You are on page 1of 4

Department of Education

Region VIII
Division of Maasin City
Maasin I District
MAASIN CENTRAL SCHOOL

DAILY LESSON LOG


Grade 5
Learning Area: Filipino Quarter 3 Week 9
Date: MARCH 18, 2024
I. Objective: Nasasabi kung ano ang simuno at panaguri sa pangungusap.
F5WG-IIIi-j-8
II. Content/Materials: Simuno at Panaguri sa Pangungusap

Power-Point Presentation, Laptop, at TV.


Value Integration: EQUALITY
III. Procedure:
A. Drill Tingnan ang mga larawan at magbigay ng pangungusap tungkol
dito.

Review Tukuyin kung ang pares ng salita ay magkasingkahulugan o


magkasalungat.
1. malinis-marumi
2. madilim-maliwanag
3. agahan-almusal
4. matamis-maanghang
5. mataas-matangkad
6. mahal-mura
7. tahimik-maingay
8. tuwa-ligaya
9. mainit-malamig
10. maliit-munti
B. Motivation

 Ano ang meron sa larawan na ito?


C. Presentation Ngayong hapon, tatalakayin natin ang Simuno at Panaguri sa
Pangungusap.

Bayan ng Laro: Pagkakapantay-Pantay at Pagkakaibigan

Sa isang maliit na bayan na puno ng kasiyahan at


pagkakaibigan, mayroong isang lugar na tinatawag na Bayan ng
Laro. Dito, lahat ng mga bata ay malaya at masaya, sapagkat
ang bawat isa ay tinatrato nang pantay-pantay. Si Juan, isang
batang matalino at masigla, ay laging naglalaro ng sipa kasama
ang kanyang mga kaibigan. Sa Bayan ng Laro, walang
kinikilalang mga "popular" o "mahina" sa mga larong ito. Ang
lahat ay mayroong pagkakataon na magpakita ng kanilang
galing at kasanayan.

Isang araw, may bagong batang lumipat sa kanilang bayan. Siya


ay si Miguel, isang batang mahiyain at tahimik. Sa simula, hindi
siya gaanong komportable sa pakikisalamuha sa ibang bata.
Ngunit sa Bayan ng Laro, si Miguel ay natutunan na maging
mas kumpyansa sa kanyang sarili. Sa kanyang unang araw, si
Miguel ay nahirapan sa paglalaro ng sipa. Ngunit sa halip na
tawanan o biruin siya ng kanyang mga kasama, sila ay
nagtulungan upang turuan siya at pasayahin si Miguel sa larong
ito. Walang bullying, walang panglalait, lahat ay nagtutulungan.

Sa pamamagitan ng pagtanggap at paggalang ng bawat isa, si


Miguel ay naging masaya at komportable na sa kanyang
bagong kapaligiran. Hindi lamang siya tinanggap, kundi itinuring
na isa sa kanila. Ang Bayan ng Laro ay naging isang patunay na
ang pagkakapantay-pantay at respeto sa bawat isa ay
nagbubunga ng tunay na kasiyahan at pagkakaibigan.

D. Discussion Modelling:
Sagutan ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang
kwento:
 Sinu-sino ang mga karakter sa kwento?
 Ano ang pangalan ng bayan kung saan naganap ang
kwento?
 Paano ipinakita ng Bayan ng Laro ang konsepto ng
"pagkakapantay-pantay" sa mga bata?
 Paano naging malaking tulong sa kwento ang walang
bullying o panglalait sa bawat isa?
 Ano ang pinakamahalagang aral o value na mapupulot ng
mga bata mula sa kwento ng "Bayan ng Laro:
Pagkakapantay-Pantay at Pagkakaibigan"?
Ang pinakamahalagang aral na mapupulot ng mga bata
mula sa kwento ay ang kahalagahan ng pagkapantay-
pantay, pagtutulungan, at pagtanggap sa bawat isa para
sa tunay na kasiyahan at pagkakaibigan.
 Ang pangungusap ay isang grupo ng mga salita na
nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan. Ito ay binubuo
ng dalawang bahagi: simuno at panaguri.
 Ang simuno ay ang paksa o pinag-uusapan sa
pangungusap. Maaari ito ay ngalan ng pook, tao,
pangyayari, hayop, at iba pa.
 Ang panaguri ay ang nagsasabi o naglalarawan ng
tungkol sa simuno o paksa.
Hal.
1. Napakasarap ang mangga na aking nabili sa palengke.
2. Sa tabing-dagat kami naglalaro tuwing hapon.
3. Si Nanay ay aalis ng bahay mamaya.
4. Si Anne ay maganda.
5. Si Tatay ay kapitan ng aming barangay.

E. Developing Mastery Guided Practice:


Basahin ng mabuti. Tukuyin kung ano ang simuno at panaguri
sa bawat pangungusap.

1. Maraming bata sa palaruan.


2. Si Pam at KC ay matalik na magkaibigan.
3. Malinis ang bakuran nina Juan at Maria.
4. Si Denis ay nagtatanim ng halaman.
5. Kulay pula ang puso.
6. Madulas ang daan.
7. Pumasok nang maaga si Lesther.
8. Dumalo sa pulong ang Kapitan ng barangay.
9. Ang bangka ay may makulay na pintura.
10. Si Taylor Swift ay isang sikat na mang-aawit.

F. Application Group Activity:


 Paghatiin ang mga mag-aaral sa lima ka-grupo, bawat
grupo ay magbibigay ng 3 pangungusap na may simuno
at panaguri.
 Bibigyan ng kinakailangang mga materyales ang bawat
grupo para sa aktibidad.
 Matapos sagutan, ipapakita ng bawat grupo ang kanilang
mga sagot sa harap ng klase.
G. Generalization  Ano ang kahalagahan ng simuno at panaguri sa isang
pangungusap?
 Paano matukoy ang simuno at panaguri sa
pangungusap?
IV. Evaluation Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang simuno at ikahon
ang panaguri.

1. Ang bata ay naglalaro ng bola.


2. Bumili ng sapatos si Aling Nena.
3. Ang mansanas ay nakapatong sa lamesa.
4. Nagsusulat sa pisara si Bb. Valdez
5. Si Anton ay kumakanta.
V. Assignment Bumuo ng pangungusap na may simuno at panaguri batay sa
ibinigay na larawan. Bilugan ang simuno at ikahon ang
panaguri. Isulat ang sagot sa Filipino Notebook.

______________________ __________________________

__________________________________

Prepared by: Checked:


SHAINA MAE A. RODAS JUBILYN S. PIA
Student Intern Teacher III

You might also like