You are on page 1of 31

Banghay-Aralin sa FILIPINO

Baitang: 5
Markahan: Ikatlo Linggo 7 Araw 1
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapag-uulat ng impormasyong


napakinggan at nakabubuo ng balangkas
ukol dito

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusunod ang napakinggang panuto o


hakbang ng isang gawain. (F5PN-IIId-g-1)

Nakapagbibigay ng panutong may 4-5


hakbang.(F5PS-IIIg-8)

II. NILALAMAN Pagsusunod-sunod ng napakinggang panuto


o hakbang ng isang gawain

Pagbibigay ng panutong may 4-5 hakbang

III. MGA
KAGAMITANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula TG ; LM ; TX ; LR portal
sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo LM Filipino Grade 5 (Quarter 3) p. 22
larawan ng traffic lights, tsart, papel, gunting
at lapis
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Sa linggong ito ay panibagong mga aralin
at/o pagsisimula ng bagong ang pagtuuunan natin ng pansin.
aralin
Bibigyan natin ng tuon ang pagsusunod-
sunod ng panuto o hakbang ng isang
gawain at ilan pang mga gawaing lilinang sa
kakayahan natin sa wika at panitikan.

B. Paghahabi sa layunin ng
aralin Sa araw na ito, ating sisimulan ang
pagtalakay sa pagsunod sa napakinggang
panuto o hakbang ng isang gawain.

At mamaya magbibigay kayo ng panuto na


may 4-5 hakbang
Handa na ba kayo?
C. Pag-uugnay ng mga Narito ang larawan ,pansinin ito:
halimbawa sa bagong aralin
https://www.google.com/search?q=t
raffic+light&rlz=1C1CHZL_enPH841P

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Anong panuto ng iyong magulang ang


sinabi sa iyo ukol sa tamang pagtawid sa
kalsada gamit ang larawan na ito?

D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Subuking gawin ito.
bagong kasanayan #1
1. Kumuha ng isang malinis na papel. Isulat
sa itaas nito ang salitang Filipino. Sa
ilalim nito ay isulat ang iyong pangalan.

2. Sa ikatlong guhit ng iyong papel, isulat ang


pamagat na Ako ay Pilipino.

3. Sa ilalim nito ay iguhit ang tabak ni Andres


Bonifacio.

4. Magbigay ng isang pangungusap na


naglalarawan tungkol dito.

5. Gumuhit ng dalawang mukha na


naglalahad ng kasiyahan.

6. Sumulat ng pangungusap na naglalarawan


sa mga Pilipino.

Gabay Pagkatapos ang gawain:


- Matapos sundin ang mga hakbang,
ibigay ang mga katanungan na ito
upang magsilbing gabay.

- Anong panuto o hakbang ang naging


madali para sa iyo?

- Anong panuto o hakbang ang


mahirap para sa iyo?

- Ano ang iyong ginamit na


pamamaraan upang masunod ang
mga panuto o hakbang?

Ipoproseso ng guro ang mga sagot ng


mag-aaral.

Tandaan!
Isang palatandaang naunawaan
ng isang tao ang kanyang
napakinggang panuto o hakbang
kung nasunod niya ang
pagsasagawa nito.
Ang mga panuto ay mga direksyon,
intruksyon, o paliwanag tungkol sa
pagsasagawa ng nakalahad
sitwasyon.

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Sa pagbibigay ng panuto o hakbang,
bagong kasanayan #2 kinakailangang maging malinaw. Ang
kalabuan sa pagbibigay nito ay
maaaring magbigay ng kalituhan sa
susunod nito. Kailangang mailahad ang
pangunahing target o layunin sa
pagbigay ng anomang hakbangin.

F. Paglinang sa Kabihasaan Ngayon naman ay gumawa kayo ng


(Tungo sa Formative isang eroplanong papel. Pagkatapos, sabihin
Assessment) ninyo sa akin ang 5 hakbang kung paano
kayo nakagawa ng eroplanong papel.
Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na
magsusulat sa bawat hanay ng kani-
kanilang naging hakbang sa pagbuo ng
eroplanong papel.
(Ipoproseso ng guro ang mga pagkakaiba at
pagkakapareho ng mga hakbang.)

Anong hakbang ang madaling maunawaan?

Anong hakbang ang may kalabuan?

G. Paglalapat ng aralin sa Paano nakatutulong sa buhay ang tamang


pang-araw-araw na buhay pagsunod sa mga panuto o hakbangin?
H. Paglalahat ng Aralin Buuin ang pahayag upang makabuo ng isang
buong diwa.
Mahalaga ang pagsunod sa panuto at mga
hakbangin dahil .

Sa pagsunod kinakailangan lamang na


.

Magagamit ang kasanayang ito sa


na
nakatutulong sa ating buhay.

I. Pagtataya ng Aralin Sundin ang sumusunod na panuto o


hakbangin.

1. Kumuha ng malinis na papel.


2. Gumuhit ng isang malaking bulaklak na
may 4-5 talulot o petals.
3. Isulat sa bawat talulot ang iyong hakbang
sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan.
Kailangang may 4-5 hakbang lang ang
iyong gagawin.
4. Ang bulaklak ay dapat nakalagay sa
plorera o pot.
5. Ilagay ang iyong buong pangalan sa
plorera.

J. Takdang-aralin/ Ano ang pang-angkop at paano ito ginagamit


Karagdagang Gawain sa pangungusap?

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Iba Pang Pinagbatayan:


Banghay-Aralin sa FILIPINO
Baitang: 5
Markahan: Ikatlo Linggo 7 Araw 2
I. LAYUNIN
D. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.

E. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam

F. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasasagot ang mga tanong na bakit at


paano
(F5PB-IIIg3.2)

Nagagamit nang wasto ang pang-angkop


sa pakikipagtalastasan (F5WG-IIIf-g-10)

II. NILALAMAN Pagsagot sa tanong na bakit at paano


Paggamit ng pang-angkop sa
pakikipagtalastasan

III. MGA KAGAMITANG


PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula TG ; LM ; TX ; LR portal
sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo LM Filipino Grade 5 (Quarter 3) pp. 15-18
mga larawan, flashcards, manila paper at
pentel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik-aral sa sinundang aralin.
at/o pagsisimula ng bagong aralin
Bigyang pansin ang handa ng mga bata
para sa takdang aralin.

Ano nga ba ang pang-angkop?


Paano ito ginagamit sa pangungusap?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sa araw na ito ay malalaman natin kung


paano ang pagsagot sa mga tanong na
bakit at paano. Sa pagsagot sa mga tanong
na ito, sisikapin nating magamit ang mga
pang-angkop.

Handa na ba kayo?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin Tingnan ang mga larawan. Ano ang
napapansin niyo sa unang larawan?

https://www.google.com/search?rl
Sa ikalawa?

https://www.google.com/search

Ano ang napapansin nyo sa unang


larawan? Bakit kaya pinagagalitan ang
bata?

Sa ikalawang larawan?

Paano kaya sinusuportahan ng


magulang ang kanyang anak?

Magaling! Ngayong araw na ito,


magbabasa tayo ng isang kuwento na
may patungkol sa dalawang larawan na
ito.

Handa na ba kayo?

D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong Sa kwentong babasahin, aalamin natin
kasanayan #1 kung paano pinahahalagahan ng hari ang
mga tao sa kanyang nasasakupan.
Gayundin, bibigyan rin natin ng kadahilanan
kung bakit pinarusahan ng hari ang ibon na
tagak.

Gabay bago bumasa:

Unawaing mabuti ang kwentong ating


babasahin. Pansinin ang galaw ng hari at
kanyang mga paraan sa pamamalakad ng
kaharian.

Pagbasa

Basahin ang kwentong‖

Ang Ibong Pinarusahan ng Hari”


(Tingnan sa Annex 1)

Gabay Pagkatapos Bumasa:

1. Paano binibigyan ng halaga ng hari ang


mga tao sa kanyang nasasakupan?
2. Bakit kaya pinarusahan ng hari ang ibon
na tagak?
3. Paano niya ito pinarusahan?

4. Bakit kaya ito naisipang gawin ng hari?

Ipoproseso ng guro ang mga sagot ng mag-


aaral.

Ang pagsagot sa tanong at


bakit ay nangangailangan ng
malalimang pag-uunawa. Hindi
limitado ang sagot dito, di tulad ng
mga tanong na ano, saan at kalian.
Sa pagsagot sa tanong na
paano, madalas na humihingi ito ng
proseso o paraan ng pagsasagawa.
Sa bakit naman, madalas na
hinihingi rito ang kadahilanan sa
pangyayari.

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong Pansinin ang mga salitang may
kasanayan #2 salungguhit sa siniping talata mula sa
kuwento.
Ano kaya ang salitang ugat ng mga ito?
Ano naman ang ikinabit o idinagdag na
mga titik?
Daan- daang taon na ang nakalipas.
Sa isang kaharian ay may haring mahilig
mag-alaga ng mga ibon at iba pang mga
hayop. May mga alaga siyang baboy,
kabayo, manok, bibe, tagak, at iba pang
mga ibon
Noong panahong iyon, ang
pagkakaiba lamang ng tagak at ng bibe
ay ang kanilang mga tuka, pero
magkasinghaba ang leeg. Mahal na
mahal ng hari ang kanyang alaga. Araw-
araw ay hindi niya nakaligtaang dalawin
ang mga ito . Ang hari ay minamahal din
ng mga tao. Marunong siya at mabuti sa
lahat kaya lamang ay masamang
magparusa sa sinumang hindi sumunod
sa kanyang utos.

Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang


may salungguhit? Ano kaya ang saltang
ugat ng ‗isang‘?
Magaling! Ang salitang ugat dito ay isa.
Ngayon bakit ikinabit pa ang ‗ng‘ sa buong
pangungusap?
Mahusay! Kinabit ito upang maging angkop
ang salita sa mga susunod na salita

Ikakabit na lang ang ‗ng‘ sa mga salitang


nagtatapos sa patinig (a,e,I,o,u).
Halimbawa ay ang mga sumusunod:
1. Kabila + ng = kabilang
Pangungusap: Kabilang sila sa mga
mananakop.
2. tayo + ng = tayong
Pangungusap: Umaasa pa rin tayong
mga Pilipino sa ibibigay
ng gobyerno.

Kapag naman katinig ang huling titik,


ikakabit na lang ang titik ‗g‘. Halimbawa
ay ang mga sumusunod:
1. nakaligtaan + g = nakaligtaang
Pangungusap: Nakaligtaang isara ni
Ana ang kanyang bag.
Ikakabit na lang ang ‗ng‘ sa mga salitang
nagtatapos sa patinig (a,e,I,o,u).

2. noon + g = noong
Pangungusap:

Noong unang panahon, ang


pagkakaiba lamang ng tagak sa bibe
ay ang kanilang tuka.

F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Panuto:
Assessment) Papangkatin ang klase sa apat. Bibigyan
kayo ng dalawang katanungan at
sasagutan niyo ito sa pamamagitan ng
maikling pakikipagtalastasan. Sikaping
gumamit ng pang-angkop sa inyong
mabubuong pangungusap.

Pangkat 1:
a. Bakit kailangan magrebyu bago ang
pagsusulit?

b. Paano ang tamang pagrerebyu bago ang


pagsusulit?

Pangkat 2:
a. Bakit mahalaga ang paggalang sa mga
magulang?

b. Paano gagamitin ang po at

opo? Pangkat 3:
a. Bakit mo gustong maging matagumpay
paglaki mo?
b. Paano mo ito makakamit?

Pangkat 4:
a. Bakit kailangan ng tao magsimba?
b.Paano maipapakita ang pagsamba at
pagpuri sa Panginoon?

Sa pagtatapos ng kanilang presentasyon,


isusulat sa manila paper ang mga
pangungusap na ginamitan ng pang-
angkop.

Ipoproseso ng guro ang mga nabuong


kasagutan ng bawat pangkat.
G. Paglalapat ng aralin sa Bakit mahalaga ang paggamit ng pang-
pang-araw-araw na angkop sa pangungusap?
buhay
Paano ito nakatutulong sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan?

H. Paglalahat ng Aralin Punan ng angkop na salita ang patlang


upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Sa pagsagot sa mga tanong na paano
kailangang
habang sa bakit naman kailangang
.

Ang mga pang-angkop naman ay ,


at .

Sa tulong ng gamit ng pang-angkop


ang
pakikipag-usap sa kapwa.

I. Pagtataya ng Aralin Pansinin ang mga larawan sa ibaba.


Sagutan ang mga katanungan gamit ang
mga pang-angkop. Salungguhitan ang
inyong ginamit na pang-angkop. Isulat ang
inyong sagot sa malinis na papel.

1 2 3

https://www.google.com/search?
https://www.google.com/search?
rlz=1C1CHZL_enPH841PH841&bi

Para sa unang larawan:


1. Bakit kaya sa kalsada natutulog ang
dalawang bata?

Para sa ikalawang larawan:


2. Paano kaya naubos ang puno sa
kagubatan?
Para sa ikatlong larawan:
3. Bakit lumubog sa baha ang Maynila?

J. Takdang-aralin/ Magsaliksik ng limang salitang hiram at


Karagdagang Gawain isulat ang wastong baybay ng mga salitang
ito.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Iba Pang Pinagbatayan:


Banghay-Aralin sa FILIPINO
Baitang: 5
Markahan: Ikatlo Linggo 7 Araw 3
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba‘t
Pangnilalaman ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
Naipamamaas ang ibat ibang kasanayan pang
maunawaan ang ibat ibang teksto

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang timeline ng binasang


teksto (kasaysayan), napagsusunod-sunod ang
mga hakbang ng isang binasang proseso, at
nakapagsasaliksik gamit ang card catalog o
OPAC.

Nakagagawa ng nakalarawang balangkas


upang maipahayag ang nakalap na
impormasyon o datos

C. Mga Kasanayan sa Nakapagbibigay ng ibang wakas para sa


Pagkatuto pelikulang napanood at naibabahagi ito sa
klase sa isang kakaibang paraan.

II. NILALAMAN Pagbibigay wakas sa pelikula sa kakaibang


paraan
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan TG ; LM ; TX ; LR portal
Mula sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Improvised White board
Panturo Visual aid
projector
CG, p.
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Unahan Tayo! (Isahan)
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin Ilabas ang improvised white board.

 Unahan sa pagtaas ng White board


kapag naisulat na ang baybay ng mga
salitang sasabihin ko.

1. Iron 4. kompyuter
2. Sándwich 5. trak
3. Jejemon
B. Paghahabi sa layunin ng Sa araw na ito ay tatalakayin natin ay tungkol
aralin sa pagbibigay wakas sa pelikula sa kakaibang
paraan.

C. Pag-uugnay ng mga Gawin!


halimbawa sa bagon aralin Linya ko..Hula Mo!

(Sino ang may sabi?)

1. “Anumang hiling …ipagkakaloob! Now


na!!!”

2. “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?”

Itanong:

Anong pelikula/teleserye na napanood ninyo


ang tumatak sa inyong isipan?

Paano nagwakas ang kwento?

Epektibo ba ang wakas?

Ano ang ikinaiba ng wakas nito sa ibang


pelikula?

D. Pagtatalakay ng bagong Panonood ng Maalaala Mo Kaya Recap:


konsepto at paglalahad ng Orasan (Jarel Tadio’s Story)
bagong kasanayan #1
Sanggunian: youtube.com

Sagutin:

Ano ang kwento ng pelikula?


Ano ang mensahe ng kwento?
Ano sa palagay ninyo ang damdaming nais
iparating ng manunulat?
Paano nagwakas ang kwento?
Nagustuhan ninyo ba ito? Bakit?

Kung bibigyn kayo ng pagkakatong bigyan ito


ng wakas ayon sa nais ninyo, ano ang ibibigay
niyo? Ipaliwanag.

(Magbahaginan ang klase kung ano ang mga


dapat isalang-alang sa pagbibigay-wakas.)

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Panonood ng AVP ng:
bagong kasanayan #2
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbibigay-
Wakas ng Kuwento
Sanggunian:
https://www.powtoon.com/online-
presentation/ci6JG9F0yP9/pagbibigay-wakas-sa-
kwento/?mode=movie

F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain.


(Tungo sa Formative
Assessment) Napapangkat kayo sa apat.

Kung babaguhin ninyo ang wakas ng kwento,


sa paanong paraan kaya para maging kakaiba?

Unang pangkat- ipakita ang wakas sa


pamamagitan ng Paint Me a Picture.

Ikalawang pangkat- ipakita ang wakas sa


pamamagitan ng Iarte Mo.

Ikatlong pangkat- ipakita ang wakas sa


pamamagitan ng Panthomime

Ikaapat na pangkat- ipakita ang wakas sa


pamamagitan ng Puppet Show (gamit ang
kamay na may medyas)

G. Paglalapat ng aralin sa Anong kabutihan ang nakukuha natin sa


pang-araw-araw na panonod ng pelikula o kuwentong
buhay pantelebisyon?

H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang mga dapat tandaan sa


pagbibigay-wakas sa kuwento?

I. Pagtataya ng Aralin Ipapanood ang maikling kwentong nasa AVP


na pinamagatang “Ang Prinsipeng Ayaw
Maligo

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?
v=i3CrxkK1cr4

(Putulin na lang ang panonood para hindi


mapanood ng mag-aaral ang tunay na
wakas/katapusan ng kwento)

Bumuo ng sariling wakas ng kwento sa


kakaibang paraan at ibahagi ito sa inyong
klase.

Pagbibigay ng komento.
J. Takdang-aralin/ Manood ng Wansapanataym sa ABS-CBN at
Karagdagang Gawain hulaan kung ano ang susunod na mangyayari o
hulaan ang wakas ng kwento.

Magbahaginan sa klase.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Iba Pang Pinagbatayan:


Banghay-Aralin sa FILIPINO
Baitang: 5
Markahan: Ikatlo Linggo 7 Araw 4
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa
sa iba‘t ibang uri ng teksto at napalalawak
ang talasalitaan.

Naipamamaas ang ibat ibang kasanayan


pang maunawaan ang ibat ibang teksto.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang timeline ng binasang


teksto (kasaysayan), napagsusunod-
sunod ang mga hakbang ng isang
binasang proseso, at nakapagsasaliksik
gamit ang card catalog o OPAC.

Nakagagawa ng nakalarawang balangkas


upang maipahayag ang nakalap na
impormasyon o datos(F5PL-0a-j6)

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakakukuha ng tala sa binasang teksto


(F5EP-IIIc-g-10).

Naipakikita ang pagtanggap sa mga ideya


ng nabasang akda/teksto.

II. NILALAMAN Pagkuha ng tala sa binasang teksto


Pagtanggap sa ideya ng teksto

III. MGA KAGAMITANG


PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa TG ; LM ; TX ; LR
LR Portal portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo Improvised White board
visual aid
Aklat (Pluma 5)
Kopya ng kwento

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Punan ng tamang pang-angkop ang mga
at/o pagsisimula ng bagong aralin sumusunod na parirala.

tatlo anak malinis


magalang bata isipan
masayahin huwaran
anak mag-aaral
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ang tatalakayin natin ngayong araw ay
tungkol sa pagtanggap ng ideya at
pagsulat ng tala.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sa pakikinig o pagbabasa sa isang


sa bagong aralin akda,may mga bagay na minsan hindi
agad natin maalala.

Ano kaya ang dapat gawin upang


matandaan o mabalikan ang mga
mahahalagang detalyeng napakinggan o
nabasa?

D. Pagtatalakay ng bagong Bibigyan ko kayo ng kopya ng kwento.


konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Gamit ang Pop Corn Reading, una kong
babasahin ang simulang/unang
pangungusap ng kwento na may
pamagat na “Ang Larawan”.

Susundan ito ng mag-aaral na aking


tatawagin. (Tingnan sa annex 1)

Bago ko basahin ay naririto muna ang


ilang katanungan upang makapagsulat
kayo ng mahahalagang tala.

 Sino ang dalawang tauhan sa


kwento?
 Ano daw ang isang malaking
kamalian ng tao sa mundo,
ayon kay Lolo Rey?
 Ano-ano ang nakatago sa
kahon ng souvenirs o
memorabilia ni Lolo Rey?
 Sino-Sino ang tatlong kaibigan
na nabanggit ni Lolo Rey?
 Ano-ano ang kanilang mga
lahi?

 Sagutan na natin ang naibigay


na katanungan.

 Maliban sa inyong
napakinggan at nabasa, sa
ano-ano pang sitwasyon
maaaring magtala ng mga
detalye?

 Ano-ano kaya ang


kahalagahan ng pagsulat ng
tala?
Paano niyo nasagot ang mga tanong?
Ano ang ating ginamit upang upang
makasagot sa mga tanong?

Mahalaga ba ang ating wika? Patunayan.

E. Pagtatalakay ng bagong Sa pagbabasa, mahalagang malaman at


konsepto at paglalahad ng bagong maitala natin ang mga datos gaya ng:
kasanayan #2
Paksa -Ito ang centro ng seleksiyon

Pangunahing Ideya o layunin ng


seleksiyon

Mga Pansuportang Detalye- ito ang maliliit


na detalye na nagbibigay-
karagdagang impormasyon

Tema/Aral- ito ang kakintalan ng akda o


seleksiyon

F. Paglinang sa Kabihasaan Kung ako si RJ, ang mararamdaman


(Tungo sa Formative ko sa mga bagay na ikinuwento ng
Assessment) aking Lolo ay .

Kung nagsusulat ako ng


mahahalagang tala ay .

G. Paglalapat ng aralin sa Ano-ano ang kabutihan ang nakukuha


pang-araw-araw na natin sa pagbabasa?
buhay

H. Paglalahat ng Aralin Sa pagsulat ng tala ay dapat isaalang-


alang ang .

I. Pagtataya ng Aralin Panibagong babasahin na may pamagat


na Alam Mo Ba ang ating babasahin.
(Tingnan sa Annex 2)

Itala ang mga mahahalagang datos sa


seleksiyon:

a. Paksa
b. Pangunahing Ideya
c. Mga Pansuportang Detalye
d. Tema/Aral
J. Takdang-aralin/
Karagdagang Gawain Maghanap ng isang lolo o lola na
nakaranas ng buhay noong panahon ng
Hapon.Sundin ang balangkas ng panayam
sa baba. Ibahagi sa klase ang resulta ng
panayam.
I. Paksa ng panayam:

II. Pangalan ng taong Kinapanayam:

Tirahan:
Kapanganakan:
Gulang:

III. Pagtatakda ng oras at araw ng


panayam

Petsa:
Oras:
Lugar:

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Iba Pang Pinagbatayan:


(Annex 1)

Alam Mo Ba?
P 24-25
Pinagyamang Pluma 5
Phoenix Publishing House Inc.
(Annex 2)

Ang Larawan
P 248-250
Pinagyamang Pluma 5
Phoenix Publishing House Inc.
Banghay-Aralin sa FILIPINO
Baitang: 5
Markahan: Ikatlo Linggo 7 Araw 5
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba‘t
Pangnilalaman ibang uri ng sulatin.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng isang tula o kuwento at talatang
naglalahad ng opinyon o reaksyon.

C. Mga Kasanayan sa Nababaybay nang wasto ang salitang hiram/


Pagkatuto natutuhan sa aralin(F5PU-IIIc-g-1)
II. NILALAMAN Pagbabaybay nang wasto sa mga salitang hiram
III. MGA
KAGAMITANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 256
4. Karagdagang Kagamitan TG ; LM ; TX ; LR portal
Mula sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Balik-aral sa tinalakay tungkol sa pagkuha ng
aralin at/o pagsisimula ng detalye sa teksto.
bagong aralin

B. Paghahabi sa layunin ng Ngayong araw ay nasa pagpapayaman tayo ng


aralin kakayahan sa pagsulat o pagbaybay bilang
aplikasyon sa mga paksang ating natapos aralin.

Handa na ba?
C. Pag-uugnay ng mga MMK (Maalaala mo kaya?)
halimbawa sa bagong aralin
Noong ikatlong linggo ay sinimulan na nating
kilalanin ang mga salitang ito: Balikan natin.

Ingles Kastila Filipino

Check cheque tseke


Liter litro litro
Liquid liquid likido
Education educacion edukasyon
Ano ang inyong napansin?
Sa anong mga wika nakasulat ang tatlong hanay
ng mga salita?

Alin sa hanay ang mas kilala at gamitin natin?


Bakit kaya?
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Ilang tuntuning dapat nating tandaan ay ang
bagong kasanayan #1 ipinatutupd ng Komisyon sa Wikang Filipino na
Ortograpiyang Pambansa.

Karagdagang tuntunin sa mga naunan nating


tinalakay ay ang mga sumusunod:

1. Ginagamit sa mga bagong hiram na salita


mula Español,Ingles at ibang wikang
banyaga.

Hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo


ang mga hiram na salitang lumaganap na sa
baybay ng mga ito alinsunod sa abakada.

Hal. porma, pormal, impormal,


pormalismo, pormalidad atbp.
formal(Español)
pinya (piña) hamon (jamon)

2. Di Binabagong Bagong Hiram.


Pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga
idinagdag na salitang mula Español at mga
salitang mula sa Ingles.

Maaaring hiramin nang buo at walang


pagbabago sa ispeling:

Hal. futbol, fertil, fosil, visa, vertebra,


zigzag, fern, folder, jam, jar, level

At iba pa

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Tandaan! Kailangang sumusunod tayo sa
bagong kasanayan #2 tuntunin ng pagbabaybay batay sa
Ortograpiyang Pambansa 2016.
F. Paglinang sa Kabihasaan Subukin nating baybayin!
(Tungo sa Formative
Assessment) Pangkatang Gawain.

Pumili ng tiglilimang miyembro ang bawat hanay.


Salitang pupunat sa pisara ang bawat
nakatalagang bilang 1-5 ng bawat hanay upang
isulat sa pisara ang tamang baybay ng mga
hiram na salita. Sa hudyat na…

Handa!
Puwesto!

Sulat!

Tatakbo ang bawat kasapi batay sa kanyang


bilang at susulat sa pisara na kahany nila.

1. folder
2. pormalidad
3. titser
4. telebisyon
5. politika
6. spaghetti
7. hamburger
8. pizza pie
9. koryente
10.vertebra

G. Paglalapat ng aralin sa Bakit dapat tama ang baybay ng mga salita


pang-araw-araw na kapag tayo ay nagsusulat?
buhay
Buuin ang pahayag.
H. Paglalahat ng Aralin
Natutuhan kong ang pagbabaybay sa mga hiram
na salita ay .
I. Pagtataya ng Aralin Batay sa mga tuntuning ating inisa-isa ngayon at
sa dati nang tuntuning ating tinalakay noon,
subukin nating ibigay ang tamang baybay sa
Filipino ng mga sumususunod na salitang hiram
na aking gagamitin sa pangungusap.

Gamitin ang kwaderno upang maging


sanggunian ito pagkatapos nating iwasto ang
inyong mga sagot.

Handa na ba tayo?

1. Nahuli siya ng pulis dahil sa salang


(jaywalking) o pagtawid sa
bawal tawiran.

2. Sa (Masjid) nagsasamba ang mga


Muslim.

3. Masarap kumain ng (cake ) kapag


birthday.

4. Mahirap (mag-jogging) sa
kapag maulan dahil madulas.

5. Matalim ang (cuchillo) kaya siya


nasugatan.

J. Takdang-aralin/ Alamin ang gamit ng bantas na gitling sa mga


Karagdagang Gawain salitang inuulit.
Magbigay ng mga halimbawa.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Iba Pang Pinagbatayan:

You might also like