You are on page 1of 9

SOUTHPOINT COLLEGE OF ARTS AND TECHNOLOGY (SPAT0, INC.

Spotto St., Darimco Silway, Brgy. Dadiangas West, General Santos City
Telefax No. (083) 552-1991

Modyul 4
FIL 111
1 Year, 1st Semester
st

INSTRUCTOR’S INFORMATION
Name: Jea Mae C. Almocera Contact No.: 0975-555-6516 Email:
almoceramae11@gmail.com
SUBJECT INFORMATION
Subject Descriptive Title: Wika at Pre-requisite: No. of Hours: Credit Units: 3
Code: FIL Kultura sa Mapayapang Lipunan None 1 hour and 30
111 mins.
Subject Ang asignaturang ito ay nakatuon sa pagsusuri sa ugnayan ng wika, kultura, at
Description: lipunan. Matatalakay din sa asignaturang ito ang kasaysayan ng wika at kung ano
ang gamit nito.
General Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Objectives:
1. Makatutukoy ng iba’t ibang teorya ng wika at wika bilang pananawmundo.
2. Makapaglarawan ng iba’tibang kultura at identidad ng mga etnolinggwistikong grupo
batay sa kanilang paggamit ng wikang Filipino.
3. Makalilikha ng posisyon o kurokuro hinggil sa usapin ng paraan ng paggamit ng
wikang Filipino at kung paano ito nagpapakita ng isang pananaw sa mundo.

Aralin 3

Antas ng Wika

May anta sang wika na ating ginagamit. Ang pambansang Wikang Filipino ang
pinakamalawak na gamiting wika, ito ang lingua franca ng bansa na ginagamit sa halos lahat ng
panig ng bansa. Ito ang lingua franca ng bansa na ginagamit sa halos lahat ng panig ng bansa.
Ito ay ang pang-araw-araw na wika na gamit natin sa pakikipagtalastasan.

Ang wikang pampanitikan ay sinasabing malalim na pamimilipino formal at wika ng


mga edukado, mas naiiba ito kaysa sa karaniwan. May malalim na kahulugan at karaniwa’y
matatagpuan sa mga literaturang pampanitikan.

Ang kolokyal ay tinatawag na ―country talk na particular sa pinanggalingang wika na


naiiba para sa isang lugar.
Teknikal na wika ang gamit sa matematika at siyensya.

Wikang cybernetic ang tawag sa mga salitang may kaugnayan sa teknolohiyang


computer.

Samantalang dayalekto para sa mga etnolinggwistikong grupo na gumagamit ng


kanilang nakagisnang wika.

Wikang rehiyunal kapag lingua franca ng mga rehiyon; halimbawa, Wikang Ilokano ng
Nueva Ecija (hindi lahat), Nueva Viscaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Cagayan, Batanes,
atbp.)

Balbal ang mga salitang napupulot sa kalye. Hindi ito repinado, makinis, at tinutukoy din
itong ―language of the street na nalikha sa isang panahon at kagyat ding nawawala. Hindi ito
katanggap-tanggap sa mga akademikong sulatin.

Register

Unang ginamit ni Reid (1956) na sa kalaunan ay dinebelop ni M.A.K. Halliday, Augus


Mcintosh at Peter stevens, isang varsasyon sa wika na may kaugnayan sa paggamit ng estilong
formal na mas madalas ay nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina (akademik).

Sinasabing bawat larangan/disiplina ay may ispesipikong salitang ginagamit. May mga


salitang nagagamit sa iba’t ibang larangan ngunit ang kahulugan ay naiiba kapag ginamit sa
ispesikong larangan.

Tulad ng hardware, sa bisnes ang kahulugan nito ay isang negosyo; kapag ginamit sa
I.T., ito ay tumutukoy sa CPU na sinasabing utak ng computer. Isa pang halimbawa ang salitang
istrok (stroke) na kapag ginamit sa larangan ng medisina ay nangangahulugang pagtaas ng
blood pressure at kung gagamitin naman sa larangan ng pagpipinta ay nangangahulugang
kurba.

Bakit kay daling sabihing "Nasa probinsya ang erpat at ermat ko" sa kaibigan mo.
Ngunit kung guro mo ang kausap mo, bigla itong maging "Nasa probinsiya ang tatay at nanay
ko." At bakit kay daling bigkasin ang mga salitang tsok, tsoys, ayskrim, sentens, at iba pa ngunit
bakit naging tisa, pagpipilian, sorbetes, at pangungusap ang mga ito kung isulat? Napansin mo
ba na iba ang tono ng pananalita mo kung ikaw ay nakipaglokohan sa mga barkada mo at kung
ikaw ay nagrereport sa klase? May iba’tibang anyo ang wika batay sa uri at paksa ng talakayan,
sa mga tagapakinig o sa kinakausap, sa okasyon. Ang baryasyon na ito ay tinatawag na register.

Isang uri ng register ay may kinalaman sa pormal o di-pormal na pananalita. Pormal ang
tono ng pananalita mo kung ang kausap mo ay mas matanda sa iyo, may mataas na tungkulin
kay sa iyo, may kapangyarihan, o hindi mo masyadong kilala. Kalimitan, pormal din ang wika na
ginagamit sa pagsusulat at sa panitikan. Nanatiling pormal ang wika sa simbahan, sa mga
seremonyas, sa mga talumpati sa mahalagang pagdiriwang, sa korte, at sa iba pang okasyon na
kinabibilangan ng mga kagalanggalang na mga tagapakinig. Register na di-pormal naman ang
kalimitang ginagamit sa mga okasyong dinadaluhan ng mga magkakaibigan, sa pag-uusap ng
magkasing-edad o magkasinghenerasyon, sa pagsulat ng komiks o liham sa isang kaibigan o
kapamilya.

Ang sociolinguistics ay ang nag-uugnay sa wika at sa aspetong sosyal ng isang lipunan.


Tinitingnan dito kung bakit ginagamit ng isang tao ang ganong uri ng wika o baryasyon ng wika
kung siya ay nakikipag-usap sa isang tao sa isang okasyon. At bakit naman umiiba ang modo ng
pakikipag-usap niya kung umiiba ang mga kondisyon. Pinapahiwatig rin nito ang uri sa taong
nagsasalita -halimbawa, ano ang kanyang trabaho, ano ang katayuan niya sa lipunan, saan siya
nanggaling, atbp. Samakatuwid, sa pamamagitan ng ating paggamit sa wika nakikilala ang ating
pagkatao, ang grupo na ating kinabibilangan, at ang mga papel na ating ginagampan.

Sikolohiyang Pilipino

Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at


oryentasyong Pilipino. ito ay para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili
upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung
paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malakiang kaibahan sa
mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.

Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa mga paaralan na may bahid
ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang
mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga Kastila, gaya ng ating mga pambansang
bayaning sina Dr. José Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng
pagkakaturo nito. Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr.
Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga
Pilipino.

Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino

Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, mayroong tatlong anyo ang Sikolohiyang Pilipino:
Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng Pilipino, at Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiya sa Pilipinas
ay tumutukoy sa lahat ng mga pa-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man
o makapilipino. Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral,
pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Ang panghuling
anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay walang iba kundi ang Sikolohiyang Pilipino, mismo. Ayon dito,
ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas.
Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito.

Sa maikling salita, Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga


Pilipino ay "tao sa bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay"
Mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino

Kinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang isalin


ang ibang mga salita sa Filipino upang mas maigi silang talakayin. Ang anim na konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang mga sumusunod:

 Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing


at ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino.
 Ang Pagtatakda ng Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas,
habang ang kahulugan nito ay banyaga. Ang halimbawa nito ay ang lahat ng mga
Pilipinong salita na binigyan ng kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao
sa saliksik.
 Ang Pagaandukha na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagkukuha ng salitang
dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong
kahulugan.
 Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang Pilipino ay madali lang intindihan sapagkat
ang ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling
kahulugan sa mga salitang Pilipino.
 Ang Paimbabaw na Asimilasyon. Sa Paimbabaw na Asimilasyon pinaguusapan ang mga
salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang
kahulugan nito.
 Ang Ligaw/Banyaga na mga salita. Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi
ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong katapat ito.

Apat na piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino

Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon, o filiation sa Ingles, ang Sikolohiyang
Pilipino:

 Sikolohiyang Akademiko: Pilosopikal: Nagsimula ito sa panahon ng mga Amerikano sa


Unibersidad ng Pilipinas, ngunit malaki rin ang papel ng Unibersidad ng Santo Tomas at
Unibersidad ng San Carlos sa pag-aaral ng ganitong klaseng sikolohiya. Madalas ay
pilosopikal at teolohikal ang piliyasyon na ito.
 Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko: Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng piliyasyong
ito ang mga akademiko na ituring ang pananaliksik bilang importante sa sikolohiya. Dito
rin naging uso ang pagnanais ng mga sikolohista na magkaroon ng mga resulta na
empirikal.
 Sikolohiyang Katutubo: Ang sikolohiyang katutubo ay hindi nagsimula sa isang
unibersidad katulad ng nauunang dalawa dahil dati pa itong pinapraktis ng mga
katutubong Pilipino. Nahahati ito sa dalawa: ang Katutubong Sikolohiya at Kinagisnang
Sikolohiya. Tinutukoy ng katutubong sikolohiya ang mga paniniwala at karanasan ng
mga katutubong Pilipino, habang sakop naman ng kinagisnang sikolohiya ang wika,
kultura, at sining ng mga Pilipino.
 Sistemang Sikomedikal at Relihiyon: Nagsimula ito mula sa medikong relihiyosong gawa
ng mga naunang babaylan at katalonan.Tinatalakay rito ang iba’t ibang sistema ng
paniniwala.

Ang indirektang komunikasyon ng mga Pilipino ay isang mahalagang parte ng kanilang


personalidad. Ayon kay Enriquez, ang ating kakayahan mabasa o mapansin ang mga di-
sinasalitang mga hudyat tulad ng kilos ng ating katawan. Binibigyang importansiya ng mga
Pilipino kung anong nararamdaman ng kaniyang kapwa, kung kaya ang Pilipino ay madaling
makiramdam. Hindi mapakali o mabigat sa kalooban ng Pilipino kung mayroong itinatagong
hinaing sa sarili o sa kapwa. Ayaw ng Pilipino ang ganitong pakiramdam sa kanilang
persepsiyong pakikiisa. Upang maiwasan ang anumang away (sa sarili o sa ibang tao), maingat
ang mga Pilipino sa kanilang mga binibitawang salita kung kaya nabuo ang konseptong
indirektang pakikipag-usap.

Ibang-iba ito sa mga taga-Kanluran kung saan sila ay direktang ipinapahiwatig ang
kanilang mga ideya’t saloobin, na kadalasa’y mali ang dating sa mga Pilipino. Madalas na ang
dating ay pambabastos. Halos lagi ay nakararanas ang Pilipino ng indirektang komunikasyon, at
hindi mahirap sa kanilang basahin ang mga ito.

Wikang Filipino: Komunikasyon sa Makabagong Teknolohiya

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa at pag-unlad


ng mga mamamayan at ng iba't-ibang aspeto ng isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-
talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay
hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Mga suliranin:

Sa patuloy na pag unlad ng mundo na ginagalawan ng mga tao, nag lipana ang mga
makabagong teknolohiya sa bawat sulok ng bansang Pilipinas. Bagamat maraming
nakabubuting dulot ang paggamit ng mga sinasabing modernong teknolohiya, mayroon din
namang hinaharap na suliranin ang ilan sa mga mamayang Pilipino. Ilan sa mga ito ang mga
sumusunod:

1. Pag-asa lamang sa modernong teknolohiya (hal. smart phone, internet connection, etc.)
para sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw na komunikasyon.
2. Maling pananaw ng mamamayang Pilipino sa kapangyarihan ng modernong teknolohiya
sa pakikipag talastasan.
3. Di pag tuon pansin sa wikang Filipino dulot sa midyum na wikang ginagamit ng mga
modernong teknolohiya. (i.e English)
4. Masamang impluwensya ng teknolohiya sa iba't-ibang uri ng relasyon ng bawat
mamamayang Pilipino.
5. Pagkakaroon ng mga mamamayang PIlipino ng Colonial Mentality tungo sa iba'tibang
aspeto ng mga bagay lalo na sa paggamit ng wikang pambansa.
Komunikasyon Pagitan sa Teknolohiya at Tao

Di lingit sa mga mamamayang Pilipino na ang teknolohiya ay sadyang maunlad at


umuunlad pa kaya naman di rin nag papahuli ang mga mamamayan sa kaalaman at pagkupkop
ng mga nasabing modernong teknolohiya. Naririto ang ilan sa mga epekto ng modernong
teknolohiya sa komunikasyon batay sa nasabing obserbasyon sa pagitan ng tao at teknolohiya:

1. Nagiging parte na ng buhay ng mga Pilipino ang pag gamit ng kanilang mga gadgets sa
pang araw-araw na aktibidad.
2. Nawawalang silbi ang pag-aaral ng matalinhagang wikang pambansa dulot ng pag pokus
sa pang malawakang pananaw ng ika u-unlad ng bansang Pilipinas.
3. Hindi nabibigyang pansin na mapag-aralan ang mga modernong teknolohiya ng ilan sa
mga Pilipino na nag bibigay daan sa pandaraya ng mga gustong maka-isa sa kanila.
4. Lumalaganap ang paggamit ng mga salitang Jargon na nang-gagaling sa patuloy na
paggamit ng modernong teknolohiya gaya ng Internet na nakaka-epekto sa kung paano
i-delibira ang mga napapanuod ng mga Pilipino sa media.

Komunikasyon Pagitan sa Kapwa Pilipino

Dahil sa patuloy na paglaganap ng teknolohiya, ang komunikasyon ng bawat


mamamayan ng isang bansa ay patuloy na naaapektuhan sa iba't-ibang aspeto ng kanilang
buhay. Bawat bansa ay may kanya-kanyang uri ng epekto batay sa kultura nito. Naririto ang ilan
sa mga epekto ng modernong teknolohiya sa komunikasyon batay sa nasabing obserbasyon sa
pagitan ng kapwa Pilipino:

1. Dahil sa mga salitang Jargon, naaapektuhan ang pamamaraan ng mga mamamayang


Pilipino kung paano nila ipahiwatig ang kanilang mga nararamdaman.
2. Nakabubuo ang mga mamamayang Pilipino ng mga makabagong salita na minsan ay
nakabubuti at nakasasama sa isang komunikasyon.
3. Ang nasabing Internet Culture na isang sub-culture na nabuo sa kadahilanan ng mga
modernong teknolohiya ay lubos na nakakaapekto sa isang komunikasyon lalo na sa
mga mamamayang Pilipino na may mga murang edad.
4. Dahilan sa modernong teknolohiya tulad ng Internet, mas napapadali ang komunikasyon
sa bawat pamilya ng sambayanang Pilipino lalo na para sa mga mamamayan nating nag
tatrabaho sa malalayong lugar o abroad.
5. Ngunit Dahilan rin sa mga makabagong teknolohiya ang isang malusog na komunikasyon
sa loob ng isang sambahayan ay nababawasan dahilan sa pag po-pokus nila sa kanilang
mga gadgets.
6. Minsan rin ay nag kakaruon ng mga anomalya sa pagitan ng kapwa nila Pilipino dahilan
sa di pag kakaunawaan ng bawat panig dahilan sa mga maling impormasyon dulot ng
nasabing modernong teknolohiya o Internet.
Impluwensya ng Teknolohiya sa Wikang Filipino

Sa ating panahon ngayon marami na ang taong gumagamit ng iba't ibang uri ng
teknolohiya, gadgets, mobile cellphones, telepono, komputer at iba pa. Ito rin ang naging daan
saating panahon upang mapadali ang mga uri ng komunikasyon sa isa't isa. Sa pag-susulat ng
isangaklat, mensahe, talata, liham, at iba pang mga sulatin ay inaasa narin natin sa teknolohiya.
Ngunit ito ba ay nakakabuti sa atin? Sa pamamaraan ng ating wika at komunikasyon. O ito'y
nakakasama sa implementasyon ng wikang filipino. Nang dahil sa teknolohiya ang mga Pilipino
ay nakabubuo ng mga salita na naidadagdag natin saating pang araw-araw na buhay. Ngunit
ang karamihan dito ay mga salita na walang kabuluhan at paggamit ng mga maling gramatika at
pagbabaybay. Paghahalo-halo ng salitang ingles saating wika na nagiging normal saating buhay.

Paggamit ng Teknolohiya sa Pang Araw-araw

Sa araw-araw na panahon ngayon ang bawat Pilipino ay may kani-kaniyang mga uri ng
teknolohiya bilang daan sa komunikasyon at makihalubilo sa kapwa tao. Marami na ang naging
gamit at dulot ng teknolohiya saating pang araw-araw na buhay. Mga transaction, mapadaling
trabaho, pakikipag-usap, pag-bibigay impormasyon, kaalaman at marami pang posibilidad sa
darating na panahon. Ngunit ang pinaka-gamit ng teknolohiya saating panahon ngayon ay daan
sa komunikasyon ng bawat tao. Sa pang araw-araw na buhay, walang taong hindi gumamit ng
teknolohiya bilang daan sa komunikasyon. Nangunguna na danang pag-gamit ng mga Social
Media Sites na patok sa makabagong panahon. Ito ay uri ng pahayagan kung saan inilalahatla
mo ang iyong nararamdaman, nababasa, nakikita o anomang bagay na gusto mong sabihin na
nangyayari sa iyong buhay. Ito'y mistulang dayari ngunit ito ay nakikita ng ibang tao o ng iyong
mga kaibigan. Sa panahon ngayon karamihan ng tao ay gumagamit na ng Social Media Sites,
Halimbawa na nito ang mga sumusunod:

Facebook
Twitter
Youtube
Instagram

Ngunit, bakit nga ba ito naging patok sa tao? Dahil ito ay napakadali at mabisang paraan
ng pakikipag kapwa tao at paglalabas ng damdamin o ng isipan. Pakikipag usap sa tao sa
pamamaraan ng "Chat", pag lalathala ng litrato na di na kailangan ng mga album o pag-
papadevelop ng litrato upalang makita ito at pag-lalathala o pag-sasabi ng damdamin o nasa
isip sa pamamagitan ng "status". Dahil dito marami ang tao na lalong na enganyo sapag-gamit
ng teknolohiya.

Paggamit ng mga Makabagong Uri ng Salita

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.


Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng
ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o
ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.
Hinggil sa pag-gamit natin ng teknolohiya saating pang araw-araw na komunikasyon at
pakikipag-halubilo sa kapwa tao. Malaki ang nagiging epekto ng teknolohiya sa ating wika at
komunikasyon. Karamihan ay mga salitang gawa ng tao na nagiging normal na sa wika ng
Filipino at ito ay nagiging batayan ng bawat indibidwal o grupo sa isang komunidad. Halimbawa:

1. Salitang ingles at filipino na pinag hahalo-halo upang makabuo ng mga bagong salita sa
isang pangungusap.

a. I’m so gutom na guys, let’s eat na.


b. You are so pogi talaga, I’m galit na at you.

Ang kalimitang tawag sa gamit nito ay ―Coño‖ o isang grupo ng indibidwal kung saan sila ay
gumagamit ng ingles at tagalog sa isang pangungusap. Kalimitang mayayaman o mataas na
kabataan o ―teenager‖ ang gumagamit nito.

2. Pag-gamit ng numero bilang pamalit sa normal na letra sa isang salita at pag-dadagdag


ng letrana z,x,c bilang pamalit sa letrang “s”.
a. m4H4L n4 k1T4!z.
b. 1k4w L4nG z54p4t n4.

Ang tawag sa gamit nito ay ―j3j3m0n‖ o isang grupo ng indibidwal na kalimitang gumagamit ay
mga kabataan o ―teenager‖ na walang pinag aralan o mang mang sa wikang Filipino.

3. Pag-puputol o pag-babawas at pag-dadagdag ng titik o letra sa isang salita.


a. Sn kna? dito n ko o Werna u? d2 na me.
b. Aq nalng sana. Pro bt sya pa?

Kalimitang gugamit nito ay mga indibidwal na malapit sa mga ―j3j3m0n‖ ngunit may onting
pinag-aralan o isip ay ito ay madaling gamitin at magandang pakinggan o nakiki uso sa panahon.

4. Pag-bubuo ng mga bagong salita tulad ng mga sumusunod:


a. Pabebe – ito ay salitang kahulugan ay pakipot, paarte, paganda.
b. Beki – kasarian na lalake ngunit pusong babae
c. Boypren/Girlpren – kasintahan, mula sa salitang ingles na girlfriend/boyfriend.
d. Amboy – Amerikano na dayong Pilipinas.
e. Tomboy, Tibo, T-Bird – kasarian na babae ngunit pusong lalake.
f. Eh di wow – isang salita na kunware maganda sa paningin.
g. Bagets – bata o pag-sasabi ng nakakatanda sa nakababata.
h. Bes – isang uri ng tawag sa matalik na kaibigan.
i. Bae – tawag sa kasintahan nag mula sa salitang ingles na ―Before Anything Else.

COURSE REQUIREMENTS AND POLICIES


1. Quizzes
2. Examination
3. Reporting
4. Written up moral dilemmas experienced by the students

Prepared by: Checked by: Approved by:

Instructor VP-Academics School President

You might also like