You are on page 1of 2

Instructional Planning

Detailed Lesson Plan (DLP) Format

DLP Blg.: 1 Asignatura: FILIPINO Baitang: 9 Markahan:Una Oras:60 minuto


Mga Kasanayan: Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa Code:
kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang F9PN-Ia-b-39
akda.
Susi ng Pag-unawa na  Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa isang kuwento.
Lilinangin:  Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.

1. MgaLayunin
Kaalaman (Pag-alala)
Natutukoy ang mga bahagi ng akda batay sa mga piling pangyayari.
Kasanayan (Pagsusuri)
Napag-uugnay-ugnay ang mga pangyayari sa kasalukuyang lipunang Asyano.

Kaasalan (Pagtugon)
Naipapakita ang pagiging aktibong mag-aaral sa pamamagitan ng masigasig na
pakikilahok sa mga gawain.

Kahalagahan (Pagpapahalaga)
Naipapakita ang kahalagahan ng pagmamahalan sa isang pamilya.

2. Nilalaman Maikling Kuwento: Nang Minsang Naligaw si Adrian


3. Mga Kagamitang Powerpoint Presentations, batayang aklat, laptop at LED TV
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Magpapakita ang guro ng larawan ng isang pamilya.
(3 minuto) Mga kaakibat na tanong:
 GURO: Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
 MAG-AARAL; Ang nakikita kop o sa larawan ay larawan ng isang
pamilya.
 GURO: MAGALING! Bigyan natin sya ng limang bagsak.
 GURO: Paano mo mailalarawan ang iyong pamilya?
 Ano ang kaibahan ng pamilyang Pilipino/Asyano sa ibang pamilya sa
mundo?

4.2 Mga Gawain/Estratehiya 1. Hahatiin ang klase sa 3 pangkat.


2. Bawat pangkat ay masusing makikinig sa babasahin ng guro habang
(10 minuto) nakasunod naman silang nagbabasa ng tahimik sa nasabing kuwento na nasa
pahina 14-15 ng kanilang mga batayang aklat na may pamagat na, “Nang
Minsang Naligaw si Adrian.”
3. Gamit ang manila paper na ibibigay ng guro, kailangang mailahad ang
kuwentong nabasa sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo na mayroong:
simula, gitna at wakas ng kuwento.
4. Ipapaskil ang mga sagot sa pisara at sisimulan na ang pagsusuri sa kanilang
mga sagot.

4.3 Pagsusuri Mga Gabay naTanong gamit ang powerpoint presentation


1. Saan ang tagpuan ng kuwento?
(20 minuto) 2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?
3. Paano nagsimula ang kuwento?
4. Ano ang naging suliranin/tunggalian ng kuwento?
5. Saang bahagi ang kasukdulan?
6. Ipaliwanag kung paano nagtapos ang kuwento.

4.4 Paglalagom Batay sa mga nakalap na impormasyon ipatalakay ang mga sumusunod:
1. Anong bahagi ng akda ang nakapagpaantig ng iyong damdamin?
(5 minuto) Ipaliwanag.
2. Paano ipinakita ng mga pangunahing tauhan ang pagmamahal sa bawat
Instructional Planning
Detailed Lesson Plan (DLP) Format

isa.?

4.5 Paglalapat Gamit ang likod ng manila paper, isusulat ng bawat pangkat ang
(5 minuto) kaugnayan ng akdang napakinggan sa kasalukuyang lipunang Asyano.
Pipili ng isang miyembro na magtatalakay nito sa klase.

5. Pagtataya
(10 minuto) (Pagmamasid)
Bawat pangkat ay magpapakita ng mga pangyayari batay sa kuwentong
napakinggan sa pamamagitan ng isang maikling pagsasadula:
Pangkat 1- Simula
Pangkat 2 – Gitna
Pangkat 3- Wakas
6. TakdangAralin
(2 minuto) (Paghahanda para sa bagong aralin)
Basahin ang akdang “Ang Ama” na nasa pahina 17-20 sa inyong mga batayang
aklat. Suriin ang mga element nito.
7. Paglalagom/Panapos na Bawat pangkat ay magbibigay ng kabuuang natutuhan sa paksang tinatalakay sa
Gawain (5 minuto) pamamagitan ng isang pick up line.

Inihanda ni:

Pangalan: JOHN RULF L. OMAYAN Paaralan: MATAB-ANG NHS


Posisyon/Designasyon: T-1 Sangay: TOLEDO CITY DIVISION
Contact Number: 09266008290 Email address: johnrulf.omayan@deped.gov.ph

You might also like