You are on page 1of 29

MGA PILING SANAYSAY

Ang KODIGO ni KALANTIAW


José María Pavón y Araguro

Sa mga aklat ng kasaysayan ng pilipinas, si kalantiaw ay isang datu na naghari sa


isla ng negros noong 1433. Sinasabing si Kalantiaw ang kauna-unahang datu na
nagpatupad sa kauna-unahang listahan ng batas na pinangalanang "kodigo ni kalantiaw."
ang mga kodigong ito ay nakilala sa kanilang karahasan sa pagparusa at magkakasalungat
na batas at kaparusahan. Isa sa mga batas...
"ang sinumang pumatay, magnakaw o manakit ng nakatatanda ay maaring
parusahan ng kamatayan. ang sinumang mahatulan na maysala ay maaring
bitayin sa pamamagitan ng pagtali sa kanya sa malaking piraso ng bato at
paglunod sa ilog o sa kumukulong tubig."

Noong 1968, ibinunyag ni william henry scott, isang dalubhasa sa kasaysayan ng


pilipinas, na si kalantiaw ay isang panlililang na nilikha ng isang prayleng nag-
ngangalang jose maria pavon.

ILANG MGA BATAS SA KODIGO NI KALANTIAW


1. Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi
makasusunod ay itatali sa bato ay lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig.

2. Kailangan magbayad ng utang sa tamang


oras. Ang hindi makasusunod sa unang
pagkakataon aylalatiguhin ng isang daang
beses. At kung ang pagkakautang ay malaki,
ilulublob ang kanyangkamay sa kumukulong
tubig ng tatlong beses. At kung hindi talaga
makababayad ay bubugbuginhanggang sa mamatay.

1
3. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng asawang napakabata. Hindi rin dapat
mag-asawang higit sa kayang tustusan. Ang lalabag sa unang pagkakataon ay
kailangan lumangoy ng tatlongoras at sa ikalawa, lalatiguhin ng may tinik hanggang
mamatay.

4. Bawal gambalain ang katahimikan ng mga namatay. Dapat silang igalang habang
dumadaan sakuweba o puno kung nasaan sila. Ang hindi makakasusunod ay
ipapakagat sa langgam olalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay.

5. Ang pagpapalitan ng pagkain dapat ay patas at matapat. Ang hindi tumupad ay


lalatiguhin ng isang oras. Ang umulit sa di pagtupad ay ipapakagat sa langgam sa
loob ng isang araw.

6. Dapat sambahin ang kagalang-galang na lugar at ang mga puno. Ang hindi
makasusunod saunang pagkakataon ay magbabayad ng ginto katumbas ng isang
buwang pagtatrabaho at sa ikalawa ay ituturing na siyang alipin.

7. Ang puputol sa puno na dapat igalang, ang papatay sa matatanda, ang papasok sa
bahay ngpinuno ng walang permiso, at ang papatay sa isda, pating at buwaya ay
dapat mamatay.

8. Ang may-ari ng aso na kakagat sa pinuno, ang susunog sa araruhan ng iba, at ang
magnanakaw sa babae ng pinuno ay magiging alipin sa loob ng ilang panahon.

9. Ang mga kumakanta habang nagtratrabaho sa gabi, ang pumatay sa ibong manaul,
ang pumunitng dokumento ng pinuno, mga sinungaling at ang mga naglalaro ng
patay ay dapat mamatay.

2
Mga Manunulat at Halimbawa ng Sanaysay sa Panahong ito
1. Doctrina Cristiana
- Ang librong ito ay siyang kauna-unahang aklat na panrelihiyong nailimbag sa
pamamagitan ng silograpiko noong 1593 dito sa Pilipinas. Ang mga may-akda ng
aklat ay sina Padre Juan de Plasencia, O. P. at Padre Domingo de Nieva, O. P.
Ang aklat ay nasusulat sa Tagalog at Kastila. Ang mga nilalaman ng aklat ay
Pater Noster, Ave Maria, Credo, Regina Caeli, Ang Sampung Utos ng Diyos, Ang
mga Utos ng Santa Iglesia, Ang Pitong Kasalanang Mortal, Ang Labing Pitong
Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Katesismo.

2. Nuestra Señora del Rosario


- Ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ito’y sa Tagalog nasusulat na akda ni
Padre Blancas de San Jose, O. P. noong 1602. Ang Nuestra Señora del Rosario ay
naglalaman ng mga talambuhay ng mga Santo, Santos Ehersisiyos, nobena at mga tanong
at sagot sa relihiyon.
Narito ang ilan sa mga nilalaman ng aklat:

Nuestra Señora del Rosario

Nuestra Señora del


Rosario

Fiesta
Martirologio Romano: Memoria de la santísima Virgen María del Rosario. En este día se pide
la ayuda de la santa Madre de Dios por medio del Rosario o corona mariana, meditando los

3
misterios de Cristo bajo la guía de aquélla que estuvo especialmente unida a la encarnación,
pasión y resurrección del Hijo de Dios.

Cuenta la leyenda que la Virgen se apareció en 1208 a Santo Domingo de Guzmán en una
capilla del monasterio de Prouilhe (Francia) con un rosario en las manos, le enseñó a rezarlo y le
dijo que lo predicara entre los hombres; además, le ofreció diferentes promesas referentes al
rosario. El santo se lo enseñó a los soldados liderados por su amigo Simón IV de Montfort antes
de la Batalla de Muret, cuya victoria se atribuyó a la Virgen. Por ello, Montfort erigió la primera
capilla dedicada a la imagen.

En el siglo XV su devoción había decaído, por lo que nuevamente la imagen se apareció


al beato Alano de la Rupe, le pidió que la reviviera, que recogiera en un libro todos los milagros
llevados a cabo por el rosario y le recordó las promesas que siglos atrás dio a Santo Domingo.

El rezo del Santo Rosario es una de las devociones más firmemente arraigada en el
pueblo cristiano. Popularizó y extendió esta devoción el papa san Pío V en el día aniversario de
la victoria obtenida por los cristianos en la batalla de Lepanto (1571), victoria atribuída a la
Madre de Dios, invocada por la oración del Rosario. Más hoy la Iglesia no nos invita tanto a
rememorar un suceso lejano cuanto a descubrir la importancia de María dentro del misterio de la
salvación y a saludarla como Madre de Dios, repitiendo sin cesar: Ave María. La celebración de
este día es una invitación a meditar los misterios de Cristo, en compañía de la Virgen María, que
estuvo asociada de un modo especialísimo a la encarnación, la pasión y la gloria de la
resurrección del Hijo de Dios.

Sa Katungkulan sa Bayan
ni: Padre Modesto de Castro

Felisa: Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa ng sulat,


sumulat, cuenta at dumating ang kapanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang
siya'y gawing puno sa bayan, kaya minatapat ko sa loob na isulat sa iyo ang kanyang
aasalin. Kung siya'y magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may
pagkaaninawan kung maging kailagan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang

4
kahalimbawa'y korona na di ipinagkakaloob kundi sa may karapatan. Kaya di dapat
pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan; ang kamahalan at karangalan
ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may
kalangkap na mabigat na katungkulan, kaya bago pahikayat ang loob ng tao sa
pagnanasa ng karangalan, ay ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-
timbangin kung makakayanang pasanin. Pag-aakalain ang sariling karunungan, kabaitan
at lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at kung sa lahat ng ito'y magkatimbang-
timbang, saka pahinuhod ang loob sa pagtanggap ng katungkulan, nguni't hindi rin dapat
pagnasaan at pagpilitang kamtan, subali't dapat tanggapin, kung pagkakaisahan ng
bayan, at maging kalooban ng Diyos.

Ang magnasang makamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang


nasa, sapagka't ang pinagkakadahilanan ay di ang magaling na gayak ng loob na siya'y
pakinabangan ng tao, kundi ang siya ang makinabang sa kamahalan; hindi ang pagtitiis
ng hirap sa pagtupad ng katungkulan, kundi ang siya'y maginhawahan; hindi ang siya'y
pagkaginhawahan ng tao, kundi ang siya'y paginhawahin ng taong kanyang
pinagpupunuan.

Ang masakim sa kamahalan, sa karaniwan ay hindi marunong tumupad ng katungkulan,


sapagka't hindi ang katungkulan, kundi ang kamahalan ang pinagsasakiman; salat sa
bait, sapagka't kung may iniingat na bait, na makikilala ang kabigatan, ay hindi
pagpipilitan kund bagkus tatanggihan, kaya marami ang makikitang pabaya sa bayan,
walang hinarap kundi ang sariling kaginhawahan; ang mayaman ay kinakabig, at ang
imbi ay iniiring. Kaya, Felisa, ingatan mo si Honesto, pagdating ng kapanahunan,
tapunan mo ng magandang aral, nang huwag pumaris sa iba na walang iniisip kundi ang
tingalain sa kaibuturan ng kamahalan, suknan, igalang at pintuhuin ng tao sa bayan.

Huwag limutin ni Honesto, na ang karangalan sa mundo, ay para rin ng mundo, na may
katapusan; ang fortuna o kapalaran ng tao, ay tulad sa gulong na pipihit-pihit, ang nasa-
itaas ngayon, mamaya'y mapapailaliman, ang tinitingala ngayon, bukas ay
mayuyurakan, kaya hindi ang dapat tingnan lamang ay ang panahong hinaharap kundi

5
pati ng haharapin. Itanim mo sa kanyang dibdib, ang pagtupad ng katungkulan, na sakali
ng tatanggapin niya, sapagka't may pagusulitan, may justicia sa lupa't may justicia sa
langit; ang malisan ng justicia rito, ay di makaliligtas sa justicia ng Diyos.

Huwag magpalalo, sapagka't ang puno at pinagpupunuan, di man magkasing-uri, ay isa


rin ang pinanggalingan, isa ang pagkakaraanan at isa rin naman ang kauuwian; Diyos
ang pinanggalingan, kaya magdaraang lahat sa hukuman ng Diyos at Diyos din naman
ang kauuwian.

Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igalang ng tao, sapagka't hindi ang


katampalasanan, kundi ang pagtunton sa matuwid, at pagpapakita ng magandang loob,
ang iginagalang at minamahal ng tao. Mahal man, at kung malupit, ay di namamahal,
kundi kinalulupitan, at pagkatalingid ay pinaglililuhan ng kaniyang pinaglulupitan. Ang
kapurihan ng mahal na tao ay nasa pagmamahal sa asal, at pagpapakita ng loob,
pamimihag ng puso ng tao; nguni't ang pagmamalaki at pagmamataas, ay tandang
pinagkakakilanlan nang kaiklian ng isip, at pinagkakadahilanan ng pagkapoot ng
kaniyang kapwa.

Kailan ma'y huwag lilimutin ng puno ang kaniyang katungkulang lumingap sa lahat,
mahal man at hindi, sapagka't ang paglingap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya
ang mamahalin ng tao, kundi sampo ng kaniyang familia, at sa panahon ng kagipitan, ay
di magpapabaya ang kaniyang pinagpakitaan ng magaling.

Pakatatandaan, na ang isang ginoo, o mahal na marunong tumupad ng katungkulan,


tapat na loob sa mga kaibigan, mapag-ampon sa mga mabababa, maaawain sa mahirap,
ang ganitong mahal ay ligaya at kapurihan ng bayan, at hari ng lahat ng puso. Sa
katagang wika'y ang tunay na kamahalan, ay nasa pagmamahal sa asal, at paggawa ng
magaling.

Unti-unti, Felisa, na ipakilala mo kay Honeto ang kahalagahan ng mahal na asal, ng


pagtunton sa matuwid at kagandahan ng loob. Itala mo sa kanyang dibdib, na ang
baculo, trono, corona ma't cetro ay walang halaga, kung di napapamutihan nitong

6
mahahalagang hiyas. Ipahayag mo kay ama't ina ang kagalangan ko sa kanila. Adyos,
Felisa, hanggang sa isang sulat.—Urbana.

Dasalan at Tocsohan
ni: Marcelo H. Del Pilar
Ang Tanda
Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa manga
bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya
naua.

Pagsisisi
Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay sa akin:
pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko.
Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay
na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang
makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko,
at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka
rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya
naua.;

Ang Amain Namin


Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung kami
nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama
mong dila.

7
Ang Aba Guinoong Baria
Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod ka niyang
pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nang
Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.

Ang Aba Po Santa Baria


Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga
nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga
ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay
aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz
mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang
iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami
ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile

Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat. Ang
ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos. Ang ikatlo: Mangilin ka sa
Fraile lingo man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama't ina,
Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing. Ang ikanim: Huag
kang makiapid sa kanyang asaua. Ang ikapito: Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo
silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong
asaua. Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos nang Fraile'I dalaua
ang kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa
kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya naua.
Ang manga kabohongang asal, ang pangala'i tontogales ay tatlo.

Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile At Pag Manuhan mo.

8
Ang Cadaquilaan nang Dios
ni: Marcelo H. del Pilar

-isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapaliwanag ng kaniyang sariling pagkilala


sa kadakilaan ng Diyos. “Di cailangan, capatid co, ang nagbucas ca’t bumasa ng filosofia o nang
teologia at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang Cadaquilaan ng Diyos.”

“Sucat ang pagmasdan iyang di-ma-ulapang hiyas na inilagap sa mundong


pinamamayanan mo! Sucat ang pagwariin mo ang sari-saring bagay na dito sa lupa ay
inihahandog sa iyong cahinaan, pangpawi sa iyong calumbayan, pangliwanag sa iyong carimlan,
at alin ca ma’t sino, ay sapilitang maiino mo na may isang macapangyarihan lumalang at
namamahalang walang tiguil sa lahat ng ito.”

“Masdan mo ang isang caparangan, masdan mo ang mga halamang diya’y tumutubo,
buhat sa hinahamak mong damo hanggang sa di mayacap na kahoy na pinamumugaran nang ibon
sa himpapawid; masdan mo’t pawang nagpapahayag na ang canilang maicsi o mahabang buhay
ay hindi bunga nang isang pagcacataon; wariin mo maranasan ang camay ng Diyos, na
naghahatid oras-oras sa mga halamang iyan nang dilig na ipinanariwa nang init na nagbibigay
lakas at pumipiguil nang quinacailangan ilago at icabuhay hanggang sa dumating ang talagang
tacda nang paggagamitan sa canila.”

“Tingni ang pagcacahalaylay nila’t isang malawac na jardin wari’y simoy na naghahatid
buhay at nagsasabog nang masamiong bango nang canilang bulaclac, ay isang lilac wari na
iquiniquintal sa iniong noo nang lumalang sa atin, casaba ang ganitong sabi, “Anac co, ayan ang
buhay, ayan ang ligaya, hayo’t lasapin mo’t iyong ihandog na talaga nang aquing ganap na
pagmamahal; bundoc, ilog, at caragatan ay pawang may inimpoc na yamang inilaan co sa iyo;
para parang cacamtan mo huag ca lamang padaig sa catamaran, gamitin mo lamang ang isip at
lacas na ipinagkaloob sa iyo; huag mong alalahanin ang dilim sa lupa; nariyan ang arao, nariyan
ang buang talagang panaglaw mo; nariyan ang bituin mapanunutunan mo cung naglalayag ca sa
calawacan ng dagat; wala acong hangad anac co, cundi ang camtan mong mahinusay ang buong
guinhawa, buong casaganaan at payapang pamumuhay. Talastas cong ang caya mo sa pagganti sa
aquin; talastas cong salat ang lacas mo, salat ang buhay mo sa icasusunod nang nais na
matumbasan ang biyayang tinanggap; caya huag cang lubhang mag-alala; sucat na mahalina ang
capoua mo tao, alang-alang man lamang sa pagmamahal co sa lahat; mahalin mo ang nilicha co;

9
mahalin mo ang minamahal co at bucas makalawa’y may tanging ligaya pang pilit na tatamuhin
mo.”
“Diyan sa sucat nang mababanaagan, nanasang irog, ang cadaquilaan niyang Dios na ‘di
nalilinagap sandail man sa pagcacalinga sa atin. Daquila sa capangyarihan, daquila sa
carunungan, at daquila ngani sa pag-ibig, sa pagmamahal at pagpapalagay sa canilang mga anac
dito sa lupa; at pantas man o mangmang, mayaman man o ducha ay walang nawawaglit sa mairog
at lubos niyang paglingap.”

“Sa kadakilaang ito, sino kaya sa mundo ang sa caniya’y macacahuad? Huag na ang sa
gawang lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at kaligayahan, may puso kaya baga sa lupang
makapagmamahal sa iyo nang gayong pagmamahal? May puso caya bago sa lupang
macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo cahit sucat na sucat nang wala kang igaganti
cundi catampalasanan? May puso caya bagang makararating sa gayong pag-ibig?”

Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon


Dr. Jose P. Rizal

Ang unang bahagi ng sanaysayna ito ay tungkol sa pagsulyap


sanakaraan ng Pilipinas. Dito, ipinakita ni Rizal ang mga
pagbabago na naidulot ng pagsakop ng Pilipinas sa Espanya.
Kung saan, ang dating pinuno sa Pilipinas ay napasailalim sa
mga dayuhan dahil narin sa pag-asang pag-unlad mula sa mga mananakop. Unti-unting
naisantabi at nalimutan ng mga Pilipino ang kanilang katutubong tradisyon, mga awitin,
tula at mga paniniwala nang sa gayon ay mayakap ang mga bago at dayuhang doktrina,
na sa totoo’y hindi naman nila naintindihan. Ikinahiya at tinangihan ng mga Pilipino ang
sarili nilang kultura. Lumipas ang mga taon, ang relihiyon ay nagpakitang gilas din
kung saan ginamit ang pagsamba sa Diyos upang akitin at sa huli’y pasunurin at
mapasailalim ang mga Pilipino sa kagustuhan ng mga dayuhan. Nang makuha ang loob
ng mga Pilipino ay itinuring na parang hayop, inalisan ng kaisipan at damdamin at
ginawang mga alipin upang pagsilbihan ang mga dayuhan sa ikauunlad ng Espanya.
Muling nabuhay ang natutulog na damdamin ng mga Pilipno dahil sa mga pasakit at

10
panghihiya na kanilang naranasan. May ilang damdaming nagising sa katotohanan sa
mga kahayupan at paniniil ng mga dayuhan dahil na rin sa patuloy na pag-alipusta at
pagsasamantala na unti-unti ay gigising sa lahat.
Ang ikalawang bahagi ay tungkol sa kabiguan ng mga kolonyal na patakaran ng
Espanya sa pagpapaunlad sa Pilipinas.

Sinasabi dito ang kalagayan ng Pilipinas sa Tatlong-daang taon na nakalipas


simula ng panahong iyon (1889). Ayon sa Liberal na kastila, ang kalagayan ng pilipinas
sa kasalukuyan (1889) ay katulad pa rin ng dati, walang pinagbago subalit para sa mga
Prayle ay nagkarooon ng pag-unlad. Mayroong pwersang-militar, mabagal na
komunikasyon sa pagitan ng Mexico at Espanya at ang paglalakbay ay pinamumugaran
ng mga pirate at mga kaaway ng Espanya.

Ang kanyang pagsakop sa Pilipinas ay nanatiling panatag sa simula ng


dominasyong kastila. Ang mga Pilipino at nagiging isang Heneral ng isang hukbo. Ang
mga Prayle at mga Residencia ay napanatili ang katapatan ng mga Pilipino sa
pamahalaang kastila. Umusbong din ang isang bagong paninindigan ng mga Pilipino sa
pamunuan ng kastila. Lahat ng mabubuting bagay ukol sa pagpapaunlad ng bayan ay
nawala. Ang pamahalaan ay napalitan ng pananakot, pagsasamantala at pang-aalipin.

Ang ikatlong bahagi naman ay nagsasaad ng mga radikal at pulitikal na reporma


kung mananatiling kolonya ng Espanya ang Pilipinas.Magtatagumpay ang mga reporma
sa Pilipinas, kung ang mga pagbabago ay magiging marahas at madugo kung ito ay
magmumula sa hanay ng mga karaniawang tao. Ang pagreporma ay magiging mapayapa
at mabunga kung ito ay mangagaling sa pagkilos nga mga nakatataas. Ang pangunahing
patakaran ang pagpapatupad at pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag. Upang
maipalaam sa pamahalaang kastila, upang ipaalam sa buong bayan ang mga nangyayari
sa patakaran ng mga dayuhang Kastila, at nakakatulong o hindi sa ikauulad ng
bayan.kailangan ito ng mga mamamayan upang magsilbing mata at tainga at boses ng
bayan. Ang mga kintawang Pilipino ay magiging mapaghimagsik sa Cortes. Bilang ganti
naman sa pagkakaroon ng Pilipinas ng kinatawan sa Cortes, ang mga Pilipino ay
mananatiling tapat sa gobyernong Espanyol.

11
Ang ilang pangunahing reporma na kailangan pang ipatupad ay ang katarungan
ang pangunahing pangangailangan ng isang sibilisado ng bayan. Kung ang mga Pilipno
ay nagbabayad ng buwis, nararapat din naman silang bigyan ng karapatan. Ang mga
posisyon sa gobyerno ay kailangan punuan sa pamamagitan ng isang “competitive
examination” at ang resulta ay nararapat ihayag sa publiko. kailangan din ng reporma sa
komersiyo, edukasyon, agrikultura at seguridad ng isang individual at ng kanyang mga
ari-arian. Ang Pilipinas ay mananatili sa Espanya kung ang pagpapatakbo ditto ay hindi
mapigilan ang mga Pilipino sa pagtamo ng kanyang kasarinlan.

Ang huling bahagi naman ng sanaysay ang nagpapakita ng mga prediksyon at


pananaw sa hinaharap. Sinasabi ang pagkakaroon ng dominasyong ng isang bansa sa isa
pang lahi ay hindi pangmatagalan. Ang isa ay maaaring pumayag at sumuko o maaari rin
naman bumagsak at magdusa.

Magkakaroon ng matinding banggaan at labanan sa pagitan ng mga mananakop at


mga Pilipino kung saan ito’y magdudulot ng matinding pinsala sa dalawa.

Ang mga kahilingan ng Pilipino ay nararapat lamang na ikonsedera ng Espanya


kung ayaw niyang isubo sa panganib ang kanyang mga kayamanan maging ang kanyang
hinaharap sa Aprika at ang kalayaan sa Europa. Sa panahong nakamit na ng Pilipinas ang
kanyang kalayaan isang panibagong dayuhan ang maaring magpatuloy sa iniwan ng mga
Espanyol.

Sa huling bahagi, inilahad ni Rizal ang mga pananaw niya sa darating pang mga
panahon. Ang ilan ditto ay masasabing nagkatoo at natupad. Makikita ang mahusay na
pag-analisa ni Rizal sa mga nangyayari sa bansa. Masasabi natin na sadyang makabayan
si Rizal. Hinahangad niya ang pagkakaroon ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ng mga
Pilipino sa mga dayuhang Kastila.

Dahil sa katamaran ng mga Pilipino


Dr. Jose Rizal

12
Ang katamaran ay ang kauntian ng pag-ibig sa paggawa at kakulangan ng sipag
ng isang tao. Inihalintulad ito ni Rizal sa isang kanser. Tulad ng kanser, ang katamaran ay
unti-unting kumakalat sa buong katawan. Ito ay unti-unting nakakaapekto sa lahat ng
parte o aspeto n gating katauhan. Halos imposible nang magamot ng lubusan at pabalik-
balik.
Dati naman ay hindi ganito katamad ang mga Pilipino. Bago dumating ang mga
taga- Europa, mayroon ng pangangalakal na masigla, kahit pati sa mga bansang kalapit
ng Pilipinas. Ang mga mandirigma ng Luzon ay nakilahok sa labanan sa Sumatra. Ayon
kay Pigafette, noong sinaunang panahon, ang mga katutubo ay nagbubungkal pa ng
sariling bukirin upang may ipang-kain. Gumagawa pa ng maraming kasangkapang
pandigma at pinag-aralan nila ang wikang kastila. Maraming bagay ang naging sanhi ng
katamaran ng mga Pilipino. Una, dahil sa natural na kapaligiran kung saan mainit ang
klima. Pangalawa,pangkaisipang kadahilanan. Kulang na pagbibigay-sigla sa paggawa.
At ayon sa prayle, higit na pinagpala ang mga mahihirap. Pangatlo, pangkabuhayang
kapaligiran bunga ng digmaan, pag-aalsa at pagdarambong.

Kung saan, sapilitan ang mga lalaking Pilipino pinagsusundalo, naiwang tiwang-
wang ang mga bukirin.pang-apat ang pamahalaan mismo.

Kulang ang paglilingkod sa taong bayan. Tiwali ang mga Pilipino. Walang tulong na
ibinibigay sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

Talamak ang tinatawag ng “Padrino” sa paglalakad ng papeles o mga


pangangailangan. Kulang ang pagbibigay-sigla sa gawaing manwal tula ng sapilitang
paggawa, mataas na buwis, walang pangangalaga sa ari-arian, at katwiran at intriga ng
mga namumuno. Hindi rin isinasaayos ang pagpapabilis ng pamamaraan ng
transportasyon. Panglima, ang kapaligiran panlipunan. Ang mga kastila ay maluho sa
pamumuhay, maraming katulong ngunit mababa ang pasahod, samantalang ang mga
Pilipino naman ay nalululong sa sugal, maraming pistahan at pag-aambag ng malaki sa
simbahan dahil sa maling paniniwala sa relihiyon at pagiging panatiko. Pang-anim ,
pang-edukasyonng pangkapaligiran. Hindi angkop sa pag-aaral ang kapaligiran,
nagkakaroon din ng hindi pantay na pagtrato ng mga guro. Sadyang nais ng mga prayle
na maging mangmang ang mga Pilipino. Pangpito , kamalayang pambansa, mababa ang

13
moral ng taong-bayan. Mali ang pagpapahalaga. Kulang ng pagtangkilik sa sariling gawa.
Kulang ng katangiang-pamumuno sa takot sa mananakop. Walang pagkakaisa. At walang
kamalayang pambansa.

Pinatunayan ni Rizal sa sanaysay na ito ang pagbibintang ng mga kastila sa mga


Pilipino sa pagiging tamad. Ipinakita ni Rizal na ang mga kastila ang sanhi ng ganoong
kasalanan sapagkat higit pa silang tamad kaysa sa kanilang pinagbibintangan. Hindi sapat
ang rason para sa katamaran ang pagbabago ng panahon o doi kaya’y ang pagbabago ng
lugar na kinalakihan. Ang katamaran sa Pilipinas ay isang katamarang pinasagwa, lalong
lumala habang tumatagal ang panahon. Ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng
katamaran ngunit sa walang tigil na paghikayat ng ganitong ugali. Ang katamaran ay
bunga, at hindi sanhi, ng kasamaan. Habang tayo ay nabubuhay, hindi tayo dapat
nawawalan ng pag-asa para sa pagbabago. Hindi dapat ibuntong lahat ng sisi sa mga
Pilipino. Ito ang nais na ipakita ni Rizal sa sanaysay na ito.

Liham sa mga kababaihan ng Taga-Malolos


Dr. Jose Rizal

Buod: sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noong (1889),


ipinahayag ni Rizal ang kanyang papuri at pagalang sa katapangang ipinamalas ng mga
ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon-isang di- karaniwang hakbang sa
maraming kababaihan sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal, numulat siya sa pananaw na
ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan. Batay sa
kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa kabanalang nakatuon sa
kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-isip.
Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan-bilang dalaga at asawa-sa
pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niya
ang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay ipinakita ang babaing
Sparta bilang larawan ng pagiging mabuting ina.

14
Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang maitaguyod ang isang
anak na marangal at magtatanggol sa bayan. Bahagi rin ng lihamang pagpapa-alala ni
Rizal sa Lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan
at hind imaging alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais- nais na Gawain ng mga
Prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon.

 
 

1. Graciano Lopez Jaena (1856-1896)

Pinagmamalaking anak ng Jaro, Si Lopez


Jaena ay isang dakilang orador at walang takot na
mamamahayag. Siya ang naging unang patnugot
ng La Solidaridad at tagapag-abuloy ng mga
lathalain sa iba’t-ibang pahayagan gaya ng Los
Dos Mundos. Kilala siya sa sagisag na Diego
Laura.

Ilan sa kanyang mga akdang sanaysay ay ang Fray Botod, Ang Sanhi ng
Kapighatian sa Filipinas at Ang Dangal ng Filipinas.

 Fray Botod – isang sanaysay na naglalarawan ng panunuligsa sa kahalayan,


kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ang “botod” ay salitang
Hiligaynon na nangangahulugan ng malaking tiyan.

Narito ang ilang bahagi ng pag-uusap sa sanaysay na Fray Botod:

“ - Nakikita mo ba? Tingnan mo ang walang kahiya-hiyang prayle,


sinampal ang babae … Hum! Lumuhod … Mukhang humihingi ng tawad
… humalik sa kamay. Kaawaawang babae. Isinama ang babae … kasumpa-
sumpang prayle, isang halimaw, ubod ng sama! Bakit ninyo
pinahihintulutan at natitiis na pagsalamantalahan ang karangalan ng
mahihinang nilikha?”

“Sanay, kami sa ganiyang mga tanawin. Malimit mangyari iyan.”

15
“ - Wala pa sa gulang na dalawampu’t isa nang dumating iyan dito sa
Filipinas. Animo’y maamong-maamo at walang kamalay-malay. Umayos
ang katawan at nagmukhang tao nang makakain ng saging at papaya. Nag-
aral ng pagpapari, naordenahan at nahirang na kura paroko ng isang
malaking bayan. Naging listo at tuso, kaya ngayon ay hari ng yaman.”

“Kura paroko! Isang prayle, kura paroko. Hindi ko alam na ang mga prayle
ay kura paroko ng Filipinas, sinabi sa akin iyan pero hindi ako
makapaniwala.”

“Kung gayon, magmasid ka upang paniwalaan mo. Dito sa aming bansa,


sila ang makapangyarihan at nangingibabaw sa lahat ng bagay:
pangkaluluwa, pampulitika, at maging sa kalayaan.”

“- ang pagbabaraha ay pang-araw-araw na aliwan ng mga prayle sa


Filipinas, maliban kung linggo. Sila’y pumupunta sa sabungan, dala ang
kanilang mga manok. Ang monte at ang mga sabunging manok ang
kaibigang matalik ni Fray Botod.”

“- Pakinggan mo ang mga mag-aaral. May isinisigaw laban kay Fray Botod
at mga kasama.”

“Magaling – ang kadakilaan ay nagsisimulang manaig at humanap ng


paghihiganti – ngunit tingnan mo, tingnan mo kung hanggan saan iyan
makararating.”

“Saan?”

“Sa piitan o sa malayong bayan, ipatatapon sila. Kaawa-awang mga mag-


aaral. Sila’y mga taga pamantasan sa Maynila at ang iba’y taga seminaryo.
Umuuwi upang magbakasyon. Nadala sila ng kanilang silakbo ng
damdamin. Hindi muna inisip ang kanilang ginawa.”

“Pinupuri ko sila. Sila’y kabataang may pagkakaisa at paninindigan. Dapat


silang magsimula; ang kanilang pagtutol ay makatatawag ng pansin.”

“Hindi pa panahon, kaibigan. Hindi pa panahon. Kung ayay mong


maniwala, hintayin natin at … makikita mo.”

“- Dalawang araw lang ang nakalipas. Dinakip ng mga Guwardiya sibil ang
anim na mag-aaral, mga lider ng demonstrasyon, sa salang sedisyon at
16
paninira sa dangal ng Inang Bayan.”

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog


ni Gat Andres Bonifacio
Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na
mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay
nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan
at lalung-lalo na ang mga taga-Japon (=Japan), sila’y kabilihan at kapalitan ng mga
kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y
mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong
bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila
at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa
lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala
ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y
ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa
na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila
kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y
siyang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na
pinakakatawanan ng hari sa Espana.

17
Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon
mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating
pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan;
iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw
pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at
taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.

Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang
nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa
kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang
kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong
tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa
kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan;
iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang
kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap,
ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng
anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating
dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa
hayop na kabangisan.

Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi


nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan,
buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga
kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa
nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na
pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na
sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong
nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano
ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay
malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan, ang landas na dapat nating
tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng
kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba

18
pang maaantay kundi lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, lalo’t lalong
kaalipustaan at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin
ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi
mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y umasa sa ating at huwag antayin sa iba
ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang
isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa
ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon


nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at
pagdadamayan.

Ngayon panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang
ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na
ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan.
Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at
nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa
kagalingan ang atin lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong
kaginhawahan ng bayan tinubuan.
Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.

ni: Emilio Jacinto

i. Ang kabuhayang di ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy


na walang lilim, kung di damong makamandag.
ii. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang
nasang gumawa ng kagalingan ay di kabaitan.
iii. Ang tunay na kabanalan ay ang kakawang gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang
isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katwiran.
iv. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay;
mangyayaring ang isa’y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda… ngunit di

19
mahihigitan sa pagkatao.
v. Ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may
hawak na kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.
vi. sa taong may hiya, slita’y panunumpa.
vii. Huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawalay mangyayaring
magbalik; nginit panahong nagdaan na’y sinamuli pang magdaraan.
viii. Ipagtanggol mo ang naaapi at kabakahin ang umaapi.
ix. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin at marunong
ipaglihim ang dapat ipaglihim.
x. Sa daang matinik na ang kabuhayan, lalaki ang syang patnugot ng asawa’t anak;
kung ang umaakay at tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan
din.
xi. Ang babae ay hwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kungdi isa
katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitin mo na buong
pagpipitagan ang kangyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbubuhata’t
nag-iwi sa iyong kasanggulan.
xii. Ang di ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong gagawin sa
asawa, anak, at kapatid ng iba.
xiii. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng
mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa
lupa, wala sa wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nabatid
kungdi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap,
may dangal at puri, yaong di napapaapi’t di nakikiapid, yaong marunong
magdamdam at marunong lumingap sa baying tinubuan.
xiv. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat na ang araw ng mahal na
kalayaan ditto bsa kaabaabang sangkapuluan, at sabugan ng matamis nyang
liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligayang walang
katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod at mga tiniis na kahirapa’y labis ng
matumbasan.

Ang Tunay Na Sampung Utos

20
ni: Apolinario Mabini

Una. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri nang lalo sa lahat ng bagay; ang
Diyos na syang bukal ng buong katotohanan, ng buong katwiran at buong lakas; ang
paghahangad ng puri ang siya lamang makaakit sa iyo na huwag magbulaan, kundi
lagging manuto sa katwiran at magtaglay ng kasipagan.

Ikalawa. Sambahin mo ang Diyos sa paraang lalong minamatuwid at


minamarapat ng iyong bait at sriling kalooban, na kung tawagi’y konsensya sapagkat sa
iyong konsensya na sumusisi sa gawa mong masama at pumupuri sa magaling ay doon
mangungusap ang iyong Diyos.

Ikatlo. Sanayin mo at dagdagan ang katutubong alam at talos ng isip na


ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasalita mo sa buong
makakaya ang gawang kinahihiligan ng iyong loob, na huwag kang sisinsay kailanman sa
daan ng magaling at ng katuwiran, nang mapasaiyo ang lahat ng bagay na dapat mong
kailanganin at sa paraang ito’y makatulong na sa ikasasusulong ng pinatutungkol sa iyo
ng Diyos sa buhay na ito, at kung may puri ka may ipatatanghal mo ang kaluwalhatian ng
iyong Diyos.

Ikaapat. Ibigin mo ang iyong bayan o Inang Bayan na pangalawa sa Diyos at ang
iyong puri na higit sa iyong sarili, sapagkat siya ang kaisa-isang Paraisong pinalalagyan
sa iyo ng Diyos sa buhay na ito; bugtong na pasunod sa iyong mga ninuno; at siya
lamang ang pag-asa ng iyong kaanak; dahil sa kaniya’y humawak ka ng buhay, pag-ibig
at pag-aari; natatamo mo ang kaginhawaan, kapurihan at ang Diyos.

Ikalima. Pagsakitan mo ang kaginhawahan ng iyong bayan nang higit sa iyong


sarili at pagpilitan mong siya’y pagharian ng kabaitan, ng katwiran at ng kasipagan;
sapagkat kung maginhawa siya’y pilit ding giginhawa ikaw at ang iyong kasambahay at
kamag-anakan.

Ikaanim. Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang


ang tunay na nakapagmamalasakit sa kanyang kadakilaan at ikatatanghal, palibhasa’y ang

21
kanyang pagkadakila ang magdadala sa iyo ng lahat mong kailangan at ang kaniyang
pagtatanghal ang siya mong kabantugan at kabuhayang walang hanggan.

Ikapito. Sa iyong Baya’y huwag kang kumilala sa kapangyarihan nino mang tao
na hindi palagay ninyong kababayan, sapagkat ang buong kapangyahiha’y sa Diyos
nagmumula at ang Diyos ay sa konsensya nang bawat taong nangungusap; kaya’t ang
sinumang ituro at ihalal ng mga konsensya ng lahat ng mamayanan ang siya lamang
makapagtataglay ng wagas na kapangyarihan.

Ikawalo. Ihanap mo ang iyong bayan ng Republika, yaon bagang ang lahat na
nagpupuno ay palagay ng mga mamamayan, at huwag mong payagan kailanman sapagkat
walang binigyan ang hari ng kamahalan kundi ang isa o ilan lamang na mag-anak upang
maitanghal ang sarili nyang kamag-anakan na siyang panggagalingan ng lahat na
maghahari; hindi ganito ang Republika na nagbibigay ng kamahalan at karapatan sa lahat
ayon sa bait ng bawat isa, ng pagdakila alang-alang sa kaluwagan at kalayaan at ng
kasaganaan at karilagang tinataglaw ng kaisipagan.

Ikasiyam. Ibigin mo ang iyong kapwa-tao paris ng pag-ibig mo sa iyong sarili,


sapagkat binigyan siya ng Diyos at gayon din naman ikaw ng katungkulang tulungan ka
at huwag gawin sa iyo ang di niya ibig na gawin mo sa kanya; ngunit kung ang iyong
kapwa ay nagkukulang dito sa kamahalmahalang katungkulan at nagtatangka ng masama
sa iyong buhay at kalayaan at pag-aari, at dapat mong ibuwal at lipulin siya sapagkat ang
nananaig ngayo’y ang kauna-unahang utos ng Diyos na mag-ingat ka at iingatan kita.

Ikasampu. Laging itatangi mo sa iyong kapwa ang iyong kababayan at lagi


naming aariin mo siyang tunay na kaibigan at kapatid o kundi ma’y kasama, palibhasa’y
iisa ang iyong kasayahan at kadalamhatian, at gayon ding magkakaayon ang iyong mga
hinahangad at pag-aari.Kaya’t habang tumutuloy ang mga patuto ng Bayan na ibinangon
at inilagaan ng pagkakani-kanya ng mga lahi at angkan, ay sa kanya lamang dapat kang
makisama at tunay na makipag-isa sa hinahanagad at pag-aari, upang magkalakas ka sa
pakikibaka sa kaaway ninyong dalawa at sa paghanap ng lahat na kinakailangan sa
kabuhayan ng tao.

22
Kayumanggi Ang Iyong Kulay

ni: Alejandro G. Abadilla


Ikaw, Huwan, ay kayumanggi. Iyan ay katotohanang hindi mo maaring itatwa:
ang ikaw ay kayumanggi, hindi puti ni hindi dilaw.

Damhin mo ang kahalagahan ng iyong kulay. Ibangon mo ang iyong paniwala


ang karangalan at kadakilaan ng iyong lahi--iyang iyong pagiging kayumanggi.

Datapwat, kung ang pagbabangon ay nangangahulugan ng pagkakaroon mo ng


bagong paninindigan ukol sa kulay, bakit hindi ka makabangon ngayon, Huwan?

Bakit hindi hanggang may pagkakataon ay kumilos ka? Ngayon ang pagkakataon
para sa iyo--magbangon ka, magbago ka ng paniniwala!

Mag-aral ka, pag-aralan mo ang iyong kasaysayan. Ipamamata sa iyo ng iyong


kasaysayan bilang tao at bilang lahi na ikaw ay may sariling katulad niya: na ikaw, sa
kabila ng mga dantaong pagkalukob niya sa iyo, ay taglay mo rin ang sariling bigay ng
kalikasan, at sa gayon, hangga ngayon, ay nananalaytay sa iyong ugat ang iyong
matandang kaugalian, kultura, wika, at sining, na buong liwanag na pinatunayan ng mga
palaaral, gaya nina Chirino, Rizal, Morga, Humbolt, Talavera, Blumentritt, Villamor,

23
Zulueta, at marami pa. Hindi pa man nakasasapit dito si Magallanes, ang patunay ng mga
mananalaysay, ay mayroon ka nang sariling pamahalaan, pananampalataya, mga batas,
musika, sining, panitikan, wika at lahat ng bagay na taglay ng ibang bansa.

Kung iyan ay totoo, ay bakit hindi mo masabi nang tahasan at buong katapatan sa
sarili at sa alin mang bansa na siya ay hindi higit sa iyo, na siya ay hindi lamang sa iyo sa
lahat ng panunulukan ng buhay? Sa sandaling ang katotohangn iyon ay masabi mo nang
walang pangamba, nang walang munti mang pag-aalinlangan, sa sandaling makakalag ka
sa pagkakagapos niya sa iyo, ikaw , Huwan, ay hindi lamang magiging malayang lahi
kundi sa iyong pagiging malayang lahi'y magiging matatag ka at malakas, kaya maligaya.
Apuhapin mo, pilitin mong apuhapin ang nawaglit sa sarili, ang lakas ng Bathalang nasa-
iyo.

Kaya, Huwan, hayo na, bangon sa pagkagupiling sa iyong Kahapong umalipin sa


iyo. Harapan mo ang iyong Ngayon, magbago ka ng hanay, magbago ka ng paniwala.
Hanapin mop ang iyong kaligtasan sa iyong kakayahan, sa iyong magagawa, sa iyong
kaakuhan, sa lakas, ng Bathalang nasa-iyo.

Sa gayon, sa sandaling maitayo mo ang sariling karangalan at maipakilala mong


hindi higit sa iyo ang alin mang lahi, tahasan mo nang masasabi na ikaw ay ganap nang
malaya sa iyong pagkalahi, sapagka't ang layang matatamo kailangman'y hindi na
hahagpos sa iyong kamay.

Magsimula ka, Huwan sa iyong sarili: sa pagmamahal ng mga bagay na iyo at sa


iyong lupa'y katutubo.Palabasin mo ang mga bagay na pambudhi at pangkaluluwa.
Nariyan ang iyong kaligtasan, bilang tao at bilang lahi.

Filipino Time
ni Felipe Padilla de Leon

  Isa sa napakapangit na kinagawian nating mga Pilipino ay ang pagiging lagi


nang huli sa takdang oras na pinagkasunduan. Karaniwan nang ang isang palatuntunan ay
hindi nasisimulan sa oras na dapat ipangsimula dahil sa wala pa ang panauhing pandangal
o kaya'y ang punongabala ng palatuntunan; gayon din, kulang pa rin ang mga tauhang

24
magsisiganap, o kung hindi naman kaya'y wala pa rin ang madlang siyang dapat sumaksi
sa palatuntunan kung kaya't naaantala tuloy ang lahat.

           Sa mga tanghalang pangmusika, tulad ng opera, konsiyerto, resital at iba pang
kauri ng mga ito, aya isang karaniwan nang pangyayari ang pagiging lagi nang huli ng
madlang manonood. Gayon din sa papupulong ng iba't-ibang samahan, kapatiran o
kapisanan, kahit na nga ang mga ito'y binubuo pa ng mga taong wika nga'y may sinasabi
o pinag-aralan, ay napangawitan na ng marami sa atin ang dumating nang huli sa
pinagusapang oras. Ito ang sanhi kung bakit nagging palasak na ang bukambibig na
"Filipino time," o Oras Filipino, na ang ibig sabihin ay sira, walang katiyakan pagka't lagi
nang atrasado.Tunay na nakatatawang-nakakaawa para sa isang bansang katulad ng sa
atin na naghahangad na magkaroon ng isang marangal at mataas na kalagayan sa lipunan
ng mga bansang bihasa t malalaya kung maringgan natin ang ating mga kababayan ng
gaya ng mga sumusunod na pananality: Hoy, mamayang ika-pito ng gabi, "American
time;" "Partner, baka mahuli ka sa takdang oras, hindi Filipino time ang usapan natin;" o
kaya'y "Ayoko ng Filipino time, usapang maginoo ito, ha?" at marami pang katulad nito
na ang ibig sabihin ay dahop na dahop sa pagkamaginoo at hindo dapat pagkatiwalaan
ang isang Pilipino dahil sa siya'y marunong tumupad sa oras na napag-usapan.

           Sa ganitiong pangyayari, na ang oras ng mga Pilipino o "filipion time" ay sira at
walang kaganapan, ay maaari rin naming sabihin na ang mga Pilipino pala ay sira na
katulad ng ating orasan ay ano naman kaya ang hinaharap ng isang BANSA na ang mga
mamamayan ay palagi nang sira at walang katiyakan sa pagtupad napagkasunduan.

Panaginip na Gising
ni Silvestre M. Punsalan
Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraang
digmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang namatayan,
nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa sandal ng iyong
pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko marunong ang Diyos, maawain
at kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang
bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayan

25
ng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos ng
hita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg,
ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kaya
na lahat nito at iba pang nagawa na hindi nangyari kahit sa panaginip mong
nilalagnat . . . totoo kayang kagustuhan din ng Diyos ang lahat? Mga tanong na hindi mo
masasagot dahil sa tatlong taon ng pananakop nasupil pati ang hibang mong pag-iisip.

Ngayon sa mga tahimik mong sandal lumilingon ka sa nakaraan, binabalikan mo ang mga
tanong na hindi mo masagot noong mga sandal mong tulala, subali’t magkaparis ang
ngayon at ang noon, hindi mo rin sila masagot.

Hindi mo alam sagutin kung bakit napahintulutan ng Diyos na puno nng lahat ng
kabaitan na mangyari sa sementadong daan ng maingay na Maynila ang mga ito:
maraming taong nabubuwal na hindi na makatayo, gumagapang sa tabi ng pader upang
marating ang pampang ng ilog Pasig sa ilalim ng tulay ng “Quezon” sa Kiyapo at
napupugto ang hininga sa gutom. Ninais niyang doon mamatay upang kung magdaraan
ang taong may natitira pang awa, sisipain ang patay upang mahulog sa ilog nang hindi na
ibibili ng kabaong ng kanyang kamag-anak ang mga butong nakabalot ng balat na sukat
sanang tawaging bangkay.

Lumipas ang mga malinaw mong sandal na parang mga sandaling tulala. Susuko
ka na! hindi mo na kayang isipin ang maraming binigay na palaisipan sa iyo ng
nakaraang digmaan. Mahina ang loob mo.

Kung kalian mo lang tiningnan ang pagpaparangalan ng nakalululang palasyo sa


ating baybay-dagat at nakita mo ring nakalublob sa putik ang kural-baboy na
tinutulungan ng tao sa Tondo; minasdan mo ang nagpapakasawa sa pagkaing nasa mga
palamigan, malinis at maluwag na asoteya ng hotel sa tabi ng dagat dinadayo ng
mayaman, at nakita mo rin naman na nakatapak at nakapaligid sa maralitang dulang ang
maraming gutom na tinatawag ding tao; narinig mo rin naman ang kaluskos ng maraming
hindi mapakaling manggagamot na nagbabantay sa maysakit na maraming ibabayad,
malinaw mong narinig ang daing ng walang hinihintay na naghihingalong may sakit na

26
walang gamot; nakapaligid ang maraming botikang puno ng gamot ilang dangkal mula sa
hihigan niya. Nakita mong lahat iyan. Noon hindi mo mauanawaan ang kahulugan nito.

Noong dumating ang digmaan, sa mga nalilito mong sandal sa pinaglikasang


pook, marahan, maliwanag, matindi at maingay, dumaang lahat iyan sa iyong panimdim,
parang palabas na may kulay. Ikaw, naalis ang iyong pagtataka. Nalaman mo noon na
magkasingn halaga ang buhay ng may palasyo sa baybay-dagat at ang nakabaluktot sa
lamig sa dampang kugon; magkakulay din ang dugo nila.

Hindi nangangayupapa ang kamatayan kahit sa nakasakay sa “Cadillac”.


Pagkatapos mong madalumat ang lahat pagkaraan ng ilang buwan, nagisnan mo ang
lamig ng Disyembre na may dalang patalim at ang init ng tag-araw na nagsusunog ng
balat. Ang panahon ng buhay sa pamamagitan ng digmaan at kamatayan ang naniningil
ng pautang. Natauhan ka sa katutuhanang nakita mo dahil hindi pala palabas na may
kulay kundi tunay na dugong tumutulo at tunay na buhay na namatay sa patalim ng galit
at paghihiganti.

Naisip mo noon na baka kagustuhan din ngn Diyos ang digmaan upang ipakilala
sa mga palalo na sa mundo mayroon pang ibang bagay maliban sa kanilang sarili.

Ngayon, hindi ka na natatakot dahil sinasabi ng iyong puso na sa lahat hindi


laganap ang ngayon, na ang kahapon ay hindi sukatan ng bukas, at ang bukas ngayon
lang ng kahapon ng bukas ngayon . . . dahil malikmatang lahat ng panaginip ng gisingn.
Pati na ang digmaan.

27
Talasanggunian

Mula sa Aklat:
Casanova, Arthur P., Ligaya Tiamson Rubin, Teresita Perez Semorlan, at Olivia F. de
Leon. 2006. Retorika. Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng
Quezon: Rex Publishing House, Inc.

Evasco, Eugene., Ligya Tiamson Rubin, Arthur P. Casanova, at Joseph Salazar. 2001.
Ideya at Estilo sa Sanaysay. Lunsod ng Quezon: Rex Publishing House, Inc.

Salazar, Lucila A., Obdulia L. Atienza, Maria S. Ramos, at Anita R. Nazal. 1995.
Panitikang Pilipino. Unang Edisyon. Katha Publishing Co., Inc., Quezon City.

Rubin, Ligaya Tiamson, et. al., 2001. Panitikan sa Pilipinas. Unang Edisyon. Rex Book
Store, Inc. 84-86 Plorentino, Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon.

Online Sources:

http://akdaniemiliojacinto.blogspot.com/2008/10/liwanag-at-dilim-unang-paksa.html
http://joserizal.info/Writings/Other/malolos_tagalog.htm
http://akdaniemiliojacinto.blogspot.com/2008/10/liwanag-at-dilim-unang-paksa.html

28
29

You might also like