You are on page 1of 3

2S-VE17 [Sistema ng Pagpapahalaga at Sikolohiyang Pilipino]

Padua, Reynold Luke David T.


BVE II-12
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Valentine St., Florida


United States of America
October 25, 2021
Dear Tita Judy,

Hello Tita! Maayos naman po ang aming kalagayan dito sa Pilipinas. Kahit maraming kaguluhan
at nasa gitna pa rin ng pandemya ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa Diyos sapagkat nabiyayaan akong
mag-aral sa Inang Pamantasan kahit online learning.

Siya nga pala tita kilala ko yang sinasabi mong expert sa PNU. Sa katunayan nga eh jowa ka yan
at nakilala ko rito sa pamantasan. Samakatuwid nga, lagi naming napaguusapan yang Sikilohiyang Pilipino.
Lagi raw kasing mali ng konsepto ng karamihan patungkol sa usaping ito. Akala raw ng iba na ang
Sikilohiyang Pilipino ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga terminong Ingles na may patungkol sa
sikolohiya. Kasi nga daw diba, parang yung mga Ingles daw na ito ay tinuturing nating orihinal na konsepto
ng sikolohiya. Ngunit taliwas daw ito sa tunay na pahiwatig ng Sikolohiyang Pilipino. Sapagkat ang
sikilohiyang Pilipino raw ay patungkol sa pag-aaral ng sikolohiya na naaayon sa ating mga Pinoy. Kasi nga
naman diba tita kadalasan ng mga pag-aaral sa sikolohiya eh puro diyan sa America nanggaling. Kung
kaya't dito sa Pilipinas gusto rin nating pag-aralan na batay naman sa mga kapwa natin Pilipino. At tsaka
tita, maari rin naman nating iaplika sa bansa natin ang mga terminong banyaga na sinasabi mo, pero may
mga pagkakataon kasi na hindi siya akma sa nararanasan natin. Pero hindi naman yun nangangahulugang
ayaw na natin sa mga terminong yun. Sa katunayan nga, pwede natin gamiting pundasyon yung mga yun
para sa mas malalim pang talakayan eh.

Maiba ako tita, alam mo ba, sa diskusyon namin sa major subject namin na Sikolohiyang Pilipino,
sabi doon na idealistic daw ang Sikilohiyang Pilipino. Kase nga diba, sinakop tayo ng mga mananakop
noon at hindi maitatanggi na malaki ang epekto nito saatin maging sa larangan ng sikolohiya. Kumbaga
kasi tita yung mga turo sa sikolohiya mula jan sa America, nakakaapekto iyon saamin. Una, nagbabago
yung pananaw ng mga tao sa kapwa nila at sarili nila. Kung nandito ka tita makikita mo sila aling marites
lagi kaming binebentahan ng pampaputing sabon. Eh ang sabi ko di ko na kailangan yun kase maayos
naman ang aking postura at kuntento na ako sa pagiging kayumanggi. Tsaka isa pa tita, bumababa na ang
kumpiyansa ng mga sikolohiyang kababayan natin. Paano nalang kung tumigil sila sa pagkakadalubhasa
nila diba? Paano na tayo nun? Tiyak na malaki ang magiging suliranin natin nun kapag ganon. Kung kaya
tita, dapat suportahan natin ang Sikolohiyang Pilipino, kase ito yung makatutulong saatin para mas makilala
pa natin ang mga sarili natin eh. Katulad niyan tita, ang mahal ng Eq at IQ test ‘no? Importante kasi iyan
upang masuri ang kapasidad mo. Pero hindi naman nangangahulugan iyon na tama ang lahat ng magiging
resulta. Kung susuportahan nga natin ang mga Pilipinong sikolohista dito sa Pilipinas, posibleng mas
maging akma ang resulta ng mga test na iyon sa atin, at malay mo tita maging libre na iyan ditto sa
hinaharap.

Ayyy taray tita ha! May pa research kayo diyan. Sa katunayan, mayroon din kaming research noon
at mataas ang naging grado namin. Isinaalang-alang kasi namin sa research na yun ay ang pagpili ng
napapanahong suliranin. Kaya tip ko sayo tita na maging maalam ka sa lugar ninyo. Suriin niyo kung anong
mga isyu at sularanin na kinahaharap ng lugar niyo. Kapag kasi ganoon tita, mas malaki ang maiaambag
niyo sa lipunan. O diba tita, nakagawa ka na ng research nakatulong ka pa sa lipunan. Sa larangan naman
ng paggawa, basic lang yan tita, kailanga niyo lang ng maganda at pangmalakasang panimula na mag sasabi
kung bakit kayo gumagawa niyang research, mga artikulo o babasahin na may kaugnayan sa paksa niyo,
tapos syempre kakailanganin niyo ng mga tanong o stratehiya para sa mga gustong tumulong o
makisangkot sa research niyo. Kami noon tita nag experiment kami. Yung tipong susuriin namin ang prior
knowledge ng isang indibidwal. Nagpatest kami noon ng walang tinuturong kahit ano at syempre nagpatest
kami ulit after namin magturo. Tapos syempre tita kakailanganin niyo ang resulta ng survey o experiment
niyo ha, wag mong kakalimutan yun. Kasi yun yung magiging batayan niyo kung ano ang kalalabasan ng
research niyo

O siya tita ang dami ko nanamang daldal sa iyo hahahah. Naku! Nakakahiya wag ka ng magpadala
ng chocolates, laptop nalang tita hahaha. Sana makauwi kayo ngayong pasko ni junjun. Miss ko na yang
pinsan ko na yan. O siya last na 'to tita, magiingat kayo diyan palagi at pakisabi kay junjun ang ganda ng
tulang ginawa niya, napanood ko ang sinend mong video tita. Grabe ang tatas niya pala mag Filipino kahit
nasa America!
Nagmamahal,
Reynold Luke

3
Malinaw na ipinaliwanag kung ano ang SP at
kung paano ito naiiba sa mainstream
Psychology. (3 puntos)

Ipinaliwanag ang mga anyo ng 3


sikolohiya at natukoy ang mga halimbawa nito
na may kinalaman sa binanggit ng nagpadala ng
email-liham. (3 puntos)
Nagbigay ng kongkretong payo tungkol 3
sa pananaliksik na isinasaalang-alang ang mga
implikasyon ng mga asampsyon sa Sikolohiya. (3
puntos)

Sinikap na gawing simple at hindi 1


teknikal ang pagsagot sa mga tanong sa email/
liham (1 puntos).

TOTAL: 10 puntos 10

You might also like