You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

College College : COLLEGE OT TEACHER EDUCATION


Logo Campus : Bayombong

DEGREE PROGRAM BSED COURSE NO. SEC FIL 102


SPECIALIZATION FILIPINO COURSE TITLE Panimulang Linggwistika
YEAR LEVEL FIRST TIME FRAME 3 WK NO. 1 IM NO. 1

I. UNIT TITLE/CHAPTER TITLE

Paunang Salita: Ang Linggwistika at Ang Guro

II. LESSON TITLE

a. Kahulugan ng Linggwistika
b. Kahalagahan ng Linggwistika sa Guro ng Wikang Filipino
c. Ang Linggwistika sa Paglinang ng Wikang Filipino

III. LESSON OVERVIEW

Ang linggwistika, bilang isang displina ay pinag-uukulan ngayon ng highit na pagpapahalaga sa mga
pamantasan. Kaya dito sa araling ito ay pagtutuunan ng pansin ang kahulugan nito, kahalagahan nito sa
mga guro ng wikang Filipino at bilang paglinang sa wikang Filipino.

IV. DESIRED LEARNING OUTCOMES

a. natutukoy at naisasapuso ang kahul;ugan ng linggwustika


b. natatalakay ang kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wikang Filipino.
c. nailalahad ang linggwistika sa paglinang ng wikang Filipino.

V. LESSON CONTENT

A. LINGGWISTIKA

Sa balarila, may mali sa paggamit ng wika… sa linggwistika, walang mali sapagkat ito ay
nakasalalay sa paraan at kung paano ginagamit ang wika ng isang tao.

Sa payak na kahulugan, ang linggwistika ay maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.


Ibig lamang sabihin nito na kahit anuman na ginagawa natin basta may kaugnayan sa
pananaliksik o pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika.

Ang maagham na paraan/proseso ng pag-aaral ng wika ay ang mga sumusunod:

a. Pagmamasid
Ito ang pinakasanligan ng lahat ng maagham na pagsusuri. Karaniwan
itong ginagawa sa pamamagitan ng pagtukoy o pag-alam sa pamamagitan lang
ng pag-oobserba. Maaring ito ay tungkol sa katangian ng wika: tunog, pagbuo ng
salita, paraan ng pagsama-sama ng mga salita at maari ring tungkol sa epekto ng
wika sa tao: katangian o pag-uugali at mga gawi.

b. Pagtatanong
Ang pagtatanong ay maaring kasabay o kasunod ng pagmamasid. Ito ay
ang pagbibigay ng mga katanungang nangangailangan ng mas malalim na
pagsusuri o mga katanungang nangangailangan ng mas malalim na pagsusuri
upang maibigay ang hinahangad na sagot.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 1 of 4


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

c. Pagklasipika
Ang paraang ito naman ay ang pagsasaayos ng mga nakuhang datos
batay sa uri o halaga nito. Nakasalalay ito sa nais malaman ng mananaliksik.
Halimbawa ay kung nais niya na malaman ang kaibhan at pagkakapareho ng mga
tunog ng isang wika ay maari niyang pahiwalayin at pagsama-samahin ang mga
ito.

d. Paglalahat
Ang pagtitipon o pagkolekta ng mga datosd at ang paklaklasipika sa mga
ito ay kailangang humantong sa paglalahat, pagbuo ng mga suliranin na bibigyan
ng solusyon, pagbuo ng mga teorya at mga tuntunin. Ito rin ay tinatawag na
pagbuo ng mga nakuhang datos para sa isang pananaliksik.

e. Pagberipika o Pagrebisa
Anumang nalaman, nakuha, naayos at nabuong datos ng linggwista ay
kailangang patuloy na sumailalim sa pagsubok upang marebisa kung
kinakailangan. Maituturing na isang maagham na gawi ng isang linggwista ang
mabago ang paniniwala kung kinakailangan. Smakatuwid, ang pagrebisa o
pagberipika ay ang paraan ng paglalagay ng mga nakuhang datos ito man ay
kabaliktaran ng mga pinaniniwalaan.

Linawin din natin na ang mga tao namang nagsasagawa ng pag-aaral ng wika ay
tinatawag na linggwista. Ang isang linggwista ay hindi nangangahulugang nangangailangang
maalam o maraming alam na wika. Puwedeng tawaging linggwista ang isang tao kahit na iisa o
ddalawa lan ang alam niyang wika sapagkat ang mahalaga dito ay ang layunin niyang pag-aralan
ang isang wika.

Ang tinatawag naman na polyglot ay isang taong maalam o maraming alam na wika.
Alam niya kung paano ang paggamit o kung paano salitain ang iba-t ibang wika. Subalit ang isang
polyglot ay hindi agad maitutuirng na isang linggwista sapagkat alam lang niya na gamitin ang
wika pero hindi naman niya pinag-aaralan ang wika.

Samakatuwid, matatawag lang na isang linggwista ang isang tao kung pinag-aaralan ang
wika habang polyglot kapag alam lang niyang gamitin ang wika.

B. KAHALAGAHAN NG LINGGWISTIKA SA GURO NG WIKANG FILIPINO

Ang isang linggwista ay nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika, maagaham ang


kanayang paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng wika. Mayaman siya sa teorya at karanasan
subalit kung minsan siya ay pinagkukunutan ng noon g nakararami pati na ang mga mismong
guro ng wika na siya sanang dapat na makaunawa sa kanya. Totoong kahit wala ang linggwistika
o mga linggwista ay natututo ang mga bata sa wika ngunit sa isang paraang maligoy, di tiyak at
di maagham na paraan.

Ang tanong, ano ba ang nagagawa ng isang linggwista na hindi nagagawa ng isang
karaniwang guro ng wika? Ano ba ang pakinabang ng isang guro ng wika ang linggwistika? Sa
totoo lang, hindi dapat pinaghahambing ang guro at linggwista sa pagkat dapat ito ay laging
magkasama. Katulad nga ng drayber, hindi drayber kung walang minamaneho, katulad ding ng
adobo, hindi adobo kung walang toyo o soy sauce, hindi rin ginataan kung walang gata at hindi
rin prinito kung walang mantika.

Kung gayon, kung ating pag-iisipan ang isang guro ng wika ay nangangailangang may
kaalaman sa linggwistika, dapat ang mga kaalaman sa linggwistika ay taglay ng isang guro ng
wika. Kailangan niya ito para mas lalong mapabuti, maging maayos at maagham ang pagtuturo
ng wika. Kailangan niya rin ang linggwistika para mas lalong maintindihan ng guro ang katangin
ng wika at ng taong gumagamit nito, mas madali ring maintindihan ng isang guro ang kultura ng
isang mag-aaral kung alam niya ang linggwistika.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 2 of 4


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

Sabi nga nila, ang wika ay kultura at ang kultura ay wika. Kung nais malaman ang
koneksiyon ng huling pahayag, maging linggwista.

C. ANG LINGGWISTIKA SA PAGLINANG NG WIKANG FILIPINO

Nang talakayin natin ang kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wika ay nailahad na rin
natin kahit hindi tuwiran ang naiambag ng linggwistika sa paglinang o pagpapaunlad ng wikang
Filipino.

Sa ikaliliwanag ng nasabing usapin ay narito pa ang iba:

a. Sa pagplaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika

Bilang mga guro ay alam natin kung ano ang pinakasuliranin natin sa wika:
kung paano pangalagaan ang mga wika ng pook na kinatataniman ng tunay na
kulturang Filipino, Kung paanong mapapaunlad ang wikang Filipino bilang isa sa
mga tatak at kasangkapan natibn sa pag-uugnayan ng malayang lahi at kung
paanong mapapanatili ang wika bilang tulay sa pagdukal ng mga karunungan.

Sa mga suliraning ito ay maliwanag na malaki ang naitutulong ng


linggwistika sa inba’t ibang pagbuo ng mga tuntunin o patakaran.

b. Sa paghahanda ng kagamitang panturo

Malinaw na makikita ang papel ng linggwistika sa pagpapaunlad ng mga


kagamitang panturo. Halimbawa nito ay napapadali ang pag-uugnay ng wika at
kultura ng mga mag-aaral sa gagawing kagamitang panturo. Mas madaling
maisapuso at maunawaan ng bata kung nakabase ang ginagawa nila sa kanilang
sariling kultura at wika.

c. Ang pagkakaroon ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wika

Mangyari pa, kapag malawak ang pananaw ng isang guro ng wika, kung
ang lahat ng salik ay patas, magiging higit siyang mabuting guro kaysa sa iba na
walang ganoong uri ng pananaw. Nagkakaroon ng lalim ng pagtuturo kapag may
malalim siyang pagkaunawa sa kalikasan, kakanyahan at katangian ng wika.

VI. LEARNING ACTIVITIES

a. PAGNILAYAN AT PAG-USAPAN

1. Ano ang kahulugan ng linggwistika?

2. Paano ginagawa ang bawat proseso/paraan ng maagham na pag-aaral ng wika?

3. Ano ang kaibhan ng linggwista sa polyglot?

4. Ano-ano ang mga naibibigay o naitutulong ng linggwistika sa guro ng wika?

5. Bakit nalilinang o napapaunlad ng linggwistika ang wikang Filipino?

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 3 of 4


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

VII. ASSIGNMENT

a. Manaliksik at alamin ang mga sumusunod:

1. Kasaysayan ng wika.
2. Angkan ng wika
3. Angkang Malayo-Polinesyo
4. Wika at dalubwika
5. Wika at kultura

VIII. EVALUATION (Note: Not to be included in the student’s copy of the IM)

a. TAMA o MALI: Basahin at unawain ang mga pahayag at isulat ang sagot sa patlang;
kung ito ay tama, isulat ang TAMA
kung ito ay mali, isulat ang MALI

_______________ 1. Ang linggwistika ay isang maagham na pag-aaral ng mga katangian ng wika.


_______________ 2. Nalilinang ng linggwistika ang isang wika sa pamamagitan ng pagsasaayos ng
mga patakarang pangwika.
_______________ 3. Natutunan ng bata ang wika kahit walang linggwistika kaya ito ay hindi na
mahalaga sa pag-aaral.
_______________ 4. Ang proseso ng paglalahat ay prosesong nangangalap ng mga datos para sa pag-
aaral ng wika.
_______________ 5. Napapadali ang pag-unawa ng mga bata sa aralin sa pamamagitan ng linggwistika.

b. PAGTUKOY: Tukuyin ang mga sumusunod at isulat sa patlang

1. Proseso/Paraan ng maagham na pag-aaral ng wika.

1.1. ______________________________________________________
1.2. ______________________________________________________
1.3. ______________________________________________________
1.4. ______________________________________________________
1.5. ______________________________________________________

2. Mga gawaing nakatutulong sa paglinang ng wikang Filipino.

2.1. ______________________________________________________
2.2. ______________________________________________________
2.3. ______________________________________________________

c. PAGPAPALIWANAG: Ipaliwanag nang maigi ang:

Ang KULTURA ay WIKA, ang WIKA ay KULTURA

IX. REFERENCES

Tumangan, Alcomtiser, Retorika sa Kolehiyo.


1997. Grandwater Publications. Makati City, Phil

Santiago, Alfonso O., Panimulang Lingguwistika, Binagong Edisyon


Manila. Rex Book Store. 2004

www.youtube.com/watch?v=ArYKvu9DykE
www.ask.com/question/lingguwistika
http:gabaywika.blogspot.com/08/lingguwistik
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 4 of 4

You might also like