You are on page 1of 2

Komposisyon Blg.

4
Pangalan: _____________________________Petsa:_____________Seksyon:
_____________________________________Marka: _________________

Isulat dito ang iyong nirebays na burador.

Ang Fraternity: Isang Pagtitimbang-timbang


ni Rolando A. Bernales

Ang fraternity ay nanggaling sa salitang Latin na frater na ang ibig sabihin ay


brother. Ang fraternity ay isang kapatiran, bagama't ang terminolohiya ay karaniwang
nagpapahiwatig ng isang pormal na organisasyon at minsan ay isang sekretong
samahan. Ito ay isang organisadong samahan ng mga kalalakihan, isang kapatirang
dedikado sa intelektuwal, pisikal o sosyal na debelopment ng mga miyembro nito. Ang
katumbas nito sa mga kababaihan ay sorority,at ang samahang kinaaaniban ng kapwa
babae at lalake ay tinatawag namang confraternity.

Mauugat ang kasaysayan ng fraternity sa sinaunang Gresya at sinaunang


Roma. May mga kahawig ding institusyong nabuo bago matapos ang panahong
midyibal na tinawag na confraternities na samahang kaugnav! ng simbahang Katoliko.

Dito sa Pilipinas, ang mga Espanyol at iba pang mananakop ay nagtatag ng ilang
pilocanill at praternal na samahan noong 1850, ngunit ang mga ito ay eksklusibo
lamang sa mga Kastila o kanilang kalahi. Noon lamang1872 lumaganap ang Fraternity
of Odd Fellows sa Pilipinas. Sinundan ito ng Freemasonnoong 1877 na dinala rito ng
mga Amerikano. Itinatag din ang mga lodgesmga naunahing layunin ng samahan ang
magkamit ng kalayaan mula sa Pilipino ay ang Katipunan. Naging pangunahing layunin
ng samahan ang mapkamit mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.

May iba't ibang dahilan ng pagsali sa mga fraternityna karamihan ay nakabase


sapamantasan o kolehiyo.: kapangyarihan at proteksyon ang pangunahing dahilan ng
pagsali ng maraming kabataan sa mga samahang ito, seguridad at suporta ang
kadalasang dahilan lalo na ng mga estudyante ng Law. Isa ring dahilan ang
pagpapalawig ng propesyonal na network. Mav mga sumasali rin daw para lamang
magmukhang astig, sense of belonging o need to fit in ang pangunahing dahilan.

Sa Amerika, ilan sa mga halimbawa ay sina si Bill Clinton (Alpha Phi Omega),
George Bush (Delta Kappa Epsilon), Martin Luther King, Jr. (Alpha Phi Alpha),
Condoleeza Rice (Alpha Chi Omega), Franklin Roosevelt (Alpha Delta Phi), Neil
Amstrong (Kappa Kappa Psi) at Pat Riley (Sigma Nu) (www.onlinecollege. org). Dito sa
Pilipinas, karamihan sa mga kilalang tao sa politika, negosyo at iba pang larangan ay
tinaguriang dating mga frat boys/girls.Ilan sa mgahalimbawa, karamihan ayon sa
newsinfo.inquirer.net, ay sina Jejomar Binay (Alpha Phi Omega), Juan Ponce Enrile
(Sigma Rho), Serafin Cuevas (Sigma Rho), Renato Corona (Utopia), Neptali Gonzales
II (Aquila Legis), Franklin Drilon (Sigma Rho), Edgardo Angara(Sigma Rho), Joker
Arroyo (Upsilon Sigma Phi), Pia Cayetano (Delta Lambda Sigma) at Persida Acosta
(Epsilon). Ang tagumpay ng mga taong ito at ng iba pa ay isa ring pang-akit ng kani-
kanilang samahan upang makapag-recruit ng mga bagong miyembro o neophyteat
motibasyon o inspirasyon din ito ng mga nasabing miyembro.

.Samantala, may mga tutol naman sa pagsali sa mga fraternity.Pangunahing


dahilan nila ay ang peligrong dulot nito. Karahasan ang nangungunang peligro ng
pagsali sa mga samahang ito. Karaniwan na ang tinatawag na frat wars ng mga
magkakatunggaling fraternity na minsan ay humahantong sa rambol sa loob at labas ng
mga kampus. Itinala ang ilan sa mga kabataang nasawi sa hazingna nalathala sa mga
lokal at/o pambansang pahayagan. Ilan sa kanila ay ang mga sumusunod: 2008
-Chester Paulo Abracias ng Enverga University (Tau Gamma Phi): 2009 -Elvis Sinaluan
at Glacy Monique Dimaranan (Scout Royal Brotherhood), at John Daniel Samparada ng
Lyceum ofthe Philippines (Tau Gamma Phi); 2010 -EJ Earl Intia ng University of Makati
(Alpha Phi Omega), Noel Borja na isang estudyante ng Alternative Learning System
(Tau Gamma Phi) at Menarda Clamucha ng University of Iloilo (Kapatiran ng mga
kabataang Kriminolohiya); 2011 -Nor Silongon ng Notre Dame of Tacurong College
(Tau Gamma Phi), at isang anonimong biktima mula sa West Negros University (Tau
Gamma Phi); 2012 -Marc Andre Marcos ng San BedaCollege (Lex Leonum) at Marvin
Reglos ng San Beda College (Lambda Rho Beta).
Marami pang ibang biktima ang hindi dokumentado. Karamihan sa mga biktima,
mapadokumentado o hindi, ay naghihintay pa rin ng katarungan hanggang sa
kasalukuyan.Ang pagsali o hindi pagsali sa isang fraternity ay isang personal na
desisyon. Nangangailangan ito ng taimtim na paglilimi at kailangang ibatay ito sa mabuti
attamang dahilan at sa mga mahahalagang konsiderasyon. Kailangan ding gawin ito
nang may pag-iingat, at hanggat maaari, nang may gabay ng mga taong mahal natin sa
buhay.

-mula sa http://rabernalesliterature.com

You might also like