You are on page 1of 12

STRENGTHENING PARENTAL ENGAGEMENT IN

EDUCATION (SPEEd) PROGRAM


Modyul 1:
Aralin 2
Pagkatoto sa Pamamagitan ng Laro

1
Strengthening Parental Engagement
in Education (SPEED) Program
Self-Learning Module (SLM)
Modyul 2:
Aralin 2: Pagkatoto sa Pamamagitan ng Laro

Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:
Nerissa A. Alfafara, Sally A. Palomo Editor: Leonardo B.
Mission, PhD, Cynthia G. Diaz, PhD
Tagaguhit: Ascer P. Abellon, Jr.
Tagasuri: Zyna Fe Caijo, Ph. D., Elena Losaria
Tagapamahala: Carlito G. Rocafort, Director IV
Rebonfamil R. Baguio, Director III
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Rehiyon XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa Modyul 1- Aralin 2: Pagkatoto sa Pamamagitan
ng Laro.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang mga magulang bilang
kaakibat ng mga guro sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa kanilang tahanan.

Bilang karagdagang impormasyon, basahin ang mga paalaala sa ibaba;

Paalaala sa mga Magulang

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kaligtaang gawin ang lahat na mga bahagi na nakapaloob sa modyul
na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6.
Pakibalik ang modyul na ito sa guro o tagapayo ng inyong anak kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
3
Aralin 2: Pagkatoto sa Pamamagitan ng Laro

Alamin
Kung mayroon kang babalikan noong panahon ng iyong kabataan, ano ito?
Tiyak, ito iyong mga panahong, wala kang iniisip na problema, kundi ang
makipaglaro sa iyong mga kaibigan at kamag-aral. Anong laro ang paborito mo
noong ikaw ay bata? Anong laro ang gusto mong ituro sa iyong mga anak? Anong
aral o magandang ugali ang makukuha sa larong ito? Sa modyul na ito, pag-aaralan
natin ang mga iba’t-ibang laro na angkop sa mga bata at kung paano nila
matutunan ang sportsmanship. Mahalaga ring matutunan ng ating mga anak ang
paggalang sa kanilang kalaro.

Mga Layunin:

1. Natutukoy ng magulang ang kahalagahan ng laro sa pagdebelop ng


kasanayang sosyal (social skills) ng isang paslit
2. Nakakapagbigay ang magulang ng halimbawa ng laro na angkop sa isang
paslit
3. Nagagabayan ang paslit paano ipakita ang diwa ng “sportsmanship”
4. Naipapaliwanag sa paslit ang kahalagahan ng paggalang sa kalaro

Subukin
(Pretest)
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

TAMA O MALI

Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa paglalaro. Isulat ang


TAMA sa patlang kung ang pahayag ay totoo at isulat ang MALI kung ito ay
hindi totoo.
__________ 1. Maraming natututunan ang mga bata sa paglalaro. __________ 2.
Sa paglalaro ay maaring magkaroon ng pagkabigo o pagkatalo at hamon, ngunit
ang pangkalahatang pakiramdam ay kasiyahan. __________ 3. Ang paglalaro at
pag-aaral ay static.
__________ 4. Sa paglalaro ay may nananalo at natatalo.
__________ 5. Ang sportsmanship ay natutunan ng bata sa pamamagitan ng
pagbabasa lamang ng aklat tungkol sa paglalaro.
__________ 6. Ang paglalaro ay isang kasanayang sosyal.
__________ 7. Isang interaktibong gawain ang paglalaro.
__________ 8. Ang paglalaro ay nakakatulong na magamit ng bata ang kanyang
imahinasyon.
__________ 9. Nagiging malikhain ang batang naglalaro.
__________ 10. Ang paglalaro ay nakakapagdulot ng saya sa mga bata.

4
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng laro sa pagkatoto ng isang bata.
Inasahang pagkatapos ng modyul na ito, ay matutunan mo ang iba’t-ibang klase ng
laro na angkop sa mga bata. Bukod pa rito ay matutunan mo kung paanong ituro
sa mga bata ang kahalagahan ng sportsmanship at paggalang sa kalaro.

Tuklasin

Sa pagkakataong ito, ating pag-aralan ang mga mahahalagang konsepto


tungkol sa paglalaro. Pag-aralan ang sumusunod.

Mahahalagang Konsepto ng Paglalaro

1. Makahulugan ang paglalaro


➢ Sa paglalaro ng mga bata ay makakagawa sila ng kahulugan sa mga
bagay na nasa paligid nila, at makahanap ng makahulugang
karanasan sa pamamagitan ng pagkonekta nito sa isang bagay na
kilala. Sa pamamagitan ng paglalaro ang mga bata
nakapagpapahayag at napapalawak ang kanilang pag-unawa sa
kanilang mga karanasan.
➢ Ang mga bata ay mahilig maglaro. Sila ay naglalaro kung saan-saan.
Maraming natututunan ang mga bata sa paglalaro. At kung kasiya
siya ang laro, mas madali silang matututo!
➢ Ang inyong mga anak o alaga ay sadyang mausisa at matalino. Kapag
sinamahan niyo sila sa paglalaro, matutulungan 5ap a silang
mapaunlad ang kanilang mga kakayahan para handa sila sa mga
gawain sa paaralan.

2. Masaya ang Paglalaro


➢ Tumingin sa mga bata – o sa mga matatanda – naglalaro, madalas
nakangiti at tumatawa. Syempre, ang paglalaro ay may maaaring
magkaroon ng mga pagkabigo o pagkatalo at hamon, ngunit ang
pangkalahatang pakiramdam ay isang kasiyahan at pagganyak.

3. Aktibo ang paglalaro at nakakaengganyo


➢ Panoorin ang mga batang naglalaro, at karaniwang makikita mo na
sila ay aktibo at madalas na may pagsasamang pisikal, pag unlad ng
kaisipan at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
➢ Sa inyong bahay, hayaan ninyong maglaro ang mga bata. Maaari
silang tingnan at obserbahan. Mahalagang napapansin mo ang lahat
ng paraan ng paglalaro nila sa araw-araw upang magagabayan at
masusuportahan ang mga kinakailangan nila kagaya ng mga gamit at
ligtas na lugar.

4. Ang paglalaro ay Interactive


➢ Ang paglalaro at pag-aaral ay hindi static. Naglalaro ang mga bata
upang mahubog ang mga kasanayan, masubukan ang mga
posibilidad, at tuklasin ang mga bagong hamon, at maaring
humahantong sa mas malalim na pag-aaral upang mas maging
mahusay.
5
5. Ang Paglalaro ay Kasanayang Sosyal
➢ Ang paglalaro ng mga bata ay nakatutulong na makikipag-usap sa
kapwa ng kanilang mga ideya, upang maunawaan ang iba sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa lipunan at sa paraang bumuo ng
mas malalim na pang-unawa at mapagtibay ang relasyon.
➢ Mahalagang makikipaglaro ang inyong anak o alaga upang
matutunan nilang makikibagay sa kapwa at ma debelop ang
“sportsmanship”. Kinakailangang maiintidihan ng inyong anak o
alaga na sa paglalaro ay may nanalo at may natatalo. Importanteng
maipapaliwanag na ang kabutihang asal at ang mga kaalaman mula
sa paglalaro ay mahahalaga upang lalong maging magaling at
mabuting kalaro
Mga Iba’t-ibang Laro para sa mga Paslit

Narito naman ang iba’t-ibang laro para sa paslit. Ang mga larong ito ay
pwedeng isadula ng inyong anak kasama kayo o sino man ang nasa
bahay.

1. Print Corner o Sulok ng mga Salita


Ito ay mga mga bagay ng may mga salita
na
mahahanap sa bahay o paligid na
ipinagdikitdikit.

2. Ikwento ang Aklat


Ito ang pagkukwento ng bata sa
larawang
nakikita sa aklat.

3. Pagkilala sa Aksyon o Bahagi ng Katawan


Ito ay ang pagpakilala sa mga aksyon ng
nakikita sa paligid o ng mga
magulang/tagapag-alaga sa bata ang pagkilala
niya nito o ang mga bahagi ng katawan.
6
4. Ang Supot na Bato
Ito ay ang pangolekta ng mga bato sa
paligid
ng bahay ng 20 segundo. Ipabilang sa
bata ang
laman ng supot ng isa-isa.

5. Ang sabi ni Lolo


to ay ang pagsunod sa panuto na
sasabihin ni
Lola

Isagawa

Sa bahaging ito ng pag-aaral ay magkaroon tayo ng mga gawain na lilinang pa sa


inyong kaalaman ukol sa paksang tinalakay

Gawain 1: Laro ko, Tukuyin Mo!

Ang mga nasa kahon ay ibat-ibang uri ng laro para sa iyong anak o alaga. Piliin
ang tamang laro na inilalarawan sa ibaba. Isulat ang titik bilang sagot.
A. Print Corner o Sulok ng mga Salita
B. Ikwento ang Aklat
C. Ikwento ang Karanasan
D. Pagkilala sa Aksyon o Bahagi ng Katawan
E. Ang Supot na Bato
F. Ang sabi ni Lola

_____ 1. Ito ang pagkukwento ng bata sa larawang nakikita sa aklat.


_____ 2. Ito ay ang pagpakilala sa mga aksyon ng nakikita sa paligid o ng
mga magulang/tagapag-alaga sa bata ang pagkilala niya nito o ang mga
bahagi ng katawan.
_____ 3. Ito ay ang pangongolekta ng mga bato sa paligid ng bahay ng 20
segundo. Ipabilang sa bata ang laman ng supot ng isa-isa.
_____ 4. Ito ay ang pagsunod sa panuto na sasabihin ni Lola.
_____ 5. Ito ay mga mga bagay ng may mga salita na mahahanap sa bahay o
paligid na ipinagdikitdikit
7
Ipaliwanag:
1. Ano-ano ang mga benipisyong pisikal at mental na nahuhubog sa
kabataan sa mga larong itinampok?
__________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 2: “Ang Aking Nakaraan sa Masayang Pagkatoto”

Panuto: Ano nga ba ang mga naalala mo noong ikaw ay bata at nag-aaral pa?
Tingnan ang mga larawan ng klasrum sa ibaba. Ano-anong ang mga magagandang
karanasan mo sa pagkatoto ang naalala mo? Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Tanong:

1. Ano-anong mga gawain sa klasrum ang nagpapasaya sa iyo noon? Bakit?


________________________________________________________________________ 2.
Ano-anong magagandang katangian ang nahubog sa pakikipaglaro mo sa loob
ng klase?
________________________________________________________________________ 3. Sa
pakikipaglaro mo noon, paano ba nalinang ang pagiging isports ?
__________________________________________________________________

Tayahin

A. Tama O Mali:
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ukol sa paglalaro ay nagsasad ng
wastong kaisipan at Mali naman kung hindi.

__________ 1. Ang paglalaro at pag- aaral ay static.


__________ 2. Nagiging malikhain ang bata sa paglalaro.
__________ 3. Maaring magkaroon ng kabiguan sa paglalaro.
__________ 4. Ang paglalaro ay interactive.
__________ 5. Hindi kasanayang sosyal ang paglalaro.
__________ 6. Matututunan lamang ang sportsmanship sa
aklat. __________ 7. Makukuha lamang sa paglalaro ang
kasiyahan.
__________ 8. Naglalaro ang mga bata upang palaging manalo.
__________ 9. May nananalo at natatalo sa laro
__________ 10. Nagagamit ng bata ang kanyang imahinasyon sa
paglalaro.

8
B. Punan Mo!

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at punan ng tamang


salita ang patlang.

1. Sa pamamagitan ng paglalaro ang mga bata ay makakagawa ng


______________________ sa mga bagay na nasa paligid nila.
2. Maaaring magkaroon ng kabiguan o pagkatalo sa paglalaro, ngunit ang
pangkalahatang pakiramdam na hatid ng paglalaro ay ________________. 3. Sa
paglalaro, ang mga bata ay nagkakaroon ng pag unlad ng _____________________
at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
4. Naglalaro ang mga bata upang magsanay ng mga __________________. 5. Sa
pamamagitan ng pakikipaglaro, matututunan ng inyong anak o alaga kung
paano ____________________ sa kapwa.

C. “Name That Game”


Panuto: Kilalanin ang sumusunod na laro. Isulat sa kahon ang iyong

sagot 1.

2.

3
Ipaliwanag:

1. Ano-ano ang mga benipisyong pisikal at mental na nahuhubog sa


kabataan sa mga larong itinampok?
___________________________________________________________________
9
Susi Pagwawasto A 5. Rope
ng F 4. Jumpimg 3.
E 3. Patintero 2. Tinik
10. Tama D 2. - Luksong 1. Game”
9. Tama C 1. “Name that Tayahin
8. Tama Mo! C.
7. Tama Tukuyin Laro Ko,
6. Tama Gawain 1:
5. Mali
4. Tama usap
3. Mali - 5. makikipag
ama 10. T Mali 9. kasanayan 4.
2. Tama Mali 8. Mali 7. Mali kaisipan 3.
1. Tama 6. 5. Mali 4. Tama
(Pretest) Kasiyahan 2.
Tama 3. 2. Tama
Subukin Kahulugan 1. Punan
Mali 1. A.
Mo!
Tayahin Tayahin B.
10
Sanggunian

https://www.slideshare.net/maxsurfer/modyul-2-sub-modyul-22-paksa-
1- sesyon-1-4-popcom-input

https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2013/03/raising
resilient-children?lang=tgl

https://ohns.ucsf.edu/sites/ohns.ucsf.edu/files/
12_things_booklet_tagalog .pdf

https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/tungkulin-ng-bawat-miyembro
ng-pamilya

https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel
principles/chapter-37-family-responsibilities?lang=tgl

11
PAHATID LIHAM
Ang modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa ng mga magulang sa bilang kabahagi ng paaralan sa pagkatoto
ng kanilang mga anak. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin sa
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga magulang sa bilang tagapagdaloy ng proseso
ng pagkatoo. Ito ay Bersyong 1.0. Hinihimok namin ang mga magulang o sinumang
gumamit ng modyul na ito na magbigay ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon upang mapaunlad ang modyul na ito. Para sa mga katanungan o
puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill,
City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

12

You might also like