Professional Documents
Culture Documents
LeaP Filipino G4 Week 1 Q3
LeaP Filipino G4 Week 1 Q3
W1 Quarter 3 Date
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito matututuhan ang wastong hakbang sa paggawa ng isang
Panimula gawain. Mahalagang matutuhan ito upang maayos natin na maisagawa
ang isang bagay.
Naobserbahan mo na ba ang nanay mo o ang iba mong kasamahan sa
bahay kung paano sila magluto ? Naranasan mo na bang gawin ito ng
mag- isa? Ito ay isa lamang sa mga gawain na nangangailangan na
maisagawa ng maayos kung susundin lamang ang mga hakbang. Isang
halimbawa ang pagsunod at pagsulat ng isang resipi.
Mapag-aaralan mo sa aralin na ito kung paano makapagbigay ng mga
hakbang sa isang gawain at kung paano makasulat ng isang resipi o
patalastas.
Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang sagutin
mo ang mga sumusunod na katanungan.
● Nakasusunod ka ba sa mga panutong ibinibigay?
● Ano ang mga ginawa mo at nakasunod ka sa mga panuto o
hakbang na ibinigay?
● Madali mo bang nasundan ang ibinigay na hakbang ng iyong
guro o magulang? Bakit? Bakit hindi?
● Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto o hakbang?
.
Sa pagbibigay ng hakbang, ang isang tao ay hindi lang dapat
marunong sumunod sa panuto , nararapat na may kaalaman din siya
kung paanong sumulat nito. Ang malinaw na panuto o hakbang ay
nakatutulong sa isang lider o tao upang masabi ang mga dapat gawin ng
kapwa.
Narito ang dapat mong tandaan sa pagbibigay ng hakbang sa isang
gawain.
1. Maikli at madaling maintindihan.
Madaling masusundan ang panuto o hakbang kung ito’y maikli o hindi
maligoy at diretso sa puntong nais ipagawa.
2. Gumagamit ng mga simpleng salitang mauunawaan
ng lahat maging ng mga bata man.
Iwasan ang paggamit ng malalalim na salitang mahirap maintindihan ng
iba. Maayos ang pagkakasunod-sunod.
Dapat maging sequential o maayos ang pagkakasalansan ng mga panuto
upang hindi malito ang magsasagawa nito.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng resipi sa libro,Yaman ng Lahi
Wika at Pagbasa sa pahina 103-104. (Paggawa ng Kalamansi Juice)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Tungkol saan ang iyong nabasa? Ano-ano ang nakapaloob sa resipe?
Paano isinagawa ito?
Pag -aralan mo naman ang tungkol sa Patalastas
B. Development 60 minuto Mula sa iyong mga nalaman tungkol sa aralin na ito,subukan mo ang
Pagpapaunlad iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok.
a. b. c.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
d. e. f.
1 2 3 4
D. Assimilation 30 minuto Kompletuhin ang patlang upang mabuo ang diwa ng aralin. Isulat ang
Paglalapat iyong sagot sa sagutang papel o kuwaderno.
Sa araling ito, natutuhan ko na mahalaga ang pagbibigay ng
o, sa paggawa ng isang gawain upang ito ay maging
, , ang resulta ng isang gawain.
Ang ay
na naglalayong ang mga tao na tangkilikin ang isang
produkto o anumang bagay sa iba’t-ibang anyo ng
.
V. ASSESSMENT 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Muling gamitin ang iyong mga natutuhan sa
(Learning Activity Sheets for araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa bawat pagsubok.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6) Sumulat ng isang maikling resipi at gawain ito ng palatastas na
makahihikayat sa mga tao na tangkilikin ang iyong resipi.
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .