You are on page 1of 13

PAGBABALIK

SA MGA
TULDIK
Tuldik o Asento
“PASO” (Páso, Pasó, Pasò, Pasô)

Sa balarila, pinasok ni Lope K. Santos ang


tatlong tuldik bilang sagisag sa mga
paraan ng pagbikas.

1. Tuldik Pahilis (‘) na ginagamit para sa


mga salitang mabilis.
2. Tuldik Paiwa(`) na ginagamit para sa
salitang malumi.
3. Tuldik Pakupya (^) para sa salitang
maragsa.
Balatkayó ay mabilis sa panahon ni
Balagtas ngunit ngayon ay maragsa na
ang bigkas: Balatkayô

Bakâ (hindi tiyak) ay maragsa ngunit


binibigkas ng mga estudyante sa
Maynila na malumi: “Bakà.”

• Kíta ay malumay ngunit


napagkakamalang malumi (“kità”)
kayâ lumilitaw ang aberasyong gaya
ng “kitain” sa halip na kitáhin
Isang Anyo, Iba-Ibang Bigkas

• layà (malumi) ay unang ginamit


noong 1882 ni Marcelo H. del Pilar
bílang katumbas ng libertad sa
Espanyo
• láya (malumay) sa Bikol at
Kabisayaan na isang uri ng lambat na
pangisda
• layá (mabilis) ng Ilokano na
tumutukoy na halamang-ugat na lúya
ng mga Tagalog
• layâ (maragsa) sa Kabisayaan na
tumutukoy sa layak at mga tuyong
dahon at tangkay, at sa pang-uring
layâ (maragsa) na ilahas para sa mga
Tagalog at lantá para sa Kabisayaan
• páli—Sinaunang Tagalog para sa
pagpapalitan ng katatawanan.
• palí—Ivatan para sa pagpulpol ng
dulo.
• palì—Kapampangan para sa init o
alab.
• palî—Tagalog para sa organo sa
tabi ng bituka, spleen sa Ingles.
Dagdag na mga Gamit ng Pahilis

May diksiyonaryong nagsasagawa na ng


sumusunod na gamit sa tuldik pahilis

1) Tuldik sa salitang malumay at


iminamarka sa itaas ng patinig bago ang
hulíng pantig;
2) Ikalawang tuldik sa mahabang salita;
3) Tuldik sa unlaping ma-(na-) na
nagpapahayag ng hindi sinasadyang
kilos o pangyayari;
4) Panlinaw na tuldik sa salitang mabilis na
may tuldik patuldok
Tuldikan Kahit Malumay

Ipinapayo para sa maingat na pagsulat at


pagbigkas ang pagmamarka ng pahilis kahit sa
salitang malumay

húli—paraan upang mawalan ng layang


kumilos ang isang tao o bagay
hulí—hindi nakarating o nakatapos sa oras
níto—katapat ng patuná sa Ilokano
nitó—panghalip na pamatlig sa kaukulang paari
na tumutukoy sa tao, bagay, o pangyayaring
nagtataglay ng anumang katangiang
ipinahahayag ng nagsasalita malapit sa kaniya
píli—malaki-laking punongkahoy na may
makinis at madaling matanggal na balat
pilì—hirang o paghirang para sa isang gawain o
tungkulin
“Ma-” na May Pahilis

Mahalaga rin ang dagdag na markang


pahilis para sa unlaping ma- (na-) na
nagpapahayag ng kilos o pangyayaring
hindi sinasadya at upang maibukod ito
sa kahawig ng baybay ngunit ibang
bahagi ng pangungusap.

• Halimbawa:
• mádulás (naaksidenteng nabuwal)
na iba sa pang-uring madulás;
• nápatáy (hindi sinasadyang nabaril o
nasaksak) na iba sa pandiwang
• namatáy. máhulí (hindi umabot sa
takdang panahon)
• máhúli (mábihag ang tumatakas)
Dagdag na Gamit ng Pakupya
May eksperimento ngayon na gamitin
itong simbolo sa impit na tunog sa loob
ng isang salita na nagaganap sa Bikol at
mga wika sa Cordillera

• lî-muhen (Tiboli) ibong nagbibigay ng


babala ang huni
• tî-sing (Tiboli) singsing
• bû-ngaw (Bikol) bangin, na iba sa búngaw,
• Bikol din para sa sakit na luslós.
• kasâ-lan (Bikol) kasalanan
• bâ-go (Bikol) bágo
• hû-lung (Ifugaw) patibong sa daga
• mâ-kes (Ibaloy) pagbatì
• pê-shit (Ibaloy) isang seremonyang
panrelihiyon na may kantahan at sayawan
• sâ-bot (Ibaloy) dayuhan
Tuldik Patuldok
Tinawag itong tuldik patuldók at kahawig
ng umlaut o dieresis (¨) na tila kambal na
tuldok sa ibabaw ng patinig.
Narito ang ilang halimbawa:

• wën (Ilokano) katapat ng oo


• kën (Ilokano) katapat ng din/rin
• këtkët (Pangasinan) katapat ng kagat
• silëw (Pangasinan) katapat ng ilaw
• utëk (Pangasinan) katapat ng utak
• panagbënga (Kankanay) panahon ng
pamumulaklak
• tëlo (Mëranaw) katapat ng tatlo
• matëy (Mëranaw) katapat ng matagal
• tëngel (Mëranaw) katapat ng sampal
• sëlëd (Kinaray-a) katapat ng loob
• yuhëm (Kinaray-a) katapat ng ngiti
• gërët (Kuyonon) katapat ng hiwa
Mabilis na Tuldik Patuldok
Bílang dagdag na panlinaw sa bigkas ng
salitang may tuldik patuldok,
iminumungkahi ang paglagay ng tuldik
pahilis kung mabilis ang bigkas. Sa
kasong ito, ang tuldik pahilis ay mailalagay
sa dulo ng salita na ang dulong pantig ay
may schwa.

• aampakálingë´ (Ayta Mag-Antsi) bingi


• ëmët´ (Agutaynen) pisngi
• erënëmën´ (Kuyonon) alak
• magayën´ (Tagbanwa) maganda
marahët´ (Ivatan) masama
Thank You!

You might also like