Iba't Ibang Salita, Iisa Ang Diwa

You might also like

You are on page 1of 4

Garado, Ma. Daniela Mae B.

OBTEC 1-25

Gawain Blg. 2 sa FILIPINOLOHIYA


Iba’t Ibang Salita, Iisa ang Diwa

Gawing gabay ang AB Ep. 4


Gawing patnubay ang sumusunod na gabay/tanong.
1. Ano -ano ang ibat ibang salita na kasing kahulugan ng new normal. Magsaliksik at ilagay kung
ano at saang wika ng bansa ito nagmula.
2. Mula sa iba’t ibang salita paraan o aspekto na nagtatagpo sa “bago”, ano at paano ito dapat
baguhin?
3. Magkuwento ng isang araw na karanasan sa klase sa Filipinolohiya at iugnay ang pagninilay sa
pagbabago ng paraan, kalakaran, o buhay. Iugnay ang pagninilay sa kaisipan, kultura, at
lipunang Pilipino
Gabay sa pagsagot sa gawain.
1.

Bagong
Kadawyan
Ilokano

Bagong Bag-ong
Himang naanad
Hiligaynon Cebuano

New Normal o
Bagong Normal

Bagong Bagong Norma


Naapsalan Batangas
Pangasinense Dialect

Bag-on nga
Panahon
Waray

Kaya naman mainam at mabuting alamin ang katangiang varyabilidad ng isang wika, nang
sa ganoon ay hindi ito maging hadlang sa mabisang pakikipagtalastasan at mabungang pag-
unawa sa ating kapwa; iba man ang kaniyang pinagtubuuan o kultura.

Maraming beses na nating narinig ang salitang New Normal o Bagong Normal, maaaring sa
sa balita, sa online class, o sa pangkaraniwang usapan man ng mga nakapaligid sa atin.
Ngunit maaaring may iba pa tayong narinig na o maririnig pa lamang na aakalain nating iba
ang kahulugan nito mula sa binanggit na salitang New Normal o Bagong Normal. Bakit
kaya? Ito ay dahil sa varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika. Ang salitang Kadawyan,
Himtang, Naanad, Norma, Bag-on nga Panahon, at Naapsalan ay ilan lamang salita na mula
sa iba’t ibang lugar, rehiyon, o bansa. Siguradong iniisip natin na sila ay magkakaiba sa kung
paano ito babasahin at isusulat, ngunit kung aalamin ang tunay na kahulugan ay iisa lamang
ito ng diwa. Dahil ang lahat ng ito ay pareho lang sa diwang mayroon ang New Normal o
Garado, Ma. Daniela Mae B.
OBTEC 1-25

Bagong Normal.
2.
"Ang pagbabago lang ang hindi nagbabago," mga katagang sinambit ng aking guro noong
ako'y nasa ikapitong baitang. Noong una ay hindi ko makuha ang kahulugan nito, ngunit
matapos ang ilang beses na pag-iisip ay nakuha ko rin. Palagi nga namang may bago, dahil ang
lahat ay nagbabago. At ang pagbabagong ito ay siyang tangi lamang na hindi nagbabago.
Parang ngayon sa ating kasalukuyan, kitang-kita ang pagbabago sa ating pamumuhay; kaya
nga tinatawag natin itong Bagong Normal o New Normal, o sa kahit ano pa mang wika sa
bansa na nabanggit natin sa unang bilang. Dahil sa pandemya na dulot ng coronavirus ay
malaki ang naging pagbabago sa nakasanayang pamumuhay. Hindi man natin nais na gawin
ngunit may kailangang gawing pagbabago: kailangan nating baguhin ang mga nakagisnan
upang hindi malagay sa peligro ang ating mga sarili at ang mga mahal natin sa buhay.

Ilan sa mga pagbabagong ito ay

Ano: kung dati ay malaya Ano: Kung dati ay hindi Ano: Kung noon ay malaya
tayong nakakahinga at masyadong pansin si tayong magyakapan,
nakakapagsalita ng malinaw alcohol… humalik sa pisngi, at
at maayos … ipagsiksikan ang sarili sa
personal na espasyo ng
kaibigan…
Paano: Paano: Paano:
Ngayon ay kinakailangan na Ngayon ay palagi na natin ay siyang hindi na maaari
nating magsuot ng face mask itong dala-dala at gamit- ngayon dahil kailangan nang
at ng face shield bilang pag- gamit ngayon. panatilihin ang pagdistansya
iwas sa pagkakahawa sa mula sa isa't isa.
virus.

Ano: Kung noon naman ay Ano: Ang nakagawiang Face- Ano: Ngunit hindi lang din
maraming tao at maraming to-face classes ay kaming mga estudyante ang
nakasasabik na aktibidad sa kinailangang mabago rin na nahihirapan, dahil alam din
labas, sobrang umepekto sa buhay natin na iba at sobra ang
ng mga mag-aaral at mga sakripisyong pagbabago ang
guro. ginagawa ng mga guro para
isulong ang edukasyon
nating mga estudyante.
Mula sa pagtuturo nila ng
harap-harapan…
Paano: Paano: Paano:
ngayon ay hinihigpitan na Remote learning ang Hanggang sa pahirapang
ang paglabas ng bahay kung pumalit sa tradisyong pagnavigate ng teknolohiya
hindi naman katanggap- pagkatuto at pagsabay sa at isama pa ang ilang oras
tanggap ang dahilan. makabagong paraan ng na pagsasalita sa harap ng
Garado, Ma. Daniela Mae B.
OBTEC 1-25

Madalas na naiisip ang mga pagtuturo sa pamamagitan screen habang tila mga
problema dahil mag-isa ng online class. Noong una mukhang 'pogs' (laruang
lamang sa loob ng bahay at ay hindi ko ito tanggap. Isa ginagamit ng mga batang
nararamdamang hindi pa ako noon sa sumisigaw Pilipino) lamang ang nakikita
konektado sa mga taong ng "academic ease," ngunit dahil walang estudyante ang
minsang nakasama noon. aking napagtanto na nagbubukas ng kanilang
Kaya ang nangyayari ay kailangang magpatuloy ano kamera. Kitang-kita talaga
marami ang nababalisa at pa man ang hamon ng ang kakaibang dulot ng
natatakot. buhay. Mahirap ngunit pagbabagong ito sa mga
kinakaya at sinasanay ko ang guro.
aking sarili na humarap nang
ilang oras sa harap ng laptop
upang makinig sa aking guro
at sagutan ang mga
nakaatas na gawain.

3. Ang Saysay ng Aking Salaysay sa Pagninilay

Gumising at Manggising

Simula nang kunin ko ang kursong Filipinolohiya, nagbago ang aking pananaw sa mga katagang
"pagmamahal sa sarili" at "paghahanda para sa lahat." Pagmamahal sa sarili na kung saan ay dapat
yakapin at akuin ang pagkaPilipino nang may kalakip na tunay na pagmamahal sa papamamagitan ng
paghahandang punong-puno nang kamalayan at pagpapalawig ng ating sarili sa kapwa natin. Hindi pa
man natatapos ang termino ngunit ang guro ko sa kursong ito at ang mismong kurso na ito ay iminulat
ang aking mga mata at ang aking tulog na diwa. Nakikita ko sa aking guro ang pagmamahal na
mayroon siya para sa kaniyang pagkaPilipino dahil ibang klase na lamang siya kung magplano at
maghanda para sa aming tuwi-tuwinang diskusyon. Isang beses ay nagklase kami nang may hamong
maging atentibo at handa; hango sa PBB ang paraan ng aming diskusyon! Buhay na buhay at
napakabibo ng aming naging ugnayan na siyang hindi ko nakasanayan sa buong buhay ng aking pag-
aaral. Ngayon lamang ako nakaranas ng ganito; sa ilang segundo ay tila hindi pag-aaral ang pakay
kundi ang maglibang at magsaya! Ngunit sa kabilang banda ay hindi nga ako sanay na maging prompt
o maging handa sa madaliang pagsasagot. Ang kabaguhang paraan ng ganitong talakayan sa klase ay
tila hinahamon din akong baguhin ang aking sarili: ang natutulog na ako at ang pananatili sa kung ano
lamang ang nakasanayang ako. Ginising ako nito mula sa pagiging tulog at pinalitaw hindi lamang ang
kagustuhang maging aktibo, bibo, at prompt ang sarili, kundi ay pati na rin ang maghikayat at magturo
ng mga estudyante sa hinaharap habang katuwang ang Filipinolohiya bilang paraan at parte ng
pagtuturo kahit ano pa man ang aking pagkadalubhasaang asignatura.

Ang paggising sa akin ng bagong kaparaanang pagtuturo ng aking guro ay tila sumabay sa paggising sa
aking natutulog na kamalayan at diwa patungkol sa kung ano ang aking pagkakakilanlan. Sa aking
naging karanasan sa kursong ito ay masasabi kong binibigyang katuparan nga ng Filipinolohiyang ito
ang pag-aaral at pagpapalitaw sa kaisipan, kultura, at lipunan ng aking pagkaPilipino. Ginising ako nito
upang hindi lamang lumitaw sa akin ang tatlong konsepto na ito kundi hinikayat din ako nitong
maging kabahagi sa paggising ng mga Pilipinong na hanggang ngayon ay silang natutulog pa rin.
Garado, Ma. Daniela Mae B.
OBTEC 1-25

Marami akong natutunan mula sa diskusyon naming ito. Kaya naman ako'y nagpapasalamat dahil
masasabi kong ako'y gising na gising at handang katuwangin ang Filipinolohiya upang palitawin sa
aking magiging estudyante sa hinaharap ang tatlong importanteng konsepto na magpapalitaw sa
kanilang pagkaPilipino: ang kaisipan, kultura, at lipunang F/Pilipino. Samakatuwid, nagging daan ang
kabaguhang kaparaan ng aking guro ang paggising sakin upang mahalin ang aking sarili na mas
yakapin at akuin ang kaisipan, kultura, at lipunang pagkaPilipino. Ngunit hindi lamang nagtatapos sa
pagkakaroon ng pag-ibig para sa sariling lahi kundi ang pagtugon at bigyang katuparan ang
pagmamahal na ito sa pamamagitan ng paghahanda nang may layuning manggising ng iba at
palawigin ang kaisapang F/Pilipino, kulturang F/Pilipino, at lipunang F/Pilipino.

You might also like