You are on page 1of 15

Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

ARALIN 3.2
Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 4
Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari 4
Sanhi 5
Bunga 5

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 8

(Mga) Sanggunian 9
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Aralin 2
Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Lar. 1. Ang anomang pagpapasya na isasagawa natin sa buhay ay maaaring magbunga ng


positibo o negatibong sitwasyon.

Introduksiyon
Ang lahat sa ating mundo ay konektado sa isa’t isa, ito ay nangangahulugan na ang bawat
bagay o pangyayari na nagaganap ay may dahilan. Bakit ang pakiramdam mo ay tila
inaantok? Maaaring dahil ikaw ay napuyat o kulang sa tulog. Bakit ang isang indibidwal ay
nagtatagumpay sa buhay? Sapagkat siya ay maaaring nagtyaga o nagsumikap sa pag-aaral.
Bakit marami sa mga tao ang malaki ang naging pagbabago sa buhay magbuhat nang
dumating ang pandemya? Kasi ang ilan ay maaaring nawalan ng trabaho o kaya ng
pagkakakitaan. Ang mga nabanggit ay mayroong malaking kaugnayan sa ating paksa na
tatalakayin sa bahaging ito.

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa teksto; at
● nakapagbibigay ng angkop na sanhi o bunga para sa isang sitwasyon.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari (F7PB-Id-e-3).

Simulan

Magbasa tayo!
Panuto:
1. Basahin at unawain ang mga talata.
2. Tukuyin ang mga bahagi na nagpapahayag ng sanhi at bunga.
3. Gamitin ang grapikong pantulong na nasa ibaba sa pagtatala ng mga kasagutan.

Pag-asa sa Likod ng Pandemya


Ni John Dave Cavite

Labis na napuruhan ang sistema ng edukasyon sa ating bansa dahil sa COVID-19.


Ang ating pamahalaan ay nagdesisyon na pansamantalang ihinto ang face to face classes
sapagkat umaaasa sila na makatutulong ito upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng
naturang sakit. Ngayong mga panahon, tinatayang nasa milyon-milyong Pilipinong
mag-aaral ang naaapektuhan ng bagong kadawyan sa mga kadahilanan gaya ng
mahinang koneksyon ng internet, kawalan ng gadget na magagamit para sa online classes
at kakulangan ng mga materyales para sa pagkatuto buhat na rin sa kakulangan ng pondo
ng mga paaralan. May ilan sa mga mag-aaral na minabuti na lamang na huminto sa
pag-aaral nang sa ganoon ay makatulong na lamang sa tahanan at sa kanilang pamilya
ngunit may ilan din naman na nagsusumikap na makaalpas.

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Sa kabilang banda, makalipas ang mahigit dalawang taon, lumalaki na ang bilang ng
populasyon ng mga nababakunahan at pababa na rin nang pababa ang bilang ng kaso ng
mga tinatamaan ng sakit ayon sa DOH (Department of Health), nakasisilip ang marami ng
pag-asa na balang araw, babalik na sa normal ang lahat at makababangon na tayong muli
mula sa pagdarahop na epekto ng pandemya.

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang napansin mo sa bawat talata?
2. Ang bawat pangyayari ba sa talata ay kakikitaan ng paliwanag?
3. Nakatutulong ba upang mabilis na maunawaan ang isang pahayag kung ginagamitan
ito ng sanhi at bunga?

Alamin Natin
Isang puwersa na tumutulak sa indibidwal upang
motibasyon
isagawa ang isang kilos

umirit Sumigaw o tumili

Salitang balbal ng pinagsamang hulma at huwaran na


hulwaran
ang konteksto ay ang pagiging modelo o pamantayan

Pag-aralan Natin

Ang ating mundo ay isang lugar na puno ng pagpapasya. Maliit man o malaking desisyon,
anoman ang mapili nating tahakin sa bawat araw ay tiyak na makaaapekto sa ating
pamumuhay. Posibleng ang kahinatnan ng mga ito ay mabuti o kaya naman ay masama
ngunit anopaman, nakasalalay ito sa kung paano tayo pipili ng isasabuhay na pasya. Lagi
nating tandaan na ang pagsasaalang-alang ng sanhi at bunga ay mahalaga sapagkat
nakatutulong ito upang makabuo tayo ng makabuluhang desisyon sa buhay.

Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Ang pangayayari ay mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ang
bawat pangyayari sa ating buhay ay bunga ng mga aksiyon at kagustuhan natin bilang isang
indibidwal. Ang mga pangyayari ding ito ay siya ring bunga ng mga naunang aksiyon at
kagustuhan natin o ng ibang tao. Ito ang tinutukoy na sanhi at bunga ng mga pangyayari.

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Sanhi
Ang sanhi ay ang pinagmulan o ugat ng isang pangyayari. Ito ay ang dahilan kung bakit
naganap ang isang sitwasyon. Ang sanhi ay maaari ding motibasyon at layunin bago isagawa
ang isang kilos o bagay. Naipahahayag ito sa isang pangungusap sa pamamagitan ng mga
pang-ugnay na nagsisilbing hudyat nito gaya ng sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa,
palibhasa, at kasi.

Halimbawa:
Naipit ang paa ni Daga dahil sa pagkilos ni Haring Tamaraw.

Paliwanag:
Ano ang dahilan ng pangyayari na pagkaipit ng paa ni Daga?
● Dahil sa pagkilos ni Haring Tamaraw.
Samakatuwid, ito ang rason o sanhi ng pag-irit ni daga na nagresulta naman sa pagkagising
ni Haring Tamaraw.

Narito ang ilan pang halimbawa:

● Galit na galit si Haring Tamaraw kay Daga sapagkat inabala nito ang kaniyang
pagpapahinga.

● Palibhasa’y nagmakaawa at nangakong magbabago na si Daga, pinakawalan siya


at hindi na kinain pa ni Haring Tamaraw.

Bunga
Ang bunga ay ang resulta o dulot ng isang pangyayari. Ito ay ang epekto ng naganap na
sitwasyon. Ang bunga rin ay ang pahayag na nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan ng
isang naunang pangyayari. Naipahahayag ito sa isang pangungusap sa pamamagitan ng
mga pang-ugnay na nagsisilbing hudyat nito gaya ng kaya, kaya naman, bunga nito, at tuloy.

Halimbawa:
Natapakan ni Haring Tamaraw sa kaniyang paglalakad sa gubat ang isang patibong na hawla
na panghuli ng malalaking hayop kaya siya ay napasok at nakulong dito.

5
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Paliwanag:
Ano ang kinahinatnan o naging resulta ng aksidenteng pagkakaapak ng Haring Tamaraw sa
bitag na hawla?
● kaya siya ay napasok at nakulong dito.
Samakatuwid, ito ang naging bunga ng pagkakalagay sa peligro ng buhay ng hari ng
kagubatan na si Tamaraw.

Narito ang ilan pang halimbawa:

● Nginatngat ni Daga ang lubid sa hawla kaya naman nakatakas at nakaligtas si


Haring Tamaraw sa bingit ng kapahamakan.

● Iniligtas ni Daga ang buhay ni Haring Tamaraw kung kaya’t sila ay naging matalik
na magkaibigan.

Muli, sa hulwarang sanhi at bunga, isinasaad ang dahilan ng isang pangyayari at ang naging
resulta nito. Naipaliliwanag rin ng sanhi at bunga ang mga sitwasyon sa pamamagitan ng
pagtunton ng tiyak na pang-ugnay na ginamit sa pangungusap bilang hudyat. Natutukoy
naman sa lohikal na pagkilatis ng mga detalye sa pahayag ang angkop o wastong sanhi at
bunga para sa isang pangyayari.

Sagutin Natin
1. Ano ang kahulugan ng sanhi ng pangyayari?
2. Ano ang kahulugan ng bunga ng pangyayari?
3. Paano maaaring matukoy ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari?

Mahahalagang Tanong
Ano ang kahalagahan ng sanhi at bunga sa ating pang-araw-araw na
buhay? Paano ito nakaaapekto sa ating pagpapasya na isinasagawa? At
bakit mahalaga na isaalang-alang ang mga ito sa pagbuo ng makabuluhang
desisyon sa buhay?

6
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Paano mapangangatwiranan kung wasto o angkop ang sanhi at bunga ng isang
pangyayari?
2. Paano nakaaapekto ang anomang aksiyon at kilos ng isang tao sa mga pangyayari?

Isaisip Natin
Bakit mahalagang malinang ang ating kasanayan sa pagtukoy ng sanhi at bunga ng mga
sitwasyon o pangyayari?

Pag-isipan Natin
Panuto: Tukuyin mula sa Hanay B ang mahihinuhang bunga ng sanhi sa Hanay A. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_____________ 1. Kulang ang pera para sa a. a. Tataas ang bilang ng


gastusin mga taong walang trabaho

_____________ 2. Nakakain ng sira o panis b. b. Magbibigay ng payo o


na pagkain maaaring solusyon

_____________ 3. Nakasaksi sa c. c. Pagiging malusog at


pagnanakaw sa malakas ng resistensya’t
kapitbahay pangangatawan.

_____________ 4. Maraming pamilyang d. d. Pagtaas ng presyo ng


nasalanta ng bilihin
bagyo ang nawalan ng
ari-arian

_____________ 5. Araw-araw e. e. Magtitipid ang pamilya


nag-eehersisyo at

7
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

kumakain ng
masusustansiyang
pagkain

_____________ 6. May mabigat na f. Pagkakaroon ng hidwaan


problema ang kaibigan o ‘di
pagkakaunawaan

_____________ 7. Pagtaas nang malaki ng g. Pagtawag ng pulis


matrikula sa
paaralan

_____________ 8. Pag-aagawan ng mga h. Pagbibigay ng relief


bansa sa isang goods at ibang
teritoryo pangangailangan sa
pang-araw-araw

_____________ 9. Pagpapataw ng mataas i. Pagsakit ng tiyan at


na buwis pagkakaroon ng diarrhea

_____________ 10. Pagsasara ng maraming j. Pagdami ng hindi


kompanya at pabrika makapag-aaral

Dapat Tandaan

● Ang sanhi ay nagpapakita ng dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari,
maaari ding ipinakikita nito ang motibasyon at layunin bago isagawa ang isang gawi o
bagay. Samantala, ang bunga ay nagpapakita ng resulta o dulot ng isang pangyayari,
gayundin, ito ay pahayag na nagpapakita ng kinalabasan ng isang pangyayari.
● Ang sanhi ay gumagamit ng mga hudyat o pang-ugnay na sapagkat, pagkat, dahil,
dahilan sa, palibhasa, at kasi.
● Ang bunga naman ay gumagamit ng mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, bunga
nito, at tuloy.

8
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

(Mga) Sanggunian

DepEd TV - Official. “Grade 8 Filipino Q1 Ep 13 Mga Hudyat sa Sanhi at Bunga ng mga


Pangyayari.” Accessed November 4, 2021. https://youtu.be/Z2xOB8G96iw.

Eugenio, Damiana. 1989. Philippine Folk Literature: The Folktales. U.P. Diliman. U.P. Diliman:
University of the Philippines Press.

James B. Lomocho, et al. 2020. Kalalabasan ng mga Pangyayari batay sa Sanhi at Bunga nito.
DepEd: Central Office.

Jomar G. Adaya, et al. 2012. Retorika at Masining na Pagpapahayag: Kasaysayan, Teorya,


Antolohiya at Praktika. Malabon: Jimczyville Publications.

Lilia D. Antonio, et al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C & E
Publishing, Inc.

9
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 2. Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Simulan

Magbasa tayo!
Panuto:
1. Basahin at unawain ang mga talata.
2. Tukuyin ang mga bahagi na nagpapahayag ng sanhi at bunga.
3. Gamitin ang grapikong pantulong na nasa ibaba sa pagtatala ng mga kasagutan.

Pag-asa sa Likod ng Pandemya


Ni John Dave Cavite

Labis na napuruhan ang sistema ng edukasyon sa ating bansa dahil sa COVID-19.


Ang ating pamahalaan ang nagdesisyon na pansamantalang ihinto ang face to face classes
sapagkat umaaasa sila na makatutulong ito upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng
naturang sakit. Ngayong mga panahon, tinatayang nasa milyon-milyong Pilipinong
mag-aaral ang naaapektuhan ng bagong kadawyan sa mga kadahilanan gaya ng
mahinang koneksyon ng internet, kawalan ng gadget na magagamit para sa online classes
at kakulangan ng mga materyales para sa pagkatuto buhat na rin sa kakulangan ng
pondo ng mga paaralan. May ilan sa mga mag-aaral na minabuti na lamang na huminto
sa pag-aaral nang sa ganoon ay makatulong na lamang sa tahanan at sa kanilang pamilya
ngunit may ilan din naman na nagsusumikap na makaalpas.

Sa kabilang banda, makalipas ang mahigit dalawang taon, lumalaki na ang bilang ng
populasyon ng mga nababakunahan at pababa na rin nang pababa ang bilang ng kaso ng
mga tinatamaan ng sakit ayon sa DOH (Department of Health), nakasisilip ang marami ng
pag-asa na balang araw, babalik na sa normal ang lahat at makababangon na tayong
muli mula sa pagdarahop na epekto ng pandemya.

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang napansin mo sa bawat talata? Naglalaman ito ng mga ideya na may
pagpapalawak sa paksa sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng kabuoan.
2. Ang bawat pangyayari ba sa talata ay kakikitaan ng paliwanag? Ang unang talata
ay kakikitaan ng sanhi at bunga na ginamit sa pagpapalawak ng ideya o
pagpapaliwanag.
3. Nakatutulong ba upang mabilis na maunawaan ang isang pahayag kung
ginagamitan ito ng sanhi at bunga? Nakatutulong ito sapagkat nakadaragdag ito sa
detalye ng pangungusap na maaaring maging dahilan upang mas higit na
maunawaan ng mambabasa ang ipinararating na mensahe sa talata o pahayag.

Sagutin
1. Ano ang kahulugan ng sanhi ng pangyayari? Ang sanhi ay ang pinagmulan o ugat at
dahilan ng isang pangyayari.
2. Ano ang kahulugan ng bunga ng pangyayari? Ang bunga naman ay ang siyang
kinahinatnan o naging resulta ng pangyayari.
3. Paano maaaring matukoy ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari? Sa pamamagitan
ng mga pang-ugnay na nagsisilbing hudyat ng sanhi at bunga.

Subukan Natin
1. Paano mapangangatwiranan kung wasto o angkop ang sanhi at bunga ng isang
pangyayari? Mapangangatwiranan ang kaangkupan ng sanhi o bunga ng pangyayari kung
ito ay lohikal o may malinaw na kaugnayan sa ideya ng isang pahayag o sitwasyon.
2. Paano nakaaapekto ang anomang aksiyon at kilos ng isang tao sa mga pangyayari?
Nakaaapekto ang anomang aksiyon at kilos ng isang tao sa mga pangyayari sapagkat ang
lahat ng kinahihinatnan ng kilos natin mabuti man o masama ay dulot ng ating pagpapasya
o desisyon.

Isaisip Natin
Bakit mahalagang malinang ang ating kasanayan sa pagtukoy ng sanhi at bunga ng mga
sitwasyon o pangyayari? Mahalagang malinang ang ating kasanayan sa pagtukoy ng sanhi

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

at bunga ng pangyayari dahil makatutulong ito sa atin upang makapagpasya ng desisyon sa


pang-araw-araw na buhay nang makabuluhan o saysay. Maiiwasan natin ang makagawa ng
pagkakamali sapagkat nakikilatis o natitimbang na natin ang maaaring kalabasan ng ating
ikikilos.

Pag-isipan Natin
Panuto: Tukuyin mula sa Hanay B ang mahihinuhang bunga ng sanhi sa Hanay A. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B

e 1. Kulang ang pera para sa a. a. Tataas ang bilang ng


gastusin mga taong walang trabaho

i 2. Nakakain ng sira o panis b. b. Magbibigay ng payo o


na pagkain maaaring solusyon

g 3. Nakasaksi sa c. c. Pagiging malusog at


pagnanakaw sa malakas ng resistensya’t
kapitbahay pangangatawan.

h 4. Maraming pamilyang d. d. Pagtaas ng presyo ng


nasalanta ng bilihin
bagyo ang nawalan ng
ari-arian

c 5. Araw-araw e. e. Magtitipid ang pamilya


nag-eehersisyo at
kumakain ng
masusustansiyang
pagkain

b 6. May mabigat na f. Pagkakaroon ng hidwaan


problema ang kaibigan o ‘di
pagkakaunawaan

j 7. Pagtaas nang malaki ng g. Pagtawag ng pulis


matrikula sa

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

paaralan

f 8. Pag-aagawan ng mga h. Pagbibigay ng relief


bansa sa isang goods at ibang
teritoryo pangangailangan sa
pang-araw-araw

d 9. Pagpapataw ng mataas i. Pagsakit ng tiyan at


na buwis pagkakaroon ng diarrhea

a 10. Pagsasara ng maraming j. Pagdami ng hindi


kompanya at pabrika makapag-aaral

You might also like