You are on page 1of 4

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES 1

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG WIKA

Ipinasa ni:
Hannah Gane N. Maniago

Seksyon at Programa:
ABF 1-1

Ipinasa kay:
Ryan Pesigan Reyes, PhD
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES 2

PAGSASANAY 3
Ang salitang pagka-Pilipino ay may malawak na kahulugan at malalim na depinisyon
maaring sumasaklaw sa konsepto ng wika, kultura, at sumisimbolo sa kaugalian — na may
sariling pananaw at sa pamantayan ng pagiging isang tunay na pagka-Pilipino. Sa ganitong
larangan maraming magiging konsiderasyon at kaugnayan ang isang elemento ng pagka-
Pilipino ngunit sa aking pananaw at distiksyon sa buhay, ang isang kahulugan ng tunay na
Pilipino ay mayroong responsibilidad  na kaakibat at tunay na may malasakit sa pag-unawa
ng pangalan gayundin ang depinisyon nito. Gayunpaman, ang konsepto nito ay
pagpapahalaga at preserbasyon sa kahalagahan ng kultura upang maging taglay ang pagiging
tapat at tunay na pagka-Pilipino. Sa kabilang banda, ang elemento nito ay may sistematikong
umuupa sa kultura, tradisyon, paniniwala, at wika.

Una, ang wika ito ay may kaugnayan sa pagka-Pilipino dahil sa libo-libong wikang
Filipino na mayroon tayo, isang kahalagan nito ay palakasin at pagtibayin ang wikang
Filipino na may katangian at tangi. Sa katunayan, ito ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng wika
kada rehiyon na mayroon sa Pilipinas kung kaya’t sa ganitong pananaw palang ang
sistematiko nito ay unawain at bigyan kahulugan ang pagtuturo at paggamit nito. Kung
bubuksan lamang ang yugto na kung saan tayo ay na impluwensya ng mga nanakop sa atin
marahil ang wika alinsunod sa mga nanakop bagamat hindi tayo nagpatila at gumawa ng
sariling pagkakakilanlan sa wika na magiging simbolismo at pagkakakilanlan bilang isang
Pilipino.Sa kabilang banda, ang kultura ito ay sumasagisag upang maging isang tanaw na
pagka-Pilipino dahil sa daming paniniwala mula sa bawat rehiyon mahalaga na malaman at
bigyan pagkakakilanlan ito dahil ito ay simbolismo ng pagkakakilanlan at pantayong
pananaw ng isang rehiyon na nagdudulot ng isang taglay na makilala sa paraan ng imahe
sumasagisag  rito. Mga halimbawa ng kultura sa Pilipinas upang maging isang tunay na
maka-Pilipino ay ang;   bayanihan, paghaharana, pista sa bawat lugar upang makilala ang
pangunahing produkto, pagmamano at, pagsasabi ng po at opo. Isa lamang iyan sa mga
halimbawa at patunay upang mabigyan  depinisyon gayundin ang mga na sa itaas ay isang
kultura na umiikot at dumadaloy sa pagiging Pilipino. Bilang karagdagang, mahalaga na
maunawaan at maisapuso ang mga kultura mayroon sa Pilipinas dahil isa lamang uto sa mga
patunay na ito’y ating isinasa puso at binibigyang halaga ilaan ang kabuluhan nito.

Sa kabilang banda, ang isang saklaw na tumutukoy rin sa elemento ng pagka-Pilipino


ay ang mga kaugalian na dumadaloy at nakadikit sa ngalan ng pagiging isang tunay na
Pilipino. Sa daming uri ng mga kaugalian at sistematiko mayroon tayo, ito ay ating
binibigyan pamagat at layaw upang sumalamin ito sa atin. Ngunit ito ay may dalawang
konsepto ng nahahati ito ay magdudulot ng positibong imahe at negatibo dahil sa mga
paniniwala at layaw na ito ay isang kaugalian ng mga Pilipino. May katangian na ito ay
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES 3

nagdudulot ng negatibong pananaw bilang isa Pilipino na resulta ng hindi kabutihan para sa
mga dayuhan at maging sa mga Filipino. Samantala, ang mga positibong pag-uugali ay
magreresulta ng pagyabong at palalakasin nito ay pagkilala sa mga Pilipino dahil sa
katangian na magdudulot ng pagsaludo at matibay na pagkilala sa mga Pilipino.

Tulad na lamang ng mga halimbawa na nasa ibaba na nagpapakita ng negatibong pag-


uugali at positibong pag-uugali ng mga Pilipino;

Positibong pag-uugali Negatibong pag-uugali


 NingasKugon
Ang ningas kugon ay nangangahulugang sa una lang masigasig,
 Katatagan o Resilience
maganda o magaling ang isang tao sa isang gawain. Sa kalaunan
Ito na siguro ang pinakagasgas na mabuting katangian ng mga
naman ay hindi na niya ito naitutuloy o hindi niya ito natatapos.
Pilipino, dahilnapatunayan at nasubukan na natin ito sa maraming
Isipin mo na lang na ito ang katrababho mong sa una lang bibo
pagkakataon. Ang hindi pagsuko opagiging matatag at positibo sa Depinisyon
tapos kapag tumagal, puro salita namula
lang.sa:
oras ng kalamidad at ang paniniwalang makakabangon kahit anong https://www.coursehero.com/file/75793341/Positibo-at-negatibo-with-explanationdocx/
hirap ang harapin.  Filipino Time
Isa ito sa pinakamalalang sakit ng mga Pinoy. Ang tinatawag na
 Pagiging likas na matulungin
Filipino Time ay nangangahulugang pagiging wala sa tamang
Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing pinoy na likas sa ating
oras o huli. Kumbaga, kapag sinabing Filipino Time, ito ay 30
mga pilipino. Madalas,ang iba pa ang inuuna natin imbes ang sarili
minuto o higit pang huli sa totoong oras. Kung kaya’t sa mga
natin. Tayong mga Filipino ay likas namapagkawang-gawa sa
pagdiriwang sa Pilipinas, mapapansing ang oras sa imbitasyon
kapwa lalong-lano na sa mga kapus-palad at hirap sa buhay.Diyan
ay pinaaaga ng 30 minuto hanggang isang oras para siguradong
mo masusukat ang pagiging matulungin nating mga Filipino sa
makapagsimula sa nais na oras.
panahon ngkalamidad, sakuna, delubyo, at baha.
 Colonial Mentality
Ibig sabihin nito ay ang pagtangkilik sa mga bagay na bayaga.
Ang ugaling ito ay nakuha ng mga Pinoy mula sa mga
banyagang sumakop noon sa Pilipinas. Mapapansin na kalimitan
mas mababa ang tingin natin sa sariling atin kaysa sa mga bagay
na mula sa ibang bansa. Unti-unti na itong nababago ngayon at
sana patuloy nating tangkilikin ang sariling atin.

Depinisyon mula sa:https://pinoy-canada.com/10-na-ugaling-pinoy-na-dapat-


baguhin/

Ang nasa itaas ay isa lamang sa mga halimbawa na patuloy na umiiral at sumasalamin
sa ating pagka-Pilipino. Ito ay maaaring nahati sa kabutihan at hindi na nakaiimpluwensiya
sa kasalukuyan na mayroon dumadaloy sa ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.
Maraming mga iba’t-ibang lahi ang naninirahan dito at kanilang nilalayaw na sila ay isang
Pilipino dahil sa kanilang katangian na kanilang pinakita na patunay lamang na sila ay may
kaalaman at p may katibayan na sila ay Pilipino bagamat hindi lamang roon natatapos ang
pagiging isang Pilipino dahil kinakailangan na ito ay may katangian na taos pusong
sumasabay at paglilingkod bilang isa Pilipino.

Gayunpaman, ang pagiging isang maka-Pilipino ay hindi lamang natatapos sa


katangian pangkultura, wika, at iba pang aspeto kundi ito ay nangangailangan rin ng
pakikialam sa kasalukuyang pangyayari sa ating bansa sa madaling salita magkaroon ng
malasakit at sapat na kaalaman na tungkol sa usaping ekonomiya, politika at takbo ng
pangkasalukuyan.

 
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES 4

Sa katunayan, ang pagiging isang pagka-Pilipino ay may malawak na aspetong nais


ipabatid ng isang sistematiko kultura, wika, at paniniwala dahil dito mas tumitibay ang
kahulugan ng isang pagka-Pilipino na hindi lamang nagtatapos sa isang usapin at tuldok
kaya, ito ay nagdudulot ng  pagdugtong-dugtong at mas malalim pang-turing. Ang ganitong
pamagat ng usapan ay may kanya-kanyang depinisyon ngunit kahit ano pa man ang nais
ipaliwanag at nais ipabatid iisa lamang ang gustong bigyang pokus sa madaling salita iisa
lamang ang bisyon ng nais ipaliwanag at paimbabaw na mensahe ito kundi ang patibayin at
mas palawakin ang kaalaman bilang isang tunay na pagka-Pilipino na sumisimbolo sa kahit
anong aspeto ng sistematiko na umiiral sa ating bayan.

You might also like