You are on page 1of 2

Summary:

“Wala pa, Heto na”


Sa wikang Filipino ay nahahati ang panahon sa dalawang kategorya ng
kaganapa:
1. Ang kasalukuyang nangyayari o nagaganap pa lamang;
2. at ang naganap na o ang natapos ng pangyayari.

Ang paggamit ng "na" at "pa" sa mga pahayag sa Filipino ay nagpapalinaw


sa kilos kung ito ay nagawa na o ginagawa pa lamang sa kasalukuyan. Ang
mga palatandaang ito ay nagbibigay diin sa panahon kung naganap o hindi pa
ang isang pangyayari at hindi sa kung ginagawa ang isang kilos.
Sa paggamit sa Ingles ay hindi sapat ang pagsabing "I am done" o "I am
finished" dahil madalas ay dinudugtungan ito ng "already" gaya ng "I am done
already" o "I am finished already."
Ang isang proseso o takbo ng mga pangyayari ay hindi maaaring pilitin o ipilit
dahil mas mainam na ipagpaliban muna ito. Ang pagpaliban ng isang gawain
ay hindi naman nangangahulugang mafiana habit dahil mas higit itong
inuunawa na baka hindi pa ito ang tamang panahon upang gawin o simulan
ito. Ang pagsabi ng "saka na" ay nangangahulugang "Maghintay muna tayo
ng tamang panahon" at hindi kailangang ipagbubukas kaagad. Ang ningas
kogon ay dulot ng pagdama sa mga pagbabago ng mga palatandaan sa pag-
inog ng panahon.
Ito ang dahilan kung bakit mabilis sumakay sa anumang pagbabago sa mga
plano o lumihis sa mga itinakdang isasagawa ang mga Pilipino. Hindi
nabibigla o nababalisa kung may hindi inaasahang pangyayari na mag-
aantala sa mga nakasalang programa dahil nakaakma ang kamalayan sa
daloy ng mga pangyayari.
Mapupuna na ang mga Pilipino ay "flexible," hindi kaagad nababahala sa
biglaang pagsulpot ng bagong pangyayari. Ito rin ang nakikitang dahilan kung
bakit pabago-bago ang isip ng ilan sa pagdalo sa mga imbitasyon. Inaakala
na marami pa ang mga pangyayaring hindi inaasahan na namamagitan mula
sa panahon nang magsabi ng "oo" hanggang sa pagdating ng itinakdang
panahon.
Next slide: Sanay ring maghintay ang mga Pilipino, mahaba ang pisi o ang
pasensiya nito sa pagitan ng pagsisimula at pagtatapos ng ng isang
programa. Marami pang nagagawa nito o pagkakaabalahan sa loob ng
panahong iginugugol sa paghihintay

You might also like