You are on page 1of 25

Aralin 16

Ang Konsepto ng Panahon sa


Konteksto ng Kulturang Pilipino
• “Filipino Time” vs. “American Time
• Ang Panahon sa Ating mga Interaksyon” mula sa aklat na “Pahiwatig:
Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino
( Maggay,2002) hindi nagkukulang ang mga Filipino sa pagsaalang-alang
ng oras:

• mayaman ang wikang Filipino sa mga salitang may kinalaman sa oras


• maraming mga salawikain na nagsasaad ng kahalagahan ng pagiging
maagap at paghahanda sa anumang mangyayari sa kinabukasan ng
mga Pilipino
• Maraming pagkakatong dumarating sa takdang oras ang karamihan sa
mga Pilipino;
• mas maaga pa minsan; hindi pumapalya sa pinagkasunduang usapan
• mabilis na isinasagawa at tinutupad ang takdang harapin at tapusin
Pangyayari bilang Panahon
– Pagbabago ng klima: tag-ulan, tag-init, panahon ng
mangga, panahon ng ani atbp.
– Kalagayan ng lipunan o pamahalaan: noong
panahon ng Hapon, noong umupo ang Ita bilang
kapitan del baryo atbp.
– Pagbabago sa kanilang kamalayan o pagkatao:
“noong kabataan”, “noong kalakasan” atbp.
– Ang pagdating ng mga makabagong bagay at
pamamaraan sa pamumuhay: nang magkaroon ng
elektrisidad sa baryo atbp.
• Panahon parang goma na elastiko (minsan mabilis
ang takbo ng panahon, minsan napakabagal,
kabagot-bagot) dala ng kawalan ng mga pangyayari.
• nakaangkla sa mga palatandaang labas sa mekanikal
na pag-usad ng orasan.
• Halimbawa, ang magsasaka ay hahayo na sa bukid
sa pagtilaok ng manok upang bumungkal ng lupa
bago pa sumikat ang araw. Mamahinga siya bago pa
man ang katanghalian upang maiwasan ang tindi ng
sikat ng araw. Hindi ito katamaran o pagsasayang ng
oras, ito'y pakikiayon sa daloy ng buhay, sumasakay,
nakikibagay sa ritmo ng kalikasan.
• Sa mga okasyon sa lungsod, tatawag muna at magtatanong kung sino
na ang mga dumating, kung huli na ba ito, kung nag-umpisa na at
dadating pagkaraan ng tatlumpong minuto. Marahil dahil sa pag-iisip
na hindi nagsisimula ang isang bagay dahil lamang sa pagpatak ng
oras na itinakda. Sa halip, mas matimbang na batayan ang mga
personal na elemento tulad na lamang kung sino na ang narorooon,
kung mayroon nang nangyayari, kung tunay ngang nag-umpisa o wala
pa ring nangyayari.
• Sa mga okasyon, ang hudyat na “oh sige na” dahil handa na ang lahat
ay ang pagsisimula ng programa at magtatapos lang kung kailangan
ng magtapos. Ngunit bago nito ay maraming hintayang naganap at
pakiramdaman; o di kaya'y mabilisang pagsasaayos bago
magsimula.
• Magaling ang mga Pilipino sa pabilisan, sa kara-karakang pag-agap sa
nalalapit na deydlayn. Sa nangyaring Edsa Rebolusyon, makikita ang
dagliang pagsama-sama ng puwersa ng mga Pilipino sa pagkalap ng
kagamitan na kailangan sa pagnanais na magkaisa upang labanan ang
baluktot na pamahalaan.
Mga Salitang Filipino na
Naghuhudyat ng Oras

• pag-aapura: kandarapa, rumaragasa, nagkukumahog


• mabilisang pagtugon: Karaka-raka, kagyat, dagli, kapagdakam
• “biglaan” kung mabilis ang mga pangyayari at hindi
inaasahan
• “madalian” kung naganap sa madaling panahon;
• “mabilisan” kung kinakailangan gawin sa gahol na panahon;
• “paspasan” kung wari'y nakikipaghabulan at humahaginit sa
tulin.
• Hindi lingid sa kulturang Filipino ang kababalaghang
nagagawa sa pabilisan.
Mga Salawikaing Filipinong may Kaugnayan
sa Oras
• “Daig ng maagap ang masipag” Makikita ang
matalas na pandama sa kung ano ang hinihingi
ng panahon, ang pagtatangi sa kabuluhan o
saysay ng pangyayaring nagaganap at hindi sa
kung gaano ito katagal o kailan sinimulan at
tatapusin
• “Aanhin pa ang damo kung patay na ang
kabayo?”
• “Ang mahuli sa sadsaran, baling sagwan ang
daratnan”
• “Pagkagaling-galing man at huli ay wala pa ring
mangyayari”
• “Munti man ay Malaki kung sa panahon ay
nangyari”
• May katutubong pagkamaagap at matalas na
pagdama sa panahon ang Filipino. Higit itong likas,
organiko, at akma sapagkat nakatutok sa daloy at
saysay ng mga pangyayari at hindi lamang sa
mekanikal na paggalaw ng mga kamay ng orasan.
“Wala pa, Heto na”
 

• hindi nagbibigay ng halaga ang Wikang Filipino sa


mga pandiwang panahunan. Maging Bisaya, Tagalog,
Ilokano man, ang sinasabing pinagkakaabalahan ay
hindi ang panahunan, kundi ang isang aksyon, kung
tapos o di tapos, naganap na o hindi pa
• “na” at “pa”na mga palatandaan ay nadiriin kung ang
isang bagay ay nagawa na o kasalukuyan pang
ginaganap. “I am done” o “I am finished”. Kailangang
may dugtong na “already” gaya ng “I am done
already”
• Hindi sapat na nakaiskedyul ang isang gawain upang
ipatupad. Ang pagpaliban nito ay hindi
nangangahulugang mañana habit, kundi hinunuha
na baka hindi pa napapanahon. Ang pagsabi ng
“saka na” ay nangangahulugang “Maghintay muna
tayo ng tamang panahon” at di pagpapabukas
kaagad.
• Ang ningas kogon ay sanhi ng pagdama sa mga
pagbabago ng mga palatandaan sa pag-inog ng
panahon. Bigay-todo sa simula dahil panahon na
upang bigyan ng pansin. Kung ito'y napapabayaan na
sa bandang huli, dahil sa itinuturing itong hindi na
mahalaga o angkop sa tawag ng panahon.
• Ang mga Filipino ay mabilis sumakay sa anumang pagbabago
sa mga plano o lumihis sa mga itinakdang isasagawa. Hindi
nabibigla o nababalisa kung may di inaasahang pangyayari
na mag-aantala sa mga nakasalang programa dahil
nakaakma ang kamalayan sa daloy ng mga pangyayari.
•   “flexible” o hindi natitinag o nababahala sa biglaang
pagsulpot ng mga pangyayari.
• pabago-bago ang isip ng ilan sa pagdalo sa mga imbitasyon.
• Minsan ang isang organisasayon ay tatawagan pa ang
inimbatahan upang kumpirmahin kung dadating o hindi kahit
may pasabi ng “oo” sa umpisa. Inaakala na marami pa ang
mga pangyayaring di inaasahan na namamagitan mula sa
panahon ng magsabi ng “oo” hanggang sa pagdating ng
itinakdang panahon
• Sanay maghintay ang Filipino, mahaba ang
pisi nito sa puwang na nasa pagitan ng
pagsisimula at pagtatapos. Pag-aantabay at
pag-asam na ipinapahiwatig sa pamamagitan
ng katagang “pa”.
• Kung maunawaan ang kulturang napapaloob
dito, masasabing bunga ito ng pag-aantabay
sa pamumukadkad ng mga ipinunlang binhi.
Katangiang Filipino- Polychronic
 
• Sa larangan ng chronemics,
• Polychronic- ang pagsasabay-sabay ng mga ginagawa
• Monochronic- ang linear o paisa-isang paghahanay ng mga gawain
• Halimbawa ang isang tindera sa palengke na hati ang atensyon sa iba't ibang
ginagawa. Makikita din ito sa mga naglalakad sa daan na may kakayahang
tumugon sa sanib-sanib na hinihingi ng pagkakataon. Maya-maya'y kakawa'y
sa kaibigang dumaan, hihinto at makipagkwentuhan muna sa mga
nakasalubong, makikikumusta sa isa pang kaibigang naispatang dumaan,
babalik sa pakikipag-usap sa katabi, daraan sandali sa tindahan at bibili,
makipag-usap muli, at saka lamang hahayo sa patutunguhan. Minsan
tinitingnang bastos ang ganitong kakulitan at pagpapalit ng atensyon ng mga
di nakakaunawa ng kulturang Pinoy. Hindi raw marunong pumila, nag-
uunahan at nagsisiksikan, hindi taimtim sa pakikinig; walang pagpapahalaga
sa kinakausap sapagkat hindi nakatuon at kung ano-ano ang pinag-uukulan
ng pansin pansamantala. Hindi nauunawaan na ang mga bagay na ito'y dala
ng pagka-polychronic ng mga Filipino, ang kasanayang umantabay sa iba't
ibang pangyayari sa loob ng iisang sukat ng panahon.
• Masasabi ring ito ang dahilan kung bakit ang
mga Filipino ay hindi nakakaramdam ng inip
sa paghihintay at hindi natitinag kung
mabago mang bigla ang nakatakdang
gagawin. Marami pang nagagawa ito sa
paghihintay tulad ng pagpunta sa grocery
store, mag-ayos muna, magbasa ng libro at iba
pang pagkakaaliwan. Sa maikling salita, ang
Filipino ay gagawa ng sari-saring
pagkakaaliwan upang magamit ang
panahong nabakante.
Kaganapan at Hindi Kailan
 

• Bukod sa nabanggit na pagka-polychronic ay ang


paghahalo-halo ng panahunan: halimbawa, “Bukas
aalis na ako”. Ang kinabukasan at ang nakaraan ay
karaniwang pinagtatagpo-tagpo sa isang
pangungusap.
• Tulad sa halimbawa, ang gagawing paglalakbay sa
kinabukasan ay isinasaad sa kaganapan nito. Sa
pamamagitan ng katagang “na” nadiriin na ang
napipintong pag-alis ay magaganap na, nariyan na,
at wari'y mangyaring magmadali kung anumang
paghahanda ang gagawin para dito.
• “saka na”- ipagpaliban sa kinabukasan
• “saka pa”- ipinagpaliban hanggang natapos na ang
lahat at nahuli
• “ngayon pa”- huli na sa ngayon; di bale na
• “bukas pa”- sa malayo-layo pang hinaharap
• “bukas na”- sa nalalapit na hinaharap
• “Kanina pa”- nakalipas o nakaraan na
• “Kani-kanina”- pansumandali pa lang; kalilipas o
kararaan lang
• “Noon pa”- matagal nang panahon ang nakaraan
• “Noong noon pa”- napakatagal nang panahon ang
nakakaraan
• ang pansin sa kaganapan, sa panghihinayang o
matinding pagkadama ng nakaraang panahon at
pagkakataon.
• Gayundin ang “na” sa “saka na” ay nagsasaad ng
pagliliban sa hinaharap; samantalang ang gamit nito
sa “ngayon na” ay bilang panggigiit na panahon na
upang isagawa o harapin ang nararapat gawin.
Maliwanag ang ganitong pagsasalungat ng tinutukoy
na panahunan sa dalawang pakahulugan sa “bukas
na”; ang isa ay “nagbabadya” na darating na ang
bukas at kailangang ito'y paghandaan; ang isa naman
ay “ipinagpapaliban” sa kinabukasan ang isang bagay
sa kasalukuyan.
• Sa Tagalog ang inaasam na pangyayari ay
makikita sa mga salitang- sandali, teka, hintay,
parating na, malapit na, mamaya pa/na (pag-
aantabay) samantalang ang kaganapan o
pagsapit at idiniin at minamarkahan ng nariyan
na, heto na (pag-agap sa magaganap). Ang mga
ganitong linggwistikang katangian ay senyal na sa
pananaw, mahalaga ang panahon ng kaganapan
at hindi ang oras kung kalian ito naganap.
Malakas ang tensyon sa pagitan ng “now” at
“not yet”, ang “naririto na” sa kasalukuyan at
ang “parating pa” lang sa kinabukasan.
• Madalas ay di tiyak at lihis ang pagtatantiya ng oras; gayundin sa
pagbibigay ng direksyon,
• halimbawa: “nariyan lang” o “malapit lang” kahit na ilang bundok
pa ang aakyatin o batis na tatawirin.
• Ang “alas-nuebe” ay maaring isang buong umaga. Ang ganitong di
katiyakan ay gawa din sa pagkakatuon sa kaganapan o daloy ng
pangyayari.
• Madalas ginagamit ang “kanina”, “kamakailan”, “kamakalawa”, o
“noon” para sa mga bagay na nakaraan na;
• “samakalawa”, “bukas”, “mamaya” para sa mangyayari sa
hinaharap. Walang matinding pangangailangan na sabihin nang
tiyak kung kailan naganap ito.
• Ang mahalaga ay tapos na ito o bukas pa. At dahil nakatuon ang
atensyon sa pangyayaring nagaganap, hindi istandardisado ang
pagbibilang ng panahong lumipas.
• Maaaring sa kamalayan ang isang bahagi ng panahon ay mahaba
o maikli, mabilis o makupad, depende sa ginagamit na sukatan.
• Sa mga Bisaya at Tagalog, ginagamit ang mga salita sa
umaagos na panahon:
• Tigburugtu- alas-kwatro ng umaga; madaling-araw-
agaw-dilim ang liwanag Bukang-liwayway- mga
bandang alas-singko ng umaga; sumilip na ang araw
• Paranugpu- alas-seis ng umaga; oras ng
pagpapagaspas ng pakpak ng mga manok
• Kasikatang-araw- bandang alas-diyes ng umaga
• Tig-ilitlog- malapit na sa katanghalian; oras ng
pangingitlog ng mga manok Tupung-tupung-
tanghaling tapat, kainitan ng araw
• Ituyug-kulaw- alas-dos ng hapon
• Tigbalahug- alas-kwatro ng hapon; oras ng
pagpapakain sa mga baboy Dapithapon- mga alas-
singko ng hapon; umpisa ng paglubog ng araw
Masinum- alas-seis ng gabi; lubog na ang araw
• Takipsilim- pag-aagaw ng liwanag at dilim Gabi-
madilim na
• Tig-iyapun- alas-otso ng gabi, oras ng hapunan
• Tig-baranig- alas-diyes ng gabi; oras ng paglalatag
ng banig Nang pamalu- hatinggabi o kalaliman ng
gabi
– Sapagkat karamihan sa naninirahan sa mga bukirin,
malakas pa rin ang pandama sa mga palatandaang
mababasa sa mga pagbabago sa kalikasan, halimbawa:
“pagtilaok ng manok”, “pagputi ng uwak”, “nang
lumindol”, “nang dumaan ang Yolanda”

– Halos lahat ng Filipino, tagalungsod man o taganayon


ay sumusunod sa takbo ng pangyayari:
“noong peace time”, “panahon ng Hapon noon”,
“panahon ng liberation”, “noong nagkakaroon ng
pagpapatubig dito”, “kapag nakatapos na sa pakikigapas
si Boy”, “paminsan-minsan kapag may pagkakataon”.
•  
“How's your day?”
• Dahil dito ay hindi maigting ang pagkatali sa
kamalayan sa pagsisimula at pagtatapos ng
araw. Marami ang bihirang magsuri kung ano
ang nagawa sa pagtatapos ng araw; ang
mahalaga'y walang gusot at masaya o naging
kaaya-aya. Hindi naging interesado sa
pagsasara, sa pakikiramdam na lumipas na
naman ang isang araw at ano ba ang nagawa.
• Pabago-bago ang sukatan, at ayon sa mga pagkakataong
nagbigay-bunga sa pagkahuli o pagkaantala, maaari itong
patawarin o pagbigyan.

• Ang mga hangganan hinggil sa kung hanggang kalian


maghihintay o kung gaano katagal maaaring magpahuli nang
hindi nang-iinsulto sa kapwa ay palaging ayon sa bigat ng
kadahilanan na dala ng pagkakaton. “Natrapik ako”, “Baha sa
amin”, “Brownout kasi kaya hindi ko nagawa” ay ilan sa
kadahilanang iniinda dahil batid na sa maraming sitwasyon
dito sa bansa ay wala po tayong kontrol o kapangyarihan.
• May mga pamantayan ng pakikisalamuha sa lipunan na
nagsasabing ang pagkahuli ay tanda ng pagsaalang-alang sa
kapwa.
• Halimbawa, marami ang sadyang nagpapahuli sa pagpunta
sa handaan at baka sabihing sila ay sabik o gutom, o kaya'y
hindi pa handa ang maybahay (Mendez, 1976).
• Ang lahat ng ito ay ilang lamang halimbawa ng pagpapatibay
ng obserbasyon na ang kulturang Pinoy ay may sariling
pakahulugan sa panahon at kailangang unawain ito mula
sa loob at hindi mula sa labas. Ito'y upang maiwasan ang
pagkakabuhol-buhol ng inihanay na mga pangyayari at ang
di pagkakaunawaan hinggil sa mga mensaheng may
kinalaman sa panahon.

You might also like