You are on page 1of 3

April Joy Pueyo- stub code (1189)

Repleksyon at Reaksyon tungkol sa Konsepto ng Panahon sa Konteksto ng


Kulturang Filipino
Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pananaw at pag-unawa sa isang bagay,
sitwasyon, o pangyayari. Binigyang diin sa araling ito ang kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa
panahon. Tayong mga Pilipino ay may malawak na ideya sa ating katutubong sikolohiya na
naging daan upang maging mayaman ang ating kultura kung kaya’t aking natuklasan na tayo,
lalo na ang ating katutubong Pilipino, ay may sariling pagkaunawa kung paano isalin ang
konsepto ng panahon. Iningatan natin ang makabuluhang bagay na ito kaya mapa hanggang sa
ngayon ay atin itong ginagamit. Sapagkat, ito ay naging tanda na may ipinamana ang mga
katutubong Pilipino sa atin.

Aking napagtanto na ang ating wikang Filipino ay mayaman sa mga salitang may
kinalaman sa oras, at mga salawikaing na nagsasaad ng kahalagahan ng pagiging maagap at
gayundin sa paghahanda sa anumang nangyayari sa kinabukasan ng mga Pilipino. Sa mga
paksang tinalakay, ang salawikaing filipinong na may kaugnayan sa oras ay isa sa naging agaw
pansin para sa akin. Bahagi na ng panitikang Pilipino ang mga salawikain na binubuo ng mga
salitang matatalinhaga at mapalamuti. Bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan at ito ay
na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito. Maganda ang naging
impluwensiya sa atin ng mga salawikain dahil ito ay nag-iiwan ng mga aral at pilosopiya sa
bawat magbabasa. Isa sa mga salawikain na nabanggit sa araling 16 ay, “Daig ng maagap ang
masipag”, sa salawikaing ito maipapakita ang koneksyon ng Pilipino kung paano nila
maipapaliwanag ang konteksto ng panahon sa kanilang gawain na kung saan ang salawikaing ito
ay may kahulugan na may matinding pagpapahalaga sa pagiging maagap sa mga pagkakataong
dala ng pagkilos kaysa matiyaga ngunit malapagong na paggalaw sa araw-araw. Isa pang
halimbawa ng salawikain na nabanggit ay, “Munti man ay malaki kung ang panahon ay
nangyari”, ang salawikain na ito ay may kaugnayan sa panahunan na ibig sabihin ay ang oras ay
mahalaga at ang panahon ay hindi na maibabalik pa. Ang oras ang isa sa mga bagay sa mundo
na hindi mo na maaaring ibalik pa kaya nararapat lamang na planuhin ang paggamit ng oras
upang hindi masayang ito. Ang mga salawikain na nabanggit ay nakapagbigay ng karagdagang
kaalaman sa akin tungkol sa kahalagahan ng panahon o oras.

Bukod sa salawikain, ang katangiang Filipino-Polychronic ay isa sa mga gawain na


makikita mo parin mapa hanggang sa ngayon. Sa larangan ng chronemics, ang pagsasabay-
sabay ng mga ginagawa ay tinatawag na polychromic. Maraming Pilipino ay sanay na ipagsabay-
sabay ang mga gawain o “multitasking” sa Ingles. Para sa akin, ang katangiang ito ay nagsasaad
kung gaano tayo kakaiba pagdating sa paggamit ng oras o panahon. Mas gustuhin natin na
ilagay ang ating sarili sa pressure na magtrabaho sa iba’t-ibang larangan upang tayo lamang ay
magkapera. Sa maikling salita, ang mga Filipino ay gagawa ng sari-saring pagkakaaliwan upang
April Joy Pueyo- stub code (1189)

magamit ang panahong nabakante. Ang lahat ng ito ay ilang lamang halimbawa ng
pagpapatibay ng obserbasyon na ang kulturang Pinoy ay may sariling pakahulugan sa
panahon at kailangang unawain ito mula sa loob at hindi mula sa labas. Ito'y upang maiwasan
ang pagkakabuhol-buhol ng inihanay na mga pangyayari at ang di pagkakaunawaan hinggil sa
mga mensaheng may kinalaman sa panahon.

Habang ako ay nagbabasa ng araling 16, aking natutunan na ang pagiging maagap,
matalas na pakiramdam, at may matunog na panginuha sa mga bagay na itinakda ay mga
kapasidad na dala ng kinagisnang kamalayan hinggil sa panahon. Nang dahil sa mga sinasabi ng
ating katutubong Pilipino tungkol sa konspeto ng panahon, nakikita natin ang kahalagahan nito
na kung saan ang oras ang isa sa mga bagay sa mundo na hindi mo na maaaring ibalik pa kaya
nararapat lamang na planuhin ang paggamit ng oras upang hindi masayang ito. Gayunpaman,
hindi rin natin maiiwasan na may mga tao parin na hindi nakakaunawa sa kahalagahan ng oras.
April Joy Pueyo- stub code (1189)

You might also like