You are on page 1of 3

Mga Uri ng Komunikasyon na Di Berbal:

1. Mga Ekspresyon ng Mukha - Ngiti, kunot-noo, pagtaas ng kilay, Mga ekspresyon ng


takot, galit, kaligayahan, at iba pa
2. Galaw ng Katawan at Postura - Pagtango o pag-iling ng ulo, pagkakatayo o pag-upo na
may kumpiyansa
3. Kontak ng Mata - Direktang kontak ng mata bilang respeto at atensyon, iwasan ang
kontak ng mata bilang senyales ng kawalan ng kumpiyansa o discomfort
4. Mga Gesture - Pagkaway, pagturo, thumbs up/down
5. Espasyo at Distansya - Personal na espasyo vs pampublikong espasyo.
6. Mga Simboliko na Komunikasyon - Mga simbolo, kulay, at disenyo na nagpapahiwatig
ng mga mensahe.
7. Tono ng Boses - Ang tono, lakas, bilis, at intonasyon ng boses na nagpapahiwatig ng iba't
ibang emosyon at intension.

Antas ng Komunikasyon
Intrapersonal
Ito ay ang pakikipagusap sa sarili. Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika. Ito’y
ntumutukoy sa pag-usap ng indibidwal katulad lamang sa replektibong pag-iisip, pakikinig sa
sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.

Interpersonal
pakikipagusap sa ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang indibidwal
tungkol sa iba’t-ibang mga paksa.

Pampubliko
pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang mga politiko na nagkaroon ng
talumpati sa madla

Pangmasa
Katulad lamang ito ng pampubliko, subalit ito’y mayroong mas malawak na sakop.
Halimbawa nito ay ang SONA ng presidente.

Pangorganisasyon
Ito’y komunikasyong nagaganap sa loob ng isang grupo o pangkat.

Pangkultura
Dito natin makikita ang komunikasyon tungkol sa kultura

Pangkaunlaran
ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng
wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang konsiderasyon upang matiyak na
magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na
tinalakay sa mga sumusunod na talata.

1. Setting. (saan nag-uusap?)


Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-
alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng
pagsasalita ay nag- iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan.

2. Participants (sino ang kausap, nag-uusap?)


Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali,
katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang
kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng
pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap.

3. End (ano ang layunin ng usapan?)


Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa
pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos,
pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng
damdamin, pangangarap o paglikha.

4. Acts Sequence (paano ang takbo ng pag-uusap?)


Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa,
sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang himig ng usapan at takbo ng
pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang pinagtatalunan maaaring
magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away.

5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?)


Kung pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang
iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang
paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?

6. Instrumentalities (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?)


Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon.
Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa
isang mensahe, Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado
natin ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.
7. Norms (ano ang paksa ng usapan?)
Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. May mga paksang
eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin.
Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang
eksklusibo sa mga babae kung paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok
sa mga talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.

8. Genre (ano ang uri ng pagpapahayag?)


Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito,
isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang
pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman
niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari
at damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag kung
ang nais nito ay magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang
layunin niya ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at
paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag.

Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan


sa paggamit ng wika upang makapagpahayag nang mabisa at malugnay ang sarili sa kanyang
paligid. Dapat malinang ang kasanayangumunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at
kahusayang magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatidsa paraang angkop, tumpak, at
katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan.

You might also like