You are on page 1of 2

B.

Pagbibigay opinyon: Saan higit na kapani-paniwala ang teoryang Biblikal o


teoryang sayantipik?

-Magpasahanggang ngayon, nananatiling palaisipan pa rin sa bawat tao kung ano


ang higit na paniniwalaan; ang mga bagay ba na nakasaad sa bibliya o ang mga pag-aaral na
ginamitan ng siyentipikong pag-sisiyasat at obserbasyon? Gayunpaman, nasa sa atin pa rin
ang pasya kung saan tayo sasang-ayon at maniniwala.

Kung ako ang tatanungin, para sa akin, mas kapani-paniwala ang teoryang biblikal
kaysa sa teoryang sayantipik. Bagaman ang teoryang sayantipik ay nagbibigay ng mga
ebidensiya at detalyadong impormasyon patungkol sa isang bagay o haka-haka, hindi pa rin
natin maitatanggi na mas papaboran natin ang bibliya sapagkat ang mga Plipino ay
maituturing na relihiyosong tao. Karamihan sa atin ay naimpluwensiyahan ng konsepto ng
Katolisismo, isa sa mga relihiyon sa Pilipinas na may maraming kasapi at naniniwala sa
bibliya o salita ng Diyos. Ang pagkakaroon natin ng relihiyon ang siyang mas nagpapatibay
ng ating paninindigan na mas paniwalaan ang bibliya kaysa sa mga ibang pag-aaral na
ginamitan ng siyensya.

C. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na mga salitang nabanggit batay sa pag-
unawa.

1. Wikang Pambansa

- Base sa aking nabasa at naunawaan, ang Wikang Pambansa ay tumutukoy sa wika o


lengguwahe na siyang pangunahing ginagamit ng isang bansa. Karamihan sa mga taong
nasasakupan ng bansa ay gumagamit ng wikang ito. Halimbawa nito ay ang Wikang Filipino
na siyang itinakda bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay may layuning pagbuklurin,
patibayin ang samahan ng bawat isa at magkaroon ng organisadong komunikasyon sa mga
mamamayan na kasapi ng komunidad.

2. Varayti ng Wika

- Base sa aking nabasa at naunawaan, ang varayti ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba iba
kung paano sinasalita, ginagamit o binibigkas ang wika. Ito ay dahil sa magkakaiba ring
kultura, tradisyon, estado, edad, antas ng edukasyon, kakayahan, hanapbuhay, at
paniniwala. Kabilang ditto ay ang dayalek, sosyolek at idyolek.

You might also like