You are on page 1of 12

PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY

College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11


I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matatamo ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a) matukoy ang mga pagbabago sa bokabularyo at terminolohiya na lumitaw sa
panahon ng modernisasyon at maunawaan ang kanilang epekto sa komunikasyon at
pag-unawa ng mga tao;
b) maipakita ang mga pagbabago sa estilo ng pagsulat at pagsasalita na
kaugnay ng modernisasyon at maunawaan ang kanilang implikasyon sa pagpapahayag
ng ideya at pagkakaroon ng kredibilidad sa pagsusulat at pagsasalita;
c) makapagbigay halimbawa ng tamang pag-intindi at paggamit ng mga bagong
salita, terminolohiya, at estilo ng pagsulat at pagsasalita sa konteksto ng
modernisasyon;
d) magkaroon ng kritikal na pag-iisip at talakayan tungkol sa mga positibo at
negatibong epekto ng mga pagbabago sa pangwika sa panahon ng modernisasyon at
maipahayag ang sariling opinyon ukol dito.

II. ARALIN
A. Paksa: Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon
B. Mga Kagamitang Panturo:
1. Mga Sanggunian:
Filipino 11 KPWKP Ikalawang Markahan – Modyul 5: Sitwasyong
Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon
DepEd TV YouTube Channel
DepEd Tambayan: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Modyul: Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon
2. Iba Pang Karagdagang Kagamitan:
Biswal, pisara, TV screen, at PowerPoint Presentation
C. Metodolohiya: Induktibo, kolaboratibo, pagtuklas na pamamaraan
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Paunang Gawain

Magandang araw!
Lahat: Magandang araw po, guro!
Handa na bang matuto ngayong araw?
Lahat: Opo!
Nawa ay nakapagmeriyenda na ang lahat
bago pumasok sa klase.

Bago tayo pormal na magsimula sa ating


aralin ay inaanyayahan ko kayong lahat
na tumayo para sa isang panalangin na
pangungunahan ni Carla.
[Tatayo ang lahat at mananalangin.]
Maraming salamat, maaari na kayong
umupo at pulutin ang kalat na inyong
nakikita nang tahimik habang
minamarkahan ko ang mga lumiban
ngayong araw sa klase.
[Uupo ang mga mag-aaral, at pupulutin
ang kalat na kanilang natatanaw, maging
sa ilalim ng kanilang mga upuan.]
Lucy, bilang kalihim, may mga lumiban ba
sa inyong klase ngayong araw?
Lucy: Wala po, sir. Kumpleto po ang
aking mga kamag-aral ngayong araw.
Salamat, mabuti kung ganoon.

Bago tayo magtungo sa panibagong


aralin, atin munang sariwain kung ano
nga ba ang ating naging talakayan sa
ating nakaraang pagkikita?
[Magtataas ng kamay si Cleo.]
Sige, Cleo.
Cleo: Ang ating naging talakayan noong
nakaraang araw ay patungkol sa
sitwasyon ng wika sa larangan ng
edukasyon, pamahalaan, at kalakalan.
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

Magaling! Inaasahan kong lahat kayo ay


tunay na natuto sa nakaraang talakayan.
Kaya naman, atin nang simulan ang
panibagong aralin ngayong araw na ito.

Handa na ba kayo?
Lahat: Opo, guro!
B. Pagganyak

Upang maging kanapa-panabik ang


pagbubukas ng panibago nating aralin,
tayo ay magkakaroon muna ng isang laro
na ating tatawaging Pares-ambagan.

Sa pamagat pa lamang ng ating laro ay


magkakaroon na kayo ng ideya kung
anong klaseng pangganyak ang inyong
lalaruin.

Ang klase ay mahahati sa tatlong grupo.


Ang unang grupo ay sina ---.

Tumayo ang lahat ng kabilang sa unang


pangkat.
[Tatayo ang unang grupo.]
Ang ikalawang grupo naman ay sina ---.

Tumayo naman ang ikalawang grupo.


[Tatayo ang ikalawang grupo.]
Ang panghuling grupo naman ay sina ---.

Tumayo ang ikatlong grupo.


[Tatayo ang ikatlong grupo.]
Ngayong alam na ninyo ang inyong mga
kasama, tayo ay dumako naman sa
panuto. Mayroon akong ibibigay na
dalawang sobre sa inyo. Ang unang
sobre ay naglalaman ng pitong
makabagong terminolohiya o mga salita
na naimbento sa ating kasalukuyang
panahon. Ang ikalawang sobre naman ay
nilalaman ang kalakip na kahulugan ng
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

bawat terminolohiya. Kailangan ninyong


idikit sa pisara ang pitong terminolohiya
at ilagay sa tabi nito ang kalakip na
kahulugan. Ang mga indibidwal ay maaari
lamang kumuha ng isang piraso sa mga
sobre na ididikit sa pisara. Tatanggapin
lamang ang inyong naging tugon
pagkatapos patunugin ang kampanilya na
nasa mesa. Ang unang grupo na
matatapos at makatama sa lahat ng
pitong terminolohiya ay ang mananalo at
makakakuha ng pinakamataas na marka.

Nauunawaan ba ang aking ibinigay na


panuto?
Lahat: Opo, guro!
[1. FOMO - (Fear of Missing Out) - Ang
takot na maiwan o hindi makasama sa
mga kaganapan o aktibidad na
nangyayari sa kasalukuyan.

2. Bae - Maikling tawag sa "Before


Anyone Else," na nangangahulugang
espesyal o mahalaga sa isang tao.

3. YOLO - (You Only Live Once) - Ang


ideya na dapat gamitin nang wasto ang
bawat pagkakataon dahil tayo ay may
iisang buhay lamang.

4. Squad - Ang grupo ng mga kaibigan o


kasama na palaging magkasama at
nagtutulungan.

5. Hangry - Ang kombinasyon ng


"hungry" (gutom) at "angry" (galit), na
nangangahulugang nagiging iritable o
mainit ang ulo dahil sa gutom.

6. Ghosting - Ang paghinto o paglaho ng


komunikasyon o pagkawala ng isang tao
sa isang relasyon o pakikipag-date nang
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

walang paalam o dahilan.

7. Binge-watch - Ang pagpanood ng


maraming episodes o pelikula nang
sunud-sunod sa isang maikling panahon.]

[Ang mga mag-aaral ay masayang


Napakahusay ninyong lahat! Kaya naman maglalaro sa inihanda ng guro.]
bigyan ninyo ng limang bagsak na
palakpak ang inyong mga sarili.

[Ang mga mag-aaral ay papalakpak nang


Sa pagkakataong ito, hayaan ninyong masigla.]
kayo ay aking tanungin upang makuha
ang iyong hinuha sa ating tatalakaying
aralin.

Sa inyong palagay, batay sa ating naging


laro, tungkol saan ang ating pag-aaralan
ngayong araw?

Sige, Harold, ano ang iyong gustong [Magtataas ng kamay si Harold.]


ituran?

Harold: Sa tingin ko po, batay sa ating


naging laro, patungkol ito sa mga
makabagong terminolohiya na naimbento
sa ating panahon sa kasalukuyan, na
madalas na ginagamit ng mga millennial
Napakagaling! Mahusay ang iyong at Gen Z na katulad ko.
naging obserbasyon!

Ngayon naman, sa inyong palagay, anu-


ano ang nagiging epekto ng mga ito sa
pang-araw-araw na buhay at sa kultura
natin bilang mga Pilipino?

Pakinggan natin si Tristan. [Magtataas ng kamay si Tristan.]

Tristan: Malaki ang epekto ng mga


makabagong teknolohiya sa ating pang-
araw-araw na buhay, maging sa ating
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

kultura bilang mga Pilipino. Ang


paglaganap ng mga bagong
terminolohiya ay nagdudulot ng
pagbabago sa ating wika. Maraming mga
salitang Ingles o mga slang ang
napapalitan ng mga Pilipinong bersyon.
Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa
paggamit at pag-unawa ng wika sa pang-
araw-araw na talastasan. Ito ay
nagreresulta sa pagkakaroon ng mas
pormal o impormal na paraan ng pag-
uusap depende sa konteksto. Ang pag-
unawa sa mga terminong ito ay mahalaga
Napakagandang paliwanag ang iyong upang maiwasan ang misinterpretasyon
sinambit, John Mark. Magaling! sa komunikasyon.

Maraming salamat sa inyong


partisipasyon sa ating pagganyak na
gawain. Inaasahan kong magiging
makabuluhan ang ating talakayan sa
pagdako natin sa aralin ngayong araw. Ito
ay ang Sitwasyong Pangwika sa
Panahon ng Modernisasyon.

C. Pagtalakay sa Aralin

Sa pagbubukas ng panibagong aralin,


hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo kung
ano ang kasalukuyang sitwasyong
pangwika sa makabagong panahon o
panahon ng modernisasyon. Bilang
karagdagan, ating susuriing maigi ang
epekto ng mga naimbento at nalikhang
mga terminolohiyang ito sa ating pag-
araw-araw na pakikipagkomunikasyon,
positibong epekto man o negatibo. At
higit sa lahat, ang makapagbigay
halimbawa ng tamang pag-intindi at
paggamit ng mga bagong salita at
terminolohiya.

Handa na ba ang lahat?


PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

Mabuti naman kung ganoon! Lahat: Opo guro, handa na!

Para mas mabigyan tayo ng malalim at


makabuluhang diskusyon sa ating
talakayan, tayo ay muling magkakaroon
ng isang gawain. Kayo ay mananatili sa
kaninang grupo, at gagamitin ninyo ang
pitong terminolohiya na kanina lamang ay
hinatiran ninyo ng mga kahulugan.

Sa puntong ito, lilikha kayo ng isang


senaryo, diyalogo, o kuwento gamit ang
pitong makabagong terminolohiya na
inyong nakikita sa pisara. Ang mga
pangungusap ay hindi dapat bababa sa
pito at hindi naman lalagpas sa sampu.
Kayo ay mayroon lamang sampung
minuto upang maisakatuparan ang
gawaing ito. Pagkatapos ay pipili kayo ng
isang miyembro na magbabasa ng inyong
gawa sa harapan. Nauunawaan at handa
na ba ang lahat?

Lahat: Opo, guro!

[Ang mga mag-aaral ay matagumpay na


makalilikha ng gawaing inatas ng guro na
Bigyan muli natin ang ating mga sarili ng gawin.]
limang bagsak na palakpak sa isang
husay na inyong ipinakita.

[Ang mga mag-aaral ay papalakpak nang


Ngayon naman, nais kong malaman ang masigla.]
inyong naging obserbasyon. Sino ang
nais magbahagi?

Sige, Jeffrey. Maaari ka nang magbahagi. [Magtataas ng kamay si Jeffrey.]

Jeffrey: Ang naging obserbasyon ko ay


ang pagiging tunog impormal ng mga
pangungusap na aming nilikha sa
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

pamamagitan ng ibinigay na mga


terminolohiya. At karagdagan, madalas
naming naririnig ang mga katagang ito sa
Mahusay! Maraming salamat sa iyong aming pang-araw-araw na buhay.
ibinahaging opinyon.

[Magbabahagi ang guro patungkol sa


kasalukuyang sitwasyong pangwika sa
panahon ng modernisasyon, mga
negatibo at positibong epekto nito, at
tamang pag-intindi sa gamit ng mga ito.]

[Ang mga mag-aaral ay atentibong


makikinig at sasagot sa mga tanong ng
guro patungkol sa kaniyang
Maraming salamat sa inyong pakikinig at ibinabahaging kaalaman.]
partisipasyon. Nakasunod ba ang lahat
sa ating diskusyon?

Mayroon ba kayong mga katanungan Lahat: Opo, guro.


bago tayo dumako sa susunod na parte
ng aralin?

Mabuti naman kung ganoon. Lahat: Wala po, guro.

D. Paglalapat ng Aralin

Gayong sinabi ninyo na nauunawaan na


ninyo ang aralin, tayo ay may gagawin
muling isang aktibidad.

Inaanyayahan ko ang lahat na kumuha


ng isang kalahating papel o ½ crosswise
at ballpen para sa ating gawain.

Para sa panuto, hindi ba ang bawat grupo


ay kanina lamang ay lumikha ng senaryo,
diyalogo, o kuwento gamit ang mga
impormal na makabagong terminolohiya
na nasa pisara. Ngayon naman ay
gagawin ninyong pormal ang mga ito
gamit ang wastong baybay at
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

pamamaraan ng paggamit ng Wikang


Filipino.

[Ang guro ay magbibigay ng isang


halimbawa.

Impormal: Tomjones na ako, hindi ko na


nakekeri pa.

Pormal: Gutom na ako, hindi ko na


nakakaya pa.]

Nauunawaan baa ng inyong gagawin?

Lahat: Opo, guro.

[Ang mga mag-aaral ay matagumpay na


Napakahusay ninyong lahat! Tunay makagagawa ng gawaing iniatas ng
ngang nauunawaan ninyo ang ating guro.]
talakayan ngayong araw.

E. Paglalahat

Bilang paglalahat, sino sa inyo ang


makapaglalahad ng epekto ng mga
makabagong terminolohiya sa ating wika
sa kasalukuyan?

Sige, Kate. Maaari ka nang magbahagi.


[Magtataas ng kamay si Kate.]

Kate: Ito ay nagbibigay ng mga bagong


salita at kahulugan na nagpapalawak sa
bokabularyo ng wika. Gayundin, nagiging
bahagi rin ito ng pagbabago at pag-unlad
ng kultura. Ang negatibong epekto naman
ng mga makabagong terminolohiya sa
kasalukuyang sitwasyon ng ating wika at
kultura at pagkatuto ay maaaring
magdulot ng pagkaiba at pagkawala ng
tradisyonal na salita at kahulugan. Ito ay
Magaling! Napakahusay ng iyong maaaring magresulta sa pagkawala ng
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

pagbabahagi. kasaysayan at identidad ng isang kultura.

Sa inyo namang palagay, bakit kailangan


nating pangalagaan, panatilihin, at
gamitin sa tama o wastong paraan ang
Wikang Filipino sa kabila ng paglaganap
ng mga makabagong terminolohiya?

Atin naming pakinggan si Ysa.

[Magtataas ng kamay si Ysa.]

Ysa: Kailangan nating pangalagaan,


panatilihin, at gamitin sa tama o wastong
paraan ang Wikang Filipino sa kabila ng
paglaganap ng mga makabagong
terminolohiya upang mapanatili ang ating
kultura at identidad bilang isang bansa.
Ang wikang Filipino ay mahalaga bilang
isang bahagi ng ating pambansang
pagkakakilanlan at naglalaman ng
malalim na kahulugan at tradisyon. Sa
pamamagitan ng tamang paggamit ng
wika, nagkakaroon tayo ng
pagkakaintindihan at pagkakaisa bilang
Maraming salamat sa isang isang lipunan. Ito rin ang nagbibigay daan
komprehensibo at buong kasagutan, Ysa. sa pagpapahalaga at pagpapalaganap ng
ating mga kultura at kaugalian.
Tulad ng sinambit ng inyong kamag-aral,
makatutulong tayo sa pagbuhay ng
Wikang Filipino sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tiwala at suporta sa
Komisyon ng Wikang Filipino sa mga
inisyatiba at proyekto na naglalayong
mapanatili at pagyamanin ang Wikang
Filipino. Ang KWF ay isang ahensya ng
pamahalaan na may mandato na
pangalagaan at palaganapin ang Wikang
Filipino.
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

IV. PAGTATAYA
Alamin. Sagutan ang bawat bilang sa pamamagitan ng pag-alam sa tinutukoy ng
kahulugan.
__________1. Isang tao na may malaking impluwensiya sa social media at madalas na
nagpo-promote ng mga produkto o serbisyo.
__________2. Ang pagkuha ng sariling larawan gamit ang cellphone o iba pang camera
device.
__________3. Ang paggamit ng simbolo ng hashtag (#) sa social media upang
kategorisahin o ma-organize ang mga post o mensahe.
__________4. Ang pagiging malawakang pinag-usapan o pinagkakaguluhan ng mga
tao sa internet.
__________5. Mga maliit na larawan o simbolo na ginagamit upang ipahayag ang
emosyon o saloobin sa mga online na pakikipag-usap.
__________6. Mga larawan, video, o ideya na kadalasang nagpapatawa o
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng pagbabago o pagsasama-sama ng
mga ito.
__________7. Ang pagbili ng mga produkto o serbisyo gamit ang internet at mga online
na plataporma.
__________8. Ang pag-play o pag-access sa mga multimedia content tulad ng musika,
pelikula, o TV show nang direktang mula sa internet nang hindi kinakailangang i-
download.
__________9. Isang tao na gumagawa ng trabaho o negosyo gamit ang internet at iba't
ibang teknolohiya sa iba't ibang lugar sa buong mundo.
__________10. Ang pag-atake, pang-aasar, o pambu-bully sa isang tao gamit ang
internet o iba't ibang online na plataporma.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Sumalamin. Gumawa ng isang repleksyong papel patungkol sa pamagat ng aralin
ngayong araw na Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon.
PAMPANGA STATE AGRICULTURAL UNIVERSITY
College of Education

AYALA HIGH SCHOOL


Senior High School

Inihanda ni: Sinuri ni:

G. NATHANIEL D. PAMINTUAN GNG. EDCELLE E. CANLAS, MAEd


Gurong Mag-aaral, PSAU Guro, Ayala High School

You might also like