You are on page 1of 3

Ang Kwento ng Batang Lalaki

by aeieuie

Sa murang edad ay normal na sa mga kabataan ang maglaro at kahit pa nga


tumuntong na ng pagkabinata/pagkadalaga ay may mga kabataan pa rin ang siyang
hilig sa paglalaro dahilan sa ito ay nakasanayan at kinalakihan. Ngunit, ibahin ang isang
batang lalaki na hindi kailanman kinahiligan ang paglalaro hindi naman ito naging
hadlang upang mawalan ng mga kaibigan sapagkat naiintindihan naman nila ito at
nirerespeto ang desisyon na ayaw niyang makipaglaro. Napansin ito ng mga kaguruan
ngunit isinawalang bahala sapagkat iniisip nila na maaring puro pag-aaral lamang ang
nasa isip nito at wala lang talagang hilig sa paglalaro.

Maagap itong pumapasok sa eskwelahan kaya naman may oras siya upang
tulungan ang hardinero na magtabas ng mga damo o ayusin ang halamanan sa hardin,
sa oras naman ng recess ay abala ito sa paglilinis ng kanilang silid – aralan o kaya
naman ay sa pagbabasa at kapag uwian na ay siyang laging pagmamadali nito.

Isang normal na araw sa karamihan ngunit hindi para sa isang batang lalaki, huli
na itong pumasok ng eskwelahan, walang kagana gana, tahimik at tulala. Uwian nang
mapansin ng isang guro ang batang lalaki na nag-iisang naka-upo sa may hardin at
nakatitig lamang sa mga kaklase na masayang naglalaro sakanyang harapan. Nilapitan
niya ito at umupo sa kanyang tabi, hindi man lang siya nilingon ng bata kung kaya’t
nagsalita na siya.

Tinanong niya ang batang lalaki kung bakit ayaw niyang makipaglaro sa ibang
mga bata ngunit ito ay nanatiling walang imik at hindi siya nililingon. Sinubukan niya
pang magtanong ulit ngunit tahimik pa rin ito at tila ba ay may iniisip. Nanahimik na lang
din ang guro at hinayaan ang kagustuhan ng bata, aalis na sana siya ngunit bigla
naman itong nagsalita.
“May karapatan pa po ba akong magsaya at makipaglaro sakanila?” biglang
tanong ng batang lalaki at siyang paglingon din sakanya

Nagulat ang guro sa ipinapakita nitong emosyon, ang hina ng boses at mugto ng
kanyang mga mata na para bang isinisigaw ang lahat ng pinagdaanan kahit na sa
murang edad pa lamang.

“Oo naman, lahat tayo ay may karapatan na maging masaya kahit na pa saglit
lang. Bakit mo naitanong yan?” ngunit iling lamang ang natanggap ng guro mula sa
bata at muli na itong bumaling sa mga kaklaseng nagsasaya at hindi pa alam ang
salitang ‘problema’.

“Mapalad ang mga batang nasa harapan natin ngayon, masaya lang at walang
iniindang sakit o problema sa buhay. Hindi nila kailangan gumising ng maagap upang
maghanap nang makakain sapagkat pagkagising nila ay may nakahanda nang pagkain
sa mesa, wala pang muwang sa mga gawaing bahay sapagkat nariyan ang pamilya nila
upang gawin iyon. Sa ngayon, ang ganap lamang nila ay walang sawa sa paglalaro at
magpakasaya.”

“Iniwan na kami ng tatay ko, at sumama sa ibang babae.” Panimula ng bata,


“Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay, may sakit pa ang aming inay kung
kaya’t bilang kapanganayan kailangan kong tumulong para sa aming pamilya. Mula sa
mga gawaing bahay, paghahanap nang makakain, at pag-aalaga sa mga kapatid.
Pinag-aaral ako ng ating punongguro na siyang kapitbahay namin at alam kung ano
ang kinalalagyan namin. Maaga akong umaalis sa amin na may nakahanda nang
pagkain para sa mga kapatid at ina na nanggaling lamang sa bukiran na siyang inaani
namin upang may makain. Tumutulong ako sa ating hardinero upang kumita kahit pa
pakonti konting pera. At sa hapon ay nagmamadali akong umuwi upang humanap ng
makakain sa murang halaga lamang na mula sa tulong ng ating hardinero, sapagkat
alam kong magugutom na ang aking mga kapatid at inay. At kung papalarin, kapag
sumobra ay makabili ng gamot ng aming inay kahit isa lang.” Napatulala ang guro sa
napakinggan at may biglang naalala

“Kung ganun, ano pang ginagawa mo rito ngayon? Hindi ka ba magmamadaling


umuwi?” napahinga na lamang ng malalim ang bata at umiling

“Namatay na ang aming inay habang ang mga kapatid ko naman ay isa isa nang
kinuha ng mga kamag-anak namin, at naiwan akong nag-iisa sa munting kubo namin na
siyang nagpapaalala na minsan ay may isang pamilya ang nabuo at nanirahan doon.”,
“Sa lahat ng nangyayari, may karapatan pa po ba akong maging masaya? O
magpakasaya? Ang paglalaro ay isa lamang panakip butas para sa mga sugat at sakit
na dumadaan sa buhay ng bawat tao upang kahit sandali ay maranasan natin ang
maging masaya. Ngunit, aanhin ko ang paglalaro kung marami pa akong kailangan
gawin at hangarin sa buhay. Kailangan kong mamulat sa katotohanan na hindi sa lahat
oras ay pagsasaya ang kailangan upang mabuhay bagkus harapin ang lahat ng hamon
na nakalaan at hanapin ang halaga ng bawat araw na nagdaan at pahalagahan ang
sariling buhay.” Tumayo na ang bata at nagpaalam na sa guro, “Mauna na po ako,
maraming salamat sa pakikinig ngunit bibisita pa ako sa aking ina. Paalam po.” At
naiwan namang tulala ang guro sa kwento ng batang lalaki.

You might also like