You are on page 1of 15

Presented by Nash Genesis A.

Indenible

Kawalang Kaalaman
Bilang Higit sa Lahat
NILALAMAN:
01 Higit sa Lahat
02 Teka Muna, Ano Ulit?
03 Ano ang Tama?
04 Ugat na Tanong
Higit sa Lahat
Mahalaga na makita ng
pangunguna ng tanong dahil pakay
ng Pilosopiya na makita at
maunawaan ang isang bagay sa
kaniyang kabuuang konteksto at
kalagayan.
Sabi nga ni Ferriols, pag-usapan daw ang
lahat sa pamamagitan ng lahat nang sabay-
sabay. Hindi itinuturing ng pilosopiya ang
isa bilang siya lamang sa kaniyang sarili.
Tinitingnan niya ito bilang nakapaloob at
kabilang sa mas malaki pa. Pinag-aaralan
niya ang isang bagay sa abol. tanaw nang
lagpas sa nararanasan ng isang tao ngayon.
Ang kabalintunaan ng paghahanap na ito ay: habang
inuunawa ng tao ang isang bagay, habang buong sikap
niyang tinitingnan ang pagka-higit nito, ang nasa harap
niya ay ang bagay pa rin sa kapayakan at tuwirang
pagpapamalas nito ng sarili. Ang tanging paraan upang
magawang pag- usapan ang isang bagay sa pamamagitan
ng lahat-lahat nang sabay-sabay ay sa pagbabad nito sa
tanong. Sa pagtatanong, hindi napapako sa isang sandali
ng karanasan ang isang bagay. Pinaiindayog ito sa hindi
napipirming sahig ng pagtataka at pagtatanong.
Ang bakit ay may bakit pa at ang bakit pa ay may ano.
Abot-tanaw ng tanong, dinadala ako ng pagtatanong sa
larangang hindi itinuturing ang tanong-sagot bilang
simula at wakas. Ang walang katapusan at nakapapagod
na bakit ay pinagpapatuloy sa tanong na ano na
nagpapaiba sa ugnayan ng tagatanong-tagasagot bilang
kapuwa nakababad sa tanong at kapuwa naghahanap ng
sagot. Paghahanap hindi lamang ng mga sanhi at bunga;
bagkus, ng isang karunungang pinag-uusapan nang
sabay-sabay ang lahat-lahat hindi lamang para sa pag-
unawa ngayon kundi pagtatahi ng alam ko kahapo,
ngayon at bukas.
Teka Muna,
Ano Ulit?
Espesyal ang tanong na bakit sa
pilosopiya na iba sa pagtatanong ng
"bakit" ng sikolohiya at ng iba pang
mga agham at agham panlipunan.
Laging tungkol sa kabuuan ang
pagtatanong ng bakit ng pilosopiya at
hindi paghahanap lamang ng mga sanhi,
dahilan, at motibasyon ng isang gawain.
Kung magtatanong ng "bakit" ang
agham, ang tanong ng pilosopiya ay
ang bakit ng "bakit."
Kung ang mga agham panlipunan
ay tungkol sa papel ng tao sa mga
kaganapan sa mundo at ang mga
epekto nito sa magkakapuwa, ang
Pilosopiya ay tungkol sa talaban
ng tao at ng mundo— bakit may
ugnayan, bakit may kapuwa?
Kumbaga ang hinahanap talaga ng
pilosopiya ay ang ano sa likod ng
mga bakit.
Ano ang Tama?
Itong huling tanong ang ugat na
pilosopikong tanong sa likod ng
unang inihain na tanong na, "Bakit ba
laging nagagalit sa akin si Inay?"
Kung masasagot ang tanong na "Ano
ang tama?" malalagay sa konteksto at
mauunawaan ang mga sanga-sangang
tanong na lumabas sa ating paglilinis
at pagtatasa ng tanong.
Ugat na Tanong
Ang ugat na tanong ang
ginagalawan ng pilosopiya. Ito
ang tanong ng mga tanong. Ito
ang puno't dulo na hindi talaga 02
simula at katapusan. Sa halip,
ito'y sentrong iniikutan ng
pagmumuni at pag-alam.
“Magsimula tayo
sa pagta-
TANONG”
SALAMAT!!!

You might also like