You are on page 1of 10

SCRIPT sa SOSLIT FINAL OUTPUT

PANUTO (gagawin)

Para lang din tayong nagrereport nito, yung iba naka voice over lang at yung iba naman

ay sinasalita habang nagrerecord o video. May mga aarte pero basic lang halimbawa

aarte ka ng may depression, etc. Lahat kayo magsasalita para lahat may ambag, ako

(xaj) at si andrea ang magsasanib pwersa para sa editing. Ilalagay ko sa mga scenarios

kung ano ang gagawin nyo kung voice over o salita (video) ba at kung paano nyo

idedeliver yung mga lines nyo. UGALIING MAGBASA para tama lahat yung gagawin nyo

tutal naka bold and kulay red naman yung dapat nyong maglaman.

SCRIPT

SCENARIO 1: (Introduction ; mahinahon lang ang pagsasalita ; voice over lang)

Andrea: Kailan ang huling beses na kinumusta mo ang mga tao sa paligid mo?….

(*bilang 5 secs sa isip bago basahin ang next line*)…. Kailan ninyo huling sinuri ang

kalagayan ng inyong kaibigan, kapamilya, o kakilala?…. (*bilang ulit 5 secs sa isip*)….

Marami sa atin ngayon ang nasa gitna ng kadiliman…. (*bilang 2 secs sa isip*)….

Marami ang may matinding pagsubok na pinagdadaanan na nagiging sanhi upang

maapektuhan ang kalusugan ng ating isipan at ang mas malala pa ay mawakasan ang

buhay ng isang tao. Ilan lamang to sa rason kung bakit mahalagang mamulat tayo sa

usaping pangkalusuhan o mental health at magkaroon tayo ng kamalayan tukol sa

paksang ito, sa ganoong paraan ay makakatulong tayo upang maresolba ang tumataas

na bilang ng mga taong nakararanas ng mental health disorders.

SCENARIO 2: (Information ng Mental Health ; normal lang ang pagsasalita ; video

record to ; nakagreen screen to)

Rica: (*naka video record din to ah formal attire ang suot*) Ayon sa World Health

Organization, ang Mental Health ay isang " estado ng kumpletong pag-iisip, pisikal at
panlipunang kagalingan, at hindi lamang ang kawalan ng sakit.” Ito ang

pangunahing kahulugan na madalas na binabanggit kapag tinatalakay ang paksang ito.

Ito ay maikli, napaka paliwanag at nagpapaalala sa atin na upang maging malusog

kailangan nating pag-isipan ang isang malaking bilang ng mga variable.

Sa pangkalahatan, kapag pinag-uusapan natin kalusugan iniisip natin ang mga sipon,

pananakit ng ulo o iba pang mas malalalang problema sa katawan. Gayunpaman, ang

kalusugang pangkaisipan ay kinakailangan para sa atin na mahanap ang ating sarili nang

maayos. Kung wala ito, hindi mahalaga kung gaano kahusay ang mga resulta ng ating

mga pagsusuri sa dugo.

Imposibleng ihiwalay ang ating psychic state sa ating katawan. Parehong nagpapanatili

ng bi-directional na relasyon. Ang kalusugan ng isip ay pinag-aaralan ng maraming

propesyon at iba't ibang modelo. Mayroong higit na kamalayan ngayon sa

nakakakita kalusugan sa kabuuan upang mapalakas ating personal na pag-unlad. Isa sa

apat na tao ay magkakaroon ng hindi bababa sa isang mental disorder sa buong buhay

nila. Hindi tayo dapat maalarma. Pero kung gusto nating mamuhay ng maayos,

dapat matutotungkol sa kalusugan, kapwa pisikal at mental. Sa paraang iyon ay

makakakuha tayo ng kaalaman at basic mga gawi para mapanatili ito. Sa artikulong ito,

bibigyan ka namin ng ilang mga alituntunin upang maaari kang maging malusog sa pag-

iisip at mapangalagaan ang iyong mga mahal sa buhay.

Andrea: (*naka video record din to ah formal attire ang suot*) Ayon sa isang artikulo,

nasa labing tatlong porsyento ang bilang ng mga batang naaapektuhan ng mental

illnesses samantalang labing siyam na porsyento sa populasyon ng nakatatanda at

pinakamataas naman sa kabataan na tumataya sa apatnaput anim na porsyento. Sumagi

ba sa isip mo na ang mga taong kasali sa bilang na ito ay maaaring ilan sa iyong kakilala?

Alamin natin ang maaari nating gawin upang mas mabigyang pansin ang kalusugang

pangkaisipan. Ang simpleng “kumusta ka” ay maaaring makagawa ng malaking

pagbabago sa isang tao, sa simpleng tanong na ito ay maipakikita na natin ang

pakikiramay at pakikiisa sa kanila. Huwag natin kalimutang maki-simpatya at magpakita

ng kalinga, suporta, at pagmamahal sa mga taong nangangailan ng makakapitan.


Tandaan natin na ang pagkakaroon ng kamalayan ay maaaring makapagsalba ng buhay

ng isang tao at makapagbukas ng pinto tungo sa kapayapaan ng isipan.

SCENARIO 3: (Acting na may depression tungkol sa bashing sa social media ;

normal lang ang pagsasalita ; video to at may voice record)

Cath: *(voice over to ; kada voice record mo sya sasabihin like after ng 1 line stop

record then new record ulit)*

• "ano ba ang naging atraso ko sakanila, bakit patuloy nila akong nilalait sa social media"

• “hindi ko na alam ang gagawin"

• "wala akong mapaghingian ng tulong"

• "nahihirapan na ako sa kalagayan ko"

*(habang nirerecord mo yung boses mo, dapat yung tono parang pagod na pagod

ng mabuhay sa mundo ; dapat ramdam mo yung sakit para maganda kakalabas ng

record)*

Cath: *(video record na to ; irecord mo sarili mo na umaarte ka ng may depression

habang sinasabi mo yung mga lines mo sa isip mo lang tapos ipakita mo yung

emosyon mo galit face mo or ano man)*

• yung video mo dito sa line na simula bullet 1 to 2 is nakupo sa kahit anong sulok ng

bahay nyo tapos may hawak kang cellphone nagiiscoll up and down kasi kasi may nabasa

ka na tungkol sayo at binabash ka. Sadgurl ka dapat sa video.

• yung video mo naman dito aa line na simula bullet 3 to 4 is bibitawan mo na yung phone

ko tapos sasabunutan mo yung sarili mo, todo iyak ka dahil sa nabasa mo. As in sobrnag

depress.
SCENARIO 4: (Acting na may depression tungkol sa family ; normal lang ang

pagsasalita ; video to at may voice over)

Rose: *(voice over to ; kada voice record mo sya sasabihin like after ng 1 line stop

record then new record ulit)*

• "nararapat ba sakin lahat ng ito?"

• "bakit ako na lang lagi ang napapansin"

• "parang hindi nila ako pamilya sa ginagawa nila sakin"

• "wala na akong malapitang iba dahil pati pamilya ko masama na ang loob sa akin"

• "gusto ko na mawala sa mundong to"

• "para matapos na ang problema ko"

*(habang nirerecord mo yung boses mo, dapat yung tono parang pagod na pagod

ng mabuhay sa mundo ; dapat ramdam mo yung sakit para maganda kakalabas ng

record)*

Rose: *(video record na to ; irecord mo sarili mo na umaarte ka ng may depression

habang sinasabi mo yung mga lines mo sa isip mo lang tapos ipakita mo yung

emosyon mo galit face mo, sadgurl face mo or ano man)*

• yung video record mo dito is nasa loob ka ng kwarto nakaupo sa sahig at nayuko tapos

nakahawak yung dalawang kamay sa ulo

• yung video record mo dito is nakatingin ko sa salamin tapos malungkot mukha

•yung video record mo dito simula bullet 3 to 6 is nasa kwarto ka nakaupo sa sahig tapos

mag hawak na gamot or pills (maraming gamot improvise ka nalang) dapat madilim yung

kwarto pero dapat kita ka pa din tapos iinumin mo yung gamot tapos stop na yun, iset up

mo yung cam mo na nakatutok sa kamay mo lang na maraming nagkalar na gamot or

pills

(Kasunod to ng scenario 4 ; voice record lang to ; paki ayos ng voice record yung

walang maingay na background)


Xaj: *(voice over lang to ; yung tono ng pananalita is galit)* "puro ka nalang

cellphone!"

Andrea: *(voice over lang to ; yung tono ng pananalita is galit)* "wala kang kwentang

anak!"

Colyn: *(voice over lang to ; yung tono ng pananalita is galit)* "wala kana naitulong

sa pamamahay na to!"

Chelsea: *(voice over lang to ; yung tono ng pananalita is galit)* "ano pahiga higa ka

lang dyan, pasarap buhay!"

Rica: *(voice over lang to ; yung tono ng pananalita is galit)* "kung ayaw mo dito,

lumayas ka!"

Cath: *(voice over lang to ; yung tono ng pananalita is galit)* "wala kana ibang ginawa

dito!"

SCENARIO 5: (Information tungkol ulit sa Mental Health ; dito nakapaloob yung

mga uri ng mental health ; video record to naka formal attire, para kang newscaster

; nakagreen screen to)

Chelsea: *(naka forml attire ka dito na pang newscaster tapos may hawak kang

paper or bondpaper na may script mo para dun mo nalang babasahin pero wag ka

tingin ng tingin sa papel, focus pa din sa camera)* Magandang araw sa inyong lahat,

simulan natin ang balitaan tungkol sa Mental Health at mga uri ng mental health. (*bilang

3 secs sa isip bago basahin ang next line*) Maraming iba’t ibang klase ng mental

illnesses, o problema sa kalusugan ng kaisipan. Ayon sa aming pananaliksik, mayroong

mahigit-kumulang 300 mental disorders, at ang mga ito ay nakatala sa DSM-5 o

Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders — ang handbook na ginagamit ng

mga doktor para masuri ang mga mental illnesses. (*cut na dito tapos ibang line

naman*)

Chelsea: Narito ang mga mental illnesses o mental disorders na maaaring ilagay sa iba’t

ibang kategorya, tulad ng:


Una, Anxiety disorders. Ito ay sobra at hindi makontrol na takot o pagkabahala na

pumipigil sa taong gampanan ang kanyang trabaho o mga pang-araw-araw niyang

gawain. Maaari itong sabayan ng mabilis na pagtibok ng puso, paninikip ng dibdib, at

labis na pagpapawis. (*bilang ka 3 seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

Pangalawa, Mood disorders. Ito ay ang matindi at paulit-ulit na kalungkutan na

maaaring sundan ng matinding kasiyahan — at nagdudulot sa taong mawalan ng

kakayahang magampanan ang kanyang pang-araw-araw na gawain. (*bilang ka 3

seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

Pangatlo, Personality disorders. Ito ay ang pagkakaron ng labis-labis at mahirap

baguhing pag-uugali na nagdudulot ng problema sa trabaho, paaralan o pakikitungo sa

ibang tao. (*bilang ka 3 seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

Pang apat, Psychotic disorders. Ito ay isang klase ng mental disorder kung saan hindi

alam ng isang tao kung ano ang totoo at ano ang hindi. Maaari siyang mawalan ng kapit

sa realidad at magkaroon ng tinatawag na hallucinations. (*bilang ka 3 seconds sa isip

bago ka ulit magsalita*)

Panglima, Eating disorders. Ito ay ang pagkakaroon ng ‘di-malusog na pakikitungo sa

pagkain. Madalas, ang mga taong may ganitong disorder ay may matinding takot na

tumaba. (*bilang ka 3 seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

Pang-anim, Trauma-related disorders. Ito ay ang pagkakaroon ng matinding takot at

pagkabahala tuwing naalala ang mga kagimbal-gimbal na pangyayari sa nakaraan, tulad

ng giyera, aksidente, kalamidad, pagkamatay ng minamahal sa buhay, o pagkagahasa.

(*bilang ka 3 seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

At pang pito, Impulse control and addiction disorders. Ito ay ang kawalan ng

kakayahan ng isang taong pigilan ang kanyang sarili na gumawa ng mga bagay na

maaaring makasama sa kanya o sa mga taong sa paligid niya. Kabilang na dito ang

sobrang pagkahumaling sa droga o sugal.


Chelsea: Mahalagang tandaan na hindi layunin ng mga binanggit ko ang mag-diagnose

ng mental disorder dahil mga kwalipikadong psychiatrist lamang ang maaaring gumawa

nun. Ang layunin lamang nito ay magbigay ng patnubay tungkol sa iba’t ibang klase ng

mental disorder. Pwede nating gamitin ang impormasyong para malaman natin kung tayo

ba o ang mga mahal natin sa buhay ay nangangailangan na ng tulong. (*bilang ka muna

3 seconds sa isip bago sabihin yung next line*)

Chelsea: (*itong part na to is ending mo to bali si colyn na next para sya naman

magsasabi ng mga aksyon or solusyon para makatulong sa tanong may mental

health*) Subalit, bago matapos ang balitaan na ito, pakinggan muna natin si Newscaster

Colyn para sa parangdangan impormasyom o action tungkol sa mental health.

(*tatawagin mo si colyn dito sa harap ng camera kunware nagkakausap kayo

parnag balita tlaaga) Newscaster Rose… *(wait ka 5 seconds sa isip bago mo icut

mo na yung video)*

SCENARIO 6: (Action para maiwasan o matulungan yung taong may Mental Health

; dito nakapaloob yung mga action o solusyon sa mental health ; video record to

naka formal attire, para kang newscaster ; naka green screen to)

Rose: (*may hawak ka din na papel dito or bondpaper pwede mo din ilagay lines

mo dun pero wag ka tingin ng tingin sa papel magfocus ka din sa camera ; kung

may mic ka pwede din para ganap na ganap*) Maraming salamat, newscaster

Chelsea. (*bilang ka 3 seconds sa isip baka ka magsalita ulit*) Naiulat na ang mga

uri ng mental illnesses, sunod na iuulat ay ang mga aksyon o mungkahing solusyon para

sa mga mayroon o nakakaramdam ng mental illnesses. *(cut mo to tapos next line

naman)*

Rose: Una, Tandaan na maaari mong maimpluwensyahan ang iyong kalusugang

pangkaisipan. Tayo mismo ay may kakayahang magpanatili positibo pag-iisip,

pagtanggap sa ating sarili at pagmamahal sa ating sarili. Huwag kalimutang ipaalam sa

iyong mga kaibigan kung gaano sila kahalaga sa iyo. Sa pamamagitan ng mga pagkilos
na kasing simple ng pagsasabi ng iyong mga damdamin at pagkomento sa kahalagahan

ng paggawa nito, maaari mong i-promote ang malusog na mga aksyon. (*bilang ka 3

seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

Pangalawa, Alagaan ang iyong mga relasyon sa lipunan. Ang pakikisama ng ating

mga mahal sa buhay ay kapaki-pakinabang sa lahat ng bahagi ng iyong buhay. Ito ay

nagbibigay-daan sa amin upang mas mahusay na umangkop sa kapaligiran, nagbibigay

sa amin ng higit na suporta at ginagawa kaming mas masaya. (*bilang ka 3 seconds sa

isip bago ka ulit magsalita*)

Pangatlo, Kilalanin ang iyong sarili. Dapat tayong maging makatotohanan at paunlarin

ang ating intrapersonal intelligence. Upang bungkalin kung ano ang tumatakbo sa ating

isipan, alam ang ating mga limitasyon o ang paggalugad sa ating mga damdamin ay

mabuting paraan upang mapansin ang anumang depekto o problema sa amin at

humanap ng solusyon. Sa ganitong paraan, matututo din tayong umunawa ng iba.

(*bilang ka 3 seconds sa isip bago ka ulit magsalita*)

Pang apat, Subukang huwag mag-alala masyado. Ang kabuuang kawalang-interes ay

hindi maganda, ngunit hindi rin tayo dapat maging hypochondriacs. Kung namumuhay ka

ng malusog; kumakain ng maayos, hindi labis na trabaho, ginagawa pisikal na ehersisyo,

pagkakaroon ng sapat na pahinga, pakikipag-ugnayan sa kalikasan at paggawa ng mga

aktibidad na nagpapasaya sa iyo, ikaw ay magiging mas malusog. Iwanan

ang masamang ugali at magpahinga. (*bilang ka 3 seconds sa isip bago ka ulit

magsalita*)

At panglima, Kung mayroon kang anumang mga problema, pumunta sa isang

propesyonal. Kung may hindi tama, huwag matakot o mahiya. Maghanap ng isang

bihasang propesyonal (psychologist, psychiatrist, therapist, atbp.). na makakatulong sa

iyo sa proseso. (*stop ka muna 3 seconds bago magsabi ulit ng next line*)
Rose: Maraming salamat sa inyong pakikinig, Bayan. (*bilang ka muna 3 seconds sa

isip bago icut yung video*)

SCENARIO 7: (ito yung part na puro contacts ng mental health facilities ; vlice

record lang to)

Xaj: Ikaw, KUMUSTA KA? Tara, usap tayo! Narito ang mga hotlines na pwede mong

tawagan kung sakaling ikaw ay nakakaramdam ng lungkot dahil ang nararamdaman ay

valid.

🔖NATIONAL CENTER FOR MENTAL HEALTH

📞1553 - Luzon-wide landline toll free

📱Globe/TM: 0917-899-8727

📱(USAP); 0966-351-4518

📱SMART/SUN/TNT: 0908-639-2672

🔖IN TOUCH PHILIPPINES

Call Crisis Line any time

📞+63 2 893 7603 (Landline)

📱+63 917 800 1123 (Globe)

📱+63 922 893 8944 (Sun)

🔖 PHILIPPINE RED CROSS

24/7 suicide prevention hotline,

📞toll-free HOPELINE 2919

(for Globe & TM Subscribers)

091 7558 4673 or 8044673

🔖 MANILA LIFELINE CENTRE

📞 (02) 8969191
📱Globe/TM 0917 854 9191

You might also like