You are on page 1of 1

Lucena,Reymark V.

BSBA FM-2

Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino

GAWAIN 4: Pagbuo ng Sanaysay

Hindi mawari at pilit inaalam kung saan nga ba nag mula ang wika. Wika na bahagi ng ating pang araw
araw na pakikipag talastasan, wikang nag bubuklod sa bawat isang mamayan at wika na nagiging sinag
ng kultura at pag kakakilanlan ng isang bayan. Sino, saan, at papaano nga ba nag simula ang ating wika.
Mga katanungan na pilit hinahanapan ng kasagutan at tanong na pilit paring inaalam sa kasalukuyan. Sa
pag hahanap kung papaano nga ba nag simula iba’t ibang wika, gayon kabilis ang pag usbong nang iba’t
ibang teoryang nag papaliwanag sa pinagmulan nito. Iba’t ibang pinaniniwalaang pinagmulan, ibat ibang
tao ang nag pahayag ng kanilang paniniwala na pinagmulan ng wika. Ano ng aba ang katutuhanan sa pag
usbong ng ibat ibang teoryang pinaniniwalaan ay kalituhan ang naging dulot sa iilan.

Sa aking pag tuloy nap g iisip sa iba’t ibang teorya, ang aking mas pinaniniwalaang teorya ay siyang nag
sasaad na ang pag katuto ng wika ay kasama natin simula sa ating pag silang. Kung ating lubos na
uunawaain ay sa ating pag silang plamang ay may kakayanan na tayong umunawa ng nasa paligid natin.
Ang teoryang behaviorista ang siyang aking napili, sapagkat napukaw nito ang aking isip na ang isang
bata ay may kakayanan nang umunawa sa kanyang pag silang kasabay ng pag kontrol ng nakapaligid sa
kanya ay mahuhubog ang kalaaman niya na matuto sa wika. Sa unti-unting pag katuto nito dahil sa
kanyang kapaligiran makikitang napaka halaga ng papel ng awtoridad sa pag papaunlad ng ating wika.
Patuloy tayong natutoto sa mga taong nakapaligid satin, sila ang nagiging dahilan ng ating pag katuto at
pag papaunlad ng ating sarili. Yumayabong at mas napag titibay nito ang pag katuto natin sa patuloy na
pakikisalamuha natin sa mga tao na nakapaligid satin.

You might also like