You are on page 1of 29

Aralin 15

MGA SALITA SA FILIPINO


NA WALANG TIYAK NA TUMBAS SA INGLES
Ang Filipino na kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas at
opisyal na wika (de jure at de facto) ay may kanya ring
natatanging kakanyahan. Isa sa mga nakakatawag pansin sa
wikang ito ay ang mga salitang ginagamit ng masang Pilipino sa
kanilang pang-araw-araw na pakikihalubilo sa kapwa Pilipino o
dayo.
. Makikitasa mga salitang ito o pahayag kung paano ang isang Pilipino
mag-isip, magdamdam, magpahayag ng sariling perspektibo sa mga
bagay-bagay na nakapaligid sa kanya. Ang mga salita o pahayag na ito
ay may malaking kaugnayan sa mga paniniwala, at sariling persepsyon
ng bawat Pilipino sa isang sitwasyon o sa isang tao
Ilan sa mga salitang Filipino na walang tiyak na tumbas sa Ingles ay
makikita sa ibaba:

-Basta, ewan , baduy, panghi, umay, baldog at iba pa.


Aralin 16

ANG KONSEPTO NG PANAHON


SA KONTEKSTO NG KULTURANG FILIPINO
““American Time” at Filipino Time ”
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Maggay (2002), napag-
alamang hindi nagkukulang ang mga Filipino sa
pagsasaalang-alang ng oras. Idinagdag niya na mayaman
ang wikang Filipino sa mga salitang may kinalaman sa
oras, at maraming mga salawikain na nagsasaad ng kahalagahan
ng pagiging maagap at paghahanda sa anumang mangyayari sa
kinabukasan ng mga Pilipino. Maraming pagkakatong dumarating
sa takdang oras ang karamihan sa mga Pilipino; mas maaga pa
minsan; hindi pumapalya sa pinagkasunduang usapan, at mabilis
na isinasagawa at tinutupad ang takdang harapin at tapusin.
Pangyayari bilang Panahon

Ayon sa pag-aaral ni Henson (1978, sa Maggay, 2002)


sa Tiaong, Quezon sa konsepto ng panahon, napag-
alaman na ang panahon ay winawari ayon sa sari-
saring pangyayari at hindi ayon sa pormal at
unipormeng sukat ng paglakad ng orasan. Ang
panahon sa mga taganayon ay tumatakbo alinsunod
sa mga pangyayaring nagaganap.
 
Ang mga palatandaan para rito ay:
 
a. Pagbabago ng klima- (tag-ulan, tag-init, panahon ng mangga,
panahon ng ani atbp.)
b. Kalagayan ng lipunan o pamahalaan- (noong panahon ng Hapon,
noong umupo ang Ita bilang kapitan del baryo atbp.)
c. Pagbabago sa kanilang kamalayan o pagkatao- (“noong kabataan”,
“noong kalakasan” atbp.)
d. Ang pagdating ng mga makabagong bagay at pamamaraan sa
pamumuhay-
(nang magkaroon ng elektrisidad sa baryo atbp.)
 
Mga Salitang Filipino na Naghuhudyat ng Oras

May mga salitang nagsasaad ng pag-aapura upang maabutan


o masakyan ang bilis ng mga nagbabantang pangyayari tulad
ng: kandarapa, rumaragasa, nagkukumahog.
May mga salitang nagsasaad ng pag-aapura upang maabutan o
masakyan ang bilis ng mga nagbabantang pangyayari tulad ng:
kandarapa, rumaragasa, nagkukumahog.
salitang nagpapahayag ng kahandaang tumalima sa anumang bagay na
nangangailangan ng mabilisang pagtugon. Halimbawa: Karaka-raka, kagyat,
dagli, kapagdakam.

Sinasabing ang isang bagay ay


“biglaan” - mabilis ang mga pangyayari at hindi inaasahan
“madalian” - kung naganap sa madaling panahon;
“mabilisan”- kung kinakailangan gawin sa gahol na
panahon; at
“paspasan”- kung wari'y nakikipaghabulan at humahaginit
sa tulin
- Hindi lingid sa kulturang Filipino ang kababalaghang
nagagawa sa pabilisan.
Mga Salawikaing Filipinong may Kaugnayan sa
Oras

Daig ng maagap ang masipag” -nagpapahalaga sa pagagap ng


pagkakatong dala ng pagkilos sa panahon kaysa matiyaga


ngunit malapagong na paggalaw sa araw-araw.

 Kung maliligo ka'y sa tubig aagap ng hindi ng tabsing sa


dagat- matalas na pandama sa kung ano ang hinihingi ng
panahon, ang pagtatangi sa kabuluhan o saysay ng
pangyayaring nagaganap at hindi sa kung gaano ito katagal o
“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?”
- malinaw na nagpapahalaga sa pagsunod sa hinihingi ng
pagkakataon.
- agapan ang anumang hampas ng itinakda ng panahon, ito'y
higit na pinapahalagahan kaysa pagbibilang ng oras.
 
“Wala pa, Heto na”

Sa pamamagitan ng palatandaan na gaya ng “na” at


“pa”, nadiriin kung ang isang bagay ay nagawa na o
kasalukuyan pang ginaganap. Mahalaga ang kaganapan
ng pangyayari at hindi kung ginagawa ang isang
pangyayari
“saka na” ay nangangahulugang “Maghintay muna tayo ng
tamang panahon” at di pagpapabukas kaagad.

Ningas kogon –ay sanhi ng pagdama sa mga pagbabago ng


mga palatandaan sa pag-inog ng panahon. Bigay-todo sa
simula dahil panahon na upang bigyan ng pansin. Kung
ito'y napapabayaan na sa bandang huli, dahil sa itinuturing
itong hindi na mahalaga o angkop sa tawag ng panahon.
Napupuna na ang mga Pilipino ay “flexible”
- hindi natitinag o nababahala sa biglaang pagsulpot ng mga
pangyayari.
- ito rin ang dahilan kung bakit pabago-bago ang isip ng ilan sa
pagdalo sa mga imbitasyon.
- minsan ang isang organisasayon ay tatawagan pa ang
inimbatahan upang kumpirmahin kung dadating o hindi
kahit may pasabi ng “oo” sa umpisa.
- Inaakala na marami pa ang mga pangyayaring di inaasahan
na namamagitan mula sa panahon ng magsabi ng “oo”
hanggang sa pagdating ng itinakdang panahon.
Katangiang Filipino- Polychronic
- Sa larangan ng chronemics, ang pagsasabay-sabay ng mga
ginagawa ay tinatawag na polychromic
Halimbawa ang isang tindera sa palengke na hati ang atensyon
sa iba't ibang ginagawa.
- ito ang dahilan kung bakit ang mga Filipino ay hindi
nakakaramdam ng inip sa paghihintay at hindi natitinag kung
mabago mang bigla ang nakatakdang gagawin.
-Marami pang nagagawa ito sa paghihintay tulad ng
pagpunta sa grocery store, mag-ayos muna,
magbasa ng libro at iba pang pagkakaaliwan.

- Sa maikling salita, ang Filipino ay gagawa ng sari-


saring pagkakaaliwan upang magamit ang
panahong nabakante.
 
Ang linear o paisa-isang paghahanay ng
mga gawain ay tinatawag na
monochronic.
Kaganapan at Hindi Kailan

saka na”- ipagpaliban sa kinabukasan


“saka pa”- ipinagpaliban hanggang natapos na ang lahat
at nahuli
“ngayon pa”- huli na sa ngayon; di bale na
“bukas pa”- sa malayo-layo pang hinaharap
“bukas na”- sa nalalapit na hinaharap
“Kanina pa”- nakalipas o nakaraan na
“Kani-kanina”- pansumandali pa lang; kalilipas o
kararaan lang
“Noon pa”- matagal nang panahon ang nakaraan
“Noong noon pa”- napakatagal nang panahon ang
nakakaraan
 
Mapapansin na ang gamit ng “pa” sa “saka pa” ,
“ngayon pa” at “kanina pa” ay upang itampok ang
paglipas ng pagkakataon o ng tamang panahon sa
pagsasagawa ng isang bagay. Hindi alintana kung
ang panahunan nito ay sa kasalukuyan (ngayon), sa
nakaraan (kanina) o sa kahuli-hulihan (saka).
Ang mga Filipino noong unang panahon ay nagbibilang ng oras
ayon sa posisyon at init ng araw. Nahuhulaan nila nang tiyak at
masinop ang takbo ng oras sa isang araw kahit walang orasan. Sa
mga Bisaya at Tagalog halimbawa, ginagamit ang ganitong mga
salita sa umaagos na panahon:
Tigburugtu- alas-kwatro ng umaga;
madaling-araw-agaw-dilim ang liwanag
Bukang-liwayway- mga bandang alas-singko ng umaga;

sumilip na ang araw


Paranugpu- alas-seis ng umaga; oras ng pagpapagaspas ng
pakpak ng mga manok
Kasikatang-araw- bandang alas-diyes ng umaga
Tig-ilitlog- malapit na sa katanghalian; oras ng
pangingitlog ng mga manok
Tupung-tupung- tanghaling tapat, kainitan ng araw
Ituyug-kulaw- alas-dos ng hapon
Tigbalahug- alas-kwatro ng hapon; oras ng
pagpapakain sa mga baboy
Dapithapon- mga alas-singko ng hapon;
umpisa ng paglubog ng araw
Masinum- alas-seis ng gabi; lubog na ang araw
Takipsilim- pag-aagaw ng liwanag at dilim
Gabi- madilim na
Tig-iyapun-
hapunan alas-otso ng gabi, oras ng
Tig-baranig- alas-diyes ng gabi; oras ng paglalatag
ng banig
Nang pamalu- hatinggabi o kalaliman ng gabi
- Halos lahat ng Filipino, tagalungsod man o taganayon ay
sumusunod sa takbo ng pangyayari: “noong peace time”, “
panahon ng Hapon noon”,“panahon ng liberation”,
“noong nagkakaroon ng pagpapatubig dito”,
“kapag nakatapos na sa pakikigapas si Boy”, “paminsan-
minsan kapag may pagkakataon”.
Pabago-bago ang sukatan, at ayon sa mga
pagkakatong nagbigay-bunga sa pagkahuli o
pagkaantala, maaari itong patawarin o pagbigyan.
Ang mga hangganan hinggil sa kung hanggang
kalian maghihintay o kung gaano katagal maaaring
magpahuli nang hindi nang-iinsulto sa kapwa ay
palaging ayon sa bigat ng kadahilanan na dala ng
pagkakaton

You might also like