You are on page 1of 16

10

Filipino
Kuwarter 1- Modyul 10
Tamang Hudyat ating Ilapat
KARAPATANG SIPI ©2020

Filipino – JHS Baitang 10

Modyul 8: Pagpapalawak ng pangungusap

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-

ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,

larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan
maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad

Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Alexis Rey D. Follosco

Editor: Sonny A. Taugan
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda
Gumuhit ng Larawan: John Ervin Babor
Nagdisenyo ng Pahina: Alexis Rey D. Follosco
10

Filipino
Kuwarter 1-Modyul 10
Tamang Hudyat ating Ilapat

Ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng pampublikong kaguruan,

tagamasid sa Filipino at mga kaagapay sa sektor ng edukasyon, Hinihikayat
ang inyong pagtugon, puna at mungkahi sa ikauunlad ng kagamitan

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga tugon, puna at

mungkahi.
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng

modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan

mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing
nasa loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-
kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang
natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!
Tamang Hudyat ating Ilapat

P animula

Magandang araw, Kaibigan!

Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.
Sa gawaing inilaan dito ay matutuhan mong suriin ang kaisahan at kasanayan
sa pagpapalawak ng pangungusap.

L ayunin

Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod

ng mga pangyayari.
F10WG-Ie-f-60

T alasalitaan

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit
mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakayan
tungkol sa ating paksa
SIKWENSYAL
•kinapapalooban ng mga
Malinaw na serye ng pangyayaring
paghahatid ng magkakaugnay sa isa’t isa na
mensahe at humahantong sa isang
pangyayari pangyayari na siyang
pinakapaksa ng teksto •
kwento, pangyayari at iba pa

PAGSUSUNOD- KRONOLOHIKAL
SUNOD
• ang paksa nito ay ang tao
o kung ano pa mang bagay
na inilalahad sa isang
paraan batay sa isang tiyak
na baryabol • impormasyon
Paglalahad ng at mahalagang pangyayari •
mga ginagamit ayon sa petsa
impormasyon o gaya ng tiyak na araw at
hakbang taon

PROSIDYURAL
• ito ay tungkol sa serye ng
Gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o
resulta

Subukin nga natin ang iyong kaalaman sa

pagtukoy sa paksa at panaguri sa mga
pangungusap.
P animulang
agsubok

May iba’t ibang hakbang sa pagbibinyag o pagbabaptismo sa iba’t-ibang sekta o

relihiyon. Madalas, lalo na sa relihiyong Katoliko, sanggol pa lang ay isinasagawa na
ang pagbibinyag. Gayunpaman, may mga pagkakataon ding may edad o adult na
ang taong gusting magpabinyag. Sa ganitong pagkakataon, sinusunod ang mga
hakbang na tinatawag na RCIA o Rite of Christian Initiation for Adults na mababasa
sa ibaba:
• Una, pumili ng simbahan kung saan ka makadadalo nang madalas sa misa.
Makabubuti kung dumadalo ka sa hindi iisang simbahan lang upang mapili
mo kung saan ka higit na mas komportable.
• Pangalawa, makipag-ugnayan sa opisina ng Parokya at banggitin ang
kagustuhang mong magpa convert o magpabinyag.
• Sunod na isasagawa ang mga proseso ng RCIA o Rite of Christian Initiation
for Adults. May apat na hakbang para rito na tinatawag na Pre-
Cathechumenate, The Catechumenate, Purification, at Enlightenment and
Mystagogy. Ang tagal ng panahon para sa bawat prosesong daraanan ay
depende sa pangangailangan at damdamin ng magpapabinyag.
• At ang panghuli, magpabinyag upang maging opisyal na kasapi na ng
simbahan.

Ano ano ang mga salita ang ginamit sa mga hakbang na ito na nagsisilbing hudyat
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Isulat ang mga ito at lagyan ng linya.

Maliban sa mga nabanggit, may alam ka pa bang mga salitang naghuhudyat ng mga
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

Binabati kita!

Nasagutan mo ang panimulang

pagsubok!
Mga Gawain sa Pagkatuto

Sa maraming pagkakataon, tayo ay nagbibigay ng mga pagkakasunod-sunod ng

mga bagay, pangyayari, panuto at iba pa. Mahalaga kung gayon na alam natin ang
mga salita, kataga o pahayag na nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod
para magamit natin ayon sa pangangailangan.

Sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan, sa paggawa ng mga proyekto o

gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, at iba pa;
sa paglalahad o pagsasalaysay sa klase, madalas nating ginagawa ang
pagsusunod-sunod ng pangyayari o panuto. Mahalagang maging malinaw ang
paraan ng pagkakasunod-sunod para mauunawaan agad ng mambabasa o ng
kinakausap. Maaaring maiwasan ang pagkakamali kung madaling sundan ang
panuto o anumang bagay na ginagamitan sa pagsusunod-sunod.

Makatutulong ang paggamit ng mga salita, kataga, o pahayag na naghuhudyat ng

tamang pagkakasunod-sunod tulad ng makikita sa ibaba:
• Nakagagamit ng pang-uring pamilang na may uring panunuran o ordinal
upang malinaw na masundan o makita ang tamang pagkakasunod-sunod.
▪ Halimbawa: una,pangalawa,pangatlo
• Kapag naman ang pinagsusunod-sunod ay proseso o mga hakbang sa
pagsasawa ng isang bagay tulad ng pagbuo ng isang proyekto, pagluluto,
pagkukumpuni ng sasakyan, pagbuo ng mga bagong biling produktong
dumating nang nakakahon at hindi pa naka assemble, makatutulong ang
paggamit ng sumusunod na hudyat ng pagsusunod-sunod:
• Paggamit ng salitang hakbang + pang-uring pamilang o ng salitang step +
pang-uring pamilang.
▪ STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang
• Paggamit ng salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una,
kasunod, pagkatapos, panghuli, at iba pa.
Kapag naman mga pangyayari sa kuwento, napanood, nasaksihan, o naranasan
ang pinagsusunod-sunod, madalas, hindi na gumagamit ng mga salitang
nagpapakita ng pagkakasunod-sunod subalit ang mga pangyayaring ilalahad ay
dapat nakaayos nang sequential o ayon sa tamang paraan kung paano ito
nangyari.

Itiman ang angkop na bilog.

Nauunawaan ko ang mga pagpapalawak ng pangungusap.
o Oo
o Medyo
o Hindi
Ang galing! Masaya akong malaman na pagkatapos mong basahin ang
mahahalagang impormasyon sa aralin ay naging malinaw sa iyo ang konsepto
pagpapalawak ng pangungusap at pagsusuri.
Iba ka talaga! Pinabilib mo ko !
Ipagpatuloy mo pa.

P agsasanay 1

Panuto: Isulat ang “UNA” sa patlang kung ito ay TAMA at “PANGHULI” naman kung
ang pahayag ay MALI.

__________1. Hindi na kailangang tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga

panuto kapag mayroon ka ng kaunting alam ditto.
__________2. Ang paggamit ng mga salita, kataga, o pahayag na naghuhudyat ay
makatutulong sa mas malinaw na pag-unawa ng mga proseso ng paggawa.
__________3. Maaaring maiwasan ang pagkakamali kung tama ang pagsunod mo sa
panuto o anumang bagay na may tamang pagkakasunod-sunod.
__________4. Ang mga pangyayaring ilalahad tulad ng kuwento, nasaksihan o naranasan
ay dapat nakaayos sa sequential o ayon sa tamang paraan.
__________5. Magiging mas madali at malinaw ang proseso o mga hakbang kapag ito ay
ginagamitan ng salitang hakbang o pang-uring pamilang.
P agsasanay 2

Sa edad mong iyan ay inaasahang marami ka nang naitulutulong sa mga

gawaing bahay tulad ng paglilinis. Mas nakatitipid ng oras kung tama ang mga
hakbang o prosesong ginagamit sa paglilinis. Suriin at pag-aralan ang tatlong
paraang nakalahad sa baba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
A.

1. Walisin ang mga alikabok at iba pang duming naiwan sa sahig at sa ilalim ng mga sopa at
mesita. Dakutin ang naipong basura gamit ang dustpan upang maitapon agad sa basurahan.
2. Sunod na punasan ang alikabok sa mesita, lampshade, pasimano ng bintana, sopa at iba pang
appliances o kagamitan sa loob ng salas.
3. Tanggalin o damputin muna nag mga kalat tulad ng mga damit, libro, laruan at ilagay sa tamang
dapat kalagyan.
4. Linisin ang mga dumi sa mas mataas na lugar tulad ng mga agiw sa kisame, alikabok sa ibabaw
ng mga cabinet, at iba pa.
5. Ipagpag ang mga throwpillow at saka muling ihanay sa nalinis nang sopa.
6. I-mop ang sahig upang malinis na ito nang lubusan.

B.
1. Tanggalin o damputin muna nag mga kalat tulad ng mga damit, libro, laruan at ilagay sa
tamang dapat kalagyan.
2. Linisin ang mga dumi sa mas mataas na lugar tulad ng mga agiw sa kisame, alikabok sa
ibabaw bg mga cabinet, at iba pa.
3. Sunod na punasan ang alikabok sa mesita, lampshade, pasimano ng bintana, sopa at iba
pang appliances o kagamitan sa loob ng salas.
4. Ipagpag ang mga throwpillow at saka muling ihanay sa nalinis nang sopa.
5. Walisin ang mga alikabok at iba pang duming naiwan sa sahig at sa ilalim ng mga sopa at
mesita. Dakutin ang naipong basura gamit ang dustpan upang maitapon agad sa basurahan.
6. I-mop ang sahig upang malinis na ito nang lubusan.

C.

1. Walisin ang mga alikabok at iba pang duming naiwan sa sahig at sa ilalim ng mga sopa at
mesita. Dakutin ang naipong basura gamit ang dustpan upang maitapon agad sa basurahan.
2. I-mop ang sahig upang malinis na ito nang lubusan.
3. Linisin ang mga dumi sa mas mataas na lugar tulad ng mga agiw sa kisame, alikabok sa
ibabaw bg mga cabinet, at iba pa.
4. Ipagpag ang mga throwpillow at saka muling ihanay sa nalinis nang sopa.
5. Tanggalin o damputin muna nag mga kalat tulad ng mga damit, libro, laruan at ilagay sa
tamang dapat kalagyan.
6. Sunod na punasan ang alikabok sa mesita, lampshade, pasimano ng bintana, sopa at iba
pang appliances o kagamitan sa loob ng salas.
1. Kung ikaw ang maglilinis sa salas ng inyong bahay, alin sa mga nakalahad na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o hakbang ang iyong gagawin? Isulat ang
titik ng kahong iyong susundin. ____
Bakit ang mga hakbang sa kahong ito ang susundin mo?

2. Ano ang maaaring mangyari kung ang hakbang sa ibabang kahon ang susundin
mo sa iyong paglilinis?

3. Bakit mahalagang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa ng anumang bagay?

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

P agsasanay 3

Ang bagyo at lindol ay ilan lamang sa mga sakuna na naramdaman natin sa Filipinas
sa mga nakalipas na taon. Isa sa magiging sandata mo rito ay ang pagiging handa at
alisto sa mga tamang hakbang na gagawin mo at paghahanda.
Ang mga impormasyong nasa ibaba ay ilan lamang sa maaari nating gawin sa
pagsalanta ng bagyo at sa biglaang paglindol at pagyanig.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang na dapat gawin sa panahon ng
bagyo at paglindol. Gawing gabay ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod.
A. Paghahanda sa Bagyo
____Maghanda ng emergency bag na naglalaman ng mga pangunahing
pangangailangan upang magamit ang mga ito. I charge ang mga gadgets para
maging daan ng paghingi ng tulong kung kinakailangang mag-evacuate. Huwag
kalilimutan na ibaba ang “main switch”.
____Sa oras nang pagtama ng ang bagyo, maging alerto sa pagtawag o pakiki-isa
rescue team/kamag-anak na kung sobrang lakas na ng hangin at buhos ng ulan.
____Una sa lahat, maging alisto sa ulat-panahon sa pamamagitan ng TV, radio at
internet.
____Pagkatapos ng bagyo ay makinig pa rin ng balita. Kung lubusang napinsala ang
bahay ay huwag piliting bumalik bago nakumpuni.
____Ikalawa, mainam na suriin kung may kailangang ayusin o kumpunihin sa inyong
tahanan huwag kalimutang ihanda ang maaaring silungan ng inyong alagang hayop.

B. Habang Lumilindol

____ Suriin ang iyong sarili/pamilya kung nagtamo ng sugat sa katawan. Maaari
silang bigyan ng pamunang lunas bago dumating ang rescue team.
____ Sunod ay yumuko at magtago sa ilalim ng matibay na mesa at kumapit sa paa
nito. Manatiling alerto sa mga bagay na maaaring mahulog.
____ Kapag naramdaman ang pagyanig at kung ikaw ay nasa loob ng bahay o
gusali unang dapat mong gawin ay maging mahinahon at gawin ang “DUCK”
“COVER” at “HOLD”
____ Matapos ang pagyanig, agad na lisanin ang gusali at pumunta sa “open area”
o evacuation area na malayo sa mga gusali, puno o poste na may pangannib sa
pagguho ng lupa.

Lodi na kita! Napakagaling mong sumagot. Lamang ang may alam!

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang

resulta ng iyong pagsisikap?

P angwakas na
agsubok

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong bigyan ng puhunan at

gumagawa ng iyong natatanging produkto na maaaring mabenta sa panahon ngayon,
ano kaya iyon? Isulat sa baba ang mga sangkap o gamit para rito. Sa mga linya ay
isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagluto o pagbuo nito. Ang iyong
mga natutuhang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari upang
madaling masundan o maunawaan ang proseso ng iyong napakasarap na recipe.

Ang Tawag sa Produkto

Mga Sangkap o Gamit sa Pagbuo Nito:

Sunod-sunod na hakbang sa pagluluto o pagbuo ng produkto:

Sa wakas ay narating mo ang dulo
ng aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

anggunian

Emily V. Marasigan et. al, Pinagyamang Pluma 10, Aklat 1, (K to 12)

Karapatang-ari 2017 ng Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon Ave., Quezon
City, Kasapi: Philippine Educational Publishers Association, pahina 89-94
Icons made by catkuro from
www.flaticon.com
Icons made by Eucalyp from  www.flaticon.com
Icons made by Freepik from
www.flaticon.com
Icons made by dDara from
www.flaticon.com
Icons made by Freepik from
www.flaticon.com

https://www.slideshare.net/JonahSalcedo1/pagsusunodsunod-sekwensyal-
kronolohikal-prosidyural
https://www.slideshare.net/phillipeborde/paghahanda-sa-kalamidad
https://news.abs-cbn.com/life/07/27/17/alamin-ligtas-tips-ngayong-tag-ulan
usi sa

P agwawasto

Panimulang Pagtataya
1. Una
2. Pangalawa
3. Sunod/Sunod na isasagawa
4. At ang panghuli

Pagsasanay 1
1. Panghuli
2. Una
3. Una
4. Una
5. Una

Pagsasanay 2
1. B. Subhetibo ang sagot
2-3 Subhetibo ang sagot
Pagsasanay 3
A.
1. 3
2. 4
3. 1
4. 5
5. 2
B.
1. 4
2. 2
3. 1
4. 3
Pangwakas na Pagsubok
Pamantayan sa Pagmamarka
• Nilalaman - 10 puntos
• Angkop at wastong gamit
ng mga hudyat sa pagkakasunod-sunod - 10 puntos
• Kalinisan at kaayusan - 5 puntos
Kabuoan -25 puntos
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like