You are on page 1of 2

MATAB-ANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Matab-ang, Toledo City

DLP Blg. 2 Assignatura: FILIPINO 9 Baitang:9 Markahan:3 Oras: 1


10/19/2019
MgaKasanayan: Nahihinuha ang mga katangian ng parabola batay sa napakinggang Code:
diskasyon sa klase. F9PN-IIIa-50

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin:  Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan-ay tungkol sa mga
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal
na aklat.
-hinanyo mula sa Mateo 20:1-16 ng Banal na Kasulatan.
 Parabula-nagmula sa salitang Griyego na Parabole na nagsasaad ng
dalawang bagay ( na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari)
-ito ay makatutuhanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus
batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
-ang mga aral ditto ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng
tao.
-ang mensahe ay isinulat sa patalinghaga.
-binubuo rin ito an gating moral at spirituwal na pagkatao.
1. MgaLayunin
Kaalaman Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang parabula.
Kasanayan Naihahayag ang nakitang mensahe ng napakinggang Parabula.
Kaasalan Natatalakay ng maayos ang isang halimbawa ng Parabula.
Kahalagahan Napapahalagahan ang mensahe sa akda sa pamamagitan ng pagtukoy nito.
2. Nilalaman Parabula-Kanlurang Asya
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
3.MgaKagamitangPampagtuturo CG,TG, Panitikang Asyano, Kagamitang Biswal, Power Point

4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain  Pagpapakita sa iginuhit ng isang bagay na mahalaga sa kanila at
5 mins. magsalaysay ng pangyayari kung bakit ito pinahahalagahan.
(piling mag-aaral, ang iba ay ipapasa at mamarkahan ng guro)
4.2 Mga Gawain/Estratehiya  Pangkatang Gawain. (tatlong pangkat)
10 mins. (nakasulat na sa strips ang Gawain) Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga
nakasulat na strps. Magpaligsahan sa pagsagot kung saan nabasa o narinig ang
mga pahayag.
 Maaaring naghanda ang guro ng mga katanungan hinggil sa napagbahagiang
paksa at ipasagot ang mga ito.
4.3 Pagsusuri Iwawasto ng guro ang naging awtput.
5 mins
4.4 Pagtatalakay I. Ibahagi ang ilang kasaysayan ng kanlurang Asya.
10 ins. II. Pagbabahaginan at Pahalagahan ang mga sumusunod:
1. GURO: Ano ang mensaheng nais ihatid ng binasang talinghaga?
MAG-AARAL: Ang mensaheng nais ihatid ng talinghaga ay dapat maging
isang mabuting tao.
GURO: Magaling, dahil dyan nararapat lamang nabigyan ka ng isang bagsak.
2. Sa anong sitwasyon makikita ang talinghagang ito?
3. Ibigay ang mga aral o mahahalagang kaisipang nakapaloob.
4. Paano naiiba ang mga talinghagang ito sa iba pang pahayag mula sa ibang
akdang pampamatikan?
5. Paano mo maisasabuhay ang mga talinghagang ito?
4.5 Paglalapat Pangkatang Gawain
10 mins. Pangatwiranan:
Pangkat 1 – Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa
dalawang uri ng manggagawa sa ubasan? (ILALAHAD ANG KASAGUTAN SA
PAMAMAGITAN NG TALKSHOW)
Pangkat 2 – Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang bawat tauhan sa
akda? Bakit? (ILALAHAD ANG KASAGUTAN SA PAMAMAGITAN NG RADIO
BROADCASTING)
MATAB-ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Matab-ang, Toledo City

5. Pagtataya
10 mins. Sagutan ang sumusunod na katanungan:
1. Kung ikaw ang may ari ng Ubasan, pare-parho rin ba ang upa na ibibigay mo
samga manggagawa? Bakit?
2. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na,”Ang nahuhuli ay nauuna at
ang nauuna ay nahuhuli”?
3. Bakit ubasan ang tagpuan sa parabula?
4. Ano ang mensaheng hatid ng akda?
5. Sa iyong palagay, sino kaya ang may ari ng ubasan? Ipaliwanag.

6. TakdangAralin
2 mins. Sagutin ang Gawain 5, Paglinang ng talasalitaan, pahina 194.

7.Paglalagom/Panapos na Gawain Pumili ng 2 mag-aaral na maglalagom sa aralin.


8 mins.

Inihandani:
Pangalan:JOHN RULF L. OMAYAN Paaralan: MATAB-ANG NHS
Posisyon/Designasyon:T1 Sangay: TOLEDO CITY DIVISION
Contact Number 09163605959 Email address: johnrulf.omayan@deped.gov.ph

You might also like