You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region,
Schools Division of

Sabjek: Filipino Baitang 4


Petsa: Sesyon 1 – 4 (Modyul 4)
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin

Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin

Kompetensi ● Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-


sunod ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan,
signal words at pangungusap. F4PS-Ib-h-6.1, F4PS-lb-h-
91, F4PS-llh-i-6.2
● Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan at nabasang
kuwento, tekstong pang-impormasyon, at SMS (Short
Messaging Tool). F4PB-Ia-d-3.1, F4PN-Ih-3.2
● Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa
natatanging tao sa pamayanan, tugma o maikling tula.
F4PU-Ia-2, F4PUIc-2.2

I. Layunin

Kaalaman Nakikilala ang mga signal words na maaaring gamitin sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari;

Saykomotor Nakapagsasaayos ng mga larawan ayon sa wastong


pagkakasunod-sunod sa kuwento;
Nakabubuo ng isang maikling kuwento mula sa mga
napagsunod-sunod na mga larawan gamit ang mga hudyat na
salita; at

Apektiv Naipakikita ang paghanga at paggalang sa isang taong iniidolo


sa lipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang natatanging
kuwento tungkol dito.

II. Paksang-Aralin Tugon Para sa Guro

A. Paksa Wastong Pagkakasunod-Sunod ng mga Pangyayari


B. Sanggunian Modyul 4

C. Kagamitang
Pampagtuturo

III. Pamamaraan

A. Paghahanda ● Subukin
Ipagawa ang panimulang pagtataya sa Modyul 4 pahina 3 –
4

● Tuklasin
Aktiviti/Gawain
Gawain 1
o Panuto: Tingnan ang mga larawan na nasa ibaba.
Ayusin ang mga larawang ito batay sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang
numerong (1) hanggang (5) sa iyong kuwaderno batay
sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga larawan na
iyong nakikita sa ibaba
Sagutin mo ito:
1. Ano-ano ang mga ginagawa ng bata sa larawan? Isa-
isahin.
2. Puwede kayang unang isuot ang sapatos bago ang
damit? Bakit?.
3. Mula sa mga larawan, gumawa ka ng isang maikling
salaysay na nagpapakita ng tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.

● Suriin
Pagsusuri
1. Ano ang napansin mo sa gawain 1?
2. Ano ang nakatulong sa iyo upang madali mong
napagsunodsunod ang mga pangyayari?
3. Paano kaya nakatulong ang gawaing iyon sa aralin
na tatalakayin natin ngayon?

B. Paglalahad ● Pagyamanin
Abstraksyon Paglalahad
(Pamamaraan ng o Paano nga ba inaayos ang mga pangyayari sa isang
Pagtatalakay) seleksiyon?

Dapat mong isaisip na ang pangyayari o hakbang ay


inaayos nang may pagkakasunod-sunod ayon sa
panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya,
gawain, o pangyayari sa isang kuwento, isang recipe sa
paggawa ng lutuin, o sa isang hulwaran (pattern) ng
pagsasaayos.
una, pangalawa nang nalaunan sa wakas
sumunod nagsimula ang
Madali
pinakahuli lang namang kilalanin o tukuyin ang mga
pagkakasunod-sunod
pagkatapos dahil sa mga salitang
unang-una
naghuhudyat na ginagamit.

Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng


isang hulwaran ng pagkakasuno-sunod ay:

Halaw mula sa: https://bit.ly/2PefsZz

Gawain 2
o Pasagutan ang mga gawain sa Gawain 2 na nasa
pahina 8 – 10.

● Isaisip

Dapat mong isaisip na ang pangyayari o hakbang ay


inaayos nang may pagkakasunod-sunod ayon sa panahon.
Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, gawain, o
pangyayari sa isang kuwento, isang recipe sa paggawa ng
lutuin, o sa isang hulwaran (pattern) ng pagsasaayos.

Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang


hulwaran ng pagkakasuno-sunod ay:

una, pangalawa nang nalaunan sa wakas


sumunod nagsimula ang
pinakahuli
pagkatapos unang-una

C. Pagsasanay ● Isagawa
Paglalapat
Mga Paglilinang o Panuto: Bumuo ng isang maikling kuwento gamit ang
na Gawain mga larawan na makikita sa ibaba. Ilahad at pagsunod-
sunurin ang mga pangyayari na ipinakita ng atleta sa
larawan gamit ang mga hudyat na salita (halimbawa:
unang-una, ikalawa, ikatlo, atbp.) Magiging batayan sa
pagmamarka ang pamantayan na makikita sa ibaba.

Pamantayan sa Pagbuo ng Maikling Kuwento


D. Paglalahat ● Karagdagang Gawain
o Pagpapayaman

Generalisasyon Panuto: Ayusin at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari


sa kuwento. Gamitin ang mga letrang A hanggang E. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

_____ 1. Si Pipo ay mag-isang itinataguyod ng kanyang


ama na si Lukas na isang karpintero.
_____ 2. Nakapagtapos si Pipo sa pag-aaral sa kabila ng
hirap sa buhay.

_____ 3. Nakasalubong ni Pipo si Tatay Lukas na may hila-


hilang kambing.
_____ 4. Si Pipo ay isa ng ulirang guro sa kanilang bayan.
_____ 5. Naibenta ang alagang kambing ni Pipo at
pinambili nya ito ng mga gamit pang-eskwela.

IV. Pagtataya ● Pangwakas na Pagtataya


Sagutan ang Pagtataya sa pahina 13 - 15.

V. Takdang-Aralin Guro na ang magpapasya.

Prepared by:
___________________________

Date Checked: _______________

Signature: ___________________

You might also like