Professional Documents
Culture Documents
Teaching Guide Catchup FEB 2
Teaching Guide Catchup FEB 2
Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang mga uri ng tunggalian sa maikling kuwento batay sa mga
diyalogo ng mga tauhan.
Itanong:
1. Anong kultura sa bansang Amerika ang ipinakikita
Page 1 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE
tuwing Kapaskuhan?
2. Ganoon din ba tayo dito sa Pilipinas tuwing sasapit ang
Kapaskuhan?
3. Ano ang pagkakatulad sa kultura ng Amerika tungkol sa
pagbibigayan ng regalo dito sa Pilipinas?
Paglalahad
Ipabasa ang maikling kuwentong pinamagatang
Aginaldo ng mga Mago sa pamamagitan ng
dugtungang pagbasa.
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Itala sa loob ng kahon ang mga salitang
magkakatulad o magkakaugnay ng kahulugan. Pagkatapos,
gamitin ang mga ito sa pagbuo ng makabuluhang
pangungusap.
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang uri ng tunggaliang ipinahahayag batay
sa diyalogo ng mga tauhan.
1. “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y
maganda pa rin.”
2. “Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong
masdan nang paganiyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at
ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang
sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang
aginaldo.
3. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit na
ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang
humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang
Pasko, Jim at tayo’y magsaya.”
4. “Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na
parang nahihirapang magsalita.
5. “Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,”
ang wika niya. “Sa palagay ko’y walang makababawas sa
aking pagkagusto sa aking giliw dahil lamang sa buhok o sa
Page 2 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE
Pagtataya
Pangkatang Gawain
Panuto: Ilahad ang pangunahing kaisipang taglay ng akda
sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing isinasaad sa E-
Roleta. Paikutin ito upang malaman kung anong gawain ang
matatapat sa inyong pangkat.
Gawain 1: Tableau
Gawain 2: Maikling skit
Gawain 3: Pagbo-brodkast
Gawain 4: Pag-awit
Paglalapat
Panuto: Gamit ang tsart, isulat ang mga makatotohanan at
hindi makatotohanang bahagi ng akda.
Inihanda ni:
BERNADETH D. MAGAT
Dalubguro II, Filipino
Binigyang-pansin ni:
JOCELYN S. PABLO
Ulongguro VI, Filipino
Page 3 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE
Page 4 of 4