You are on page 1of 1

Name: KYNEL L.

DEQUILLO

Course & Year: BSBA-FM1

SUBJECT: FILIPINO 1

Gawain 1: Sikolohikang Pilipino

Magbigay ng tatlong (3) pattern ng kaugalian o pattern ng pag-iisip ng mga Pilipino batay
sa iyong obserbasyon o karanasan. Ipaliwanag ang mga katangiang binigay batay sa mga
sumusunod na katanungan:

A. Sa iyong palagay, ano ang ugat o pinagmulan ng kaugalian o pag-iisip na ito?

B. Nakabubuti ba o nakasasama ang ganitong kaugalian o pag-iisip? Bakit?

C. Ano ang kahalagahan ng Sikolohikang Pilipino sa pag-unawa natin sa mga Pilipino?

1. Tayong mga Pilipino ay matatawag na matatag o resilient na humaharap sa bawat


pagsubok na ating kinakaharap. Sa kabila ng mga sakuna gaya ng lindol o bagyo,
nahahanapan ng mga Pilipino ng biro at magawang maging masayahin. Ito ay maaring
nag-ugat sa natural na pagiging masiyahin nating mga Pilipino. Tayo ay likas na may
positibong disposisyon lalo na at may kinakaharap na suliranin. Masasabing nakabubuti
ang ganitong pag-iisip dahil nagiging mas magaan ang pagharap at paggawa ng solusyon
sa bawat dagok na ating pinagdadaanan.

2. Likas ang pagiging relihiyoso nating mga Pilipino. Iba’t iba man ang mga relihiyon ng
mga Pilipino, naipapakita naman natin ang kahalagahan ng pananampalataya saa ating
pang araw-araw na pamumuhay. Madalas mapuno ang kalendaryo ng iba’t ibang
pagdiriwang ng kapistahan ng mga Santo at iba pang relihiyosong pagdiriwang. Ang ating
pagiging relihiyoso ay nagpapatatag sa ating koneksyon sa Panginooon at pagsasabuhay ng
mga aral at turo ng Panginoon. Nakabubuti rin ito upang mapagtibay ang pagiging Pilipino
na maka-Diyos.

3. Ang mga Pilipino rin ay maituturing na family-centered o may pagpapahalaga sa


pamilya lalo na sa ating mga magulang. Ito ay naipapakita ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pag-aalaga ng ating mga nakatatanda sa ating tahanan sa halip na sila
ay ipadala sa home for the aged. Tayo rin ay kilala sa pagkakaroon ng malalim na
pagpapahalaga sa pamilya.

Ang mga pag-uugaling ito ay nagpapakita o nagpapakilala ng mga Pilipino. Ang


Sikolohiyang Pilipino ay sumasalamin sa mga naging impluwensiya at kultura ng mga
Pilipino. Ang pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino ay nagpapalalim din ng ating pag-unawa
sa mga salik na nakakaapekto sa mga pattern ng kaugalian at pag-iisip ng ating kapwa
Pilipino. Sa pag-aaral nito, atin ding mas nakikilala ang ating sarili at magiging
mahalagang bahagi ng pagpapa-unlad ng ating indibidwal na karakter.

You might also like