You are on page 1of 3

Setyembre 12-15, 2022

Lunes- Huwebes
Grade 9- Sincerity 7:15- 8:15 am
Grade 9- Faithfulness 1: 00-2: 00 pm
Grade 9- Orderliness 2: 00- 3: 00 pm

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Unang Markahan
Aralin 1 Mga Akdang Pampanitikan ng Timog- Silangang Asya
Aralin 1.1 Maikling Kuwento ng Singapore

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:


- Paksa - Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - estilo sa pagsulat ng awtor - iba pa
I. Layunin:
1. Natatalakay ang nabasang maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari at estilo sa pagsulat ng awtor.
2. Nabibigyang halaga ang mensaheng nais ipabatid ng akdang binasa.
3. Nakabubuo ng timeline na naglalaman ng tamang pagkakasunod- sunod ng akda.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi Lamang) ni Ferdinand Pesigan
Jarin
Pangatnig/ Transitional Devices
B. Sanggunian: Panitikang Asyano 9 pahina 22- 25
C. Kagamitan: Power Point Presentation, Activity Sheet

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan (Salita ng Araw)
2. Balik- Aral
3. Panimulang Pagtataya (Oral)
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig o transitional device upang
mabuo ang pahayag.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat
ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan ( sa wakas, saka) naisip niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi
pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na
niya alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa knaiyang pamilya.

4. Pagganyak:
Alam ba ninyo ang laruang beyblade?
Magbigay ng mga katangiang alam ninyo ng laruang beyblade.
B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin: Video Presentation
 Ipanood sa mga mag- aaral ang isang video na naglalaman ng akdang “Anim na
Sabado ng Beyblade (bahagi lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin.” Pagkatapos
mapanood ang video, ay tatalakayin ang nilalaman ng akda.
 Tatalakayin ang pangatnig / Transitional Devices

2. Pagsusuri (Analysis)
 Talakayin
a. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang Anim na Sabado ng Beyblade ang bahagi
ng kuwentong iyong binasa?
b. Sino- sino ang tauhan sa akda?
c. Isa- isahin natin ang mga pangyayari sa bawat sabado ng buhay ni Rebo.
 Unang Sabado
 Ikalawang Sabado
 Ikatlong Sabado
 Ikaapat na Sabado
 Ikalimang Sabado
 Ikaanim na Sabado.
d. Paano nagwakas ang kuwento?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparisson)


a. Anong katangian ng ama sa kuwentong “Ang Ama” at “Anim na Sabado ng
Beyblade” ang masasalamin sa dalawang akada?

4. Paglalapat (Application)

Gawain Bilang 3
Upang higit mong maunawaan ang kuwento, ilahad mo ito gamit ang isang grapikong
presentasyon, ang timeline. Kopyahin sa sagutang papel ang ksunod na timeline.

TIMELINE

SABADO SABADO SABADO SABADO SABADO SABADO


1 2 3 4 5 6

IV. Pagtataya
Panuto: Punan ng angkop na pangatnig o transitional devices ang mga patlang upang mabuo ang
kaisipan ng bawat pangungusap. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Ang mga bata ay kumakain (habang, kung) nanonood ng telebisyon.


2. Ang magkapatid ay matutulog lamang (o, kung ) tapos na ang pinapanood nilang palabas sa
telebisyon.
3. Kaming magkakapatid ay araw- araw nag- aaral (habnag, kaya) matataas ang mga iskor
namin sa pagsusulit.
4. Si tatay ay nagbabasa ng dyaryo (kung, habang ) umiinom ng kape.
5. Bibigyan kita ng premyo (kung, para) makakakuha ka ng mataas na marka ngayong unang
markahan.

V. Kasunduan (Takdang- Aralin)


Basahin ang akdang “Ang Alamat ni Prinsesa Manorah”, isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N.
Peralta, pahina 30- 31.

Prepared by: Checked by:

Michaella L. Amante Luisa D. Vispo


Guro sa Filipino Head Teacher I

Noted by:

Marites O. Miranda
Principal III

You might also like