You are on page 1of 2

PILOSOPIYA

Pero bago ulit natin ipagpatuloy ang talakayan ay sariwain muna natin ang tinalakay
natin noong nakaraang linggo.

Dalawa ang maaaring kahihinatnan ng pagtatanong


ng bakit:
1. so Matatapos lamang ang pagtatanong kung may sasagot/sumasagot. Posibilidad na
matapos ito kung kuntento na at sapat na yung mga impormasyon o detalye na
ibinahagi
sa nagtatanong.
2. Alam naman nating lahat na nakakapagod para sa mga susumasagot yung mga
katanungan
na naibabato. Kaya't para maiwasan ito at tuluyan na nga matapos ang pagtatanong
maaaring bumalik sa unang paraan na kung saan tatapusin ang usapan sa pamamagitan
ng
pagsagot.
3. Itong pangatlo ay mula kay sokrates, batay sa kanya hindi ito buhat sa
katamarang
maghanap o magsaliksik hindi rin kahinaan sa pag-iisip ang pagsasabi ng
"hindi ko alam". Ayon din sa kanya na isang mabuting kamangmangan ang pag-amin na
hindi alam, ipinapakita nito ang pagpapakumbaba ng tao sa kanyang pagharap sa
hangganan. Tandaan: ang pag-amin na walang alam ay siya mismong nagpapakita
ng dunong! Ito ang simula ng paghahanap at pagpapatuloy ng usapan

SOKRATES
batay sa sinaad ni sokrates, Ganito ang nais gawin ng pilosopiya: ang bumalik ang
tao sa kaniyang sarili at makita ang sarili bilang isang tanong.
Napapausad ng pagtatanong ng tao ang kanyang kwento at saysay,
Dahil sa pagtatanong nagagawang lumikha, mag-imbento, tumingala sa
langit at subukang abutin ito.

Ano nga ba ang pagtatanong para sa inyo?

Ang pagtatanong ay isang proseso ng paghahanap hindi lamang ng sanhi at


bunga; bagkus isang karunungang pinag-uusapan ng sabay-sabay upang maunawaan
ang ngayon ay maitahi ang alam kahapon, sa ngayon hanggang bukas.

Ang pakay ng pilosopiya ay makita at maunawaan ang isang bagay


sa kanyang kabuuang konteksto at kalagayan nito
Sa pamamagitan ng pagbabad sa pagtatanong, nagagawang pag-usapan ang lahat-lahat
ng sabay-sabay. Ang bakit ay may bakit pa at ang bakit pa ay may ano.
Naiiba ang pagtatanong ng bakit sa pilosopiya sa iba pang larangan.
Sa agham ang bakit ay paghahanap ng sanhi o dahilan. Sa agham panlipunan,
ang bakit ay tungkol sa papel ng tao sa mga kaganapan sa mundo at ang epekto
sa magkakapwa. Sa pilosopiya, ito ay tungkol sa talaban ng tao at ng
mundo—bakit may ugnaya, bakit may kapwa. Ang talagang hinahanap ay ang
ano sa likod ng mga bakit, ang ugat na tanong

TANDAAN
1.
2. dito depende siguro ito sa isang sitwasyon kung mananahimik ka o magsasawalang
kibo na lamang sa mga nangyayare sa iyong kapaligiran. Kapag naaapakan na ang
karapatang pantao dapat na ilahad ang katotohanan hindi kasi sa bawat oras ay
kailangan tayo manahimik lalo na sa mga mabibigat na sitwasyon na nangyayare sa
ating
paligid
3. Ibig sabihin lamang nito na kapag tayo ay nag-oobserba o nagmamatyaga
kinakailangan
na tahimik

MAGING MALAY
YUNG nagsasalita at ang kausap May nakikita ang nagsasalita sa sarili niya;
may nakikita rin naman ang kausap sa kaniyang sarili. Kailangang maging alisto
sa meron ang dalawa
karanasan, sa kausap, AT sa sarili.

KAHANGALAN AT KAHAMBUGAN
- Sa madaling salita ay nabuhay sa nakasanayan o sa opinyon ng madla, lalo na yung
mga taong tanggap na lamang ng tanggap sa mga pinapasa ng iba bilang katotohanan
kahit na hindi muna ito sinusuri, at hindi talaga tinitingnan ang tunay na
nangyayare
sa isang sitwasyon.
- Kaya ito ay taliwas sa disiplina ng pilosopiya, dahil tinutulak pa nga ang nais
mamilosopiya na maging mausisa, magtaka magtanong at dumanas.

You might also like