You are on page 1of 2

GABAY SA PAGPILI NG PAKSA:

Ang paksa ay isang sulating pananaliksik na isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang papel-
pananaliksik. Ang pagpili ng isang paksa ay dapat nakapokus lamang sa iisang direksyon upang
hindi mahirapan sa pagbuo ng pahayag.

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng pinakaangkop na paksa:


-Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo.
-Mahalagang maging bago o naiiba at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.
-May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon.
-Maaring matapos sa takdang panahong nakalaan.

Mga hakbang sa pagpili ng paksa:


-Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin.
-Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik.
-Pagsusuri sa mga itinalang ideya.
-Pagbuo ng tentatibong paksa.
-Paglilimita sa paksa.

Pagsulat ng Tentatibong Balangkas:

Ang balangkas o tinatawag na “outline” ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ang


akwtal na proyektong gagawin.
Ang balangkas ay nagsisilbing larawan ng mga pangunahing ideya at mahalagang detalye
tungkol sa paksa.
Ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna sa mga kaisipan ayon sa talatuntuning
lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang pag-unlad ng pagsusulat. (Arrogante, 1992)
Mahalaga ang pagbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat upang:
1. Una, higit na mabibigyang diwa ang paksa.-ang paksa ang pinakasentro ng sulatin,
kaya nakatutulong ang pagbuo ng balangkas.
2. Ikalawa, nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat.-dahil nakaplano na ang bawat
bahagi ng sulatin sa proseso ng pagsulat ng pananaliksik.
3. Ikatatlo, nakatutukoy ng mahihinang argumento.-dahil sa pagbabalangkas ay
nahahati ang malalaking ideya at nilalagyan pa ng sumusuportang detalye para mapatibay
ang argumento at matutukoy kung alin ang mahina at dapat ayusin at rebisahing mga
argumento.
4. Ikaapat, nakakatulong maiwasan ang writers block.-Mgkaroon ng direksyon ang
manunulat at mapag-isipan ang kanyang isusulat.

Uri ng Balangkas:
1. Paksa o Papaksang Balangkas (Topic Outline)- ito ay binubuo ng mga parirala o salita na
siyang mahalagang punto hingil sa paksa. Halimbawa: Tatlong pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. Panimula
A. Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Saklaw ng Pag-aaral
C. Pagbibigay-kahulugan
II. Mga Pangunahing Pagkain
A. Mayaman sa Enerhiya
B. Mayaman sa Protina
C. Mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Nagpalakas ng katawan
2. Nakatulong na makaiwas sa sakit
3. Nakapagpapasigla ng katawan
IV. Konklusyon

2. Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)- binubuo ng mahahalagang pangungusap


na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng sulatin. Halimbawa: Tatlong Pangkat ng
Pangunahing Pagkain
I. Panimula
II. May Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain. Ang ma ito ay ang mga sumusunod:
A. Ang mga pagkaing mayaman sa enerhiya.
B. Ang mga pagkaing mayaman sa protina.
C. Ang mga pagkaing mayaman sa Bitamina at Mineral.
III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Ang pagkain ay nagpapalakas ng katawan.
2. Ang mga pagkain ay maaaring makatutulong sa pag-iwas ng sakit.
3. Ang mga pagkain ay maaaring sanhi ng pagiging masigla ng isang tao.
IV. Konklusyon

3. Patalatang Balangkas-Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng


buong talata ng sulatin. Ang binibigyang-diin ay ang pagkakaugnay. Halimbawa: Tatlong
Pangkat ng Pangunahing Pagkain
1. Ang mga Go foods ay isa sa tatlong pangkat ng pagkain na nakakatulong magbigay ng
lakas sa ating katawan. Kabilang dito ang mga carbohydrates, sugar, at pagkain na may fat.
2. Ang Grow foods naman ang pangalawa sa tatlong pangkat ng pagkain. Ito ay mga
pagkain na mataas ang protein. Nakatutulong ito sa pagpapalaki ng muscles at ng ating katawan.
3. Ang Grow foods naman ang pangalawa sa tatlong pangkat ng pagkain. Ito ay mga
pagkain na mataas ang protein. Nakatutulong ito sa pagpapalaki ng muscles at ng ating katawan.

You might also like