You are on page 1of 2

Maica Richelle Aquino

BSN 2A2-8
TAKDANG ARALIN:
1) Ano ang Sikolohiyang Pilipino?
Ang sikolohiya o dalubisipan ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Ito ang siyentipikong pag-aaral ng
kamalayan ng tao at tungkulin nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos; mental na katangian o aktitud ng
isang tao o pangkat. Ang mga Pilipino, sa kabilang bahagi, ay mayroon ding sariling sikolohiya kung
kaya’t natawag itong “Sikolohiyang Pilipino.”
Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. ito ay
para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya
ang kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at
damdaming Pilipino, na malakiang kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa
Pilipinas. Si Virgilio Enriquez ang siyang tinaguriang “Ama ng Sikolohiyang Pilipino”, nag-aral siya ng
post graduate sa ibang bansa at dito niya pinagtuunang pansin ang pagkakahambing ng kultura ng
Pilipino at ng mga dayuhan na nag-impluwensya sa atin.
2) Ano-ano ang mga konsepto ng sikolohiyang Pilipino?

Kinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang isalin ang


ibang mga salita sa Filipino upang mas maigi silang talakayin. Ang anim na konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang mga sumusunod:

Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing at


ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino.
Ang sumunod na lebel sa mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Pagtatakda ng
Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito
ay banyaga. Mga halimbawa nito ay ang pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa mga
salitang “memory” at “recall” upang mas mabuting maintindihan ng mga mambabasa ang ibig
sabihin ng mananaliksik. Kasali rin dito ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng
kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik.

Ang Pagaandukha na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagkukuha ng salitang dayuhan


at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong kahulugan. Isang
halimbawa nito ay ang tambay na nanggaling sa salitang standby. Ang ibig sabihin ng standby sa
Ingles ay paghihintay ngunit dahil sa pag-iiba ng anyo at kahulugan nito sa Pilipino naging
tambay ang salita kung saan ang ibig sabihin nito ay walang ginagawa at mayroong negatibong
konteksto.

Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang Pilipino ay madali lang intindihan sapagkat ang
ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling kahulugan sa mga
salitang Pilipino. Tingnan ang salitang hiya kung sa Pilipino ay napaka-lalim ang kahulugan
habang sa Ingles ay ibig sabihin lang ay shame. Gayunman, alam ng bawat Pilipino na hindi
lamang shame ang ibig sabihin ng hiya.

Ang pangalawa sa huling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Paimbabaw na Asimilasyon.


Sa Paimbabaw na Asimilasyon pinag-uusapan ang mga salitang banyaga na ginagamit sa
Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito.
Ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Ligaw/Banyaga na mga salita.
Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong
katapat ito. Isang halimbawa nito ay ang konsepto ng home for the aged na walang katumbas na
Pilipinong salita dahil hindi naman uso, o katanggap-tanggap, na iiwanan lamang ang mga
magulang sa isang home for the aged sa kulturang Pilipino.

3) Bigyang paliwanag ang CM20 Serye ng 2013

CHED Memorandum Order No. 20 2013. Ang nilalaman ng CHED Memorandum Order No. 20 2013 ay
ang pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies.” Ito ay inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on
Higher on Education (CHED) sa Ingles noong Hunyo 28, 2013. Batay sa nasabing memorandum na ito,
ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo kapag
naipatupad na ang K-12 na programa. Nasa memorandum din na ang mga General Education courses
ang ipapatupad sa pagtuturo ng mga Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante. Kabilang ang
asignaturang Filipino sa nasabing General Education courses na ito. Dahil sa pangunahing isyu batay
sa CHED memo 20 series of 2013,, nabuo ang isang alyansang tinatawag na “Tanggol Wika” na
binubuo ng mga guro at propesor, kung saan ang isa sa kanilang mga layunin ay ang pagpapanatili ng
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga estudyante kolehiyo.

You might also like