You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya- JHS, Baitang -10 )
Petsa: Marso 15, 2024
Baitang at Pangkat: 10-Potassium - 6:15-6:55 - THE 308
10 – Lithium - 6:55-7:35 - THE 406
10-Iodine - 8:15-8:55 - THE 404
10-Chlorine - 9:15-9:55 - THE 402
10-Oxygen - 9:55-10:35 - THE 303

PAGBASA
I. PAKSANG-ARALIN
A. Mga Tiyak na Layunin
1. Kognitibo
 Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)

2. Apektibo
 Nailalahad ang saloobin at damdamin kaugnay sa akdang binasa.

3. Saykomotor
 Naipaliliwanag ang kaisipan ng binasang sanaysay

B. Paksa : Sanaysay: Bakit Tayo Nagmamadali ni Gemiliano Pineda


C. Sanggunian: Curriculum Guide, MELC’s, SLEM, Google, Youtube

A. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, video clips mula sa
Youtube

B. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

C. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Bago Bumasa
 Panimulang Gawain (SEL – Self-Awareness – recognizing one’s emotions and values)
Panuto: Tukuyin ang kaisipang inilalahad ng larawan.

Tanong:
Sa iyong palagay, bakit nagmamadali ang isang tao?

 Paghahawan ng Sagabal
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang hinihinging katambal na salita sa bawat bilang.
1. ari-arian : ______ :: naiwan : ipinamana
2. yumao : namatay :: inihandog :
3. maisakatuparan : magawa :: layunin: _______
4. _______: talento: humanga : bumilib
5. gahol: ___________ :: bunga : resulta

ipinamana kakayahan ibinigay


adhikain kayamanan pagdarahop nagmamadali
pagdurusa

B. Habang Bumabasa (SEL -Relationship Skills-forming positive relationship working in teams, dealing
effectively with conflict)

 Dugtungang Pagbasa
Panuto: Basahin ang sanaysay sa pamamagitan ng estratehiyang Read Aloud.

Bakit Tayo Nagmamadali


ni Gemiliano Pineda

(SEL -Self-Awareness ,Social-Awareness- showing understanding and empathy to others)


 Pagtalakay sa Binasa
1. Magbigay ng mga halimbawang pagmamadali ng tao na binanggit sa akda. Kognitibo
2. Kailangan ba ang pagmamadali? Ipaliwanag. Kognitibo
3. Ano ang ipinahihiwatig ng awtor sa kanyang sinabing “Ang pagmamadali upang matamo ang kadakilaan ay
para na ring pagmamadali upang makarating sa huling hantungan
4. Paano nakaaapekto ang pagmamadali sa tao? Ipaliwanag. Apektib

POSITIBO

Epekto ng
Pagmamadali

NEGATIBO

C. Pagkatapos Bumasa
 Pagtataya sa Natutuhan
Panuto: Surin at lagyan ng tsek ( ) ang mga kaisipang inilahad sa sanaysay, ekis() naman kung hindi.
1. Marami sa atin ang nagmamadali lalo na kung gahol sa oras kaya bunga nito’y hindi maganda.
2. Isa sa mga ipinakitang halimbawa ng pagmamadali sa akda ay agarang pagtatayo ng mga gusali
at ang mga tahanan.

3. Sinasabi na maraming mga bagay ang nawala sa atin ang maaari nating tamuhin kaya’t
kinakailangan nating magmadali.

4. Dahil sa kawalang-ingat kaya’t ang tao ay pagmamadali.

5. Naghahangad ng kapangyarihan laban sa mga namumuno ang may-akda.


.

 Interbensyon (Opsyonal)
Kaisipan ni Juan (Natamo: 0-2 – bagsak)
A. Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ayaw kong magmadali. Nais ko kung ako'y nasa sasakyan ay katamtaman


lamang ang takbo upang mapagmalas ko ang mga tanawing nararaanan. Ibig
ko na ang isang gawain ay harapin ko nang buong ingat at ng walang diwa
ng pagmamadali, upang yao'y magawa ko sa isang paraang kasiya-siya sa
kalooban. Ngunit kapag ako'y nasa isang sasakyan na ay hindi ko maaaring
sabihin sa tsuper na huwag pakabilisan ang takbo. At kung may
ipinagagawa naman ang aking puno ay hindi ko rin masasabing mahaba pa
ang mga araw at di pa magwawakas ang daigdig.

1. Ano ang ninanais maranasan ng may-akda?


2. Ano-anong mga sitwasyon ang sinasabi ng may-akda na hindi maaring magmadali?
3. Sang-ayon ka ba sa kaisipang inilalahad ng may-akda? Ipaliwanag

WaIslogan
B. Panuto: Bumuo ng islogan kaugnay sa mensaheng inilahad ng akdang binasa.

ISLOGAN

 Pagpapayaman sa Kaalaman
Panuto: Ilahad ang iyong saloobin kaugnay sa salawikain na nasa kahon.

“ Ang naglalakad ng
matulin, kung matinik ay
malalim.”
D. Sintesis ––1-2-3 KEEP SLIP
(SEL -Self-Awareness- recognizing one’s strength and challenges
Self-Management-managing behaviors to achieve one’s goal)
Panuto: Punan ang 1-2-3 keep slip upang mabuo ang konsepto ng araling tinalakay

IV.Kasunduan
1. Magsaliksik ukol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

You might also like