You are on page 1of 14

ARALIN 12- REHISTRO NG WIKA

- ginagamit ang rehister sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa


mga gumagamit nito.
- barayti na kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
HALIMBAWA:

Propesyon: 1. Doktor: Pasyente, preskripsyon


Guro: mag-aaral, lesson plan
Pulis: kaso, suspek
Abogado: kliyente, akusado
Piloto: eroplano, pasahero
TATLONG DIMENSYON NG REHISTER NG WIKA

Field – nakaukol layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.


-Ito ang paksa ng kabanata.
-Anong paksa ang pinag-usapan.
Mode – paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon,
pasalita o pasulat.
-Paraan o paano nag-uusap ang dalawang tao.
-Sa pasulat mas pormal ang mga salita, sumusunod sa mekaniks ng
pagsulat, gumagamit ng bantas sa pagsulat. Kung pasalita maaaring
nangangatwiran, may pagkamagalang, nagliligawan, nag-aaway, balita,
showbiz.
Tenor – ayon ito sa relasyon ng mga kalahok.
-Nangangahulugan kung para kanino ito.
-Sino ang kausap o tagapakinig.
Minsan, sa halip na tawaging tenor, ginagamit ang “style”, pero
iniiwasan ang pagtawag nang ganito dahil sa pangkalahatan, ginagamit
ang style sa pagtukoy sa rehistro.
REGISTER BILANG BARAYTI NG WIKA

-Ang register ng wika ay tumutukoy sa mga espesyalisadong mga salita na ginagamit


ng isang partikular na domeyn o gawain.
-Isang espisipikong bokabularyo at/ o balarila ng isang akitibidad o propesyon. Ito ay
set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na
maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o pangkat o ang hindi
pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan. Ginagamit ang
rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit (Halliday, Mclntosh &
Stevens, 1994).
IBA'T IBANG GAWAIN SAPAGSASALITA

Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uunay ng kanyang


sarili sa ibang tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan (Halliday,
Mclntosh & Stevents, 1994).

PAKIKIPAG-USAP
Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita ay tinatawag na
pakikipag-usap. Ito ay isang masining na paraan ng pakikipagtalastasan.
MGA DAPAT UGALIIN SA PAKIKIPAG-USAP

Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap


Iwasan ang panghihiya sa kausap
Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap
Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap

Pamantayan ng isang Usapan


PAMANTAYAN NG ISANG USAPAN

Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon


ng kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng
berbal o senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahayag ng
saloobin o damdamin na kung saan ay nakaapekto sa kilos o gawi,
sikolohikal, kaalaman at damdamin ng mga partikular na kalahok.
GAWI NG PAGSASALITA

--Produksiyon ng mga tunog ng pananalita na idinaan sa mas magandang paraan


para magbunga ng mas makahulugan na pananalita.

1. Ang Kumakatawan - kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa pag-iba
ng mga antas patungo sa tamang proposisyon na dapat nilang sinabi; panunumpa,
paniniwala at pag-uulat.
Halimbawa: Ipinangako ko na aking pagbubutihin ang aking pag-aaral sa darating na
pasukan.
2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa
paghimok sa mga tagapakinig na gumawa ng kahit na ano; mag-utos,
makiusap, makipagtalo.

Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking ipinagagawa at huwag ka nang


magtanong ng ano pa man.
3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng
alinmang pag-iba sa mga antas patungo sa aksiyon; mangako, sumumpa o
mga gawain.

Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong
ipagawa.
4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na baguhin ang
estado ng mga gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng
pagpasasalita.

Halimbawa: Ipinababatid ko sa inyong lahat na ang sinumam ang lumabag


sa aking batas ay magkakamit ng parusa.
5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang
pag- uugali; pagbati o paghingi ng paumanhin.

Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at akin


naming pinagbigyan.

You might also like