sa'yo mas masaya sa labas.
P3: Tama iyan! Kaya huwag na huwag ka nang mahihiya na makipag-laro at usap sa amin ha?
P1: Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ginawa 'to. Talagang nag-enjoy ako. Kaya
maraming salamat!
P4: Sa uulitin?
P1: Sa uulitin.

Narrator 1: At ating idadagdag, sa lipunan, mayroong proseso na kung ating tatawagin ay


pakikipag-socialize. Pakikipag-usap. Isa ito sa importanteng bagay na nakakapag-hubog sa
isang indibidwal, sa kadahilanang nakakaapekto ito sa ating mga pinahahalagahan, kung ano
ang itinuturing nating tama at mali.

Narrator 2: Ngunit sa kabila ng mga magagandang pamamaraan sa pag-hubog ng mga ito sa


ating mga indibidwal, kagaya ng aking sinabi- hindi lahat ay na sa maayos na paaran.

ACT. 2 Althea's example.

(Scenario: Circle of friends kayong lima. You just got your scores sa quiz na sinagutan niyo
kanina. P1 got the lowest score among you guys. Imbis na i-comfort at i-assure, tinawanan niyo
ang insecurity niya na reason kung bakit bumaba lalo ang self-esteem nito.)

P1: Congratulations pala sa inyo. Natapos at nakakuha kayo ng mataas na score.


P2: Dali lang ng quiz e. Ikaw ba? Ilan ang nakuha mo
P1: (matatahimik)

Narrator 1: Alam ni P1 sa sarili na hindi naman sobrang mababa ang score na kanyang nakuha.
Ngunit sa isang nabuong standard, o nabuo sa kulturang nakasanayan niya, ito ay nag-resulta
ng galit sa kanya. (Culture)

P2: Seryoso? Bakit mali ang sagot mo rito? Dali lang oh.
P3: Hindi na naman nag-aral 'yan. Kopya ka sa susunod?
(All laughing)

Narrator 2: Isa rin sa humuhubog sa pagkatao natin ay ang pag-subok ng higit pa sa higit nating
makakaya dahil sa kabila ng lahat, mas nakikita pa rin nila ang mali nating nagawa.

Ang panlipunang impluwensya ay hinuhubog ang pagpapahalaga natin sa sarili, depende na


lamang sa mga taong pinapaligiran at kinakausap. (Society and Social World)

Final Part
Narrator 1: Maaring naiiba ang paraan kung paano tayo nahuhubog bilang indibidwal, maaring
iba-iba ang ating karanasan, maaari ring maiiba, sa malamang, ang ating mga pananaw.

Narrator 2: Ngunit sa kabila ng lahat, tayo pa rin ay nahubog, nahuhubog, at mahuhubog ng


kultura, lipunan, at ng mga impluwensya nito.

Kaya ikaw, paano ka nila nahuhubog?

You might also like