You are on page 1of 2

SEX EDUCATION, DAPAT BANG ISAMA SA PANG ELEMENTARYANG KURIKULUM?

Theresa O. Balance

Lakandiwa Isang magandang araw po ang aming pagbati


Sa pagsisimula ng balagtasang itinatangi
Sex Education, dapat bang isama sa elementaryang kurikulum?
Isa ay tutol, isa ay sang-ayon na ngayo’y nanghahamon

Ang pakiusap ko sa lahat ng narito


Pakinggang mabuti ang kanilang mga punto
Sa paglalahad naman ng mga ideya ninyo
Maging mahinahon at maging maginoo

Sang-ayon Ako na ang mangunguna sa pagpapahayag dito


Pagsagot ng oo, sang-ayon ako
Sa kadahilanang mas bukas na ang mundo
At ang mga bata ‘di na naninibago pa rito

Sa murang isipan kung ating maturuan


Sakit na aids tiyak maiiwasan
Sa paglaki nila sarili’y mapapangalagaan
Pagkat ang matututunan ay mahirap ng maparam

Kung ating iisipin, at pakalilimihin


Sex Education, ngayo’y di na malilihim
Pagkat makabagong kagamitan nakakalat man din
Katulad ng internet, na eexplore rin

Di-Sang-ayon Ikaw na rin ang may turing ito’y di na lihim


Kaya tingnan mo ngayon kabataan natin
Maraming pariwara sa maagang patikim
Sa mga impormasyong di pa dapat alamin

Kumusta na ba ang moral ng maraming Pilipino?


Nakikiayon na sa maruming takbo ng mundo
Nasaan na ang kabataang pag-asa ninyo
Kung sa kabastusan hihikayatin ninyo?

Kung magkakalat mga pornograpiya


Mga batang munti magiging kaawaawa
Tiyak na pag-aaralan sa malikot nilang diwa
Baka magising ka, napasubo ng magpamilya!

Sang-ayon Kaya nga sinabi kong dapat silang turuan


Nang sa murang gulang sila na ay may alam
Maagang pag-aasawa kanilang maiiwasan
Sapagkat tamang edukasyon naituro na sa paaralan
At ano naman ang aasahan ko sa isang tulad mo
Na sarado ang isip, sa mga nangyayari sa mundo
Pagtutol ang tanging sambit di alam bakit ganito
Punto mo’y malabo, nahihilo na ako!

Sa panahon ngayon dapat na nating bumangon


Lumang paniniwala tuluyan ngang ibaon
Sapagkat mga musmos ngayon ay madunong
Pag eekperimento kanilang sinusulong

Kung malalaman nila uri ng kontraseptibo


Malaya silang makakapamili kung alin ang gusto
Sa paglaki nila populasyon di lolobo
Maiiwasan pa ang paghihirap ng husto.

Di-sang-ayon Di ba’t mas magandang moral ay linangin?


Kampanya sa kagandahang- asal ang ating paigtingin
Pag-iisip ng bata ay ating hubugin
Sa mga aral na dapat niyang sundin

Huwag mong dumihan pahat nilang isipan


Panatilihin itong wagas magpakailanman
May tamang panahon upang yan ay malaman
Di lamang sa mababang paaralan.

Paano mo ba tatalakayin at iyong sasabihin


Ang pagtatalik na sagrado man din
Meron ka bang nakahandang damdamin
Sa mapusok nilang tanong na ibibigay rin

Lakandiwa Bawat isa sa inyo ay talagang magaling


Pangangatwiran ay may sariling angkin
Na gumising sa aming isipa’t damdamin
Pagtutunggalian, kapwa may punto rin

Ang hatol ko sa inyo mga ginoo


Ay nasa kamay ngayon ng nakinig sa inyo
Kapwa nangusap nang totoo
At saka nagpahayag ng malinaw na punto

Muli aking sasambitin ang naging paksa natin


Sex Education dapat bang isama sa aralin
Nang mga nasa elementarya na ginagabayan natin
Na kung ituring ay yaman ng bansa rin.

You might also like